You are on page 1of 1

Wikang Filipino- Pagyabungin at pagyamanin wikang sarili natin!

Hindi natin maikakaila ang kahalagahan ng ating sariling wika sapagkat ito ang sumisimbolo ng ating
kalayaan at nagbubuklod sa isang lugar. Ito rin ay sumisimbolo sa pagkakakilanlan ng bawat Pilipino
kung kaya’t ang pagtanggal ng asignaturang Filipino ay parang pagtanggal na din sa aking pagiging
Pilipino.

Ang pagkakaron ng asignaturang Filipino sa kolehiyo ay napakalaking bagay na nakakatulong sa


bawat tao sapagkat sa pamamagitan nito mas lao pa nating nauunawaan ang mga salita na hindi
natin gaano maintindihan. Ang wikang ito ang nagbubuklod sa ating pagka Pilipino. Ito din ang
nagbibigay daan upang mas lalo pa natin maunawaan ang ating kultura at kasaysayan. Ang wikang
Filipino din ang ginagamit natin sa araw araw a pikikipagtalastasan kung kaya’t ganoon na lamang
kahalaga ang wikang Filipino. Marami wika man ang nauuso subalit hindi pa din mababago nito ang
wikang akin ng kinagisnan, at iyon ay ang wikang Filipino.

Bilang isang mag-aaral, nalaman ko na ang pag-aaral ng wikang Filipino ay nakatutulong sa


pagpapaunlad ng aking isip at pagkatao. Maraming aral ang napupulot sa mga nobela at sulatin na
inspirasyon ng Pilipinas gaya na lamang ng mga sulatin ni Dr. Jose Rizal na ating pambansang bayani.
Nagagamit din natin itong armas laban sa mga dayuhan. Nahihirapan akong isipin ang isang senaryo
kung saan hihigpitan ng isang bansa ang pagtuturo ng sariling wika. Maaari ba nating masabi na tayo
ay Pilipino nang hindi natin nalalaman ang tungkol sa kultura at kasaysayan? Para sa akin, hindi
maikakaila ang kahalagahan ng wikang Filipino bilang asignatura sa lahat ng antas ng edukasyon.
Masasabi kong ang aking pagkatao ay kaakibat na ng aking sariling wika na hinding-hindi mo maaalis.
Ang pagiging Pilipino ay tungkol sa pagyakap sa iyong kultura, pamana at sariling wika. Hindi
kailanman magiging patas na subukang burahin ang ating natatanging kultura at paraan ng
pamumuhay. Dapat nating palaging ipagmalaki kung sino tayo at kung paano natin kinikilala ang
ating sarili.

You might also like