You are on page 1of 3

PAGSUSURI SA AKDA NG “PAG-IBIG”

Pagkilala sa May-Akda

Si Jose Corazon de Jesus (Ho·sé Ko·ra·zón de He·sús) ay


pinanganak noong Nobyembre 22, 1894 sa Santa Cruz, Manila at
itinuturing na pinakanangungunang makata sa panahon ng
kolonyalismong Americano. Pinakapopular niyang sagisag-panulat
ang Huseng Batute at ginamit niya sa napakapopular na patulang
kolum na may titulong Buhay Maynila.

Hinangaan si Batute bilang makisig at mahusay na


mambibigkas. Siya ang itinanghal na unang Hari ng Balagtasan. Para siyang superstar noong
panahon ng Americano kayâ ang kaniyang mga pagbigkas ng tula ay dinudumog ng madla.
Pinakapaborito ng taum-bayan ang mga tulang “Ang Manok Kong Bulik” (1919), “Ang
Pagbabalik” (1924), “Ang Pamana” (1925), “Pag- ibig” (1926), “Manggagawa” (1929), at “Isang
Punongka- hoy” (1932). Nang mamatay siya noong 26 Mayo 1932 ay nagluksa ang bayan at isa
sa pinakamahabàng libing sa kasaysayan ang paghahatid sa kaniyang bangkay sa Cementerio del
Norte.

Uri ng Panitikan

Ang tulang ito ay isang hindi kathang isip na panitikan. Maaring inilalahad nito ang
karanasan ng bawat tao o pamilya kung ano nga ba ang kahulugan ng Pag-ibig

Layunin ng Akda

Ang layunin ng akda ay ang pagdidiskubre kung paano mo bibigyan kahulugan ang isang
Pag-ibig, dahil ang pag-ibig ay hindi lamang isina-isip para makapagsabi kalang ng
,magagandang salita, kungdi ay insina-puso upang masabi mo ang tunay mong nararamdaman
kahit sa araw ng paghihirap ng pagmamahalan

Paglalapat ng Pagdulog Pampanitikan

Yaman din lamang na ang akdang ito’y umaayon sa Pagdulog Romantisismo, kung saan
ang layunin nitoy maglantad ng iba’t-ibang paraan ng tao sa pag-aalay ng kanyang pag-ibig para
sa lahat. Kabilang naman ay ang pagpapahalaga sa samut-saring matinding damdamin.

Ilang bahagi sa teksto na nagpapatunay na may sanngay ng panuring pampanitikan

Pagdulong Romantisimo

• “Isang aklat na maputi, ang isinusulat: luha! Kaya’t wala kang mabasa kahit isa mang
talata. Kinabisa at inisip mulang ating pagkabata, Tumanda ka’t nagkauban, hindi mo
pa maunawa.”- Ito ay Pagdulong Romantisimo dahil ang unang saknong ay tunkol sa
Pagkahinagpis dahil sa salitang luha na binangit sa tula at dahil dito makikita din ang
kalungkutan sa paggawa ang liham na ito
• “Ang pag-ibig, isipin mo, pag inisip, nasa puso; Pag pinuso nasa isip, kaya’t hindi mo
makuro.”- At sa ikalawang saknong naman ay makikita natin ang Kilig na nararamdaman
dahil sa pag-iisip nya sa kanyang minamahal at hindi malaman ang kanyang gagawin
kapag nakikita nya ang kanyang sinisinta

Tema o Paksa ng Akda

Ang tulang ito’y nagpapahayag na ang pag-ibig ay magiting, hindi kailanman susukuan at
nararapat na ipinaglalaban. Pumupukaw sa pananaw na kung saan ang pag-ibig ay kinakailangan
ng pananalig, buhay may kapalit.

Nilalaman ng Akda
Ang akdang ito’y tungkol sa taong hindi pa namamalayan ang buhay na may pag-ibig, sa
isip, sa salita, sa gawa at sa puso. Minumulat ang halaghag na damdamin sa katotohanang na ang
pag-ibig ay hindi lamang naihulma mula sa kagitingan na ipinamamalas ng pusong nag-aalab
upang lumaban sa tanikala ng kaduwagan at kahinaan. Kundi, ito rin ay hinubog mula sa
kahandaan na ang kamataya’y malayaang haharapin, pag-ibig lamang ay mairaos sa
pamamagitan ng lahat ng paraan.

Estilo ng Pagkakasulat ng Akda

Salita man ay may lalim, sa paraan kung paano naimungkahi at ang pagbigay ng
makabuluhang kahulugan. Kapansin-pansin na ang tula ay alay sa lahat, umiibig man o
namumulat pa lamang. Ang hugot sa damdamin na dala ng malikhaing konsepto na
pumapangatawan sa kung ano ang pag-ibig. Ibig ipabatid ng akda na siyang nagmula sa
maykatha, na ang pag-ibig ay hindi isang bagay na tiyak mo’ng mauunawan kung ito’y iyong
makamtan.

Buod

Ang pag-ibig na hindi lang limitado sa kung anong maaring maramdaman ng isang tao,
ngunit ito’y nakakasiguradong mag-udyok upang mag-alay ng buhay, gumabay at ipaglaban ang
kahit sinumang iniibig, wakas ma’y walang katiyakan.

You might also like