You are on page 1of 41

Magandang

araw!
LAYUNIN
Natutukoy at naipaliliwanag ang
magkakasingkahulugang pahayag sa ilang
taludturan.(F9PT-Ie-41)

Naiuugnay ang sariling damdamin sa damdaming


inihayag sa napakinggang tula. (F9PN-Ie-41)
ANG
PUNONGKAHOY
ni Jose Corazon de Jesus
• Si Jose Corazon de Jesus ay isinilang sa Sta. Cruz , Manila noong
Nobyembre 22, 1896 na anak nina Vicente de Jesus, ang unang direktor
ng kagawaran ng kalusugan ng pamahalaang Amerikano sa Pilipinas, at
Susana Cruz ng Pampanga. Bininyagan siyang Jose Cecilio de Jesus
ngunit pinalitan niya ang Cecilio ng Corazon (puso sa Español) dahil iyon
daw ang tumutugma sa kanyang katauhan.
• Lumaki si De Jesus sa bayan ng kanyang ama, sa Santa Maria, Bulacan.
Nag-aral siya sa nasirang Liceo de Manila kung saan siya nagtapos noong
1915. Ang una niyang tula na nailimbag ay ang Pangungulila na lumabas
noong 1913 sa nasirang Ang Mithi noong siya ay 17 taong gulang.
• Noong 1918, nakuha niya ang kanyang batsilyer ng batas mula sa nasirang
Academia de Vera ngunit hindi niya pinagpatuloy ang kanyang pagiging
abogado dahil abala na siya sa pagsulat ng isang kolum ng mga tula sa
pahayagang Tagalog na Taliba. Ang kolum ay tinawag na Buhay Cavite na
isinulat niya sa pangalang-pluma na Huseng Batute .
• Sa pamamagitan ng kanyang kolum, pinuna ni De Jesus ang
lipunan sa ilalim ng mga mananakop na Amerikano at
pinalaganap niya ang mithiin ng kasarinlan ng Pilipinas na
noo'y isang commonwealth sa ilalim ng pamahalaang Estados
Unidos

• May mga 4,000 tula siyang naisulat sa kanyang kolum na


Buhay Cavite. Sumulat din siya ng mga 800 kolum na
pinamagatang Ang Lagot na Bagting. Paborito niyang
pangalang-pluma ang Huseng Batute ngunit sumulat din siya
sa ilalim ng mga pangalang Pusong Hapis, Paruparu, Pepito
Matimtiman, Mahirap Dahong Kusa, Paruparong Alitaptap,
Amado Viterbi, Elyas, Anastacio Salagubang at Tubig Lily'
Ang akda ay paglalarawan sa isang taong naghihinagpis para sa kaniyang
buhay at naisin, ito‟y paghahambing din sa isang Punong Kahoy at sa Buhay
ng Tao. Paglalarawan sa mga pasakit na may iiyak na minamahal dahil sa
kaniyang pagkawala at tatanod sa kaniyang libingan ay mga alaala na
magbabalik at alalahanin ng mga tao napamahal at napamahal din sa
kaniyang mga nilikha. Ang buod ng tula ay tungkol sa isang punong kahoy,
na kung saan ang Punong-kahoy ay ang mismong persona sa tula.
Nilalarawan ng persona ang daloy ng buhay ng isang tao mula sa kaniyang
pagkabata hanggang sa matayog bilang isang tao. Ngunit katulad ng punong
kahoy dumarating ang unti-unting pagkalagas ng mga dahon sa kaniyang
sanga, na ang tao sa kabila ng kaniyang katagumpayan sa buhay, nagiging
malungkot ang pagtanda sapagkat umiinog ang mundo at nagbabago ang
kapaligiran, hanggang maramdaman ng tao ang kaniyang pag-iisa lalo sa
pagdapit hapon at pagkawala ng liwanag sa kaniyang buhay. At sa huli ng
tula ay inihahabilin niya na ang kaniyang buhay sa kamay ng kaniyang
Manlilikha. 
ANG
PUNONGKAHOY
ni Jose Corazon de Jesus
Kung tatanawin mo sa malayong pook,
Ako'y tila isang nakadipang krus;
Sa napakatagal na pagkakaluhod,
Parang hinahagkan ang paa ng Diyos.
Ang unang saknong ay naglalarawan sa may
akda na nag-iisip. “Kung tatanawin mo sa
malayong pook”. Ito’y nangangahulugang
ang may akda ay nagsimulang nagguni-guni.
Sa kanyang guni-guni ay inilalarawan niya
ang kanyang sarili na sumasamba sa
Panginoong Diyos.
Organong sa loob ng isang simbahan
Ay nananalangin sa kapighatian,
Habang ang kandila ng sariling buhay,
Magdamag na tanod sa aking libingan.
 Sa pangalawang saknong, inilalarawan niya
ang posibling mangyayari kung nasa lamay
na siya. Sa una at ikalawang taludtud, ay
nangangahulugan na naririnig sa kanyang
lamayan ang mga musikang tinutugtug din sa
simbahan. Samantalang, sa ikatlo at ikaapat
na taludtud ay naglalarawan sa kanyang
lamay na ang mga kandila ay inihalintulad sa
mga tanod na nag-aabang sa kanyang lamay.
Sa aking paanan ay may isang batis,
Maghapo't magdamag na nagtutumangis;
Sa mga sanga ko ay nangakasabit
Ang pugad ng mga ibon ng pag-ibig.
Sa ikatlong saknong, ang salitang batis ay
nangangahulugang luha. “Sa aking paanan ay
may isang batis”. Dito ipinapahiwatig na may
umiiyak sa kanyang paanan, malamang
nalulungkot sa kanyang pagkamatay kaya doon
ay may patuloy na umiiyak at umaagos ang luha,
at sabi pa na hanggang maghapon at magdamag
na walang tigil sa pag-iyak, ang kahulugan. Sa
ikatlo at ikaapat na taludtud ay inilalarawan ng
may akda ang kanyang kabaong na
inihahalintulad sa sanga. Sa kanyang kabaong ay
may nakasabit na pangalan ng kanyang pamilya
na nagmamahal sa kanya.
Sa kinislap-kislap ng batis na iyan,
asa mo ri'y agos ng luhang nunukal;
at tsaka buwang tila nagdarasal.
Ako’y binabati ng ngiting malamlam.
Sa ikaapat na saknong ay
 

nangangahulugan na ang pag-iyak ng


mga nagmamahal sa kanya ay totoo.
Nalaman niya na may tunay o totoong
nagmamahal at nagmamalasakit sa
kanya. Kaya nang nalaman niya ito, ay
naging masaya siya at tanggap na niya.
Nagpapahiwatig sa akin ng taghoy;
Ibon sa sanga ko'y may tabing ng dahon,
Batis sa paa ko'y may luha nang daloy.
Sa ikalimang saknong ay
nangngahulugan na ang kampana ng
simbahan ay tumunog bago ialis ang
kabaong. Ito’y nagpapatunay na malapit
na syang ihatid sa kanyang huling
hantungan. At ang mga taong
nagmamahal sa kanya ay isa-isang
naghahagis ng bulaklak sa kanyang
kabaong. At may tao pa rin na patuloy na
umiiyak at humagulgol sa paanan ng
kanyang kabaong.
Ngunit tingnan niyo ang aking narating,
Natuyo, namatay sa sariling aliw;
Naging krus ako ng magsuyong laing
At bantay sa hukay sa gitna ng dilim.
Ibig sabihin sa ikaanim na saknong
yaong naihatid na siya sa kanyang
huling hantungan at nang matabunan ng
lupa ay nawala lahat ang kanyang
kaligayahan, nararamdaman ang
kalungkutan at nag-iisa sa dilim. Sa
puntod na yaon ay wala nang
nagbabantay sa kanya.
Wala na, ang gabi ay lambong na luksa,
Panakip sa aking namumutlang mukha;
kahoy na nabuwal sa pagkakahiga,
Ni ibon ni tao'y hindi na matuwa!
Sa ikapitong saknong, ay
naalimpungatan na siya sa kanyang
pagguni-guni nang napagtanto niya
na ang kanyang mga guni-guni ay
hindi nakakatuwa.
At iyong isipin nang nagdaang araw,
isang kahoy akong malago't malabay;
ngayon ang sanga ko'y krus sa libingan,
dahon ko'y ginawang korona sa hukay.
Sa huling saknong naman, ay
nagmuni-muni siya sa panahon ng
kanyang kabataan, inaasahan niya
at kanyang inilaan na ang kanyang
mga gawa ay maging inspirasyon
sa kapwa.
Ang paksa ng tula ay patungkol sa hinagpis,
pagsubok, kamatayan at kahalagahan ng buhay
ng isang tao na kung saan muling ipinaalala ng
tula ang proseso ng buhay na kaakibat ng
pagkabuhay, pagkawala at pagkamatay na parang
isang punong kahoy na naglalagas at unti unting
namamatay. Gayundin ang kanyang sarili bilang
isang mananampalataya sa Diyos.
SIMBOHULA MO!
Paano nakatutulong sa
iyong buhay ang
kaisipang hatid ng mga
tulang napag-aralan?
• Ngunit katulad ng punong kahoy
dumarating ang unti-unting
pagkalagas ng mga dahon sa
kaniyang sanga na ang tao sa
kabila ng kaniyang katagumpayan
sa buhay nagiging malungkot ang
pagtanda sapagkat umiinog ang
mundo.
Hanggang tayo ay nabubuhay magpatuloy tayo na
maging matatag kagaya ng isang punong-kahoy. Isang
punongkahoy na nakaramdam din ng pagsubok kagaya
ng isang tao. Subalit kahit matinag ay nagsisilbi parin
itong matatag upang magsilbing ala-ala sa mga
naiwan. Gaano man karami ang dahoon ng puno na ito
ngunit darating ang panahon na mauubos din kagaya
ng paghinga ng uisang tao.Lagi rin pakatandaan na ang
buhay natin ay hiram lamang at maaaring bawiin kahit
na anong oras at araw kaya huwag nating hayaan na
makalimutan natin ang ating pinanggalingan o
pinagmulan.

You might also like