You are on page 1of 25

Kahalagahan ng Filipino bilang

DISIPLINA at WIKA NG
EDUKASYON at
KOMUNIKASYON sa
PILIPINAS

GROUP 2:
P I N U N O N G TA G A PA M A H A L A : D O N P E R F E C TO I I “ D A P O Y D A B O Y ” E D R A D
TALAAN NG NILALAMAN
I. Introduksyon

II. Ang filipino ay disiplina asignatura bukod na larangan na pag aaral at hindi simpleng
wikang panturo laman.

III. Para maging epektibong wikang panturo ang Filipino , kailangang ituro at linangin din
ito bilang asignatura.

IV. Sa ibang bansa may espasyo rin sa kurikulum ang sariling wika bilang asignatura bukod
pa sa wikang panturo nito.
TALAAN NG NILALAMAN
V. Pinag-aaralan din sa ibang bansa ang filipino - at may potensiyal itong maging isang
nangungunang wikang global kaya lalong dapat itong pag aralan sa pinas.

VI. Filipino ang wika ng mayorya, ng midya at ng mga kilusang panlipunan ang wika sa
demokratiko at mapagpalayang domeyn na mahalaga sa pagbabagong panlipunan.

VII. Multilinggwalismo ang kasanayang akma sa siglo 21.

VIII. Hindi pinaunlad, hindi napaunlad at hindi mapapaunlad ng pagsandig sa wikang


dayuhan ang eknomiya ng bansa.
INTRODUKSYON
 Ang wikang Filipino ay ginagamit na rin na bilang lunan ng diskurso sa iba't ibang
larangan. Pinatunayan na ito ng iba't ibang iskolar nang gamitin nila ang Filipino bilang
wika ng Edukasyon at Komunikasyon pasalita man o pasulat gaya nina:

 Dr. Virgilio Enriquez (Sikolohiya)


 Dr. Emerita Quito (Pilosopiya)
 Padre Roque Ferriols (Pilosopiya)
 Tereso Tulla Jr. (Ekonomiks)
 Dr. Fortunato Sevilla (Syensya)
INTRODUKSYON
 Sa kasaysayan, matatandaang taong 1968-1969. nang simulang gamitin ang wikang
Filipino bilang wikang panturo sa Unibersidad ng Pilipinas-Diliman.
 Nagsimula ito bilang eksperimento sa kolehiyo ng Sining at Agham na kinabibilangan
ng Departamento ng Pilosopiya, Sosyolohiya, at Kasaysayan. Bunga ng ganitong
eksperimentasyon, napatunayan na higit na nakauunawa ang mga mag-aaral ng kanilang
mga pinag-aralan, ito man ay madali o malalim na konsepto.
 Sa Pamantasang De La Salle-Maynila, pinangunahan ni Dr. Emerita S. Quito ang
pagsasa-Filipino ng pagtuturo ng Pilosopiya.
INTRODUKSYON
 Sa kabilang banda, pinangunahan naman ni Fr. Roque Ferriols, S.J. ang paggamit ng Filipino sa
pagtuturo ng Pilosopiya sa Pamantasang Ateneo de Manila noong 1969.

 Lumabas naman pag-aaral ni Acuna (1987; sa Constantino, 1996) na mas nagiging malikhain at
tumutulong sa kognitibong pag-unlad ng bata sa paggamit ng kanyang katutubong wika sa pag-aaral
kaysa sa banyagang wika. Anila, sa pamamagitan ng katutubong wika ay mas mag-iisip, mas titingin at
mas magsusuri sa kaniyang kapaligiran at hindi mahihiyang magtanong ang mga bata (Constantino,
1996).
INTRODUKSYON
Subalit sa kabila ng ganitong tugatog na narating ng Filipino ay tila nagbubulagbulagan pa rin ang
karamihan sa kahalagahan ng wikang ito bilang wika ng karunungan at komunikasyon. Marami pa rin,
partikular na ang mga nasa akademya ang tila hindi kumbinsido sa kakayahan ng wikang ito sapagkat
tila nabubulag sila sa ningning na dala ng kolonyal na edukasyon kaysa sa liwanag na yakap yakap ng
makabayan at anti-kolonyal na karunungan.

Sa katunayan, ayon kay Renato Constantino (1996), marami sa ating mga kababayan ang nagmamalaki
na sila ay kabilang sa intelihenteng sektor. Ipinagmamalaki pa ng ilan sa mga ito ang kanilang pagiging
intelektwal. karunungan.
INTRODUKSYON
 Tahas namang inilahad ni Virgilio Almario, Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan at kasalukuyang
Punong Komisyoner ng Komisyon sa Wikang Filipino na hindi totoong walang kakayahan ang wikang Filipino
na maging wika ng karunungan bilang wika sa Siyensiya.

"Pakulo lamang ito ng mga maka Ingles at may baluktot na paniniwala na hindi tayo uunlad dahil hindi tayo
marunong ng Ingles." Kung nagagamit ang Filipino sa ibang seryosong usapan, bakit hindi ito magamit sa
agham at teknolohiya.

Walang imperyor o superyor na wika sapagkat bawat wika ay may sistema upang tupdin ang pangangailangan
ng gumagamit nito at upang umunlad kung nagbabago rin ang buhay at interes ng gumagamit nito.
INTRODUKSYON
Walang dudang may mataas nang kakayahan ang Filipino para sa gamit na siyentipiko at teknikal.

Kaugnay nito, naririto ang ilang mahahalagang argumento kung bakit dapat manatili ang Filipino bilang
wika ng edukasyon at asignatura sa kolehiyo at sa Convenor ng Tanggol Wika at propesor sa
Departamento ng Filipino ng Pamantasang De La Salle-Manilamas mataas na antas batay sa
sanaysay/pananaw ni Dr. David Michael M. San Juan (2018),.

Makikita ang buong argumento ni Dr. San Juan sa sanaysay na pinamagatang Alyansa ng Mga
Tagapagtanggol ng Wikang Filipino/ TANGGOL WIKA: Internal na Kwento, Mga Susing Argumento at
Dokumento (2014-2017):
Ang filipino ay disiplina asignatura bukod na larangan na pag
aaral at hindi simpleng wikang panturo laman.

 Taliwas sa buladas ng CHED & iba pa nilang katanggol Wika,


hindi simpleng wikang panturo lamang ang Filipino Disiplina,
asignatura, bukod ng larangan ito ng pag-aaral katunayan.
Para maging epektibong wikang panturo ang Filipino ,
kailangang ituro at linangin din ito bilang asignatura.

 Ang pagkakaroon ng Filipino sa kolehiyo ay pagtupad sa Artikulo XIV,

Seksyon 6 ng Konstitusyong 1987.

 Hindi maisasakatuparan ang ganitong atas ng Konstitusyon kung walang


asignaturang Filipino sa lahat ng antas ng edukasyon.
Para maging epektibong wikang panturo ang Filipino ,
kailangang ituro at linangin din ito bilang asignatura.

 Sa sitwasyong English ang default language ng CHEd at ng mga administrador ng


marami-raming unibersidad, malinaw na ang pagbura sa Filipina sa kolehiyo ay
hakbang paurong sapagkat babawasan pa nito ang oportunidad para sa
intelektwalisasyon ng Filipino.

"Ang pagpaslang sa wikang sarili ay pagbura rin sa pagkatao


mismo ng mga mamamayan."
Para maging epektibong wikang panturo ang Filipino ,
kailangang ituro at linangin din ito bilang asignatura.

 Hindi sapat bilang midyum ng alastasan, kundi isang wika


na salalayan sa Iba't ibang diskursong pang-akademiko
panlipunan.
Sa ibang bansa may espasyo rin sa kurikulum ang sariling wika bilang
asignatura, bukod pa sa wikang panturo nito.

 Halimbawa sa mga unibersidad na ito ay required course and ingles:


Princeton University, Illinois State University, California
State University, Columbia University of Alabama.
Duke University, wale University, Harvard University
Stanford University, North Carolina State University
Washington State University of Wisconsin-Madison
State University of New York University of Michigan, university of Vermont
California State Polytechnic University of Kentucky at University of Arizon
University of Oregon at University of Texas
Sa ibang bansa may espasyo rin sa kurikulum ang sariling wika bilang
asignatura, bukod pa sa wikang panturo nito.

 Samantala, sa Chulalongkor University sa Thailand, bahagi rin ng required subject sa General


Education program ang wikang Thai (Chulalongkorn University, 2006).

Required subject din sa Malaysia ang Bahasa Melayu gaye ng pinatutunayan ng requirements for
graduation sa University Sains Malaysia (2017). University Kebangsaan Malaysia (2017), at University
Tenaga Nasional (2016).

Required subject naman ang Bahasa Indonesia sa mga unibersidad gaya ng Universitas Gadjah Mada
(2017) at Institut Teknologi Bandung (2017).
PINAG AARALAN DIN SA IBANG BANSA ANG FILIPINO - AT MAY POTENSIYAL
ITONG MAGING ISANG NANGUNGUNANG WIKANG GLOBAL KAYA LALONG
DAPAT ITONG PAG ARALAN SA PINAS

 Itinuturo ang Filipino at/o Panitikan at/o Araling Pilipinas sa 46 na unibersidad sa


ibang bansa gaya ng Estados Unidos, Australia, Switzerland, France, Russia, China,
Japan, Canada, Malaysia, at Brunei, bukod pa sa mahigit 40 Philippine Schaals
Overseas (PSOs)

 Pawang hayskul sa Bahrain, China, East Timor, Greece, Kuwait, Libya, Oman, Qatar,
Kingdom of Saudi Arabia, at United Arab Emirates (San Juan, 2015).
PINAG AARALAN DIN SA IBANG BANSA ANG FILIPINO - AT MAY POTENSIYAL
ITONG MAGING ISANG NANGUNGUNANG WIKANG GLOBAL KAYA LALONG
DAPAT ITONG PAG ARALAN SA PINAS

 Ayon sa updated na ulat ng Commission on Filipinos Overseas/CFO (2014). 41 na ang


PSOs. May 10,238,614 Pilipinong nasa ibayong dagat (CFO, 2013) na kundi man
laging gumagamit ng Filipino ay nananatiling may malakas na koneksyong
pangkultura, pampamilya, at pangkomunidad sa Pilipinas.

 Sa Estados Unidos, pangatlong pinakaginagamit na wikang 'di Ingles sa tahanan ang


Tagalog na may 1.7 milyong nagsasalita, kumpara sa Chinese na may 3.4 milyon at
Sparish ramay 40.5 milyon Waddington 2016)
FILIPINO ANG WIKA NG MAYORYA, NG MIDYA, AT NG MGA KILUSANG
PANLIPUNAN ANG WIKA SA DEMOKRATIKO AT MAPAGPALAYANG
DOMEYN NA MAHALAGA SA PAGBABAGONG PANLIPUNAN.

 Lupang minuno, depensahan, depensahan, Ipaglaban wika at bayan, Ipaglaban!


Makabayang edukasyon, isulong Edukasyon, karapatan ng mamamayan, ipaglaban
Edukasyon, hindi gera libro, hindi baiol, Makibaka, wag matakot: Trabaho sa Pinas,
hindi sa labas Itaas ang sahod.

 750 pesos across the board, nationwide: Tunay na reporma sa lupa Ipaglaban.
Asyenda, uwagin: oligarkiya, lansagin Itigil ang pamamaslang: katarungan ipaglaban
Lupa, sahod, trabaho pabahay edukasyon at karapatan, paglaban! at marami pang iba.
FILIPINO ANG WIKA NG MAYORYA, NG MIDYA, AT NG MGA KILUSANG
PANLIPUNAN ANG WIKA SA DEMOKRATIKO AT MAPAGPALAYANG
DOMEYN NA MAHALAGA SA PAGBABAGONG PANLIPUNAN.

 Samakatuwid, Filipino ang wika sa mga tatawagin kong demokratiko at


mapagpalayang domeyn

 Ang larangan ng publikong diskurso ng ordinaryong talastasan ng mga mamamayan


ang pakikipagkomunikasyon ng Pilipino sa kapwa Pilipino ang paghahapag ng hinaing
at pagpapahayag ng matapat at makabuluhang opinyon, ang diskursong kontragahum,
kontra-ayos at kontra-establisimyento, ang diskurso ng pagbabagong panlipunan versus
English na dominanteng wika pa rin sa Pilipinas sa domeyn ng kapangyarihan.
Multilinggwalismo ang kasanayang akma sa siglo 21

 Ang multilinggwalismo, o ang kakayahang gamitin ang higit sa isang wika, ay isang mahalagang
kasanayan sa ika-21 siglo. Sa panahon ng globalisasyon, hindi maaaring magpakalunod sa
monolinggwalismong English ang mga Pilipino. Ang Europa ay isang halimbawa ng matagumpay na
multilinggwal na rehiyon dahil sa suporta ng European Union.

Ang mga bansa sa Asya, kasama na ang Pilipinas, ay nagsisimula na rin mag-aral ng English at iba pang
dayuhang wika habang hindi binibitiwan ang pagpapalakas ng kani-kanilang sariling wika. Ang labis na
pagsandig sa English ay maaaring magdulot ng negatibong epekto sa kakayahang magbasa at magtuklas
ng kaalaman sa iba pang mga wika.
Multilinggwalismo ang kasanayang akma sa siglo 21

 Ang pagpaslang sa sariling wika sa kurikulum ay nagbabawas sa oportunidad ng mga Pilipino na


maging epektibong multilinggwal. Ang banta na alisin ang Filipino sa akademikong konteksto ay
magdudulot ng ibayong pagsasalaylayan o marhinalisasyon ng mga wika at kulturang panrehiyon.

Sa kabilang banda, ang Departamento ng Filipino at Ibang mga Wika ng MSU-IT ay naninindigang
napakahalagang paigtingin pa ang paggamit at pag-aaral ng Filipino sa kolehiyo. Ito ay dahil sa
paniniwala na ang Filipino ay naglalaro ng malaking papel sa paghahanap ng sariling identidad at
pagkakakilanlan ng mga Pilipino.
Multilinggwalismo ang kasanayang akma sa siglo 21

 Sa huli, ang pagkakaroon ng asignaturang Filipino na may interdisiplinaryong disenyo


ay makakatulong na mapahusay ang kasanayan ng mga estudyante sa paggamit ng
Filipino at mas mapalalalim ang kanilang unawa sa samu't saring isyung pangrehiyon
at pambansa. Ito rin ang magpapatalas sa kanila upang ang Unibersidad ay magkaroon
ng tunay na nasyonalistang karakter.
HINDI PINAUNLAD, HINDI NAPAUNLAD AT HINDI MAPAPAUNLAD
NG PAGSANDIG SA WIKANG DAYUHAN ANG EKONOMYA NG BANSA

 Kailangan ang wikang Ingles upang makaakit ang


dayuhang puhunan o "foreign investment" sa Pilipinas.
HINDI PINAUNLAD, HINDI NAPAUNLAD AT HINDI MAPAPAUNLAD
NG PAGSANDIG SA WIKANG DAYUHAN ANG EKONOMYA NG BANSA

 "Ang wikang sarili ang pinakamabisang tulay sa

pag-aaral ng sariling wika.“


HINDI PINAUNLAD, HINDI NAPAUNLAD AT HINDI MAPAPAUNLAD
NG PAGSANDIG SA WIKANG DAYUHAN ANG EKONOMYA NG BANSA

Ang banta na alisin ang Filipino sa akademikong


konteksto ay magdudulot ng marhinalisasyon.

You might also like