You are on page 1of 4

Ang kahalagahan ng Wikang Filipino sa ating bansa at sa ating mga Pilipino ay

hindi maipagkakaila. Ano nga ba ang kahalagahan ng Wikang Filipino? Ano nga ba
ang kahulugan ng Wikang Filipino? Tulad lang ba ito ng iba pang mga linguwahe sa
buong mundo?Ang wikang Filipino ang pambansang wika ng ating bansa. Eto ang
ginagamit lenguwahe na ginamit ng mga Pilipino sa pakikipagusap. Ang wikang
Filipino ay isang paraan ng komunikasyon upang magka-unawaan ang bawat isa. Ang
wikang Filipino ay isa rin sa mga sumisimbolo sa kultura nating mga Pilipino na kung
sino tayo at ano tayo. Ang wikang Filipino ay isa rin sa mga sumisimbolo sa kultura
nating mga Pilipino na kung sino tayo at ano tayo. Napaka halaga na magamit natin
ang ating wikang pambansa dahil bilang isang mamamayan sabansa nakapaluob sa
ating wikang pambansa ang sariling kulturang tinataglay na pag kikilanlan ng ating
sariling bayan, tungo sa pag-unlad ng ating pang-ekonomiya at katatagang politika.
Nangagahulugan rin ang bansa natin ay isang “Malayang Bansa”, dahil sa
pagkakaroon natin ng sariling pambansang wika.Ang wikang Filipino ay isa rin sa mga
sumisimbolo sa kultura nating mga Pilipino na kung sino tayo at ano tayo. Napaka
halaga na magamit natin ang ating wikang pambansa dahil bilang isang mamamayan
sa bansa nakapaluob sa ating wikang pambansa ang sariling kulturang tinataglay na
pag kikilanlan ng ating sariling bayan, tungo sa pag-unlad ng ating pang-ekonomiya.
Sa araw-araw na humaharap ang mga Filipino sa pagsubok na ito humaharap
din ang mga wika sa mabigat na isyung hatid ng pandemyang itó. Dahil dito, naging
mahalaga ang pagpapása at paghahatid ng mga impormasyon sa mamamayán.
Nagbigay-daan itó upang makita ang pangangailangang maibantayog ang bawat wika
bilang pagtugon sa ibat ibang kalamidad at pandemya.Ang pagsandig sa wikang
sinasalita ng isang pamayanan ay higit na epektibo hindi lámang sa paghahatid ng
impormasyon sa bawat mamamayán nitó kundi sa pag-aalis ng tákot o stigma dahil
nagagawang pag-usapan ang pandemya sa mga wikang komportable ang
mamamayán.Ang pagresolba sa pandemyang dinaranas ng buóng mundo ay hindi
lámang nakasalalay sa pagdiskubre ng “bakuna”—malaking papel ang ginagampanan
ng kamalayan o awareness ng bawat tao ukol sa virus na sa tamang impormasyon ay
magkakaroon ng kolektibong hakbang pára sa prebensiyon ng nakamamatay na
sakít.Wika ang tuláy sa paghahatid ng kamalayan sa sangkatauhan upang ang COVID-
19 ay mapigilan. Tinitingnan dito ang Filipino at mga katutubong wika sa bansa bílang
tagapamansag ng kolektibong paghahanap ng pag-asa sa gitna ng krisis o matinding
pangangailangan. Hindi nga ba’t sa pagpapaunawa sa mga Filipino, sa anumang
antas ng búhay, hinggil sa kinakaharap na sitwasyon, kadalasang napag-iiwanan ang
mga nása laylyan ng lipunan lalo’t banyaga ang wikang ginagamit sa pagpapaliwanag.
Taong 2019 ng magsimulang lumaganap ang sakit na Coronavirus o mas kilala
sa panahon ngayon na Covid-19. nagmula ito sa bansang china na kung saan ay
pumalo agad sa milyon ang apektado ng sakit ilang buwan pa lamang ang nakalipas.
Ang sakit na ito ay patuloy na lumaganap, dahilan narin ng pagpapasok sa iba’t ibang
bansa ng mga dayuhan mula sa pinagmulang bansa ng sakit na ang China. Ngunit
gaano nga ba kahalaga ang wikang Filipino sa pag hahatid ng impormasyon
patungkol sa pandemiyang ito? Labis na mahalaga ang wikang filipino lalo na sa
panahon ngayon na maraming tao ang salat sa karunungan pag dating sa wikang
ingles. Nakasaad sa kautusan Blg. 2, Series of 2016 o kilala bilang Freedom of
Information Program, na ang bawat Pilipino ay may karapatang magkaroon ng access
sa mga impormasyon na manggagaling sa gobyerno nang sa gayon ay magkaroon ng
kamalayan sa tamang impormasyon ang bawat Pilipino. Kaugnay nito, malaki ang
gampanin ng wika sa pagpapalaganap ng impormasyon kaya naman ayon sa
Komisyon ng Wikang Filipino(2020), wika ang tulay sa paghahatid ng kamalayan sa
sangkatauhan upang ang COVID-19 ay mapigilan. Dagdag nila, ang pagresolba sa
pandemyang nararanasan ng bansa ay hindi lamang nakadepende sa pagdiskubre ng
bakuna kundi pati na rin ang kamalayan sa tamang impormasyon. Sa kabilang banda,
ayon naman kina Baaco, Belgira atbp(2013)., ang pagkakaroon ng wikang pambansa
ay nagbibigay daan sa pagkakaisa ng mga mamamayan at nagbibigay tulong sa
pagunlad ng iba’t ibang aspeto ng bansa. Higit lalo sa aspeto ng kalusugan.Ang mga
mass media gaya ng social media ay nagkakaroon ng pagsasalin ng mensahe.
Kaugnay nito naniniwala rin si Conception (2016)na aktibong nagagamit ang wikang
Filipino bilang wika ng komunikasyon at wika ng impormasyon tungkol sa mga
Pilipino at Pilipinas sa internet. Dagdag pa niya, nararapat na maging aktibo ang
wikang Filipino hindi lamang sa komunikatibong aspekto, kundi maging sa
impormatibo, at transaksyunal na mga aspekto nito sa larangan ng internet. Ang mga
impormasyong dala ng midya at iba pang uri ng midyum upang mapalagananp ang
impormasyon ay maaring magkaroon ng pagtatagos sa personal na buhay ng bawat
isa. Ang wikang isinasalin sa wikang mauunawanan ay higit na nagkakaroon ng
epekto. Mas mauunawaan ng taumbayan ang mga balitang ilalathala ng taga-
pagbalita kung ito ay nakasalin sa Tagalog, at magkakaroon sila ng kaalaman
patungkol sa lumalaganap na sakit. Samantala, ayon naman kay Bonabon (2020),
hindi lamang sa relief goods o mga pagkain kailangan busogin ang taong-bayan.
Maging dpat sa impormasyon ay nalalaman na lalo na kung patungkol ito sa
naturang sakit at mga gamot na naiimbento na maaring makapag resolba sa pag
laganap ng sakit. Sa panahon ngayon ng krisis at kalamidad, ang hindi pagsasalin sa
wikang Filipino ang nagiging sanhi ng paglaganap ng mga naturang sakit, dahilan na
hindi ito maunawaan ng ibang mamamayan dahil hindi sapat ang kanilang kaalaman
patungkol sa lengguwaheng Ingles. Dahil dito naantala ang mga impormasyon na
dapat maipapahiwatig sa taumbayan alinsunod sa Covid-19.Ang wika ay isang paraan
ng komunikasyon at dahil dito,nagkakaintindihan ang lahat ng tao (Martha.C,2014)
bilang isang Pilipino na gumagamit ng wika, mahalaga ito dahil dito mas
nagkakaunawaan ang mga taumbayan at ito rin ang nakagisnang wika.Ayon sa mga
impormasyong nakalap ng mga mananaliksik, malinaw naang wika ay isang
mahalagang kasangkapan na ginagamit upangmaiparating ang mga nasasaloob
na ideya at damdamin ng isang tao. Hindilamang ito isang paraan ng pakikipag-usap
sa kapwa kundi ginagamit din itoupang makipagkaibigan, makipagtalakayan at
maibahagi ang iba’t ibangopinyon at kaisipan. Sa buong kasaysayan, maraming
mga bagay, sitwasyonat pangyayari na tumutukoy sa kahalagahan ng wika
sa mga tao, sakapaligiran at higit lalo na sa bansa (Martha.C,2014).
https://www.studocu.com/ph/document/laguna-state-polytechnic-university/
filipino/gampanin-ng-wikang-filipino-sa-pagpapalaganap-ng-

https://www.studocu.com/ph/document/laguna-state-polytechnic-university/
filipino/gampanin-ng-wikang-filipino-sa-pagpapalaganap-ng-impormasyon-sa-
panahon-ng-pandemya/25916474

You might also like