You are on page 1of 2

Mga Matatalinhagang Pananalita

MGA IDYOMA AT TAYUTAY

MATATALINHAGANG PANANALITA

Ay mga pahayag na hindi tuwiran o di literal ang kahulugan taglay at sa halip ay may nakakakubling
mas malalim na kahulugan

Karaniwang ginagamit ang mga pahayag na ito sa panulaan sapagkat isa ito sa mga elemento ng
tula.

MGA IDYOMA

Mga pahayag na karaniwang hango mula sa karanasan ng mga tao, mga pangyayari sa buhay
at paligid subalit nababalutan nang higit na malalalim na kahulugan.

IDYOMA KAHULUGAN

ALOG NA ANG BABA MATANDA NA

ANAK-PAWIS MAHIRAP

BALAT-KALABAW HINDI MARUNONG MAHIYA

GININTUANG PUSO MABUTI ANG KALOOBAN

USAD-PAGONG MABAGAL

PANTAY ANG PAA PATAY NA

MAHABA ANG PISI MAPAGPASENSIYA

MGA TAYUTAY

Isa pang-uri ng matatalinhagang pagpapahayag kung saan sadyang lumalayo ang


nagpapahayag sa karaniwang paraan ng nagsasalita upang higit na mapaganda o mabigyang-
halina ang isinulat o sinasabi.

Ilang tayutay

Pagtutulad (SIMILE) – paghahambing ng dalawang magkaibang bagay na ginagamitan ng


mga pariralang katulad ng, gaya ng, kapares ng, kahawig ng at iba.

hal. Ang digmaan ay tulad ng halimaw na sumisira sa bawat madaanan.

PAGWAWANGIS (METAPHOR)

naghahambing din ito tulad ng pagtutulad ngunit ito ay tiyakang naghahambing at hindi
gumagamit ng pariralang tulad ng, gaya ng at iba pa.
Hal. Ang digmaan ay maitim na usok ng kamatayan.

PAGMAMALABIS (HYPERBOLE)

lubhang pinalalabis o pinakukulang ang tunay na kalagayan ng tao, bagay, o pangyayari.

Hal. Lumuha siya ng balde-balde nang mamatay ang kanyang aso.

PAGBIBIGAY KATAUHAN
(PERSONIFICATION)

Ang pagbibigay- katangian ng isang tao sa isang bagay na walang buhay.

Hal. Ang baya’y umiyak dahil ito’y may tanikala.

Pagpapalit –saklaw (synechdoche)

Pagpapahayag sa pamamagitan ng pagbanggit sa bahagi bilang pagtukoy sa kabuoan.

Hal. Maraming puso ang nadurog sa kalagayan ng mga batang nabiktima ng digmaan.

Pagtawag(apostrophe)

Ito naman ay tila pakikipag-usap sa karaniwang bagay na malayo o wala naman.

Hal. O Kamatayan, hayaan mong mamuhay muna at yumabong ang mga kabataan.

PAG-UYAM (IRONY)

Ito ay isang pangungutya sa pamamgitan ng paggamit ng mga salitang kapuri-puri ngunit


kabaligtaran naman ang kahulugan.

You might also like