You are on page 1of 17

Title: Paaralang Panghimpapawid ng Doña Aurora National High School

Topic: Filipino 7- ALAMAT NG ISLA NG PITONG MAKASALANAN


Format: School-on-the-Air
Length: 30 mins.
Scriptwriter: Shiela May N. Fronda
Objective: Nahihinuha ang kaligirang pangkasaysayan ng binasang alamat ng
kabisayaan. F7PB-IIid8
1 BIZ: INSERT SOA PROGRAM ID

2 BIZ: MSC 3 SECS UP AND THEN UNDER

3 RADIO HOST: Kumusta mga mag-aaral? Isang maganda at

4 makabuluhang araw ang hatid namin sa inyo! Panibagong araw,

5 panibagong kaalaman! Muli nanaman tayong tutuklas ng bagong

6 karunungan. Ako ang inyong Teacher Host, Teacher Shiela May

7 N. Fronda kasama ang ating Technical Specialist na si Sir Mark D.

8 Bagamaspad mula sa DANHS RADIO. Mga mag-aaral, sa ating

9 aralin ngayon ay mapahahalagahan natin ang paggalang sa ating

10 mga magulang. Tama ang inyong narinig mga mag-aaral!

11 Paggalang sa ating mga magulang. Alam kong nasasabik na kayo

12 sa ating aralin. Maghanda na at maging komportable sa inyong

13 pakikinig sa ating broadcast. Samahan natin ang inyong guro sa

14 ikapitong lebel, na maghahatid sa inyo sa mundo ng karunungan,

15 si Teacher Fausto Maneja.

16 MCS 5 SECS UP

17 RADIO TEACHER: Magandang umaga mga mag-aaral sa ikapitong

18 baitang! Ako ang inyong guro, Teacher Fausto Maneja mula sa

19 DANHS RADIO na maghahatid ng panibagong kaalaman sa

20 asignaturang Filipino. Sa aralin natin ngayon ay inaasahang kayo

21 ay makahihinuha ng kaligirang pangkasaysayan ng binasang

-MORE-
Nahihinuha ang… 222

1 Alamat ng Kabisayaan. Sa alamat na ating tatalakayin ay

2 mapahahalagahan natin ang paggalang sa ating mga magulang.

3 Napakagandang paksa hindi ba? Kaya tutukan at makabuluhang

4 pakinggan ang ating aralin. Bago natin simulan ang ating aralin, balikan

5 natin ang ating nakaraang pinag-aralan. Handa na ba kayo mga mag-

6 aaral? Simulan na natin ang pagbabalik-aral!

7 MSC 3 SECS UP

8 RADIO TEACHER: Binigyang-kahulugan natin ang alamat. Naaalala niyo

9 pa ba ito? Ang alamat ay pasalindilang panitikan at lumaganap sa

10 panahon ng ating mga ninuno bago pa man ang pananakop ng mga

11 Espanyol. Ito ay isang uri ng kwentong bayan na nagsasalaysay o

12 nagsasaad ng pinagmulan ng isang bagay o lugar. Tulad na lamang ng

13 ating binasang alamat tungkol sa pinagmulan ng Bulkang Mayon na

14 pinamagatang Alamat ni Daragang Magayon. Pinatunayan sa ating

15 binasa na tunay ngang makapangyarihan ang pag-ibig sa katauhan nina

16 Daragang Magayon at Prinsipe Ulap. Tandaan mga anak, ang alamat ay

17 isang kathang-isip lamang. Hindi ito nangyayari o nagaganap sa tunay na

18 buhay. Alam kong nawili kayo sa inyong mga gawain sa nakaraan nating

19 aralin. At ngayon naman ay panibagong alamat ang ating tatalakayin.

20 Ihanda na ang inyong Learning Activity Sheets na may pamagat na

21 Paghihinuha sa Kaligirang Pangkasaysayan ng Binasang Alamat gayundin

22 ang inyong panulat at sagutang papel. Babalikan ko kayo pagkatapos ng

23 isang paalala.

24 INFOMERCIAL NO. 1

-MORE-
Nahihinuha ang…333

1 MSC 5 SECS AND UNDER

2 RADIO TEACHER: At tayo ay nagbabalik! Simulan na natin ang ating

3 aralin! Handa na ba kayo?

4 INSERT OPO MA’AM

5 RADIO TEACHER: Mainam kung gano’n! Kayo ay muling makikinig ng

6 isang halimbawa ng alamat ng mga bisaya. Pinamagatan itong

7 Alamat ng Isla ng Pitong Makasalanan. Maaari ninyo itong

8 sabayan ng pagbabasa na matatagpuan sa unang pahina ng

9 inyong learning activity sheets. Susuriin natin ang alamat na ito

10 sa pamamagitan ng mga inihandang gabay na tanong. Oh ano,

11 handa na ba kayo sa ating pakikinggang alamat?

12 INSERT OPO MA’AM

13 RADIO TEACHER: hayan, handang handa na nga kayo! Pakinggan na

14 natin ang Alamat ng Isla ng Pitong Makasalanan.

15 PLAYING ALAMAT (SEE ATTACHED FILE/ COPY OF ALAMAT)

16 MSC 3 SECS UP AND FADE UNDER

17 RADIO TEACHER: Oh hayan mga mag-aaral. Tiyak kong naunawaan

18 ninyo ang alamat. Nagustuhan niyo ba ito?

19 INSERT OPO MA’AM

20 RADIO TEACHER: Mabuti naman kung gano’n! Upang mas mapalalim pa

21 ang inyong pag-unawa, sagutin natin ang mga gawain sa aralin.

22 Dumako tayo sa unang gawain sa pahina ikatlo. Babasahin ko

23 ang panuto. Magtala ng limang bagong salitang ginamit sa

24 alamat. Tukuyin ang kahulugan nito gamit ang diksyunaryo at

-MORE-
Nahihinuha ang… 444

1 gamitin ito sa makabuluhang pangungusap. Handa na ba kayo?

2 Magbibigay ako ng isang halimbawa upang inyong maging gabay sa

3 pagsagot sa gawain. Ang bagong salita para sa akin ay mangangalakal.

4 Ang kahulugan nito ay negosyante. Gagamitin ko ito sa sariling

5 pangungusap. Ang mga mangangalakal na dayo ay tunay ngang

6 mayayaman. Oh hayan, kayo naman. Isulat ang inyong mga sagot sa

7 sagutang papel.

8 MSC 3 SECS UP AND FADE UNDER

9 RADIO TEACHER: Maaari ninyong balikan ang gawaing ito pagkatapos

10 ng ating broadcast. Dumako tayo sa ikalawang gawain. Sagutin

11 natin ang mga gabay na tanong. Tara! Simulan na natin!

12 MSC 3 SECS UP AND FADE UNDER

13 RADIO TEACHER: Unang tanong, anong katangian ng mga kababaihan

14 ang labis na hinahangaan ng mga nakakakita sa kanila?

15 VOICE 1: Ang mga anak ay sobrang ganda kaya sila hinahangaan ng mga

16 kalalakihan.

17 RADIO TEACHER: Tama! Ang kanilang kagandahan ang kagandahan

18 ang hinahangaan ng mga taong nakakakita sa kanila. Nakuha

19 niyo ba ang tamang sagot? Magaling kung ganon! Ano ang

20 ikinakatatakot ng ama nang dahil sa katangiang ito ng kanyang

21 mga anak?

22 VOICE 1: Natatakot ang kanilang ama na baka magustuhan sila ng mga

23 kalalakihan at ilayo sa kanya ang mga anak.

24 RADIO TEACHER: Napakagaling mga mag-aaral! Tunay ngang nakinig

-MORE-
Nahihinuha ang… 555

1 kayo sa alamat! Natatakot ang ama na baka ilayo sa kanya ang kaniyang

2 mga anak ng mga lalaking magkakagusto sa kanila. Dumako naman tayo

3 sa ikalawang tanong, bakit hindi pumayag ang ama nang magpaalam ang

4 kaniyang mga anak na sumama sa mga binagtang bago pa lamang nilang

5 nakikilala?

6 VOICE 1: Maaaring gawan sila ng mga binata ng hindi maganda lalo pa at

7 hindi nila lubusang kilala ang mga binata.

8 RADIO TEACHER: Mahusay! Walang magulang ang pinapayagan ang

9 kanilang mga anak ang sumama sa mga taong hindi pa lubusang

10 kilala. Ikatlong tanong, makatuwiran ba ang hindi pagpayag ng

11 ama sa kagustuhan ng kaniyang mga anak? Bakit?

12 VOICE 1: Opo maam! Makatuwiran ang ginawa ng ama sapagkat delikado

13 na sumama sa sinumang taong hindi natin lubusang kilala.

14 RADIO TEACHER: Tama! Kaya mga anak, kung hindi tayo pinapayagang

15 sumama sa kahit kanino ng ating mga magulang, yun ay dahil

16 ayaw nila tayong mapahamak. Naunawaan niyo ba?

17 INSERT OPO MAAM

18 RADIO TEACHER: Ikaapat na tanong, Kung ikaw ang isa sa mga dalaga,

19 susunod ka ba o susuway sa iyong ama? Ipaliwanag ang iyong

20 sagot. Magbigay nga ng inyong sagot?

21 VOICE 1: Kung ako ang isa sa mga dalaga, susunod ako sa sinasabi ng

22 aking ama. Sapagkat, siya ang nakakaalam ng makabubuti para

23 sa akin.

24 RADIO TEACHER: Wow! Napakagandang sagot! Alam ng ating mga

-MORE-
Nahihinuha ang.. 666

1 magulang kung anong nakabubuti sa atin. Ganyan din ba ang iyong sagot?

2 INSERT OPO MAAM

3 RADIO TEACHER: Mabuti naman kung ganon! Ikalimang tanong, kung

4 ikaw ang ama, ano ang maaari mo sanang ginawa para ang hindi

5 ninyo pagkakaunawaan ay hindi humantong sa pagtakas ng

6 inyong mga anak?

7 VOICE 1: Kung ako ang ama ng mga dalaga ay ipaliliwanag ko nang maigi

8 kung bakit hindi ko sila pinayagang sumama sa mga binata.

9 RADIO TEACHER: Mahusay! May iba pa ba kayong sagot? Kung

10 mayroon pa ay isulat ninyo ito sa sagutang papel. Para sa

11 ikaanim na tanong, ano ang ginawa ng mga dalaga na nagdulot

12 ng labis na sakit sa kalooban ng kanilang ama?

13 VOICE 1: Ang ginawa ng mga dalaga ay ang pagsama nila sa mga binata

14 at ang pagsuway ng mga ito sa kanilang ama na siyang

15 ikinasama ng loob nito.

16 RADIO TEACHER: Magaling! Sumama ang kalooban ng ama dahil sa

17 pagsama ng kanyang mga anak sa mga binatang hindi pa nila

18 lubusang kilala. Naku mga anak, ang pagsuway sa magulang ay

19 at pagpapakasakit sa kanila ay tanda ng kawalan ng respeto.

20 Sana ay huwag nating tularan ang ganitong klase ng mga anak.

21 At para sa huling tanong, Ano ang nangyari sa kanila dahil sa

22 pagiging suwail nilang anak?

23 VOICE 1: Dahil sa pagsuway ng mga dalaga, sila ay naging isla.

24 RADIO TEACHER: Tama! Sila ay naging isla.

-MORE-
Nahihinuha ang… 777

1 RADIO TEACHER: Nakakamangha kayo mga anak! Tunay ngang

2 naunawaan ninyo ang alamat! Binabati ko kayo!

3 INSERT SFX: KIDS CLAPPING

4 RADIO TEACHER: Ngayon naman ay dumako tayo sa ikaapat na pahina

5 ng inyong Learning activity sheet. Basahin ninyo ang kaligirang

6 Pangkasaysayan ng Alamat. Ito ay karagdagang kaalaman

7 hinggil sa Alamat bilang isang akdang pampanitikan. Pagkatapos

8 niyo itong mabasa ay dadako tayo ikatlong gawain. Babalikan ko

9 kayo pagkatapos ng isang paalala.

10 INFOMERCIAL 2

11 PROGRAM ID

12 BUMPER IN AND OUT

13 RADIO TEACHER: At tayo ay nagbabalik! Nabasa niyo ba ang kaligirang

14 pangkasaysayan ng alamat?

15 INSERT OPO MAAM

16 RADIO TEACHER:Wow! Magaling! Dumako tayo sa pagbibigay ng inyong

17 hinuha batay sa alamat na inyong pinakinggan. Iyan ang ating

18 ikatlong gawain. Handa na ba kayo?

19 INSERT OPO MAAM

20 RADIO TEACHER: Tara! Simulan na natin ito.

21 MSC 3 SECS UP

22 RADIO TEACHER: Ang mga babaeng sumuway sa kanilang ama ay

23 naging isla. Bakit kaya isla? Ano ang kaugnayan nito sa uri ng

24 kapaligirang mayroon ang tagpuan?

-MORE-
Nahihinuha ang… 888

1 VOICE 1: Sa aking palagay, sila ay naging isla sapagkat ang isla ay hindi

2 na makakaalis sa kinalalagyan nito. Katulad din ng mga dalagang

3 sumuway at tumakas sa kanilang ama, hindi na sila makakatakas

4 kailanman.

5 RADIO TEACHER: Aba! Napakagandang paghihinuha niyan. Maaaring

6 ganoon nga ang dahilan kung bakit sila ay naging isla. Kasabay

7 rin ng pag-anod ng mga alon sa kanila kaya sila ay naghiwa-

8 hiwalay. Kaya ang nakita ng ama sa dagat ay magkakahiwalay

9 ang pitong islang ito. Ganyan din ba ang hinuha niyo? Kung

10 mayroon kayong iba pang kasagutan, isulat ito sa inyong

11 sagutang papel. Dumako naman tayo sa susunod na tanong,

12 nagmatigas ang ama sa kagustuhang huwag mapalayo sa

13 kaniyang piling ang mga anak. Sa anong panahon kaya nangyari

14 ang akdang ito?

15 VOICE 1: Para sa akin, nangyari ito noong panahong dumating ang

16 mananakop na dayuhan upang makipag-ugnayan at mangalakal

17 sa ating mga ninuno tulad ng mga Tsino, Indian at Arabe.

18 Katulad ng pagdating ng mga mangangalakal na binata sa

19 alamat.

20 RADIO TEACHER: Magaling! Ganyan din ba ang inyong sagot? Kung

21 may karagdagan ay isulat sa inyong sagutang papel. Dumako

22 tayo sa panghuling tanong, ang mga kadalagahan ay talagang

23 sinusuyo ng mga kalalakihan dahil sa kanilang angking

24 kagandahan. Sa anong panahon kaya nangyari ang akdang ito?

-MORE-
Nahihinuha ang… 999

1 VOICE 1: Sa aking palagay, nangyari ito simula pa noong panahon ng

2 ating mga ninuno o katutubo. Dahil, likas na sa mga kalalakihan

3 noon ang suyuin ang mga magagandang dilag o mga dalagang

4 Pilipina.

5 RADIO TEACHER: Mahusay! Oh kayo mga mag-aaral, ano naman ang

6 inyong sagot? Isulat niyo ito sa sagutang papel.

7 MSC3 SECS UP

8 RADIO TEACHER: Hayan mga mag-aaral, natapos natin ang ating

9 paghihinuha batay sa alamat na ating binasa. Binabati ko kayo!

10 Palakpakan ang inyong mga sarili! Magbabalik ako pagkatapos

11 ng isang paalala.

12 INFOMERCIAL 3

13 BUMPER IN AND OUT

14 RADIO TEACHER: Hello mga mag-aaral! Natapos natin ang ating gawain

15 ngayong araw! Huwag kalilimutang sagutin ang bahaging

16 repleksyon sa ikalimang pahina ng inyong learning activity sheet.

17 MSC 3 SECS UP AND FADE UNDER

18 RADIO TEACHER: Bago ako magpaalam, balikan natin ang ating aralin.

19 Tandaan na ang alamat ay may karaniwang paksa tulad ng ating

20 kultura, mga kaugalian at kapaligiran. Taglay nito ang

21 magagandang katangian tulad ng kalinisan ng kalooban,

22 katapatan, at katapangan, subalit tinatalakay rin sa mga alamat

23 ang hindi mabuting katangian tulad ng kasakiman, kalupitan,

24 paghihiganti, pagsumpa at iba pa. Karaniwan itong kinapupulutan

-MORE-
Nahihinuha ang… 101010

1 RADIO TEACHER: ng aral at nagpapakitang ang kabutihan ay nananaig

2 laban sa kasamaan. Nawa ay may napulot kayong aral sa Alamat

3 ng Isla ng Pitong Makasalanan. Ang pagsunod sa mga magulang

4 ay isang direktang utos mula sa Diyos. Sabi nga sa Efeso 6:1,

5 “Mga anak, sundin ninyo ang inyong mga magulang, alang-alang

6 sa Panginoon, sapagkat ito ang nararapat”.

7 MSC 2 SECS UP AND FADE UNDER

8 RADIO TEACHER: Alam kong malaki ang pagpapahalaga at paggalang

9 ninyo sa inyong mga magulang. Isabuhay ninyo ang magandang

10 asal na napulot ninyo mula sa binasang alamat. Mga mag-aaral,

11 tiyakin na masagot ninyo ang mga gawain sa ating aralin bago ito

12 ipasa.

13 INSERT OPO MAAM

14 MSC 3 SECS UP AND FADE UNDER

15 RADIO TEACHER: Sana ay naging makabuluhan ang inyong pagkatuto

16 sa pamamagitan ng radyo. Tandaan, kami ay kasama ninyo sa

17 paglalakbay sa mundo ng karunungan. Ako ang inyong

18 kaagapay sa pag-aaral, Teacher Fausto Maneja, mula sa

19 DANHS RADIO. Maraming salamat sa inyong pakikinig. Muli,

20 magandang araw sa inyong lahat!

21 MSC 3 SECS UP AND FADE UNDER

22 RADIO HOST: At iyan ang kabuuan ng ating aralin ngayong araw.

23 Maraming salamat Teacher Fausto Maneja sa paghahatid ng aralin sa

24 Filipino para sa mga mag-aaral ng ikapitong baitang.

-MORE-
Nahihinuha ang… 111111

1 RADIO HOST: Ang inyong mga sagot o awtput ay maaari ninyong ipasa

2 via online. Kung kayo ay may kapasidad na ipasa na lamang ito

3 sa pamamagitan ng social media ay maaari ninyong gawin.

4 Kung hindi man, ipaalala sa inyong mga magulang ang pag-

5 iingat at pagsunod sa health protocols sa pisikal na pagpasa nito

6 sa inyong barangay hall upang makaiwas sa sakit na COVID-19.

7 Naunawaan ba mga mag-aaral?

8 INSERT OPO MAAM

9 RADIO HOST: Mga mag-aaral, tandaan na ngayong panahon ng

10 pandemya, tuloy pa rin ang edukasyon, kaya’t pag-aaral pa rin ang unahin.

11 Binabati ko kayo sa inyong sipag at tiyaga sa ating aralin sa Radyo

12 Eskwela. Ang scriptwriter o sumulat ng aralin ay ang inyong lingkod,

13 Teacher Shiela May Nacionales Fronda na inyo ring radio host sa oras na

14 ito. Muling tumutok sa ating paaralang panghimpapawid, 106.3 DWDR FM

15 DANHS RADIO. Hanggang sa muling paglalakbay sa mundo ng

16 karunungan! Paalam!

17 MSC 5 SECS UP AND FADE UNDER

18 PROGRAM ID

19 STATION ID

20 -END-

21

22

23

24
1

4
5

10

11

12

13

14

15

16

17

18

19

20

21

22

23

24

4
5

10

11

12

13

14

15

16

17

18

19

20

21

22

23

24

4
5

10

11

12

13

14

15

16

17

18

19

20

21

22

23

24

4
5

10

11

12

13

14

15

16

17

18

19

20

21

22

23

24

4
5

10

11

12

13

14

15

16

Validator- Content

You might also like