You are on page 1of 25

Magandang Umaga

BALIK-ARAL
Panuto: Basahin at unawain at Saknong at tukuyin ang
nais ipahiwatig ng bawat Saknong.

Kung tatanawin mo sa malayong pook,


Ako'y tila isang nakadipang krus;
Sa napakatagal na pagkakaluhod,
Parang hinahagkan ang paa ng Diyos.
Sa aking paanan ay may isang batis,
Maghapo't magdamag na nagtutumangis;
Sa mga sanga ko ay nangakasabit
Ang pugad ng mga ibon ng pag-ibig.
Ito ay isang uri ng panitikan na pinagyaman
sa pamamagitan ng paggamit ng tayutay, at
malayang paggamit ng mga salita sa iba’t
ibang estilo, kung minsan ito ay maiksi o
mahaba.
SANAYSAY

Ayon kay Alejandro G. Abadilla ang


sanaysay ay nakasulat na karanasan ng
isang sanay sa pagsasalaysay.
Ang SANAYSAY ay nagmula sa
dalawang salita.
Ang SANAY AT PAGSASALAYSAY
Isang piraso ng sulatin na kadalasang naglalaman ng
punto de vista ( pananaw) ng mga katha. Ito rin ay
panitikang tuluyan na naglalahad ng kuro-kuro,
damdamin,kaisipan,reaksyon at iba pa ng manunulat
hinggil sa isang makabuluhan, mahalaga at
napapanahong paksa o isyu.
Ang sanaysay rin ay may dalawang uri:
ang Pormal at Di Pormal.
TRIVIA:
Ang Indonesia ay isa sa mga bansang nasa
Timog-silangang Asya.
Pinakamalaking estado ang Indonesia sa
buong daigdig na binubuo ng arkipelago o
isang kapuluan.  Ito ay binubuo ng 17,000-
18,000 na mga pulo.
INDONESIA PILIPINAS
Binubuo ng 17,000-
7,641 na pulo
18,000 na kapuluan

17,000 - 7,641= 9,359


Ang kabisera nitong Jakarta ay matatagpuan sa Java. Ito
ang pinakamalaking lungsod ng bansa, na sinundan ng
Surabaya, Bandung, Medan, and Semarang.

Mga Relihiyon:
Muslim (88%)
Kristiyano/Protestante/Katoliko (10%)
Hindu at Buddhist (2%)
“Kay Estella Zeehandelaar”
Salin ni:
Elynia Ruth S. Mabanglo
TRADISYON mula sa SANAYSAY
* Pagsapit ng ika-labindalawang
taong gulang sila ay hindi na
pinapayagang makalabas ng kanilang
bahay.
* Pinagbawalang makipag-ugnayan sa
mundong nasa labas ng bahay.

* Pinagkakasundo ng kasal.
SUBALIT dumating ang
kaibigan ko’t tagapagligtas
ang “DIWA NG PANAHON”
Sa sanaysay na “Kay Estella Zeehandeelar”
sang-ayon ka ba sa mga pagbabago sa
prebelehiyo at karapatan ng mga
kababaihan?
Pagtataya:
1. Sino ang nagsalin ng sanaysay na “Kay Estella
Zeehandelaar”?
2. Ano ang ibig sabihin ng babaeng moderno sa sanaysay?
3. Anong mga tradisyon ang nangibabaw sa sanaysay?
4. Ano ang pagkakaiba ng kalalakihan na nabanggit sa
sanaysay sa mga kababaihan?
5. Kung ikaw ang nasa kalagayan ng may-akda ano ang
iyong gagawin upang mabago ang inyong nakagisnang
tradisyon?
1,Sino ang nagsasalaysay sa akda?
2.Bakit kakaiba siya sa mga kabataang babae sa kanilang lugar?
3.Anu-ano ang nais niyang mangyari sa mga tulad niyang babae?
4.Paano niya pinalipas ang nakababagot niyang buhay habang nakakulong?
5.Nasaan na kaya ngayon pagkatapos mabuksan ang matagal niyang tali sa
luma nilang tradisyon?
Anu-ano na kaya ang kanyang nakamit?
6.Kung ikaw ang nasa kalagayan ng tauhan, paano mo haharapin ang buhay
na walang kalayaan?
7.Sa iyong palagay, gusto rin kaya ng nanay niya ang batas na pinatutupad niya
para sa anak?
Bakit oo o bakit hindi?
8.Ano kaya ang mangyayari kung nakapag-aral din siya sa ibang bansa tulad ng
kanyang mga kapatid na lalaki?
9.Ano namn kaya ang mangyayari kung nakapag-
asawa siya nang hindi niya gusto?
10.Anong damdamin ang namamayani sa iyo pagkabasa sa akda

You might also like