Professional Documents
Culture Documents
Mga Sitwasyong
Pangwika sa Pilipinas
Ang Wikang Filipino sa
Panahon ng
Internasyonalisasyon at
Globalisasyon
Sa pagpasok ng ika-21 siglo, naging maugong na usapin ang
bagong anyo ng globalisasyon at epekto nito sa mga
institusyong Pambansa at local. Kaugnay nito, higit pang
tumitingkad ang pamamalagay sa kaunlarang hatid ng
wikang ingles bilang pandaigdigang lingua
franca at kung gayon, pangunahing wika ng
internasyonalisasyon at globalisasyon.
Dahil dito nabuo ang Atas Tagapagtanggap Blg.
210, s. 2013 ng Dating Pangulong Gloria
Macapagal-Arroyo na nagtatakda ng patakaran sa
pagpapalakas sa wikang Ingles bilang midyum ng
pagtuturo sa sistema ng edukasyon sa bansa ----sa
huli hindi ito naipatupad dahil sa maraming
pagtutol.
Nasaan ang wikang filipino sa
panahon ng internasyonalisasyon at
globalisasyon partikular sa
konteksto ng edukasyon?
Sa anong sitwasyon ng ating buhay
nagagamit ang wikang ito?
Ang Wikang Filipino sa
Lipunang Pilipino
Ayon kay Lumbera (2000), “Ang usapin ng wikang
Pambansa ay usaping kinasasangkutan ng buhay ng
milyon-milyong Pilipino na hindi nakapagsasatinig ng
kanilang mga adhikain at pananaw sa kadahilanang
ang nasa pamahalaan, paaralan, at iba-ibang
institusyong panlipunan ay sa Ingles nagpapanukala at
nagpapaliwanag.”
Sa ganitong posisyon, mababakas ang
mahalagang papel ng wikang Filipino, hindi
lamang bilang kasangkapan sa
pakikipagtalastasan kundi lalo’t higit, bilang
instrumento sa demokratisasyon ng lipunang
Pilipino, sa pagkakamit ng mga batayang
karapatan at pangangailangan.
Nagsisilbi itong behikulo sa pagpapahayag ng
mithiin at pagkakaisa ng mga mamamayan na
humahamon sa malawakang inhustisya dulot ng
sosyo-ekonomikong agawat na pinalalala pa ng
panlipunang diskriminasyon dahil sa gahum ng
Ingles.
Sa paggamit ng Filipino, naisasakatuparan ang
tunguhin ng isang Filipino at demokratikong
lipunan. Laganap ang paggamit nito sa buong
bansa na nagbubusod upang maging tulay ito ng
komunikasyon ng mga mamamayang may iba’t-
ibang wikang sinasalita.
Sa katunayan, ayon sa pambansang senso, noon
pang 2000, tinatayang may 85.53% o 65 milyong
Pilipino na mula sa 76 milyon ng kabuuang
populasyon ng Pilipinas ang may kakayahang
gumamit ng wikang Filipino.
Isang malinaw na behikulo sa paglaganap ng
wikang Filipino ang popular na paggamit dito ng
midya gaya sa telebisyon, radio,
pahayagan, at pelikula.
Sa kaso ng pahayagan, nananatiling wikang Ingles
ang gamit na wika sa broadsheet samatalang
Filipino ang sa tabloid.
Malaon na ring Filipino ang midyum ng mga
pelikulang nililikha ng malalalaking
kompanyang pampelikula, bagaman kapansin-
pansin ang madalas na paggamit ng Ingles na
pamagat sa kasalukuyan.
Sa pagpasok ng bagong teknolohiya, naging
espasyo sa paggamit ng Filipino ang
text/cellphone, Internet, at social media.
Tinagurian ang Pilipinas bilang “Text Capital
of the World” dahil sa malaking bolyum ng
palitan ng short message service (sms) sa
bansa.
Ang pag-iral na ito ay lumikha ng subkulturang
nagtataglay ng sariling lingo o paggamit ng
wika.
Matatandaang noong mga taong 2009-2010,
naging popular ang “jejemon” na “isang uri ng
wikang na dulot ng teknolohiyang cellphone at
ipinauso ng malikhaing kabataang nagtaglay
ditto sa kategoryang ideolek”,
hehe jeje mon
jejemon
JEJEMON
gumagamit ng iba pang karakter bukod sa mga
titik ng alpabeto habang pinaiikli o binabago
naman ang mga talagang salita upang
pagkasiyahin sa noon ay limitadong espasyong
160 karakter bawat text message.
HALIMBAWA NG JEJEMON
Morphling – “kabayo”
Earthshaker- “baka
Stone Giant – “Bondying”
Faceless Void - “Boy Budoy”
Samantala, naging lunsaran naman ang social
media ng popularidad ng mga pick-up line at
hugot line na karaniwang nasa Filipino o Taglish.
HALIMBAWA NG PICK-UP LINE:
Note:
I a-upload ko sainyong course page ang
halimbawa ng iba’t-ibang entri/nilalaman
ng mga nabuong glosari.
Makikita rito ang paglago ng wikang Filipino na
sinsasalamin ng mga salitang partikular na
ginagamit sa mismong larangan. Bukod sa mga
salitang katutubo, kapansin-pansin ang naging
ambag ng mga wikang banyag, gaya ng mga
salita mulas sa Espanyol, Pranses, at Ingles.
Patunay lamang ito ng pagiging dinamiko ng
wikang Filipino at ang papel ng mga wika sa
patuloy na pagpapaunlad dito.
Lunan ng Wikang Filipino
sa Global at Internasyonal
na Edukasyon
Ang limitadong pagtingin sa usapin ng global
education at internationalization of higher
education ay nagbunsod ng pananaw sa
dominating papel ng wikang Ingles sa akademya.
Sa ganang ito, mahalagang linawin muna ang
dalawang konsepto upang matukoy ang epekto
nito sa sitwasyon ng wikang Filipino.
Global Education
Nakatuon sa marketing ng mga programang
internasyonal, komersiyalisasyon at
korporatisasyon, at bentahe sa negosyo.
Internationalization of Higher Education
Nagbibigay-pansin sa estadong internasyonal ng
mga kolehiyo at unibersidad na may kinalaman
sa akwisisyon ng kaalaman at paglinang ng
kurikulum.
Sinasabing ang isang akademikong institutsyon
ay maituturing na may estadong internasyonal
kung marami itong banyagang mag-aaral,
banyagang bisitang propesor, at programang
internasyonal.
Nagiging kaagapay ng internasyonalisasyon ng
unibersidad ang global na edukasyon sa aspekto
ng paglalabas-masok ng mga banyagang mag-
aaral at kaguruan (student –faculty mobility) o
(exchange student/faculty)
Konkretong naisasakatuparan ito sa
pamamagitan ng pagkakaroon ng mga
kasunduan at partnership sa pagitan ng mga
unibersidad.
Nagiging pagkakataon ang ganitong mga
programa para maipakilala ang kani-kanilang
wika, kultura, at kasaysayan. Itinutulak nito ang
pagtingin na nag dibersidad sa wika at kultura
ay magpapayaman sa kaalamn at karunungan ng
bawat mamamayan.
Sa kaso ng wikang Filipino, dumarami na ang
mga banyagang institusyong nagkakaloob ng
asignatura at programa sa ating pambansang
wika.
Narito ang ilan sa mga Unibersidad sa buong mundo itinuturo ang
wikang Filipino:
• Japan- Osaka University
• China – Beijing Foreign Studies University
• South Korea – Busan University of Foreign Studies
• Russia – Moscow State University of Foreign Studies
• France – Sorbonne University
• United States – University of Haiwaii, Universioty of
Michigan, University of California, Columbia University,
Cornell University, The University of Utah, The University
of Iowa.
Isa itong matibay na patunay sa layo na ng
narating ng ating wikang Pambansa, ang wikang
Filipino. Hindi lamang ito naging daan sa
pagpapakilala ng ating wika sa buong mundo
kundi maging ang pagkakaroon ng pagkataon na
maipakilala din sa mundo ang kultura ng lahing
Pilipino.
TANONG: