You are on page 1of 7

💊

Tayutay
2.19 Depinisyon
Ano ang matatalinghagang salita?
Ito ay ang mga pahayag na di tuwiran o di literal ang kahulugang taglay at sa
halip ay may nakakubling mas malalim na kahulugan.

Saan ito karaniwang ginagamit?


Panulaan at elemento ng tula.

Ano ang dalawang uri ng matatalinghagang salita?

Mga Idyoma

Ano ang mga Idyoma?


Mga pahayag na karaniwang hango mula sa karanasan ng tao, mga
pangyayari sa buhay at sa paligid subalit nababalutan ng higit na
malalim na kahulugan.

Ano ang mga halimbawa nito?

Tayutay 1
Tayutay 2
Ang Tayutay Figure of Speech)

Ano ang Tayutay Figure of Speech)?

Ito ay isang sinadyang paglayo sa karaniwang paggamit ng mga salita


upang gawing mabisa, matalinghaga, makulay at kaakit-akit ang
pagpapahayag.

2.20 Mga Uri ng Tayutay


Pagtutulad Simile)

Paghahambing sa dalawang magkaibang tao, bagay, pangyayari atbp.


Ginagamitan ng mga salitang tulad ng, katulad ng, gaya ng, parang, kawangis
ng, animo, kagaya ng, atbp.

HALIMBAWA

Siya ay katulad ng kandilang unti-unting nauupos.

Ang tao ay gaya ng halamang nararapat diligin.

Pagwawangis Metaphor)
Isang tuwirang paghahambing na hindi ginagamitan ng mga salitang tulad ng,
para ng, kawangis ng, animo atbp.

HALIMBAWA

Ang ina ni Joshua ay bituing tanglaw niya sa landas ng buhay.

Si Eugene ay isang ibong humanap ng kalayaan.

Pagtatao Personification)
Nagsasalin ng talino, gawi at katangian ng tao sa bagay na walang talino.
Pandiwa ang ginagamit dito.

HALIMBAWA

Lumuluha ang liham na natanggap ni Carlo.

Ang buwan ay nahiya at nagtago sa ulap.

Tayutay 3
Eksaherasyon/Pagmamalabis Hyperbole)
Labis-labis o kulang ang paglalarawan. Lubhang pinalalabis o pinakukulang
ang katunayan at kalagayan ng tao, bagay, pangyayari atbp.

HALIMBAWA

Nabiyak ang kanyang dibdib sa tindi ng dalamhati.

Nabutas ang bambam ng tainga ni Popot dahil sa ingay.

Paguyam Sarcasm)

Ito ay mga pananalitang nangungutya sa tao o bagay, tila kapuri-puring


pangungusap ngunit sa tunay na kahulugan ay may bahid na pag-uyam.
Isinusulat ang positibo bago sa negatibo.

HALIMBAWA

Kay kinis ng mukha mong butas-butas sa kapipisil mo ng mga


taghiyawat.

Talaga palang masipag ka, wala kang ginawa kundi matulog


maghapon.

Paglilipat-wika

Ito ay gumagamit ng pang-uri upang bigyang paglalarawan ang bagay.

HALIMBAWA

Ang matalinong pluma ni Rizal ang nagbigay sa atin ng kalayaan.

Ang kanilang mapagpatuloy na tahanan ay kumanlong ng mga


sugatan.

Paglilipat-saklaw Synecdoche)
Ito ay pagbanggit sa bahagi ng isang bagay o ideya bilang katapat ng
kabuuan.

HALIMBAWA

Hiningi ni Carl ang kamay ng dalaga.

Sampung kamay ang nagtulung-tulong sa pag-aararo.

Pagtawag Apostrophe)

Tayutay 4
Ito ay pakikipag-usap sa karaniwang bagay na para bang nakikipag- usap sa
isang buhay na tao.

HALIMBAWA

O, tukso layuan mo ako.

Pag-asa, halika rito at ako’y nalilito na sa mga problema.

Tanong Retorikal

Isang pahayag na anyong patanong na hindi naman nangangailangan ng


sagot.

HALIMBAWA

Hanggang kailan ba masusupil ang kasamaan na dulot ng


ipinababawal na gamot?

Hahayaan ba nating malugmok sa kumunoy ng kahirapan ang ating


bayan?

Pagpapalit-tawag Metonymy)

Pansamantalang pagpapalit ng mga pangalan ng bagay na magkaugnay

HALIMBAWA

Dapat nating igalang ang puting buhok.

Si Haring Garen ang nagmana ng korona.

Pagdaramdam

Nagsasaad ito ng pangkaraniwang damdamin.

HALIMBAWA

Kailan lamang ay sumasayaw ka sa kaligayahan at punong-puno ng


buhay, ngayon ay isa ka nang malamig na bangkay at ni bakas ng dati
mong kasiglahan ay wala na akong makita.

Tambisan Antithesis)

Pagtatabi ng mga hagap na nagkakahidwaan sa kahulugan upang lalong


mapatingkad na lalo ang mga salita.

HALIMBAWA

Tayutay 5
Siya ay isang taong sala sa init, sala sa lamig ayaw ng tahimik ayaw rin ng
magulo, nayayamot sa mayaman at nayayamot din sa mangmang, isang
nakalilitong nilalang.

Paghihimig Onomatopoeia)
Naipahihiwatig dito ang kahulugan sa pamamagitan ng tunog o himig ng mga
salita.

HALIMBAWA

Dumagundong ang malakas na kulog na sinundan ng pagguhit ng


matatalim na kidlat.

Kumalabog sa matigas na lupa ang bumagsak na kargamento mula sa


trak.

Pag-uulit Alliteration)

Ang uting ito ay gumagamit ng magkatulad na titik o pantig sa simula ng


dalawa o mahigpit pang salitang ginagamit sa isang pangungusap.

HALIMBAWA

Napalayo siya at naligalig sa nagawa niyang napakabilis na


pagpapasyang nakalikha ng pagkabalisa sa pusong umiibig.

Lumingap si Romy sa kapaligiran, lumakad ng ilang hakbang, lumingon


sa pinanggalingan at nagdudumaling lumabas sa lumang gusaing
mahabang panahon ding naging bilangguan ng kanyang yayat na
katawan.

Pagtanggi Litotes)

Gumagamit ang pagpapahayag ng salitang “hindi” upang maipahiwatig ang


lalong makahulugang pagsangayon sa sinasabi ng salitang sumusunod.

HALIMBAWA

Hindi ko sinasabing tsismosa si Sandra ngunit ipinamalita niya ang


pagtatapat sa kanyang lihim ng matalik niyanng kaibigan.

Si Raul ay hindi salawahan, tatlo lamang ang kanyang kasintahan.

Salantunay Paradox)

Tayutay 6
Pagpapahayag ng isang katotohanan sa pamamagitan ng paggamit ng
sangkap na animo’y di totoo sa biglang basa o dinig.

HALIMBAWA

“Kapagka ang tao sapul na ay tamad”

“Madaling tahakin landas ng pag-unlad”

Pangitain Vision imagery)

Naglalarawan sa mga laman ng isip na animo’y tunay na kaharap o nakikita sa


nagsasalita.

HALIMBAWA

“Sa sinapupunan ng konde Adolfo"

“Aking natatanaw si Laurang sinta ko”

Paghahalintulad Analogy)

Tambalan ng pagtutulad; ipinahahayag ng paghahalitulad ng magkatulad ng


isang kaugnayan.

HALIMBAWA

“Ang tingin ng paruparo sa bulaklak"

“Damdamin ng binata sa dalaga ang katulad”

Tayutay 7

You might also like