You are on page 1of 60

III.

Mga Kasangkapang
Panretorika:
Mga Katutubong
Pagpapahayag
MGA MIYEMBRO
NG PANGKAT
Sean P. Allosada
John Franz A. Ampo
JB Arellano
Allyza Jade Asequia
PAGBIBIGAY-KATUTURAN

Isang mental na representasyon


ng kahulugan o kahalagahan ng
isang bagay.
Ang interpretasyon ay ang pagkilos
ng pagpapaliwanag, pag-reframe, o
kung hindi man ay pagpapakita ng
iyong sariling pang-unawa sa isang
bagay.
Pagbibigay- Ang isang taong nagsasalin ng

katuturan isang wika sa isa pa ay tinatawag


na interpreter dahil ipinapaliwanag
nila kung ano ang sinasabi ng isang
tao sa isang taong hindi
nakakaintindi.
Nagbibigay ng depinisyon o
pagpapakahulugan upang
ipaliwanag ang isang konsepto o
dalumat na nakapaloob sa isang
salita o pangkat ng mga salita. ​
MGA KATUTUBONG
PAGPAPAHAYAG

Salawikain Kawikaan Kasabihan


MGA KATUTUBONG
PAGPAPAHAYAG

Bugtong Palaisipan Tugma o


Panunudyo
SALAWIKAIN
Pangaral o paalala na lagi nang may dalang aral
Binhi ng pamimilosopiya na minana natin sa ating mga
ninuno na nagbibigay-aral sa pagsasabi ng katotohanan

Hal.
Ang lumakad nang matulin, kung
matinik ay malalim
KAWIKAAN
Kalipunan ng turong pangmoral at panrelihiyon
Ito’y mga paalala na may dalang mensahe at aral na
kadalasan ay hango sa banal na kasulatan

Hal.
Ang katotohanan ang magpapalaya
sa iyo
KASABIHAN
Ito ay sabi-sabing naging palasak na tinanggap ng bayan
sa pagdaan ng panahon
Bukambibig na hinango sa karanasan ng buhay na
nagsisilbing patnubay sa mga dapat ugaliin.

Hal.
Daig ng maagap
Ang taong masipag
BUGTONG
Tulang may sukat at tugma
May 2 o 4 na taludtod
May anim, walo, at labindalawang sukat

Hal.
Bumubuka'y walang bibig
Ngumingti nang tahimik
PALAISIPAN
Wala itong sukat at walang tugma
Layunin nitong magpatalas ng isip

Hal.
Paano tatawa ang dalaga na hindi
makikita ang kanyang mga ngipin?
TUGMA O PANUNUDYO
Karaniwang ginagamit sa panunukso o pagpuna sa kilos
ng isang tao
Hal.
Putak, putak
Batang duwag
Matapang ka't
Nasa pugad
Tayutay
Ang tayutay ay mga
pahayag na sadyang
inilayo sa karaniwang
kahulugan ang nais
ipahiwatig. Ginagamit ito
upang masinig, malikhain
at kaakit-akit ang
pagpapahayag.
Uri ng Tayutay
SIMILE O
PAGTUTULAD
Pinakamadaling uri ito dahil kagyat na
nakikilala sa mga salita o pariralang
ginagamit tulad ng parang, wangis,
animo’y, gaya ng, tila, mistula, sing- at
iba pa.
Ito'y paghahambing ng dalawang
magkaiba o di-bagay, tao, kaisipan,
pangyayari, at iba.
HALIMBAWA
1. Gaano ka kaya kasuwerte
ngayon? Sing-alat ng bagoong
ang suwerte ko ngayon!
2. Balahibuhing parang labong
ang mga brasyo niya't binti.
METAPORA O
PAGWAWANGIS
Paghahambing din ito gaya
ng pagtutulad, nagkakaiba
lamang sa hindi na nito
paggamit ng mga salita o
pariralang pantulad sapagkat
direkta nang ipinaaangkin
ang katangian ng tinutularan.
HALIMBAWA
1. Ang musika ay hagdan ng
kaluluwa paakyat sa langit.
2. Tinik sa lalamunan ko ang
katahimikan mo.
PERSONIPIKASYON
O PAGBIBIGAY -
KATUHAN
Ginagamit ito para bigyang
buhay, pagtataglayin ng mga
katangiang pantao-talino, gawi,
kilos, ang mga bagay na likas na
walang buhay. Ito'y
naisasakatuparan sa
pamamagitan ng mga
pananalitang nagsasaad ng kilos
ng pandiwa.
HALIMBAWA
1. Humihinga pagsapit ng takipsilim ang
gabi. Bumubulong ng libong himutok.
2. Sa paglakad ng buwan magbabago nang
lahat ang takbo ng panahon.
APOSTROPE O
PAGTAWG
Isang anyo ito ng panawagan
o pakiusap sa isang taong
hindi nakaharap, nasa malayo
o kaya'y patay na. Gayundin
sa mga kaisipan o mga bagay
na binibigyang-katauhan na
parang kaharap na
kinakausap.
HALIMBAWA
1. Ano ka ba, O kabaitan? Ikaw ba'y isang
pangalang walang kabuluhan... lakas ng
kaloobang lumalaban sa mga katutubong
damdamin?
2. Bukas ay iiwan naming ang Mediterano at
papasok sa kanal. Paalam, Euopa!
(Pagsusulatan nina Rizal at Blumentritt)
PAGTATANONG
Sa pamamagitan ng
pagtatanong nailalahad ang
katanungan at kapamiliang
kasagutan kung
matatanggap o hindi ang
isang bagay.
HALIMBAWA
1. Saan nangaroon ang mga Al Perez
kahapon at di pinamayani ang katahimikan
ngayon?
2. Itinulad kita sa Santa Dinambana,
sinamba... ano't bumaba ka sa altar ng
aking tiwala?
PAG-UULIT
Dagliang makikita ito saan
mang bahagi ng mga
taludtod o pangungusap
kapag ang unang titik o
unang pantig ng bawat salita
o kung ang isang salita ay
makailang beses na
ginamit.
Lima (5) ang uri nito:
ALITERASYON
kung ang unang titik o
pantig ng mga salita ay
parepareho
HALIMBAWA
Gumising ka giliw sa gitna ng gabi gupili’y
gusuti’t garampot ‘tang
gintong gunita’y gunamin.
ANAPORA
“Pag-uulit ng isang salitang
nasa unahan ng isang sugnay”
ayon kay Rufino Alejandro.
HALIMBAWA
Panahon na upang ang diwa’y lumipad.
Panahon na upang ang puso’y tumigas.
Panahon na upang ang naipong lakas ay
pahulagpusin at sa’yo ibagsak.
ANADIPLOSIS
Ayon pa rin ay Rufino Alejandro,
ang parehong salita ay ginagamit
sa unahan at sa hulihan ng
magkasunod na sugnay.
HALIMBAWA
Sa kaluwagan mo sa ‘king kagipitan,
kagipitang minsan ay pinagpulasan…
Bitiwan Mo Ako
Jose M. Buhain
EPIPORA
Pag-uulit naman ito ng isang
salita sa hulihan ng sunud-sunod
na taludtod, ayon pa rin ay Rufino
Alejandro.
HALIMBAWA
Huwag nating tulutang maibagsak ng kaaway ang
pamahalaan ng bayan, tatag ng bayan, at ukol sa
bayan.
EMPANODOS O PABALIK NA
PAG-UULIT
Bagamat ito’y hindi na isinama ni R. Alejandro,
dito’y isinasama na dahil ito’y sadyang pag-
uulit din, nga lamang, binabaliktad ang ayos
ng pahayag.
HALIMBAWA
Ang langit ay lupa't ang lupa ay langit.
EKSAHERASYON O
PAGMAMALABIS O
HYPERBOLE
Ito’y isang lagpas-lagpasang
pagpapasidhi ng kalabisan o
kakulangan ng isang tao, bagay,
pangyayari, kaisipan, at iba pang
katangian, kalagayan o katayuan.
HALIMBAWA
1. Muntik na akong matupok sa taas ng lagnat ko.

1. Sa sobrang problema namuting lahat ng buhok


niya.
PAGHIHIMIG O
ONOMATOPEYA
Ito ang paggamit ng mga salitang
kung ano ang tunog ay siyang
kahulugan.
HALIMBAWA
1. Nakailang karirinig din ang kabilang kawag bago
ito sagutin.
2. Nagngingiyaw ang pusa sa alulod sa ginaw.
PAG-UYAM O IRONYA
Sa tila namumuring pananalita
pinaloloob o pinahihiwatig ang
paglibak, pagtudyo o pagkutya.
Nararamdaman ang tunay na
kahulugan nito sa diin ng
pagsasalita at ekspresyon ng
mukha ng nagsasabi.
HALIMBAWA
1. Mahusay talagang magpalaki ng anak iyang
mga magulang mo! Nakakaabsent ka na sa
klase, nasasagut-sagot mo pa sila.
2. Bilib ako sa husay ng panlasa mo. Ang hindi ko
masikmura nalulunok mo.
PAGSUSUKDOL
Dito’y pataas na pinagsusunod-sunod
ang kahalagahan ng mga salita o
kaisipan mulang pinakamababang
antas hanggang pinakamataas.
HALIMBAWA
1. Pasaan na sa pagkakabubog ang mga ulap sa
alapaapan, Duguan na sa pagkakadumog ng
mga alon ang dalampasigan, Sumambulat na sa
pagpuputukan ang mga dahon sa lansangan.
2. O… nakapaninindig-balahibo ang tengang
kaligkig!
O… nakapambubuntung-hininga ang saglit na
kulog!
O… nakapamimikit-mata ang bingit ng bangin!
IDYOMA
Ang pag-aaral ng mga idyoma ( idioms o
idiomatic expressions ) ay kasama sa
pag-aaral ng retorika. Ito ay nagpapabisa,
nagpapakulay, at nagpapakahulugan sa
pagpapahaya.

Ang mga idyoma ay mga di-tuwiran o di-


tahasang pagpapahayag ng gusting
sabihin na may kahulugang patalinhaga.
Ang kahulugan ng idyoma ay Anghel ng Binuksan ang
malayo sa literal o denotativong Tahanan - Anak dibdib -
kahulugan ng salita. Ipinagtapat ang
nasa loob
Ang mga idyoma ay tinatawag
ding idyomatikong pahayag o
sawikain sa ating wika. Kabagang - Kabatakan -
kaibigan/Kasundo tropa o
kaibigan
Di mahapayang Di mahulugang
gatang - hindi karayom -
magpatalo; maraming tao

Durugin ang Guhit ng Palad -


puso - kapalaran
pasakitan
Haharap sa Hubad sa
magaling - mag- katotohanan -
aasawa hindi totoo

I-krus sa noo - Isang kahik,


tandaan Isang tuka -
mahirap na
pamumuhay
Lumaki ang ulo - Humanap ng batong
naging mayabang ipinukpok sa ulo -
naghahanap ng gulo
o away

Ibong mababaw Iguhit sa tubig -


ang lipad - kalimutan
babaeng bayaran
Mabubulaklak na Magaan ang dugo -
Landas - magiliw
kabuhayang
maginhawa

Magsagap ng May gatas pa sa


Alimuom - labi - bata pa
paghahanap ng
tsimis
May uod sa May utak -Matalino
katawan - Malikot

Magbuhat ng sariling
banko - Nagyayabang
Alusyon
Sa libro naman nina Bisa at Sayas (Retorikang Filipino,
1996), binanggit nila ang alusyon na tinawag na tukoy
ni Alejandro.

Ayon sa kanya, ito ay isang pamamaraang


panretorika na gumagamit ng pagtukoy sa isang tao,
pook, katotohanan, kaisipan, o pangyayari na
iniingatan sa pinakatagong sulok ng alaala ng isang
taong may pinag-aralan.
Alusyon sa Ang Mt. Apo ang itinuturing
Heograpiya na pinakamataas na bundok
sa bayan kung kaya ito ang
Mt. Everest ng Pilipinas.
Alusyon sa Nagsisilbi siyang isang Moises
Bibliya ng kanyang lipi upang iligtas
ang mga ito sa kamay ng
mga mapang-aliping nais na
sakupin ang kanilang bayan.
Sa unang saknong ng tulang
Felicitacion (Maligayang Bati)
Alusyon sa ni Dr. Jose Rizal, ganito ang
mababasa:
Mitolohiya
Kung si Filomena ang dila’y
may tamis ang sa kay Apolo,
sa kanyang pagsilip, sa may
kabukira’t bundok na
masungit, ang may dalang
awit.
Alusyon sa Walang alinlangang isa siyang
Literatura Ibarra na puno ng pag-asang
kanyang maliligtas ang
kanyang bayan sa isang idiyal
na paraan.
Alusyon sa
Kulturang Kinikilala si Mang Noe bilang
Elvis Prestley ng lungsod ng
Popular Davao at ang anak niyang si
Liway bilang Whitney
Houston ng buong Mindanao.
Salamat sa
pakikinig!

You might also like