You are on page 1of 27

TAYUTAY /

IDYOMATIKONG
PAHAYAG
TAYUTAY
 Ito’y anyo ng paglalarawang-diwa na ang
kahulugan ay nasa ilalim ng mga salita
PAGTUTULAD O SIMILE
 Paghahambing ng dalawang bagay, tao,
pangyayari o kaisipan na magkaiba nguni
nagkakatulad sa katangian. Gumagamit ng
parang, tulad ng, wangis, kayaga ng atb.

 Hal.
Ang sistemang pampulitika ay tulad sa
isang sasakyan naghahatid sa atin ng iba’t
ibang destinasyon
PAGWAWANGIS O METHAPOR
 Tiyakan ang paghahambing o pagtutulad na
inaalis ang mga salitang tulad, wari, para,
tila.

 Hal.
Ang karunungang taglay ninyo ngayon,
mga bagong nagsitapos, ay magiging
hagdan ninyo sa tagumpay
PERSONIPIKASYON
 Ito’y pagbibigay-katauhan o pagsalin ng
katangian sa mga bagay-bagay sa paligid
natin

 Hal.
Tulog pa ang mga bituin nang lisanin niya
ang kanyang dampa.
PAGMAMALABIS
 Lubhang pagpapalabis o nagpapakita ng
kalagayan ng tao, bagay o pangyayari

 Hal
Sa labis na danda ng nanalong Bb. Diwa
at Panitik, halos nalaglag ang kanyang
salawal.
PAGPAPALIT-SAKLAW O
SINEKDOKI
 Pagbanggit ng isang bahagi ng isang bagay
para sa kabuan ng isang tao sa isang pangkat.

 Hal.
Anim na tainga ang matamang nakikinig
sa ibinalita ni Isabel.
PAGPAPALIT-TAWAG O
METONOMIYA
 Pagpapalit ng mga katawagan ng mga bagay
na magkakaugnay, hindi sa kahambingan
kundi sa kaugnayan.

 Hal.
Ang anhel sa kanilang tahanan ay isang
malusog na sanggol.
PAGTAWAG O APOSTROPI
 Ito’y pagpapahayag ng kaisipan o damdamin
na parang tunay na kaharap ang kinakausap
na may buhay o maaaring mawala.

 Hal.
Ulan, ulan, bumagsak ka na at diligin
mo ang tuyong bukirin.
PANG-UYAM O IRONIYA
 Pagkutya sa isang tao o bagay sa
pamamagitan ng paggamit ng mga salitang
pamumuri ngunit kung uunawaing mabuti ay
nangungutya o nag-uuyam.

 Hal.
Kay bait bait mong kaibigan. Pagkatapos
kitang tulungan sa iyong mga kagipitan
ay inagaw mo pa sa akin ang akng
kasintahan.
ALITERASYON
 Pag-uulit ito ng mga tunog-katinig sa inisyal
na bahagi ng salita.

 Hal.
Mababakas sa mukha ng isang mabuting
mamamayan ang marubdob niyang
pagtanggi sa mahal niyang bayan.
ASONANS
 Pag-uulit naman ito ng mga tunog-patinig sa
alinmang bahagi ng salita.

 Hal.
Nasisiyahan ka palang manghiram ng
ligayang may hatid na kamandag at
lason.
KONSONAN
 Katulad ng aliterasyon, pag-uulit ito ng mga
katinig, ngunit sa bahaging pinal.

 Hal.
Ang halimuyak ng mga bulaklak ay
mabuting gamot sa isang pusong wasak.
PAGTANGGI O LITOTES
 Gumagamit ng mga panangging “hindi”
upang magpahiwatig ng lalong makahulugang
pagsang-ayon.

 Hal.
Ako’y hindi nagpaparatang na
magnanakaw si Leah ngunit siya lamang
ang pumasok sa kwarto kanina nang
mawala ang aking pitaka.
ONOMATOPIYA
 sa pamamagitan ng tunog o himig ng salita
ay nagagawang maihatid ang kahulugan nito.

 Hal.
Langitngit ng kawayan, lagaslas ng
tubig, dagundong ng kulog
ANAPORA
 Pag-uulit ito sa unang bahagi ng pahayag o ng
isang aludtod.

 Hal.
Kabataan amg sinasabing pag-asa ng
ating bayan. Kabataan ang sanhi ng
pagsisikap ng bawat magulang. Ngunit
kabataan din ba ang sisira sa kanyang
sariling kinabukasan? At kabataan din ba
ang wawasak sa pangarap ng kanyang
kapwa?
EPIPORA
 Pag-uulit na nasa huling bahagi ng pahayag o
taludtod.

 Hal.
Ang konstitusyon o saligang batas ay
para sa mamamayan, gawa ng
mamamayan at mula sa mamamayan.
ANADIPLOSIS
 Kakaiba ito sapagkat ang pag-uulit ay nasa
una at huli. Magandang halimbawa nito ang
sina tula ni Jose dela Cruz.
 Hal.
Matay ko man yatang pigili’t pigilan
pigilin ang sintang sa puso’y tumiim;
tumiim na sinta’y kung aking pawiin
pawiin ko’y tantong kamatayan ko rin.
PAGLUMANAY O EUPEMISMO
 Salitang magpapabawas sa tindi ng kahulugan
ng orihinal na salita.

 Hal.
Magkakaroon din lamang siya ng babae
(kabit) ay bakit sa isang pang mababa
ang lipad (prostityut).
ALUSYON
   Ito ay paggamit ng mga salita sa pagtukoy sa isang
tao, pook o pangyayari. Karaniwang ginagamit ng
mga taong may pinag-aralan at taong dalubhasa.

 1. Alusyon sa Heograpiya
           a. Ang Britania Islands ay ang Boracay ng
CARAGA Region.
            b. Ang DELTA ay ang Dahilayan ng Butuan.
 2. Alusyon sa Literatura
         a. Nahihiya man akong aminin pero mithiin kong
maging isang Juliet ng aking kaklase na si Romeo.
             b. Si Bonie ang Shakespeare ng aming
unibersidad dahil sa angking talino sa larangan ng
literatura.
 3. Alusyon sa Bibliya
           a. Si Pipoy, na palaging maagang pumapasok sa
paaralan, ay naatasang maging isang San. Pedro ng
aming guro. Siya       ang taga-hawak ng susi ng aming
silid.
             b. Lahat ng mga ilaw ng tahanan ay mga
Maria sa kanilang mga pinakamamahal na anak.
 4. Alusyon sa Mitolohiya
           a. Kahit ano pang puri ang ibigay mo
sa iyong sarili, hinding-hindi ka magiging
Eros sa aking paningin.
             b. Sa husay ni Kiray sa
pakikipaglaban, siya ang Athena ng
kanilang purok.
PARALELISMO
 Sa pamamgitan ng halos iisang istratura,
inilalatag dio ang mga ideya sa isang
pahayag.

 Hal.
 Iyan ang disiplinang militari: sama-samang lulusob
sa mga kaaway, sama-sama ring kaming mamamatay
o magtatagumpay
EKSRESYONG IDYOMATIKO

 Salita o lipon ng mga salita na ang kahulugan


ay iba kaysa kahulugan ng mga salitang
bumubuo nito.
MGA HALIMBAWA
 Ahas na tulog – makupad, mabagal

hal. Ahas na tulog si Paul sa kanyang trabaho


kaya hindi siya nabiyan ng promosyon

 Alog na ang baba – matanda na

hal. Malakas pa si Lolo Baste kahit na alog na


ang kanyang baba
 Lago ang pisi – naubos ang pera

hal. Masyo kang magastos kaya’t lagi na


lamang lagot ang iyong pisi

 Namuti ang mata – nainip sa kahihintay

hal. Namuti na ang mata sa kahihintay sa


ating promosyon.
 Ilista sa tubig – kalimutan ang utang

hal. Ilista mo lamang sa tubig ang utang ng


kapatid ko.

 Butas ang bulsa – walang pera

hal. Butas ang bulsa ni Mark nang nagdaang


araw.

You might also like