You are on page 1of 4

SA AKING PAGTATAPOS

Sa aking pagtatapos ngayong high school masasabi kong marami akong natutunan na aral sa taon na ito. Sa bawat pagtalakay naming ng ibat ibang leksyon sa filipinoay meron ka talagang mapupulutan na aral. Sa bawat sa elfilibusterismo na itinuro sa amin ng aming mahal na guro ngayong taong ay may aral at masasabi mong ang taong ay talagang may ibatibang pananaw sa buhay. Sa aking pag-aaral ,bawat ng El sa

filibusterismo

pangyayari

kabanata ng El filibusterismo paminsan ay nangyayayri sa totoong buhay kagaya na lamang ng pagmamaliit ng mga taong walang kaya at pang-alipusta sa mga taong mahina at walang laban. Dito ipinakita kung gaano kalaki ang agwat ng mahirap at mayaman na kailaman ang tingin ng mga kastila sa bawat Pilipino ay isa lamang mangmang na walang alam Nakilala ko rin ang ibat-ibang katangian ng bawat karakter dito. Si Simioun na nais maghiganti para sa kanyang minamahal na si Maria Clara. Nagbigay ng lakas ng loob ang karakter na si Basilio na kahit anong hirap mo sa buhay kung may tiyaga ka at nagpupursigi ka at hindi ka nawawalan ng pag-asa makamit mo lamang ang gusto mong marating sa buhay. Kagaya niya na nakapag-aral ng medisina at nagsikap sa buhay para makamit ang kanyang kagustuhan. Kaawa-awa din si kabesang tales na nawalan ng sariling lupa at nawalan din ng pamilya. Sa bawat karakter

dito ay may mahahalagang papel at makabuluhan ang karater na ginagampanan nito. Sa aklat kalinangan naman ay natutunan ko ang bawat aral ng seleksyon na itinuturo sa amin. Ang bawat aral ay pwede mong gamitin sa araw-araw ng iyong buhay. Natutunan ko kung paano magpahalaga sa bawat bagay-bagay sa paligid. Natutunan ko ang tamang pakikitungo sa kapwa na nakakasama mo sa araw-araw ng iyong buhay. Nagpapasalamat ako sa aking naging guro sa Filipino na si Ginoong Lahaman sapagkat marami siyang itinuro sa amin na aral hindi lamang tungkol sa seleksyon kundi aral na dapat na mayroon sa iyong buhay. Itinuro niya sa amin kung paano maging positibo sa buhay. Sa bawat pagtuturo niya sa amin ay pilit niyang ipinapaintindi sa amin kung tungkol saan ba talaga ang kanyang itinuturo. Nagpapasalamat ako dahil alam kong sa aking pagtatapos ng high school ay marami akong aral na dadalhin pagdating sa kolehiyo.

PROYEKTO SA FILIPINO

Ipinasa ni; Tufail J. Abdulkarim IV- PENAEUS

Ipinasa kay; Frederick C. Lahaman Guro sa Filipino

ULAT PASALAYSAY

You might also like