You are on page 1of 19

Karunungang Bayan

- isang sangay ng panitikan kung saan


nagiging daan upang maipahayag ang
mga kaisipan na napabibilang sa bawat
kultura ng isang tribo.
Alin sa mga karunungang-bayan sa dayagram ang
alam mo na? Tukuyin at bigyan ito ng kahulugan.

Bugtong Kawikaan
MGA
KARUNUNGANG
Bulong BAYAN Salawikain

Kasabihan Palaisipan
BUGTONG
Likido ang ikinabubuhay niya
Hangin ang ikinamamatay niya

Sagot:
LAMPARA
Ito namang pinsan ko
Saka lamang kikilos
Kapag pinapalo
Sagot:
Pako
SALAWIKAIN
Mga butil ng karunungang hango sa karanasan ng
matatanda, nagbibigay ng mabubuting payo tungkol sa
kagandahang-asal at mga paalala tungkol sa batas ng mga
kaugalian at karaniwang patalinghaga o may nakatagong
kahulugan. Karaniwang nasusulat nang may sukat at
tugma, kaya masarap pakinggan kapag binibigkas.

Halimbawa:
1. Ang hindi lumingon sa pinanggalingan
Di makararating sa paroroionan
2. Ang taong matiyaga
Natutupad ang ninanasa.
SAWIKAIN/IDYOMA

Isang paraan ng pananalita o pagpapahayag na


hindi gumagamit ng mararahas na salita upang
hindi makasakit ng damdamin. Gumagamit ito ng
mga tayutay upang maging kaaya-aya ang paraan
nagpagpapahayag.
Halimbawa:
Balitang-kutsero – balitang hindi pinaniniwalaan
Malayo sa bituka – Hindi malubha
KASABIHAN
Karaniwang ginagamit sa panunukso o pagpuna sa kilos ng isang
tao. Kaiba sa salawikain at kawikaan, ito ay hindi gumagamit ng
talinghaga at payak ang kahulugan. Karaniwang bukambibig
lamang ng matatanda ang mga kasabihan. Ang kilos, ugali at
gawi ng isang tao ay masasalamin sa mga kasabihan.

Halimbawa:
Kung ano ang itinanim
Siyang aanihin.

Mahirap man o mayaman


Pantay-pantay sa libingan.
PALAISIPAN
Naglalahad ng isang sitwasyon na may suliranin. Ito ay isang uri ng
tagisan ng talino kung saan ay pahuhulaan sa mga kasali kung ano ang
pinakamabuting gawin o wastong pamaraan sa paglutas ng suliranin.
Kailangan ang malalim na pag-iisip para dito.

Halimbawa:

May isang prinsesa sa tore ay nakatira.


Balita sa kaharian, pambihitang ganda,
Bawal tumingala upang siya’y makita
Ano ang gagawin ng prinsipeng sumisinta?

Sagot:
Iinom ng tubig upang mapatingala at makita ang prinsesa.
BULONG
Isang matandang katawagan sa orasyon na
ginagamit sa panggagamot, pangkukulam o
pang-eengkanto. Karaniwang ang babaylan ang
nagsasagawa ng ganitong ritwal. Ginagamit din
itong panalangin ng mga taong nagnanais na
makamtan ang isang pangyayari o pagbabago sa
hinaharap. Sa kasalukuyan ay ib ana ang
hakulugan nito lalo na sa Kamaynilaan
Halimbawa ng bulong
Huwag magalit, kaibigan
Aming pinuputol lamang
Ang sa ami’y napag-utusan.

Dagang malaki, dagang maliit


Heto ang ngipin kong sira at pangit
Bigyan mo ng bagong kapalit.

You might also like