Ang iba’t – ibang akdang pampanitikan ay pinaniniwalaan ng mga tao sa
Mediterranean na nagsimula sa kanila. Kumalat ito sa maraming parte ng mundo
mula sa mga simbolong larawan, na naging likhang-sining, hanngang nabuo bilang panitikan. Ang mga akdang nagmula sa Mediterranean na tunay na tumatak sa mga puso at isipan ng iba’t – ibang lahi ay hindi na mabilang sa mga daliri. Dahil dito ay naimpluwensiyahan ang panitikan ng maraming bansa kabilang na ang Pilipinas. Nagdulot ito ng malaking pagbabago sa mga kaugalian, kultura, pamumuhay, pamantayan, at paniniwala ng bawat bansa.
Sa kabilang banda ng impluwensiyang naganap ay nakatulong naman ito na
maisalamin ang mga sinaunang kultura at tradisyon ng tao. Sa pamamagitan nito ay higit pang mauunawaan at mabubuksan ang kaisipan ng mamamayan particular ng kabataan o susunod na henerasyon ang tungkol sa nakaraan.
Nilalaman
Ang mitolohiya ay nangangahulugan pag – aaralng mito at alamat. Ito ay
katumbas ng mythology sa wikang Ingles na mula sa salitang – ugat na myth na hango naman sa Latin na mythos at galing sa salitang Griyego na muthos na ang ibig sabihin ay “kuwento”.
Ang kuwento ng mitolohiya ay umiikot sa mga sinaunang paniniwala o
pananampalataya na kung saan ang diyos at diyosa (demigod – kalahating diyos at kalahating tao) ang tauhang gumaganap taglay ang kapangyarihang wala sa karaniwang mortal. Isa sa mga sikat na mitolohiyang nakaimpluwensya maging sa panitikan ng Pilipinas ay ang mitolohiyang Griyego. Ilan sa mga sikat na tauhan sa mitolohiyang ito ang mga diyos na sina Zeus, Aphrodite, Athena, at marami pang iba.
Upang lubos na makilala ang mitolohiyang Griyego, mabuting makilala mo ang
ilang pangunahing tauhan ng mitolohiya.
Zeus – Pinuno ng mga Diyos sa Olympus. Ang pinakamakapangyarihan,
pinakamataas o supremong Diyos. Hera – Diyosa ng langit, mga babae, kasal at panganganak. Poseidon – Diyos ng karagatan. Hades – Diyos ng kamatayan at ang pinuno ng Tartarus. Ares – Diyos ng Digmaan. Apollo – Diyos ng propesiya, liwanag, araw, musika at panulaan. Artemis – Diyosa ng buwan, pangangaso, ligaw na hayop at tagapagtanggol ng mga bata. Athena – Diyosa ng karunungan, sining, industriya, digmaan at katusuhan. Hephaestus – Diyos ng apoy at sining ng iskultura. Hermes – Diyos ng komersiyo, siyensiya, biyahero, medisina, laro, pagnanakaw, at panlilinlang. Aphrodite – Diyosa ng kagandahan at pag – ibig. Hestia – Diyosa ng tahanan, at apoy mula sa pugon.
Narito ang ilang gabay at pamamaraan sa pagsulat ng mitolohiya.
1. Pagdesisyunan ang lunan ng iyong mitolohiya. Paglalarawan ng lokasyon ang pinakamagandang pagsimulan ng mitolohiya. Kung gagawin sa ibang lugar, araling mabuti ang kultura at paraan ng pamumuhay sa lugar na mapipiling lunan ng mitolohiya upang mas maging makatotohanan ito.
2. Buoin ang mga tauhan ng iyong mitolohiya. Karaniwan ng mga mitolohiya ay
binubuo ng mga diyos o diyosa, kung kaya’t makatutulong kung magbabasa ka tungkol sa mga katangian nila. Gumamit ka ng mga katangian nila na maaaring makatulong sa pagbuo ng iyong mitolohiya.
3. Bumuo ng angkop na pangalan para sa tauhan. Ang pangalan ng mga tao at
lugar ay maaaring desisyunan na agad. Tiyakin na ang pangalan ng mga tauhan ay naayon sa kultura ng lugar na iyong napili. Gawin ding madaling basahin at bigkasin ang mga pangalan.
4. Huwag gawing komplikado ang kuwento ng iyong mitolohiya. Sikaping maging
maikliat simple ang mitolohiya. Kung mahaba ito, tiyakin ang maayos na pagkakasunod -sunod ng pangyayari upang maging malinaw ang katapusan.
5. Tapusin ang mitolohiya sa pamamagitan ng solusyon at pagsagot sa
pangunahing tanong. Kapag ang mitolohiya ay nagtatapos sa pagkamatay ng pangunahing tauhan, siguraduhing maglalagay ng dahilan sa kamatayan. Kailangang may kaugnayan ito sa buong kuwento. Kailangan mo ring maglagay ng mensahe o aral tungkol sa tadhana, pagiging sakim o kaya ay kalikasan ng tao na kadalasang nakikita sa mga mitolohiya. WIKA AT GRAMATIKA: PANDIWA BILANG AKSIYON, PANGYAYARI, AT KARANASAN
Ang pandiwa ay isang bahagi ng pananalita na nagsasaad ng kilos. Ito ay
maaaring gamitin sa pangungusap bilang aksiyon, pangyayari, at karanasan.
Ang sumusunod ay ang mga gamit ng pandiwa sa isang pangungusap.
1. Aksiyon – ang pandiwa ay nagsasaad ng aksiyon o kilos kung ito ay nakapokus
sa kilos ng taong gumaganap nito. Ginagamitan ito ng mga panlap na –um, mag-, mang-, makipag-, at –an/-han.
Halimbawa: a. Si Venus ay gumawa ng mga paraan para pahirapan si Psyche. b. Muntikan nang magkahiwalay sina Cupid a Psyche.
2. Pangyayari – Ang pandiwa ay tinatawag na tagatanggap ng pangyayari kung ito
ay nagsasaad ng pangyayari o may nagaganap na proseso. Ginagamitan ito ng mga panlapi na i-, -an, ipa-, at –in. Halimbawa: a. Ipinahatid si Psyche sa lugar na malayo. b. Iniutos niyang ipatahi ng magandang damit si Psyche.
3. Karanasan – Ang pandiwa ay nagsasaad ng karanasan o kalagayan ng paksa sa
pangungusap kung ito ay humuhudyat ng damdamin o saloobin. Halimbawa: a. Si Cupid ay nagalak nang makita si Psyche. b. Namangha si Cupid sa ganda ni Psyche.
Ang salitang parabula ay buhat sa salitang Griyego na “parabole”. Ito’y
matandang salita na nangangahulugang pagtatabihin ang dalawang bagay upang pagtularin. Ito ay gumagamit ng pagtutulad at metapora upang bigyan ng diin ang kahulugan.
Ang parabula ay isang kuwentong hinango sa Bibiliya. Ito ay galing sa
salitang Ingles na parable na hango naman sa salitang Griyego na parabole na ang ibig sabihin ay maikling sanaysay tungkol sa buhay na maaaring mangyari o nangyari na. Ang layunin nito ay magbigay patnubay, aral o kagandahang – asal sa mga mambabasa. Ito ay maaari ding maging gabay ng isang taong nangangailangan ng pagbabago at pagdedesisyon. Gumagamit ang paraula ng mga masisining na pananalita na tumutulong sa isang tao na maintindihan ang ano mang hindi niya alam o nakalilito sa kaniya gamit ang mga bagay na dati na niyang alam.
Elemento ng Parabula
Ang sumusunod ay ang mga elemento ng parabula.
1. Tauhan – tumutukoy ito sa mga karakter na gumaganap sa kuwento.
2. Tagpuan – tumutukoy ito sa oras, panahon, at lugar na pinagyarihan ng bawat tagpo o pangyayari sa kuwento. 3. Banghay – tumutukoy ito sa pagkakasunod – sunod ng mga pangyayari. 4. Aral – tumutukoy ito sa mga mahahalagang mensahe o kaisioan na makukuha sa kuwento.
WIKA AT GRAMATIKA: ANGKOP NA PANG-UGNAY SA PAGSASALAYSAY
Ang pagsasalaysay ay isang pamamaraang pagpapahayag na
may layuning magkuwento ng mga pangyayari. Ito ay maaring isalaysay sa anyong pasalita o pasulat at nagpapabatid ng mga pangyayaring may kaugnayan mula sa pananaw ng nagsasalaysay. Ang karanasan at kapaligiran ay maaaring pagmulan ng pagsasalaysay.
Ang sumusunod ay ang mga halimbawa ng angkop na paggamit
sa mga pang – ugnay sa pagsasalaysay.
LAYUNIN PANG – UGNAY SA
PAGSASALAYSAY 1. Pagdaragdag o At, saka, pato, gayundin,bukod dito, Pagpupuno una (ikalawa, ikatlo…)
Dagdag pa rito, susunod, sa ibabaw ng
lahat, rin/din 2. Pagtutulad oGaya ng, katulad ng, kawangis ng, Paghahambing gayundin (naman), animo’y, anaki’y, kapara, tila 3. Pag - iiba Ngunit, subalit, datapwat, sa kabilang dako, maliban sa/kay 4. Paglalahad ng Sa ganoon/sa ganito, sa wakas, sa Bunga o dakong huli, kung gayon, samakatuwid, Kinalabasan sa madaling sabi, alinsunod dito, bilang resulta 5. Paglipas ng samantala, habang, sa bandang huli, sa Panahon loob ng madaling panahon, di naglaon, hanggang sa 6. Pagwawakas Sa wakas, sa kabuuan, sa madaling salita, bilang pagwawakas, kaya nga, sa kalahatan, suma-total Mula sa aklat na “Retorika: Susi sa Masining na Pagpapahayag” ni Paquito Badayos at “Retorika: Masining na Pagpapahayag” ni Jose Arrogante.
Pagkiklino (clining) – ito ay pagsasaayos ng kahulugan ng salita ayon sa
intensidad o tinig ng kahulugang nais ipahiwatig.
Halimbawa:
Matinding galit na halos gusto nang makapanakit
Matinding galit sa dibdib na matagal bago mawala Tumatagal na inis Tumatagal na tampo