You are on page 1of 1

Diokno, Maicah S.

OMGT-2201

GED 103 LIFE AND WORKS OF RIZAL

REFLECTION

Sa oras na ito ako ay magpapakatotoo na, unang kita ko palang sa kursong ito ay alam ko

na sa sarili kong hindi ko ito gusto dahil hindi ko hilig ang history. Pero para pala itong pagkain

na sa unang tingin hinuhusgahan na agad natin na baka masama ang lasa at hindi na agad gusto

kahit hindi pa natitikman. Sa unang kagat talagang hindi pa natin maaappreciate pero sa huling

kagat malalaman mo na hindi naman pala masamang subukan ang mga bagay na hindi mo gusto

o hindi mo kinasanayan. Ganon ang aking naramdaman sa kursong ito, kalaunan nag-enjoy na rin

ako sa bawat kagat na akala ko noon hindi ko magugustuhan. Akala ko lang pala.

Sa totoo lang maihahalintulad ko ang aking sarili kay Klay ng Maria Clara at Ibarra. Tulad

niya marami rin akong tanong, tulad niya hindi ko rin alam kung ano bang connect o kahalagahan

ng pag-aaral ng ating nakaraan. Ngunit sa paglipas ng bawat leksiyon unti-unti kong naunawaan

ang kahalagahan ng ating history. Dati ang alam ko lang talaga ay si Jose Rizal ang ating

pambansang bayani na nasa piso. Aaminin ko na dumating din ako sa puntong nakuwestyon ko

ang kanyang pagiging bayani, dahil lang ba sa kanyang kahusayan sa pagsulat? Sa paglalakbay sa

kursong ito ay naunawaan ko na ang lahat, siya ang nanguna sa mga kapwa Filipino para sa

inaasam ng lahat na kalayaan at patas na karapatan. Siya ang naging boses ng ating bayan noong

panahon na walang kakayahang magreklamo at lumaban.

Tayo ang henerasyon ng kabataan na pag-asa ng bayan ayon kay Jose Rizal. At huwag sana

nating biguin ang bayaning nagbuwis ng kanyang buhay para makamtan ang ating kalayaan.

Masuwerte tayo na nabuhay tayo sa panahon kung saan malaya na ang lahat. Kung saan may batas

nang nagpapahalaga sa opinyon, kakayahan at karapatan ng bawat isa.

You might also like