You are on page 1of 22

Maganda

ng
Alam mo ba na……
ang wika ay hindi lamang
instrumento sa pagpapahayag ng
kaisipan kundi ng saloobin,gawi at
paniniwala? Sa pamamagitan nito’y
naipahahayag natin ang nadarama
natin sa ating kapwa.
Iba’t ibang Paraan ng
Pagpapahayag ng Damdamin
at Emosyon
1.Mga pangungusap na padamdam
Isang paraan ng paggamit ng padamdam na
pangungusap sa pagpapahayag ng
matinding damdamin. Ginagamit sa
pangungusap na ito ang bantas na
padamdam(!),at kung minsa’y bantas na
patanong(?) tulad ng sumusunod:
a.Paghanga:Wow! Perfect ang iskor
mo.Naks! Ganda! Bilib ako!
b.Pagkagulat:Ha! Nakakahiya.Inay! Naku
po!
c. Pagkatuwa: Yahoo! Pasado ako. Yehey!
Yipee!
d.Pag-asa: Harinawa.Sana sumama ka sa
group study natin
e.Pagkainis/Pagkagalit: Bagsak ako!
Kakainis!
*Ginagamit din kung minsan ang panandang
pananong(?) sa pagpapahayag ng
damdamin lalo na kung may halong
pagtataka.
Maaaring samahan ang mga ito ng
parirala o sugnay na tumitiyak sa
emosyong nadarama. Gaya nito:
a.Paghanga: Wow, ang ganda niyan,a!
b.Pagkagulat:O,ikaw pala!
c.Pagkalungkot:Naku, kawawa naman
siya!
d.Pagtataka: Siyanga?Totoo bang
sinabi mo?
e.Pagkatuwa:Yipee!Matutuwa si
Mommy.
f.Pagkagalit/Pagkainis:Hmmpp!
Nakaiinis ka.
g. Pag-asa: Naku, sana nga’y makapasa ka
na!
2.Mga pangungusap na nagsasaad ng tiyak
na damdamin o emosyon ng isang tao
Isa ring paraan ng paggamit ng pahayag na
tiyakang nagpadama ng damdamin at/o
saloobin ng nagsasalita.Ngunit
mahuhulaang hindi masyadong matindi
ang damdaming inihahayag sa ganitong
paraan.
Pansinin ding ginagamitan ng tuldok ang
mga pahayag,bagaman maaari ring
gamitan ng padamdam ang bawat isa
upang makapaghudyat ng mas
matinding damdamin.
a. Pagtanggi:Dinaramdam ko,hindi na
ako lalahok sa paligsahan.
b.Pagkasiya:Mabuti naman at
narito na kayo.
c.Pagtataka:Hindi ako
makapaniwala. Ngayon ko lang
narinig ang balitang iyan.
d.Pagkainis:Nakabubuwisit talaga
ang kinalabasan ng pagsusulit.
3.Maihahayag din ang iba pang
emosyon sa tulong ng mga sumusunod
na konstruksiyong gramatikal:
• Paggamit ng mga padamdam na
pahayag na karaniwang binubuo ng
pariralang nominal o adjectival
a.Ang ganda ng tulang iyan!
b.Nakakagigil talaga ang alaga mong
aso!
c. Ang ilap ng gansa!
• Paggamit ng ekspresyong karaniwang
nagpapahiwatig ng antas ng
kasukdulan o kasobrahan.
a.Napakakulit ng lalaking mangingibig!
b.Sobrang bait ng mag-aaral.
c.Ang ganda-ganda niya!
d.Talagang gulat na gulat si Arvyl.
• Paggamit ng negatibong ekspresiyon na
binibigyan-diin kapag binibigkas,kasama
ang ano man,sino man at iba pa.
a.Wala ka kang maaasahan ano man sa
kaniya.
b. Hindi matatalo ng sino man ang
marunong manuyo.
c. Saan ka man pumunta, hindi ka
makaliligtas sa akin.
• Paggamit ng mga tanong
retorikal(Patayutay na pagtatanong
upang bigyan-diin ang isang kaisipan.
Ito ay tanong na hindi sinasagot
sapagkat lantad na.
a. Ang ganda ng ginawa nila, diba!
(Napakaganda ng ginawa nila!)
b.Dahilan ba iyan para malungkot ka?
(Hindi iyan sapat na dahilan para
malungkot ka!)
c.Anong diperensiya noon?
( Wala iyon diperensiya)
d. Sino ang hindi nakaaalam niyan?
(Alam iyan ng lahat)
PAGSASANAY 1:
Bumuo ng isang pangungusap na
nagpapahayag ng iyong damdamin sa
sumusunod na mga katauhan. Ipahayag
ang pangungusap na tila kausap mo sila.
Gumamit ng iba’t ibang paraan sa
pagpapahayag ng damdamin.
1. Taong lihim na hinahangaan
2. Nakilalang may mabigat na suliranin
3. Taong nais hingan ng paumanhin
4. Kaklase na hinahangaan dahil sa
kanyang kabutihan
5. Pangulo ng Pilipinas
Pagsasanay 2:
Sumulat ng isang talata na
magpapanumbalik ng pag-asa sa iyong
kaibigan,kaklase o kakilalang may
pinagdaraanag suliranin. Sikaping
ipahayag sa mensahe ang positibong
pananaw sa buhay upang magpatuloy
siyang harapin ito.
DISTANCE
LEARNING
ACTIVITY
Panuto:Sumulat ng isang tula batay sa
mga sumusunod na panuntunan
• 1. Ang mensahe ay pagbibigay ng
positibong pananaw sa buhay
• 2. May kaaya-ayang pamagat
• 3. Binubuo ng 3 hanggang 4 na taludtod
• 4. May sukat at tugma

You might also like