You are on page 1of 40

Ano ang MITO?

Ito ay isang salaysay ng nagawa o kabayanihan ng mga


diyos, diyosa at espiritu sa lupa, sa langit o sa ilalim ng
lupa.

Mitolohiyang Griyego

Ito
ay isang bahagi ng relihiyon sa modernong Gresya at sa buong
Mundo na kilala bilang Hellenismos.
Dalawang Yugto ng Kabihasnang Griyego

Panahong Hellenic

Ito ang pag-unlad ng kabihasnang nakapaloob lamang sa


Greece. Kulturang Hellenic ang tawag sa kulturang Griyego.

Panahong Hellenistic

Ito ang paghahalo ng kulturang silangan at kanluran na


nagbunga sa bagong kultura.
Tradisyonal na pananampalataya sa Greece ay ang pagsamba
sa iba’t ibang diyos sa pangunguna ni Zeus.

Hera Diyos ng pag-aasawa

Hestia Diyosa ng tahanan

Hephaestus Diyos ng apoy, bakal at pagpapanday

Hades Diyos sa mundong ilalim at mga patay

Poseidon Diyos ng karagatan

Apollo Diyos ng araw


Aphrodite Diyos ng pag-ibig

Ares Diyos ng digmaan

Artemis Diyos ng buwan, pangangaso at


panganganak

Athena Diyos ng karunungan, digmaan at


tagumpay

Demeter Diyos ng butil at ng ani

Dionysus Diyos ng alak at ng ubas

Hermes Tagapaghatid ng balita ng mga diyos


Ano ang kwentong-bayan?

Ito ay kinabibilangan ng mga Mitolohiya ay nagkaroon ng


maraming bersiyon. Mga akdang kinabibilangan ng mga
salaysay at pamahiin hinggil sa mga masalamangkang mga
nilalang at nilikha ng mga Pilipino.

Ang Mitolohiyang Pilipino ay binubuo ng mga diyos, mga


hayop, mga mahihiwagang nilalang at mga diwata.
Ano ang Pandiwa?

Ito ay bahagi ng pananalita na nagsasaad ng kilos


o galaw ng simuno ng pangungusap. Ito ay
maaring kilos o galaw ng tao, hayop, o bagay. Sa
Ingles, ang katumbas ng pandiwa ay verb.
Iba’t ibang gamit ng Pandiwa
1. Magpakita ng kilos ng aktor o tagaganap

> May aksiyon ang pandiwa kapag may aktor o tagaganap ng


aksiyon/kilos,
> Mabubuo ang mga pandiwang ito sa tulong ng mga
panlaping - um, mag, ma, mang, maki, mag-an
> Maaaring tao o bagay ang aktor

Halimbawa.

Bumalik si Orpheus sa mundong nasa ilalim ng lupa nang


mamatay ang kaniyang asawa.

Ang salitang may salungguhit ay mga pandiwang naglalahad sa aksiyon o


kilos ng mga tagaganap
2. Magpapahayag ng Karanasan

> Nagpapahayag ng karanasan ang pandiwa kapag may


damdamin. Dahil dito, may nakaranasan ng damdaming
inihuhudyat ng pandiwa. Maaaring magpahayag ang
pandiwa ng karanasan, damdamin/emosyon. Sa ganitong
sitwasyon, may tagaranas ng damdamin o saloobin.

Halimbawa.

Nasiyahan ang diyosa sa ilalim ng lupa nang marinig ang


kaniyang malamyos na tinig.

Ang salitang may salungguhit ay nagpapahayag ng damdamin ng taong


nakararanas ng kilos.
3. Nagpapahayag ng resulta ng isang pangyayari

> Ang pandiwa ay nagpapakita ng resulta ng isang pangyayari

Halimbawa.

Nagdiwang ang buong kaharian sa pagkakaligtas niya sa


anak ng hari at reyna.

Ang salitang may salungguhit ay mga pandiwa na resulta ng mga


pangyayaring nakasulat ng pahilig.
PARABULA
Ito ay mga kwentong kathang-isip lamang ngunit may
mahalagang mensahe para sa pang-araw-araw na
pamumuhay.

Ito ay gumagamit ng pagtutulad at metapora upang


bigyang-diin ang kahulugan.

Ito ay maikli, praktikal at kapupulutan ng mga ginintuang


aral.
Ito ay nagmula sa ating Panginoong Hesus, Hangarin ng
Panginoong Hesus na bigyang ang tao ng ideya patungkol
sa kaharian ng Diyos.

Ito ay kinapapalooban ng mga elementong may ibang ibig


sabihin

May simbolong kumakatawan sa tunay na nais


ipahiwatig ng nagkukuwento.

May mga mensaheng nagpapakilala sa pag-ibig ng


Diyos o nagpapakita sa ugali ng tao na nag-uudyok sa
mga mambabasang mag-isip, kumilos at magbago.
TATLONG PANGUNAHING MENSAHE NG PABULA

1. Ito’y nagpapahiwatig sa Kaharian ng Diyos.

2. Ito’y nagpapakita ng mga kaugalian ng tao patungkol sa


Diyos.

3. Ito’y nagsasaad ng katotohanan tungkol sa Diyos, sa


tao, at sa buhay.
EPIKO
Ito ay tulang pasalaysay na inaawit o binibigkas. Ang mga
berso ay tungkol sa kabayanihan ng mga taong nagtataglay ng
supernatural na kapangyarihan sa pamamagitan ng
pangunahing tauhan nito.

Ang mga pangyayari ay hindi kapani-paniwala, kasasalaminan


pa rin ito ng kultura, tradisyon o kaugaliang dapat panatilihin
na nagsisilbing pagkakakilanlan ng isang lahi.
Ang Epiko ay nagmula sa mga sinaunang salitang Griyego
(Greek) na epikos at epos na naglalarawan sa buhay at
kabayanihan ng tao. Layunin nitong gisingin ang damdamin
ng tao upang hangaan ang pangunahing tauhan.

Epiko ni Gilgamesh - isang epiko mula sa Mesopotania. Ito


ang tinuturing na isa sa pinakamatatanda at kinikilalang
kauna-unahang akda sa panitikan.

Nagsimula ang kasaysayan ng panitikang Gilgamesh. Limang


tulang Sumeryo tungkol kay Gilgamesh na pangalang
Sumeryo ni Haring Gilgamesh na hari ng Uruk sa lungsod ng
Sumerya.
Angkop na mga Pananda

Ang mga pananda ay nagpapakilala o nagsisilbing tanda ng


gamit ng isang salita sa loob ng pangungusap.

Nagiging malinaw at mabisang pagpapahayag kung tayo ay


gumagamit ng angkop na mga pananda.

Ang kaalaman sa mga salitang pananda o hudyat sa


pagkasunod-sunod ng mga pangyayari ay malaking tulong sa
paglalahad ng mga pahayag ng mga akda at sa pagiging
interaksiyonal.
Halimbawa ng mga salitang pananda sa mabisang paglalahad ng pahayag

Pagpapakita ng pagkasunod-sunod ng mga pangyayari ayon


sa panahon.

una, pangalawa, pangatlo… nang


noon pagkatapos
sumunod samantala

Pagpapakita ng sanhi at bunga.

dahil dito bunga nito


resulta ng sa mga pangyayaring ito
kung gayon samakatuwid
dulot nito sa gayon
Pagdaragdag ng impormasyon.

karagdagan dito
kabilang dito
bukod dito
at saka
Pagbibigay diin
tunay na
sa madaling salita
higit sa lahat
sa totoo lang

Pagbibigay ng mga halimbawa at paliwanag.

halimbawa nito kabilang dito ang mga sumusunod


bilang karagdagan
dagdag pa rito
Mabisang gamit sa malinaw na paglalahad ang mga
pangatnig.
Pangatnig – ang tawag sa mga katagang nag-uugnay sa magkasunod

Pangatnig na nag-uugnay ng dalawang magkatimbang na salita,


parirala, o sugnay na kapwa makatatayong mag-isa.
at ngunit ni datapwat

saka pero maging

o pati subalit

Pangatnig na nag-uugnay sa mga parirala o sugnay na di makapag-iisa.

kung kaya pag kapag

dahil sa kung gayon palibhasa sapagkat


TULA
isang uri ng panitikan na pinagyayaman sa
pamamagitan ng paggamit ng tayutay,at malayang
paggamit ng mga salita sa ibat-ibang estilo, Kung
minsan ito ay maiksi o mahaba.Ito ay binubuo ng
saknong at taludtod na karaniwang
wawaluhin,lalabindalawahin,lalabing-animin at
lalabing-waluhing pantig.
TATLONG URI NG TULA

TULANG PANDAMDAMIN

tulang nagpapahayag ng damdaming pansarili o ng


ibang tao. Maaari rin itong likha ng imahinasyon ng
makata at karaniwan itong maikli at madaling
maunawaan. Ang karaniwang paksa ay tungkol sa
pag-ibig, pagkamakabayan, paghanga at
kagandahan, kagandahan at kahiwagaan ng
kalikasan at buhay, at lahat ng pumupukaw sa
damdamin.
TULANG PASALAYSAY

tula na nagsasaad ng kuwento. Ito’y


kadalasang ginagamitan ng boses ng
tagapagsalaysay at ng mga tauhan; at
ang buong istorya ay nasusulat sa may
sukat na taludtod. Hindi kailangang
mayroong huwarang pang-ritmo ang
tulang pasalaysay.
TULANG PANDULAAN

naglalarawan ng mga dulang pangyayari na


karaniwang nagaganap sa araw araw nating
pamumuhay o nangyayari sa tunay na buhay at
layunin nito na maitanghal. Masasabing ang
katangian nito ay nabibilang o patungkol sa dula at
ang kaanyuan at kayarian nito ay patula.
TULANG LIRIKO

Tulang inaawit sa saliw ng lira ng mga Griyego,Ito ay


may himig awit pa rin hanggang ngayon bagama’t
pinatutunayan ng makata na hindi na kailangan ang
isang lira o anupamang instrumento upang siya ay
umawit. Nakalilikha siya ng musika sa pamamagitan
ng pagsasama-sama ng mga salita. Palibhasa’y
matindi siya kung magdamdam, ang kanyang mga
salita at damdamin ay nalilikha ng tunog na maaliw-
iw at nakagagayuma.
TULANG PASTORAL

Ay mauuri bilang tulang liriko. Tumatakay ito sa


buhay ng isang pastol at naglalarawan sa
simpleng pamumuhay, pag-ibig, at iba pa.

PAKSA - bagay na pinag-uusapan o tinatalakay

LARAWANG DIWA - tumutukoy sa ikagaganda ng salita o mga salitang


binanggit ng may akda. Ang mga salitang ito ay nag iiwan ng malinaw at
tiyak na larawan sa isipan ng mga mambabasa.

DAMDAMIN - isang paraan ng naghahatid ng mensahe sa mga


mambabasa.
GAMIT NG WIKA SA PAGPAPAHAYAG NG DAMDAMIN
Ang wika ay hindi lamang instrumento sa pagpapahayag
kaisipan kung hindi pati na rin ng saloobin, gawi at
paniniwala.
PAGPAPAHAYAG NG EMOSYON

Ito ay isang paraan ang paggamit ng padamdam na pangungusap


sa pagpapahayag ng matinding damdamin. Ginagamit sa
pangungusap na ito ang bantas na padamdam (!) at kung minsan
ay ang bantas na patanong (?)

PAHANGA : Ang galing mo naman!


PAGKAGULAT : Totoo ba ang sinasabi mo?
PAGKATUWA : Sa wakas, matatapos na rin ako!
PAG-ASA : Matatapos ko rin ito!
PAKAINIS / PAGKAGALIT :HIndi mo naman kasi sinabing di ka mapupunta
Ito ay isang paraan ng pagpapahayag ng emosyon ang paggamit
ng iba’t ibang pahayag upang ipabatid ang saloobin ng
nagsasalita. Pansining ginagamitan ng tuldok ang mga pahayag,
bagaman maaari ring gamitan ng tandang padamdam ang bawat
isa upang makapaghudyat ng mas matinding damdamin.

PAGTANGGI : Ikinalulungkot ko, hindi ako sasama sa lakad sa Linggo.


PAGKASIYA : Natutuwa ako at nakarating ka.
PAGTATAKA : Bakit kaya niya nasabi ang masasakit na pananalitang
iyon?
PAGKAINIS : Sana sinabi niya kaagad para hindi ako umasa.
Maipapahayag din ang iba pang emosyon sa tulong ng
sumusunod na KONSTRUKSYONG GRAMATIKAL

Paggamit ng mga padamdam na pahayag na karaniwang binubuo


ng pariralang nominal.

Ang ganda ng tulang yan!

Paggamit ng mga ekspresyong karaniwang nagpapahiwatig ng


anats ng kasukdulan o kasobrahan.

Napakakulit ng lalaking mangingibig!


Paggamit ng negatibong ekspresyong binibigyang-diin kapag
binibigkas, kasama ang anoman, sinoman, saanman at iba pa.

Wala kang maaasahang anoman sa kaniya.

Paggamit ng mga tanong na retorikal (Patayutay na pagtatanong


upang bigyang diin ang isang kaiisipan. Ito ay tanong na hindi na
sinasagot sapagkat lantad na.)

Ang ganda ng ginawa nila, hindi ba?

(Napakaganda ng ginawa nila!)


ROUND TABLE DISCUSSION
Ito ay isang paraan ng pangkatang pagatatalakay at
pagbabahagian ng mga ideya at impormasyon tulad sa
tiyak na paksa.

Maaari itong buuin ng tatlo hanggang limang miyembro. Bawat


kasapi ay kinakailangang handa sa paksa o isyung pag-
uusapan. Sa pamamaraang ito, napapadali ang pagpapaliwanag
sa isang isyu dahil tulong-tulong na pagbibigay at pagbabahagi
ng bawat miyembro ng pangkat.
Gabay para sa Round Table Discussion
Pumili ng isang paksa o isyu na dapat pag-usapan.

Pangkatin o hatiin ang klase sa mas maliit na grupo. Maaaring


mayroon lamang tatlo hanggang limang miyembro sa bawat pangkat.

Pumili ng mag-sisilbing moderator o taga-ulat sa bawat pangkat.

Ang moderator ang siyang magsasabi ng paksa o isyung dapat


talakayin sa kanilang pangkat.

Simulan na ang talakayan.Hayaan ang bawat miyembro na magbahagi


ng mga impormasyon. Ideya o kaispian tungkol sa paksang pag-
uusapan.

Ang taga-ulat sa bawat pangkat ang magbabahagi sa klase ng


kanilang nagpag-usapan.
PANGHALIP BILANG PANURING SA MGA TAUHAN
ANAPORA
Ito ay mga reperensiya na kalimitan ay panghalip na
tumutukoy sa mga nabanggit na sa unahan ng teksto o
pangungusap.
halimbawa:

Ang kanilang tahanan ay kakikitaan ng karalitaan sa mga kasangkapang


laman nito.
Masayang sinalubong ng maybahay ang asawang paparating mula sa
trabaho. Ipinaghanda niya ng masarap na makakain ito.

Mapapansing ang mga panghalip sa


dalawang halimbawang pangungusap ay
nasa hulihan ng pangngalang binibigyang
turing.
KATAPORA
Ito ay mga reperensiyang bumabanggit at tumutukoy sa
mga bagay na nasa hulihan ng panteksto o pangungusap.
halimbawa:

Siya ay isang bababeng kahali-halina at kaakit-akit sa paningin lalo na ng


mga kalalakihan. Si Matilda, bagama’t nakapangasawa ng maralita ay
mababanaagan pa rin ang kagandahan.

Ito ay isa sa mga dinarayong tanawin sa Europa sapagkat taglay nito ang
kaunlaran at karangyaan kaya’t hindi mapigilan ang pagdagsa ng
maraming turista sa Paris.

Ang mga panghalip na siya at ito sa dalawang pangungusap ay makikitang


nauna sa mga pangngalang binibigyang turing.
NOBELA

Ito ay naglalahad ng isang kawili-wiling pangyayari na


hinabihabi sa isang mahusay na pagbabalangkas na
ang pinakapangunahing sangkap ay ang paglalaban ng
hangarin ng bayani sa isang dako at ng hangarin ng
kaniyang katunggali sa kabilang dako.

Ang akdang Munting Prinsipe ay naglalaman ng masaya at


malungkot na damdamin na nakaaantig sa damdamin ng mga
mambabasa.
URI NG NOBELA

NOBELANG ROMANSA

Ukoy sa pag-iibigan.

NOBELANG PANGKASAYSAYAN

Binibigyang-diin ang kasaysayan o pangyayaring nakalipas na.

NOBELANG BANGHAY

Isang akdang nasa pagkakabalangkas ng mga pangyayari


ang ikawiwili ng mga mambabasa.
NOBELANG MASINING
Paglalarawan sa tauhan at pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari ang ikinawiwili ng mga mambabasa.
NOBELA NG LAYUNIN
Binibigyang-pokus ang mga layunin at mga simulain, na
lubhang mahalaga sa buhay ng tao.

NOBELA NG TAUHAN
Binibigyang-diin sa nobelang ito ang katauhang gumaganap,
mga hangarin, kalagayan, sitwasyon, at pangangailangan.

NOBELANG PAGBABAGO
Ukol sa mga pangyayaring nakakapagpabago ng ating buhay
o sistema.
MGA ELEMENTO NG NOBELA
TAGPUAN
Lugar at panahon ng mga pinangyarihan

TAUHAN
Nagpapagalaw at nagbibigay-buhay sa nobela.

BANGHAY
Pagkasunod-sunod ng mga pangyayari sa nobela

PANANAW
Panauhang ginagamit ng may akda.
Una - kapagkasali ang may akda sa kwento.
Pangalawa - ang may akda ay nakikipag-usap.
Pangatlo -batay sa nakikita o obserbasyon ng may akda.
TEMA
Paksang-diwang binibigyan ng diin sa nobela.
DAMDAMIN
nagbibigay - kulay sa mga pangyayari.
PAMAMARAAN
Estilo ng manunulat.

PANANALITA
Diyalogong ginagamit sa nobela.
SIMBOLISMO
Nagbibigay ng mas malalim na kahulugan sa tao, bagay at
pangyayari.
LAYUNIN NG NOBELA

1. Gumising sa diwa at damdamin.


2. Nananawagan sa talino ng guni-guni.

3. Mapukaw ang damdamin ng mambabasa.

4. Magbigay ng aral tungo sa pag-unlad ng buhay at lipunan.

5. Nagsisilbing daan tungo sa pagbabago ng sarili at lipunan.


Mga Panandang Pandiskurso
Maaaring maghudyat ng pagkasunod-sunod ng mga
pangyayari o di kaya ay ipabatid ang pagkakabuo ng
diskurso. Karaniwan nang ito’y kinakatawan ng mga
pang-ugnay o pangatnig.
Halimbawa

1. Nagsasaad ng pagpupuno o pagdaragdag.

Halimbawa: at, saka, pati

2. Nagsasaad ng pagbubukod o paghihiwalay

Halimbawa: maliban, bukod sa/kay, huwag lang


3. Nagsasaad ng kinalabasan o kinahinatnan

Halimbawa: tuloy, bunga nito, kaya naman

4. Nagsasaad ng kondisyon o panubali

Halimbawa: kapag, sakali, kung

You might also like