You are on page 1of 18

KUWARTER I LINGGO I

Cupid at Psyche
Pokus ng Pandiwa
Ang patula ay uri ng panitikang nabuo sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng
mga malikhaing salita sa bawat taludtod na may sukat o bilang ang pantig at may
tugma sa hulihan ng bawat taludtod. Ito ay kinabibilangan ng mga liriko, patnigan,
tulang pantanghalan, at tulang pasalaysay.

Ang prosa o tuluyan ay uri ng panitikang nabuo sa pamamagitan ng pagsasama


sama ng mga salita upang makabuo ng isang pangungusap. Sapagkat ito ay
malayang pagsulat, walang limitasyon o hindi pinipigilan ang paggamit ng mga
pangungusap ng may - akda. Ito ay kinabibilangan ng mga alamat, balita, dula,
editoryal, maikling kwento, nobela, pabula, sanaysay, talambuhay at
mitolohiya.

Ang mitolohiyang Cupid at Psyche ay isang akdang tuluyang sumasalamin sa


kaugalian, uri ng pamumuhay, paniniwala at kultura ng Rome.

Ang salitang mitolohiya ay nangangahulugang agham o pag-aaral ng mga


mito/myth at alamat? Tumutukoy rin ito sa kalipunan ng mga mito mula sa isang
pangkat ng tao sa isang lugar na naglalahad ng kasaysayan ng mga
diyos-diyusag noong unang panahon na sinasamba, dinarakila at pinipintakasi
ng mga sinaunang tao.

Ang salitang mito/myth ay galing sa salitang Latin na mythos at mula sa Greek


na muthos, na ang kahulugan ay kuwento. Ang muthos ay halaw pa sa mu, na
ang ibigsabihin ay paglikha ng tunog sa bibig.

Sa Klasikal na Mitolohiya ang mito/myth ay representasyon ng marubdob na


pangarap at takot ng mga sinaunannang tao. Ang salitang mito/myth ay galing sa
salitang Latin na mythos at mula sa Greek na muthos, na ang kahulugan ay
kuwento. Ang muthos ay halaw pa sa mu, na ang ibig sabihin ay paglikha ng
tunog sa bibig.

Sa Klasikal na Mitolohiya ang mito/myth ay representasyon ng marubdob na


pangarap at takot ng mga sinaunang tao. Nakatutulong ito upang maunawaan ng
mga sinaunang tao ang misteryo ng pagkakalikha ng mundo,ng tao, ng mga
katangian ng iba pang mga nilalang.
Ipinaliliwanag rin dito ang nakatatakot na puwersa ng kalikasan sa daigdig –
tulad ng pagpapalit ng panahon, kidlat, baha, kamatayan, apoy. Ito ay
naglalahad ng ibang daigdig tulad ng langit at ilalim ng lupa.

Hindi man ito kapani-paniwalang kuwento ng mga diyos, diyosa at mga bayani
subalit itinuturing itong sagrado at pinaniniwalaang totoong naganap. Karaniwang
may kaugnayan ito sa teolohiya at ritwal.

Sa Pilipinas naman, ang mito ay kinabibilangan ng mga kuwentong-bayang


naglalahad ng mga kuwento tungkol sa mga anito, diyos at diyosa, mga
kakaibang nilalang at sa mga pagkagunaw ng daigdig noon.

Maaaring matagpuan ang mga mitong ito sa mga kuwentong – bayan at epiko ng
mga pangkating etniko sa kasalukuyan. Mayaman sa ganitong uri ng panitkan ang
mga naninirahan sa bulubundukin ng Luzon,Visayas at Mindanao.

Ang may kuwento tungkol sa pagkagunaw ng daidig ay ang mga Ifugao;


bahagi ito ng kanilang epiko. Inilarawan sa kanilang epikong “ Alim” kung
paano nagunaw ang daigdig.

Ayon sa epiko nagkaroon ng malaking pagbaha sa mundo at ang tanging nakaligtas


ay ang magkapatid na sina Bugan (babae) at Wigan (lalaki). Sa kanila nagmula
ang bagong henerasyon ng mga tao sa mundo.

Ang Mitolohiya ng Taga-Rome

Ang mitolohiya ng mga taga-Rome ay kadalasang nauukol sa politika, ritwal, at


moralidad na naayon sa batas ng kanilang mga diyos at diyosa mula sa Sinaunang
Taga Rome hanggang ang katutubong relihiyon ay mapalitan na ng Kristiyanismo.
Kabayanihan ang isang mahalagang tema sa mga kuwentong ito. Itinuring ng mga
Sinaunang Taga-Rome na nangyari sa kanilang kasaysayan ang nilalaman ng mga
mitolohiya kahit ang mga ito ay mahimala at may elementong supernatural.

Ang kanilang mitolohiya ay hinalaw mula sa bansang Greece na kanilang sinakop.


Labis nilang nagustuhan ang mitolohiya ng bansang ito, kaya inaangkin nilang
parang kanila at pinagyaman nang husto. Binigyan nila ng bagong pangalan ang
karamihan sa mga diyos at diyosa. Ang ilan ay binihisan nila ng ibang katangian.
Lumikha sila ng bagong mga diyos at diyosa ayon sa kanilang paniniwala at kultura.

Sinikap nilang ipasok ang kanilang pagkakakilanlan sa mga mitolohiyang kanilang


nilikha. Isinulat ni Virgil ang “Aenid”, ang pambansang epiko ng Rome at nag-iisang
pinakadakilang likha ng Panitikang Latin. Isinalaysay ni Virgil ang pinagmulan ng lahi
ng mga taga-Rome at kasaysayan nila bilang isang imperyo. Ito ang naging katapat
ng “Iliad at Odyssey” ng Greece na tinaguriang “Dalawang Pinakadakilang Epiko sa
Mundo” na isinalaysay ni Homer. Si Ovid na isang makatang taga-Rome ay sumulat
rin ayon sa taludturang ginamit ni Homer at Virgil sa kaniyang “Metamorphoses”.
Subalit hindi ito tungkol sa kasaysayan ng Roman Empire o ng mga bayani, kundi sa
mga diyos at diyosa,at mga mortal na may katangian ng mga diyos at karaniwang
mga mortal. Lumikha siya ng magkakarugtong na kuwento na may temang
mahiwagang pagpapalit-anyo. Sa mga akdang ito ng mga taga-Rome humuhugot ng
inspirasyon ang mga manunulat at mg alagad ng sining sa buong daigdig mula noon
hanggang ngayon

● sa pagpapahayag at pagsasalaysay ng mga pangyayari sa mga mito at ng


iba pang mga kauri nito ay mahalaga ang mga pokus ng pandiwaupang
malinaw na maipakita ang dahilan ng kilos ng mga tauhan,
pangyayari,konsepto at ng iba pa.

MGA POKUS NG PANDIWA

Ano ang pokus?


● Ito ang koneksyon ng pandiwa sa simuno o paksa ng pangungusap

Paano nito naipapakita?


● Naipapakita ito sa pamamagitan panlapi ng pandiwa. Ito ang sentro ng
pandwia sa pangungusap.

a. Pokus sa Tanggap o Aktor


Ang gumaganap ng pandiwa ay tinatawag na pokus sa tagaganap o aktor. May
mga panlaping: -um,mag-,maka-,at ilang ma.

● Ang mga magulang ay nagturo sa mga bata tungkol sa mga tamang


paksa pandiwa
Paraan para maging ligtas sa kusina.
● Humingi ng tawad si Toni sa kasalanang nagawa.
pandiwa paksa
b. Pokus sa layon o Gol
Ang pandiwa ay nasa pokus na layon kung ang layon ay ang paksa o binibigyang
diin sa pangungusap. Ang mga panlaping ginagamitan sa pokus na ito ay : i-
,in,an/han,ma at –ipa.

● Pakinggan ang mga payo nina nanay at tatay ukol sa tamang paggamit ng
pandiwa binibigyang-diin ng pandiwa
cellphone at ng iba pang gadgets.
● Nabunggo mo ang larawan na inilagay ko roon.
pandiwa binibigyang-diin ng pandiwa
c. Pokus sa Pinaglalaanan
Ito ay tumutuon sa tao o bagay na nakikinabang sa resulta o kilos na isinasaad ng
pandiwa. Ang paksa ay pinaglalaanan o di tuwirang layon ng pandiwa. Ang mga
panlaping ginagamit ay: i-,ipang-,at ipag-. Sumasagot sa tanong na para KANINO.

● Ipinagluto ng panadero ng keyk ang ginang.


pandiwa nakikinabang sa kilos
● Si Miguel ang ipagpapagawa ni nanay ng halo-halo.
nakikinabang pandiwa sa kilos
d. Pokus sa Kagamitan
Ito ay tumutukoy sa kasangkapan o bagay na nakikinabang sa resulta ng kilos o
pandiwa na siyang paksa ng pangungusap. Ang paksa ay ang kagamitang ginagamit
sa pagkilos ng pandiwa sa pangungusap. Ang mga panlaping ginagamit ay ipang-.
Sumasagot sa tanong na para PAANO/ANO.

● Ipinang-akit niya ang damo sa kabayo.


pandiwa kasangkapan
● Posporo ang ipinansindi niya ng kandila.
kasangkapan pandiwa

KUWARTER I LINGGO 2
Ang Tusong Katiwala Mga Piling Pang-ugnay sa
Pagsasalaysay
● Ginagamit sa pagsusunod-sunod ng pangyayari ang mga
pang-ugnay o panandang pandiskurso.

a. Pagdaragdag at pag-iisa-isa ng mga impormasyon


Ginagamit ang pang-ugnay sa bahaging ito sa paglalahad ng
pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari o pag-iisa-isa ng mga impormasyon.
Kabilang dito ang mga salitang: pagkatapos, saka, unang, sumunod na araw,
sa dakong huli, pati, isa pa, at gayon din.

b. Pagpapahayag ng mga kaugnayang lohikal


Ginagamit ang pang-ugnay sa bahaging ito ng paglalahad ng dahilan a
bunga, paraan at layunin, paraan at resulta maging sa pagpapahayag ng
kondisyon at kinalabasan. Kabilang na pang-ugnay sa bahaging ito ang dahil
sa, sapagkat at kasi. Samantalang sa paglalahad ng bunga at resulta ginagamit
ang pang-ugnay na kaya, kung kaya, kaya naman, tuloy at bunga.

KUWARTER I LINGGO 3
Ang Alegorya ng Yungib Mga Pahayag sa
Pagbibigay ng Sariling Pananaw

SANAYSAY

Ang sanaysay ay isang uri ng akdang nasa anyong tuluyan na naglalayong


magpaliwanag ng isang paksa upang makatulong sa pagbuo ng pananaw. Sinasabing
ito ay pinagdugtong na dalawang salitang “sanay” at “salaysay” na
nangangahulugang kailangang mahusay ang sumusulat nito.

TATLONG BAHAGI NG SANAYSAY

1. PANIMULA – Ito’y naglalaman ng pangunahing kaisipan.


2. GITNA O KATAWAN – Kinapapalooban nito ng mga detalyeng
nagpapalawak sa pangunahing kaisipan.
3. WAKAS – Taglay ng bahaging ito ang pangkalahatang palagay o pasiya
tungkol sa paksa

MGA ELEMENTO NG SANAYSAY


1. TEMA – Dito umiikot ang pagtatalakay sa isang paksa.
2. ANYO AT ISTRUKTURA – Ito’y tumutukoy sa maaayos na pagkakabuo at
pagkakasunod-sunod ng mga ideya at impormasyon.
3. KAISIPAN – Mga ideyang nagpapalinaw sa tema.
4. WIKA AT ESTILO – Kung ginamit ito nang tama mas malinaw ang
pang-unawa ng mga mambabasa dahil ang pagpapayag nang may kaangkupan
sa paggamit ng wika at nagpapakita nang katapatan.
5. LARAWAN NG BUHAY – Nailalarawan ang buhay sa isang makatotohanang
salaysay.
6. DAMDAMIN – Nagtataglay ng damdamin ng may-akda sa isang paksa.
7. HIMIG – Nagpapahiwatig ng kulay o kalikasan ng damdamin.

1. Mga ekspresiyong nagpapahayag ng pananaw.


a. Ayon, Batay, Sang-ayon sa

Sang-ayon sa Memorandum Order No. 20 : Series of 2013 ng Commision On


Higher Education na pinagtitibay ang pagkawala ng Filipino bilang isa sa mga
asignatura
sa ilalim ng General Education Curriculum o GEC sa taong 2016.

Batay sa Konstitusyon 1987: Artikulo XIV, Seksyon 6, ang wikang pambansa ng


Pilipinas ay Filipino.

Alinsunod sa tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring ipasya ng


Kongreso, dapat magsagawa ng mga hakbangin ang Pamahalaan upang ibunsod at
puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal na
komunikasyon bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon.”

Ayon sa tauhang si Simoun sa El Filibusterismo, “Habang may sariling wika ang


isang bayan, taglay niya ang kalayaan.”

B. Sa paniniwala, akala, pananaw, paningin, tingin, palagay, ni/ ng

Sa paniniwala ko ang pagkakaroon ng isang mataas at matibay na edukasyon ay


isang saligan upang mabago ang takbo ng isang lipunan tungo sa pagkakaroon ng
isang masaganang ekonomiya.

Sa aking pananaw ang edukasyon ay kailangan ng ating kabataan sapagkat ito


ang kanilang magiging sandata sa buhay sa kanilang kinabukasan.

Sa tingin ng maraming guro na ang pagkatuto ng mga mag-aaral ay hindi lamang


nakasalalay sa kanila kundi maging sa mga magulang sa pagbibigay patnubay at
suporta sa kanilang mga anak.

C. Inaakala, Pinaniniwalaan, Iniisip

Pinaniniwalaan kong higit na dapat pagtuunan ng pamahalaan ang isyu tungkol


sa lumalalang kalagayan ng ating kalikasan.

Inaakala ng iba na hindi mahigpit sa pagpapataw ng kaparusahan ang DENR kaya


patuloy silang lumalabag sa batas pangkalikasan.
D. Sa ganang akin, Sa tingin, akala, palagay ko
Sa ganang akin, kailangang dagdagan pa ng mga pamahalaang lokal ang
pagbabantay sa kabataang nasa lansangan tuwing hatinggabi dahil sa lumalalang
krimen.

Palagay ko, kailangan ang malawig na programa ng DSWD para sa mga batang
lansangan na karaniwang sangkot sa maraming krimen sa kalsada.

2. May mga ekspresiyong nagpapahiwatig ng pagbabago o pag-iiba ng paksa


at/o pananaw
a. Sa isang banda, Sa kabilang dako

Sa isang banda, mabuti na ngang nalalaman ng mamamayan ang mga


anomalysa kanilang pamahalaang lokal nang sa gayo’y masuri nila kung sino
ang karapat-dapat na ihalal para mamuno sa kanilang lungsod.

Sa kabilang dako, sa dami ng naglalabasang isyung pampolitika hindi tuloy


malaman ng sambayanan kung ano ang kahihinatnan ng bansa sa kamay ng mga
politikong pinagkatiwalaang mamuno dito.
b. Samantala

Samantala mamamayan mismo ang makapagpapasya kung paano nila nais


makita ang kanilang bansa sa susunod na mga taon. Matalinong pagpapasya ang
kailangan kung sino ang karapat-dapat pagkatiwalaan ng kanilang boto.

KUWARTER I LINGGO 4
Epiko ni Gilgamesh Mga Hudyat sa
Pagsusunod-sunod ng mga Pangyayari
● Ang epiko ay isang uri ng panitikang nasa anyong patula. Nagmula ang
salitang epiko sa Griyegong salitang epos na nangangahulugang “awit” o
“salita”. Isinasalaysay sa epiko ang kuwento ng pangunahing tauhan. Ang
halos buong bahagi ng epiko ay tungkol sa kung paano nakikipagdigma ang
bidang bayani sa mga kalaban nito. Ang pangunahing tauhan o bayani sa
epiko ay kadalasan ng may di pangkaraniwang kakayahan o kaya naman ay
di-pangkaraniwang lakas.

MGA KATANGIAN NG EPIKO

1. Matalinghaga o malalim ang mga pananalita sa epiko.


Ang epiko ay hitik sa mga metapora o iba pang mga tayutay. Dahil hindi literal
ang mga pananalita sa epiko, kailangan itong basahin nang mabuti upang
maunawaan ang kahulugan ng bawat mga taludtod.
2. Ang mga tauhan ay may bansag o pagkakakilanlan.
Kadalasang may ikinakabit na paglalarawan sa pangalan ng tauhan upang mas
madali itong maalala ng mga mambabasa. Napapadali rin nito ang pagkilala sa
personalidad ng naturang tauhan.
3. Direktang pananalita mula sa mga tauhan.
Mababasa sa epiko ang mismong dayalog na sinasalita ng tauhan. May mga
linyahan ng tauhan na tumatatak sa mga mambabasa. Kadalasang dito nagmumula
ang mga sikat ng kawikaan.
4. Naglalaman ng mga kababalaghan o di-kapanipaniwalang pangyayari.
Madalas na eksaherado ang mga eksena sa mga epiko. May taglay na
kapangyarihan rin ang mga pangunahing tauhan na ginagamit nila upang matalo ang
kalaban.
5. Nagpapakita ng agwat sa pagitan ng mga tao at mga diyos.
Ipinakikita sa epiko na ang mga diyos ay laging nakahihigit sa mga tao dahil sa
taglay nilang kapangyarihan.
6. Malawak o maraming tagpuang nasasangkot.
Ang pangunahing tagpuan sa epiko ay maaaring hango sa isang tunay na umiiral
na lugar sa mundo, mayroon rin namang piksyon na tagpuan. Pero hindi lang sa
isang tagpuan umiikot ang epiko. Maaari itong maging sa ibang panig ng mundo o sa
kalawakan pa nga.
7. Buhay pag-ibig ng pangunahing tauhan.
Bukod sa pakikipagdigma at paggapi sa kalaban, layunin din ng pangunahing
tauhan na mahanap ang kaniyang iniibig at na masaya silang mamuhay nang
magkasama sa wakas ng kwento.
8. Aral ng kabayanihan.
Ang ipinakitang kabayanihan at magagandang katangian ng pangunahing tauhan
ay isang huwaran para sa mga katutubo.

MGA ELEMENTO NG EPIKO


1. Banghay
2. Matatalinghagang salita
3. Sukat at indayog
4. Tagpuan
5. Tauhan
6. Tugma

KASAYSAYAN NG EPIKO

Ang Epiko ni Gilgamesh, isang epikong patula mula sa Mesopotamia ay kinikilala


bilang kauna-unahang dakilang likha ng panitikan. Walang nakatitiyak kung may
manunulat noong Medieval o Renaissance Europe na nakabasa ng Gilgamesh.
Ang Epikong Ingles ay nagsimula sa Beowulf. Samantalang marami rin ang nasa
Anglo-Norman na ang karamihan ay hindi na nababasa ngayon. Marami sa mga
kuwento ng pag-iibigan ay umabot sa haba ng isang epiko, subalit hindi mauuring
epiko. Ang Piers Plowman ay mahaba, subalit hindi isang epiko. Si Chaucer ay
nagsulat ng epiko, ang Troilus & Criseyde, na lubhang tinangkilik sa ikalabing-apat
at ikalabinlimang siglo.

Sa Pilipinas, tinatayang umaabot sa 28 ang kilalang epiko. Karamihan sa mga


epiko ay natagpuan sa grupo ng mga tao na hindi pa nagagalaw ng makabagong
proseso ng pagpapaunlad ng kultura tulad ng mga katutubo at etnikong `grupo sa
Mountain Province at sa Mindanao, sa grupo ng mga Muslim. Ang mangilan-ngilan
ay makikita sa mga mamamayang Kristiyano.

Ang mga epiko sa Pilipinas ay kumakatawan sa mga paniniwala, kaugalian at


mabubuting aral ng mamamayan. Ilan sa mga ito ay ang Ibalon ng Bikol, Hudhud ni
Aliguyon ng mga Ifugao, Biag ni Lam-Ang ng Ilocos at Tuwaang ng mga Bagobo at
marami pang iba.

Mga Pananda sa Mabisang Paglalahad ng Pahayag


Nakasalalay sa mabisang paglalahad ang pagiging malinaw ng mga pahayag. Sa ating
wika, may mga pananda o mga salitang ginagamit upang maging mabisa ang
paglalahad ng mga pahayag o maging interaksyunal.

1. Kung nais nating ipakita ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari ayon sa


panahon, maaari nating gamitin ang mga salitang:
una, pangalawa, pangatlo nang
noon pagkatapos
sumunod samantala
2. Kung nais ipakita ang sanhi at bunga, gamitin ang sumusunod:
dahil dito bunga nito
resulta ng sa pangyayaring ito
kung gayon samakatwid
dulot nito sa gayon
3. Kung nais ipakita ang paghahambing o kaibahan o kontradiksyon, maaaring
gamitin ang mga salitang:
sa halip na sa kabilang dako
di tulad ng sa kabilang banda
higit pa rito sa magkatulad na dahilan
4. Kung ang nais ay ang pagdaragdag ng impormasyon, maaaring gamitin ang
mga salitang:
kabilang dito at saka
bukod dito karagdagan dito
5. Kung nais magbigay ng diin, maaaring gamitin ang mga sumusunod:
sa madaling salita sa totoo lang
higit sa lahat tunay na
6. Kung nais magbigay ng mga halimbawa at paliwanag, ang sumusunod ay
maaaring gamitin:
halimbawa nito dagdag pa rito
bilang karagdagan kabilang dito ang sumusunod

Mabisang gamitin din sa malinaw na paglalahad ang mga pangatnig. May


sdalawang pangkat ang mga pangatnig.

1. Pangatnig na nag-uugnay ng magkatimbang na salita, parirala o sgnay na


makatatayong mag-isa tulad ng:
at ngunit ni datapwat
Saka pero maging at iba pa
o pati subalit

2. Pangatnig na nag-uugnay sa mga parirala o sugnay na di makapag-iisa, tulad


ng:
kung kaya pag kapag
dahil sa kung gayon palibhasa sapagkat

KUWARTER I LINGGO 5
Ang Kuwintas Mga Panghalip bilang Panuring
sa Tauhan
Kultura ng France: Kaugalian at Tradisyon
Isinalin sa Filipino ni Joselyn C. Sayson

Kadalasan ay kinakabit ang kulturang Pranses sa Paris, na sentro ng moda,


pagluluto, sining at arkitektura, subalit ang buhay sa labas ng Lungsod ng mga Ilaw
ay ibang-iba at nagkakaiba sa bawat rehiyon. Ang France ay una nang tinawag na
Rhineland subalit noong panahon ng Iron Age at Roman era ay tinawag na Gaul.

Mga Wika sa France


French ang pangunahing wika ng 65.4 milyong mamamayan, subalit may iba pang
wika ang mga rehiyon. Ang French, ang wikang opisyal ng France ay ang unang wika
ng 88% ng populasyon samantalang ito naman ang ikalawang wika ng mga tao rito
na hindi French ang mother tongue o unang wika.

Relihiyon ng France
Katoliko ang pangunahing relihiyon ng France – tinatayang 80% ay nagsasabing
sila ay Katoliko. Ang iba pang pangunahing relihiyon ay Islam, (karaniwang relihiyon
ng mga dayuhan mula sa hilagang Africa), Protestante, at Judaism.
Pagpapahalaga ng mga taga-France
Malaki ang pagpapahalaga ng mga taga-France sa kanilang bansa at pamahalaan
at karaniwang nagagalit kapag nakaririnig ng negatibong komento tungkol sa
kanilang bansa. Ang ekspresiyong “chauvinism” ay nagmula sa France. Bagaman ang
kababaihan ay gumaganap ng mahahalagang papel sa pamilya at negosyo, marami
pa rin ang naniniwalang ang France ay male-dominated culture.
Ang mga taga-France ay naniniwala sa “egalite” na nangangahulugang
pagkakapantay-pantay, at ito’y bahagi ng motto ng kanilang bansa: “Liberte, Egalite,
Fraternite.”

Lutuin
Ang pagkain at alak ay sentro ng buhay sa lahat ng antas ng lipunan, at maraming
mga pagtitipon ang nagaganap sa isang marangyang hapunan. Palaging may tinapay
sa bawat oras ng pagkain, at karaniwan nang makakita ng mahaba, crusty baguettes
na iniuuwi sa bahay. Ang keso ay mahalaga ring sangkap ng bawat pagkaing French.

Pananamit
Ang Paris ay kilala sa matataas na uri ng fashion houses; ang mga taga-France ay
kilala sa hindi matatawarang mariringal na pananamit. Karamihan sa kanila ay
sopistikado kung manamit, disente at sunod sa uso (professional and fashionable
style), ngunit hindi sobra sa dekorasyon (overly fussy). Ang karaniwang damit nila
ay mahahabang amerikana, terno, mga bandana (scarves) at berets o bilog at
malalambot na sombrero.

Sining
Ang sining ay nasa lahat ng sulok ng France – lalo na sa Paris at iba pang
pangunahing lungsod – at ang impluwensiyang Gothic, Romanesque Rococo at
Neoclassic ay makikita sa maraming simbahan at iba pang pampublikong gusali.
Marami sa mga kilalang artist ng kasaysayan, kabilang ang Espanyol na si Pablo
Picasso at Dutch-born Vincent van Gogh ay naghanap ng inspirasyon sa Paris, at sila
rin ang nagpasimuno ng impressionism movement.

Mga Piyesta at Pagdiriwang


Ipinagdiriwang ng mga taga-France ang mga tradisyunal na piyesta ng mga
Kristiyano tulad ng Pasko at Mahal na Araw. Inaalaala din nila ang May Day, kilala
rin bilang Araw ng mga Manggagawa tuwing Mayo 1 at Araw ng Tagumpay sa Europa
kapag Mayo 8 bilang pag-alaala sa pagtatapos ng pakikipaglaban sa Europa noong
Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ang Araw ng Bastille ay ipinagdiriwang tuwing
Hulyo 14, ang araw kung kailan ang fortress ng Paris ay binagyo ng mga
rebolosyunista upang masimulan na ang Rebolusyon sa France.

Ang isang babasahin o teksto ay binubuo ng magkakahiwalay na mga


pangungusap o sugnay. Ang mga pangungusap o sugnay na ito bagaman
magkakahiwalay ay pinagdugtong o pinag-uugnay ng mga gamit
pang-ugnay o kohesyong gramatikal. Ang mga ginagamit na pang-ugnay
na ito ay referents o reperensiya na kung tawagin ay anapora at
katapora.

Ang anapora ay mga reperensiya na kalimitan ay panghalip na tumutukoy sa


mga nabanggit na sa unahan ng teksto o pangungusap.

Narito ang mga halimbawa ng anapora.

1. Hindi nakapagtataka ang matinding pagnanais ni Matilde na magkaroon ng


magarang damit para sa kasayahan. Siya ay isang babaing Frances na kilala sa
pagkakaroon ng pinakamaiinam na moda sa pananamit.

2. Marami sa mga kilalang artist ng kasaysayan, kabilang na ang Espanyol na


sina Picasso at Dutch-born Vincent van Gogh ay naghanap ng inspirasyon sa Paris, at
sila rin ang nagpasimuno ng impressionism movement.

Suriin ang mga panghalip na siya sa ikatlong halimbawa at sila sa ikaapat na


halimbawa.

Ang mga panghalip na ito ay ginamit bilang panuring sa mga ngalan ng tao na
binanggit sa unahan. Ang mga ito ay mga panghalip na ginamit bilang
panuring sa tauhan.

Ang katapora naman ay mga reperensiya na bumabanggit, at tumutukoy sa mga


bagay na nasa hulihan pa ng teksto o pangungusap.

Narito ang mga halimbawa ng katapora:

1. Sila ay sopistikado kung manamit. Mahilig din sila sa masasarap na pagkain


at alak. Ang mga taga-France ay masayahin at mahilig dumalo sa mga kasayahan.

2. Labis ang kaniyang pagdurusa at paghihinagpis dahil sa may paniniwala


siyang isinilang siya sa daigdig upang magtamasa nang lubos na kaligayahan sa
buhay. Taglay ni Mathilde ang alindog na hindi nababagay sa kasalukuyang
kalagayan sa buhay

Ginagamit sa pagsusunod-sunod ng pangyayari ang mga pang-ugnay o


panandang pandiskurso.

Narito ang mahahalagang gamit nito:


a. Pagdaragdag at pag-iisa-isa ng mga impormasyon
Ginagamit ang pang-ugnay sa bahaging ito sa paglalahad ng
pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari o pag-iisa-isa ng mga impormasyon.
Kabilang dito ang mga salitang: pagkatapos, saka, unang, sumunod na araw,
sa dakong huli, pati, isa pa, at gayon din.
b. Pagpapahayag ng mga kaugnayang lohikal
Ginagamit ang pang-ugnay sa bahaging ito ng paglalahad ng dahilan a
bunga, paraan at layunin, paraan at resulta maging sa pagpapahayag ng
kondisyon at kinalabasan. Kabilang na pang-ugnay sa bahaging ito ang dahil
sa, sapagkat at kasi. Samantalang sa paglalahad ng bunga at resulta ginagamit
ang pang-ugnay na kaya, kung kaya, kaya naman, tuloy at bunga.

KUWARTER I LINGGO 6
Ang Kuba ng Notre Dame Hudyat sa
Pagsusunod-sunod ng mga Pangyayari

● Ang nobela ay bungang-isip o katha na nasa anyong prosa, kadalasang


halos pang-aklat ang haba na ang banghay ay inilalahad sa pamamagitan ng mga
tauhan at diyalogo. Ito ay naglalahad ng isangkawili-wiling pangyayari na hinbi sa
isang mahusay na pagbabalangkas.

Ang tatlong elemento na karaniwang matatagpuan sa isang mahusay na nobela ay 1.)


isang kuwento o kasaysayan, 2.) isang pag-aaral, at 3.) paggamit ng malikhaing
guniguni.

Pangunahing layunin ng nobela ay lumibang, bagaman sa di-tahasang paraan, ito’y


maaari ring magturo, magtaguyod ng isang pagbabago sa pamumuhay o sa liunan, 0
magbigay ng isang aral.

Mga Pangayayari- Dahil binubuo ng mga kabanata, dapat na ang mga pangyayari ay
magkaka-ugnay. May panimula,kasukdulan,kakalasan na patungo na sa wakas.

Paglalarawan ng Tauhan – Ang lalong mahusay na nobela ay naglalarawan ng


tauhan. Ito’y ginagawa nila sa isang paraang buhay na buhay, kaya’t parang mga
tunay na tauhan ang kinakaharap natin habang binabasa ang nobela. Sa kanilang
bukambibig, sa kanilang mga kilos at sa mga sinasabi ng may-akda tungkolsa kanila
at natutuhan nating

Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Nobela


1. Sa isang mahusay na nobela, ang mga tauhan ay hindi pinagagalaw ng
may-akda.Sila’y gumagalaw ng kusa – lumuluha, nalulugod, nagtataksil, nagtatapat,
nang-aapi, tumatangkilik- alinsunod sa angkin nilang lakas, mga hangarin, at mga
nakapaligid sa kanila.
2. Ang mga masasaklaw na simulain ng pagsasalaysay. Ang nobela ay dapat
sumunod sa masasaklaw na simulain ng pagsasalaysay. Ang nobela’y may pauna, na
tumutugon sa mga katanungang Sino? Ano? Kailan? Saan?

Sa pagsusuri ng mga akda tulad ng nobela, isang mahalagang pamaraan ang


paglalapat ng mga pananaw. Ang teoryang humanismo ay itinatanghal ang
buhay,dignidad, halaga,at karanasan ng bawat nilalang maging ang karapatan at
tungkulin ng sinuman para linangin at paunlarin ang sariling talino at talento.

KUWARTER I LINGGO 7-8


Pangwakas na Gawain
Ang pagbuo ng critique ng isang akdang pampanitikan ay ang paghimay sa iba’t
ibang elemento at bahagi ng isang akda upang makita kung ang bawat isa ay
nakatutulong maipaabot ang nais sabihin o ang mensahe ng akda para sa mga
mambabasa. Sa pagsasagawa ng critique ay maipababatid ang iyong pananaw ukol sa
akda kasabay ng pagbibigay ng angkop na patunay sa mga pananaw na ito. Bagao
tayo magpatuloy ay mabuting malaman mo munang magkaiba ang criticism sa
critique. Ayon kay Judy Reeves sa kanyang aklat na Writing Alone, Writing
Together; A Guide for Writers and Writing Groups, naririto ang pagkakaiba ng
criticism sa critique
Pagsulat ng Critique ng Akdang Pampanitikan
Ang critique ay isang maikling pagsusuring pampanitikang naglalahad ng sariling
kuro-kuro o palagay ng susulat ungkol sa akda. Layunin nito na mailahad ang mga
kaisipang matatagpuan sa isang akda at ang kahalagahan nito.
Sa pagsulat ng isang critique, kailangang tandaan ang mga sumusunod na
konsepto:
1. Alamin kung anong uri o genre ng akdang pampanitikan ang sinusuri.
2. Bago isulat ang critique ng isang akda, gumawa muna ng synopsis o maikling
lagom.
3. Ipahayag ang kaisipan sa malinaw at tiyak na paraan.
4. Gumamit ng mga pananalitang matapat.
5. Pahalagahan din ang paraan o estilo ng pagkakasulat.
Bilang karagdagan, narito ang mga mahahahalagang hakbang sa pagsasagawa
nito:
1. Pagbasa nang ilang beses sa akda. Kakailanganin nang dalawa o higit
pang ulit na pagbasa nang may magkakaibang layunin. Ang unang pagbasa ay sa
pananaw ng isang mambabasa na kung saan mababatid ang naging unang pananaw
o impresiyon sa binasa, kung nagustuhan ba nita ito at kung magugustuhan din kaya
itong basahin ng iba. Ang ikalawang pagbasa ay sa pananaw ng isang manunulat
na kung saan dito na siya magkakaroon nang mas malalim o malawak na
impresyon sa akda at maaari na siyang maglagay ng mga tanda sa mga bahaging
kanyang nagustuhan kalakip ng kanyang mga detalyadong paraan ng kadahilang
nagustuhan ang mga bahaging ito.

2. Pag-alam sa background at kalagayan ng manunulat sa panahong


kanyang isinulat ang akda.
Upang higit na maunawaan ang kanyang pinanggalingan, mahalagang malaman ang
mga impormasyong gaya ng kalagayan ng may-akda noon, ang kanyang mga layunin,
interes at iba na maaaring nakaapekto sa kabuoan ng kanyang akda.

3. Pagbibigay-pansin sa mahahalagang bahagi at elemento ng akda.


Mahalagang pagtuonan ng pansin ang sumusunod upang maging mga patunay kung
nailahad ba nang mahusay ng manunulat ang mensaheng nais ipabatid ng kanyang
akda.
4. Pagsulat ng critique. Ngayong nabasa mo na nang ilang beses at
naunawaang mabuti ang akda, namarkahan mo na ang mahahalagang bahagi nito,
nakilala mo na rin ang background o kalagayan ng may-akda sa panahong isinulat
niya ang akda, napagtuonan at nasagot moa ng mga tanong kaugnay sa
mahahalagang bahagi at elemento, handa ka na upang maupo na isulat ang iyong
critique. Maisasagawa mo ito sa pamamagitan ng pagsunod sa pormat pero
pakatandaang mabuti na iwasan ang paggamit ng una at ikalawang panauhang
panghalip tulad ng ako, ko, kami, tayo, ikaw, mo, kayo upang higit na maging
obhetibo ang pagpapahayag.
Pagsasagawa ng isang Simposyum
Ang simposyum ay isang pagtitipon, pagpupulong o kumperensiya kaugnay ng
isang paksa kung saan maraming tagapagsalita ang magbabahagi o maglalahad para
sa mga imbitadong tagapakinig o kalahok. Karaniwang paksang pang-akademiko ang
tinatalakay sa isang simposyum at ito ay nilalahukan ng mga taong ay interes sa
nasabing paksa. Inoorganisa ito ng isang pangkat na karaniwang nahahati-hati sa
mga komite para mapag-ukulan ng pansin ang bawat aspekto o bahagi ng
simposyum. Maging ang mag-aaral na tulad mo ay maaaring mag-organisa ng isang
simposyum. Makatutulong ang sumusunod na hakbang:
1. Pagsasagawa ng paunang pulong upang matalakay ang detalye ng
simposyum. Mahalaga ang pagpupulong na ito upang mapag-usapan ang mga
detalye ng simposyum. Bahagi ng mga bagay na dapat pag-usapan sa paunangpulong
na ito ang sumusunod:
a. ang petsa (araw at oras) kung kailang isasagawa ang simposyum
b. ang lugar (bulwagan o silid) na pagdarausan nito
c. ang mga komite at mga taong magiging bahagi ng bawat komite
d. ang pagmumulan ng ponding gagastusin para sa simposyum
e. ang mga pagkakagastusan tulad ng pagkain, imbitasyon, bayad sa bulwagan
(kung may bayad ito), dekorasyon at iba pa
f. ang mga paksang tatalakayin
g. ang mga tagapagsalita
2. Pagrereserba ng lugar at mga kagamitan. Makabubuting magreserba
nanag maaga upang kung hindi puwede ang unang lugar o mga kagamitang
pinag-usapan ay may pagkakataon pang maghanap ng alternatibo para sa mga ito.
Dapat ireserba agad ang sumusunod:
a. Ang lugar ngunit tiyaking sasapat ang laki nito sa bilang ng mga kalahok na
inaasahang dadalo
b. Ang mga mesa at silya (sapat para sa bilang ng inaasahang dadalo)
c. Ang sound system (mikropono, speaker at iba pa)
d. Ang mga ICT equipment (laptop, LCD projector at screen, at iba pa)
e. Ang gamit para sa dokumentasyon (camera, video camera, audio recorder)
3. Pakikipag-usap sa caterer na maghahanda ng pagkain. Kausapin ang
caterer at alamin ang mga detalye tulad ng kung ano-anong pagkain an ihahanda
gayundin ang presyo para sa bawat tao.
4. Pagbuo ng programa para sa simposyum. Ang komiteng nakatalaga
para saprograma ay dapat nang bumalangkas ng programa. Kapag nabuo na ang
pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa programa ay ipaaalam na nila sa mga
taong may parte o bahagi. Kalakip din dito ang paglalaan ng tagal ng oras para sa
tagapagsalita.
5. Pagpapaalam sa madla ng mga detalye ng simposyum at
publisidad.
Ang komiteng nakatalaga para s abahaging ito ay dapat nang buuo ng
limahpaanyaya,mga patalastas o poster na ipapaskil para makita ng mga
interesadong kalahok at iba pang publisidada o paraan ng pagpapaalam sa publiko
6. Paghahanda ng bulwagan o silid para sa simposyum. Magiging abala
ang komiteng nakatalaga para sap ag-aayos ng silid o bulwagan isa o dalawang araw
bago ang simposyum. Kailanagang matiyak ang kalinisan, kaligtasan at kaayusan
ng bulwagan o silid kabilang ang kahandaan ng mga dekorasyon at mga
kagamitang kakailanganin.
7. Pagsasagawa ng Simposyum. Sa mismong araw ng simposyum, ang lahat
Ng komiteng nakatalaga ay dapat maging alerto upang matiyak na magiging maayos
ang magiging takbo ng programa. Makabubuti kung may isang pangkalahatang
lider at siyang makikipag-ugnayan sa pinuno ng bawat komite upang matiyak na
maayos ang lahat.
Cupid at Psyche - Mitolohiya na nanggaling sa Roma
Alegoryang Yungib ni Plato - Sanaysay na nang galing sa Iraq
Epiko ni Gilgamesh - Epiko na nang galing sa Mesopotamia
Ang Kuwintas ni Guy De Maupassant - Maikiling kuwento na nang galing sa France
Ang Kuba ng Notre Dame ni Victor Hugo - Nobela na nang galing sa France
ANG TUSONG KATIWALA (Lukas 16: 1-15) Philippine Bible Society

You might also like