Huling liham ni Maria Clara para kay Crisostomo Ibarra Mahal kong Crisostomo, Pitong taon na ang nakalipas simula nang huli nating pagkikita.Sariwa pa sa aking alaala ang mga katagang binitawan mo
Huling liham ni Maria Clara para kay Crisostomo Ibarra Mahal kong Crisostomo, Pitong taon na ang nakalipas simula nang huli nating pagkikita.Sariwa pa sa aking alaala ang mga katagang binitawan mo
Si Jose Rizal ay isinilang noong Hunyo 19, 1861, sa
Calamba, Laguna. 2. Siya ay isang doktor, manunulat, at bayani ng Pilipinas. 3. Ang kanyang mga nobelang "Noli Me Tangere" at "El Filibusterismo" ay nagbigay-diin sa mga suliraning panlipunan sa Pilipinas noong panahon ng kolonyalismong Espanyol. 4. Si Rizal ay nag-aral sa Europa, kung saan siya ay nagtamo ng mataas na edukasyon sa medisina at iba pang disiplina. 5. Isa siya sa mga pinakamahalagang lider ng Kilusang Propaganda, isang kilusan para sa kalayaan at katarungan sa ilalim ng pamumuno ng Espanya. 6. Ang kanyang pagkamatay noong Disyembre 30, 1896, sa pamamagitan ng firing squad ay nagpalakas pa sa paglaban ng mga Pilipino laban sa kolonyalismo. 7. Si Rizal ay kinikilala bilang pambansang bayani ng Pilipinas at mayroon siyang monumento sa Luneta Park sa Maynila. 1. "Noli Me Tangere" ay isang nobelang isinulat ni Jose Rizal na unang nailimbag noong 1887 sa Europa. 2. Ang pamagat na "Noli Me Tangere" ay nagmula sa Latin at nangangahulugang "Huwag Mo Akong Salingin" sa Filipino. 3. Ito ay isang pangunahing obra maestra ng panitikang Filipino na tumatalakay sa mga suliraning panlipunan at pampolitika sa Pilipinas noong panahon ng kolonyalismong Espanyol. 4. Ang nobelang ito ay naglalarawan ng kahirapan, pang- aabuso, at katiwalian ng mga prayle at opisyal sa lipunan ng Pilipinas. 5. Ginamit ni Rizal ang mga karakter at sitwasyon sa nobela upang magpahayag ng kanyang mga saloobin ukol sa kalagayan ng mga Pilipino sa panahon ng kolonyalismo. 6. Ang "Noli Me Tangere" ay nagtulak sa pagiging mapanlikha ng kamalayan sa Pilipinas at nag-udyok sa mga Pilipino na kumilos para sa kanilang kalayaan at katarungan. 7. Dahil sa nilalaman at impluwensiya nito, ang nobelang ito ay naging isang mahalagang bahagi ng kasaysayan ng Pilipinas at ng panitikang Filipino. Noli Me Tangere Ang pangunahing konsepto ng "Noli Me Tangere" ay tumatalakay sa mga suliraning panlipunan at pampolitika sa Pilipinas noong panahon ng kolonyalismong Espanyol. Sa nobelang ito, ipinapakita ni Jose Rizal ang kahirapan, pang-aabuso, at katiwalian sa lipunan sa pamamagitan ng mga karakter at kuwento. Isa itong paglalarawan ng kalagayan ng mga Pilipino sa ilalim ng pamumuno ng mga prayle at opisyal ng Simbahang Katoliko at ng gobyernong Espanyol. Pinapakita rin nito ang pakikibaka ng mga Pilipino para sa kanilang kalayaan at katarungan laban sa pang- aapi at pananakop ng dayuhang kapangyarihan. Ang nobelang ito ay naglalayong magbigay-liwanag sa mga suliranin ng lipunan at mag-udyok sa pagbabago at pagkilos para sa tunay na kalayaan at pagkakapantay-pantay. Mahal kong Crisostomo, Pitong taon na ang nakalipas simula nang huli nating pagkikita.Sariwa pa sa aking alaala ang mga katagang binitawan mo bago ka lumisan, "babalik ako at magpapakasal tayo". Nagkatinginan tayo at ngumiti,ang saya ng kinang ng iyong mga mata nakahuhumaling pagmasdan. Nakakikilig sapagkat ang lalaking aking sinisinta'y pinangakuan akong pakasasalan. Hanggang ngayon... ako'y naghihintay. Lagi akong nagbabakasakaling babalik ka, kung kaya't parati akong naghihintay sa hardin na ating pinagtatagpuan. Sa mga araw at gabi kong paghihintay at pangungulila, humantong ako sa puntong pinanghinaan ako ng loob. Ang tiwalang akala ko'y hindi matitibag ay tuluyan ng gumuho.Akala ko'y sapat na ang pinagsaluhan nating sandali upang ako'y manatili. Akala ko'y sapat na ang ating mga sumpaan sa ilalim ng milyong milyong liwanag ng mga tala. Ngunit nagkamali ako,hindi pala sapat ang ginawa nating pundasyon ng ating pag ibig. Hindi pala sapat na puro pangako lang at walang gawa. Dahil ang pag ibig ay hindi para sa taong naghihintay at umaasa lang. Naging mali ang ating konsepto. Dapat pala'y dalawang pisikal na katauhan ang palaging nagtatagpo hindi mag isa lang at naghihintay ng walang kasiguraduhan. Dapat pala'y tinatrabaho ang pag ibig aking mahal,hindi umaasa sa abstraktong bagay. Dahil kung mahal mo pala ang isang tao kailangang may pruweba sa bawat bibitawang salita dapat pala'y may produkto sa bawat pangako, kailangan palang mayroong dahilan,may sagot sa bawat katanungan sa lahat ng hakbang. Parehas tayong nagkulang. Ikaw sa gawa at ako naman ay sa tiwala. Sinulat ko ang liham na ito bago ko tuluyang palayain ang pag ibig kong naluma na ng panahon. Sinulat ko ito, upang ipaalala ang pagmamahal ko sa iyo na kahit sa huling sandali'y muli akong maghihintay. Mahal,sana ako ay iyong mapatawad. Patawarin mo ako sa pagsang-ayon sa desisyon ng aking ama. Paniguradong habang binabasa mo ang liham na ito ay naglalakad na ako patungo sa altar ng simbahang minsan nating pinangarap na magsumpaan. Siguro ay umiiyak ako sa mga oras na ito, hindi dahil masaya ako, ngunit dahil sa wakas ay tinupad na ng tadhana ang ating dalangin ngunit tinupad ko ang pangako mo sa ibang tao. Patawarin mo ako kung nainip ako't sumuko. Patawarin mo kung naging mahina man ako. Patawad sa hindi paglaban. Mahal, palayain mo sana ang iyong sarili sa pag ibig kong taksil. Mahal na mahal kita aking Crisostomo,muli ay patawarin mo ako. Patuloy na nagmamahal, Maria Clara MARIA CLARA