You are on page 1of 2

Pangalan: Mylene N.

Llames
Seksiyon: 11-ABM 4

MGA PABORITONG LINYA


 “sanay na siya sa mga damdamin nya, matagal na niya 'yong tinanggap. Na siya'y
isang babae: hindi itim hindi puti, hindi masama't hindi mabuti. . basta isang babaing malaya sa
kadena ng mga inhibition at pagkukunwari.
 “Hindi naagaw ng iba ang tao dahil ang tao'y hindi pag-aari ng iba. Kaya binigyan
ang bawa't tao ng sariling isip ay para magkaro'n siya ng sarili niyang pagpapasiya.”
 “Alam mo, maski mahal ng isang babae ang isang lalaki, hindi nya pinapatay ang
mga kaangkinan niya. – Lea
 "H'wag mong mahalin ang anak ko kung hindi mo nararamdamang mahal mo
siya. Pero bayaan mong mahalin siya ng ama niya."
 "Hindi porke ina na 'koy huminto na 'ko sa paglaki. Hindi porke babae 'ko'y
maiiwan ako sa labanan. Para sa kaligtasan ng lipunan at kaligtasan ng anak ko, sa digman ng
mga uri't prinsipyo, sa mapayapa man o madugong pagbagbago, magtiwala kayo... sasama ako!
"
 "Mahal kita pero mamaya'y wala ka na at malulungkot ako. Hahanap-hanapin
kita, iiyak ako, magdudusa ako... pero kasama 'iyon sa mga katotohanang kailangang yakapin
ko. Doon ka, dito ako... kanya ka, wala ako. Pag itinanong niya 'ko sa 'yo, sabihin mo:
magkaibigan na lang tayo."
 "Ang problema sa marami, ayaw masabi ang totoo."
 "Naiintindihan mo, sister, hindi na ito makukuha sa dasal? Kasalanan na ngayong
lumuhod lang at humingi ng awa habang pinapatay ang mga walang laban!"
 "And I hated myself for being... you know, so blind."
 "Nakakatawa ang tao, Ojie. Minsan, maliit na bagay lang, nagi-incredible hulk.
Pero subukan mong bigyan ang tao ng mabigat na pangyayari at karaniwan, tumatahimik siya."
 "Minsan 'kamo'y naipagkakamali mo ang pangangailangan sa pag-ibig. Baka
minsan naman, pag-ibig na'y tinatawag mo pa rin ng pangangailangan."
Ang reaksyon at repleksyon sa nobelang nabasa

Comunidad
Sa aking nabasa ang maituturing ko talagang isang magandang nobela, marami kang mapupulot
na mga aral dito. Napahayag rin dito ang mga nangyare noong Martial Law. Pinupunto rin dito
ang mga karapatan ng mga kababaihan sa panahong ito. Malalaman mo rin dito ang mga
nangyare nung mga panahong ginagawa nya ito. Para ka na ring nasa panahong iyon pag basa
mo nito. Ang repleksyon o ang aking natutuhan ay ang mga kaya ng mga lalaki ay kaya rin
naming mga babae, di porket lalaki ay malakas na at marunong sa lahat ng bahay at ang babae
ay ang kaya lang gawin ay maging taong bahay lamang. At sa nobelang ito masasabi na ang mga
kababaihan ay di lamang pang loob lang bahay kundi magaling rin sila maramaing bagay.

Pamilya
Dito rin malalaman kung gaano magmahal ang isang anak sa kanilang mga anak. Ipinapakita sa
nobela na ang mga pangunahing dahilan ng mga ina sa mundo ay ang pagpapalaki at paga-
aruga sa kanilang mga anak. Kinakaya nilang tiisin ang anumang pagod o ano mang problema
para lang sa ikabubuti ng tadhana kanilang mga anak. Sa pamilya, kasama rin dito ang
kahalagahan ng pamilya dahil tanging ang pamilya lang ang maaasahan mo sa mga panahong
kelangan mo ng makakausap at kung anong problema man yan tanging pamilya mo lang ang
andyan palagi para sayo.

You might also like