You are on page 1of 21

WHOLE BRAIN LEARNING SYSTEM

OUTCOME-BASED EDUCATION

BAITANG
FILIPINO 10

2
LEARNING KUWARTER
MODULE LINGGO 4
MODYUL SA
FILIPINO 10

KUWARTER II
LINGGO 4
ARAW 1-4
Aginaldo ng mga Mago
Development Team

Writers: Genieva S. Avila

Editor: Richard M. Collado

Reviewer: Lorna M. Balisbisana

Illustrators: Nestor Lucero Mark Bryan M. Aguinaldo

Lay-out Artist: Allan M. Utleg Diana C. Vergara

Management Team: Vilma D. Eda

Arnel S. Bandiola

Lourdes B. Arucan

Zorayda S. Paguyo

Juanito V. Labao

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 10 2


Ang modyul na ito ay tungkol sa Aginaldo ng mga Mago na kaugnay ng salaysay sa
Bibliya hinggil sa tatlong haring mago na matatagpuan sa Ebanghelyo ni Mateo
(Mateo 2; 1-12) Ang mga haring Mago ang nag-alay ng mga handog sa Batang
Hesus noong natagpuan nila ito sa isang sabsaban sa Belen ng Judea sa Jerusalem.
Ang mga mago ay may katalihunan at kanilang ibinigay ang pinakamahalagang
regalo para sa Diyos. Sapagkat alam ng mga mago na mas higit ang kanilang
pagmamahal sa Diyos kesa sa kanilang mamahaling regalo.

Aginaldo ng mga Mago ni O. Henry, ito ay isang maikling kuwento mula sa United
States of America at isinalin sa Filipino ni Rufino Alejandro. Sikapin mong tapusin
ang modyul na ito sa loob ng isang linggo. .

Narito ang mga layunin na kailangan


ALAMIN
mong matamo sa araling ito.
:

_____________________________________________________________

KASANAYANG PAMPAGKATUTO
(Learning Competencies)

1. Nasusuri sa diyalogo ng mga tauhan ang kasiningan ng akda F10PN-IIe-73


2. Naitatala ang mga salitang magkakatulad at magkakaugnay sa kahulugan
F10PT-IIe-73
3. Nahihinuha sa mga bahaging pinanood ang pakikipag-ugnayang pandaigdig
F10PD-IIe-71
4. Naisasalaysay nang masining at may damdamin ang isinulat na maikling
kuwento F10PS-IIe-75

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 10 3


SUBUKIN Bago ka magpatuloy, sukatin muna natin ang
iyong kaalaman sa paksang ating pag-aaralan.
Gawin mo ang maiksing pagsubok na ito.

_____________________________________________________________

PAUNANG PAGTATAYA

Panuto: Magbigay ng salitang may kaugnayan sa pasko. Gamit ang graphic organizer.
Isulat sa sagutang papel ang iyong sagot.

PASKO

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 10 4


BALIKAN Nasiyahan ka ba sa pagsagot sa paunang
pagtataya? Kung gayon pag-aralan ang sumusunod
na kaalaman.

_____________________________________________________________
Napag-aralan mo sa nakaraang taon na ang panitikan ay salamin ng lahing
pinagmulan nito. Ito ay kabuuan ng mga karanasan ng isang bansa, paniniwala,
kaugalian at tradisyong ipinahahayag sa masining na paraan, pasulat man o pasalita.
Naaalala mo bang may dalawang anyo ng panitikan? Ito ay ang patula at tuluyan.
Ang patula ay uri ng panitikang nabuo sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng mga
malikhaing salita sa bawat taludtod na may sukat o bilang ang pantig at may tugma sa
hulihan ng bawat taludtod. Ito ay kinabibilangan ng mga liriko, patnigan, tulang
pantanghalan, at tulang pasalaysay.
Ang prosa o tuluyan ay uri ng panitikang nabuo sa pamamagitan ng pagsasama
sama ng mga salita upang makabuo ng isang pangungusap. Sapagkat ito ay malayang
pagsulat, walang limitasyon o hindi pinipigilan ang paggamit ng mga pangungusap ng
may - akda. Ito ay kinabibilangan ng mga alamat, balita, dula, editoryal, maikling
kwento, nobela, pabula, sanaysay, talambuhay at mitolohiya.
Ang maikling kuwentong Aginaldo ng mga Mago ay isang akdang tuluyang
salaysay hinggil sa isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang
tauhan at may iisang kakintalan o impresyon lamang. Isa itong masining na anyo
ng panitikan. Tulad ng nobela at dula, isa rin itong paggagad ng realidad. Ginagagad ang
isang momento o isang madulang pangyayaring naganap sa buhay ng pangunahing
tauhan. Iyong tuklasin ang yaman ng panitikan sa pamamagitan ng akdang ito.

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 10 5


TUKLASIN Ngayong natapos mo na ang paunang
pagtataya, basahin at unawain mo ang nasaibaba
para malaman mo ang naitutulong ng maikling
kuwento sa pagpapaunlad ng panitikang Filipino.

____________________________________________________________

Bilang isang akdang pampanitikan, maaaring magsalaysay ng tuluy-tuloy ang


maikling kuwento ng isang pangyayari hango sa tunay na buhay; may isa o ilang tauhan
lamang, sumasaklaw sa maikling panahon, may isang kasukdulan, at nag-iiwan ng
kakintalan o impresyon sa isip ng mambabasa.
Pagdating sa mga maliit na bata, isa sa mga paraan ng mabisang pagtuturo ng
mabuting aral ay sa pamamagitan ng mga maikling kwento. Mula sa mga kwentong ito
makakakuha ng ideya ang mga bata tungkol sa tamang pag-uugali. Subalit, bago tayo
magbasa ng maiking kwento. Ang maikling kwento ay isa sa mga anyo ng panitikan. Ito
ay maiksing salaysay na naglalaman ng isang kwentong may mahalagang pangyayari. Sa
kabila ng pagiging maiksi nito, maaari nitong taglayin ang lahat ng elemento ng
maikling kwento. Nagtataglay ito ng magandang aral at nag-iiwan ng panibagong
karunungan sa isip ng mga bata.
Mayroong tatlong bahagi ang maikling kwento – ang simula, ang gitna, at ang wakas.

1. Simula

Kabilang sa simula ang mga tauhan, tagpuan, at suliranin. Sa mga tauhan nalalaman
kung sinu-sino ang magsisiganap sa kwento at kung ano ang papel na ginagampanan ng
bawat isa. Maaaring bida, kontrabida o suportang tauhan.

Sa tagpuan nakasaad ang lugar na pinangyarihan ng mga aksyon o mga insidente


kasama na dito ang panahon kung kailan naganap ang kwento. At ang bahagi ng
suliranin ang siyang kababakasan ng problemang haharapin ng pangunahing tauhan.

2. Gitna

Ang gitna ay binubuo ng saglit na kasiglahan, tunggalian, at kasukdulan. Ang saglit na


kasiglahan ang naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot sa

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 10 6


suliranin.

Ang tunggalian naman ang bahaging kababasahan ng pakikitunggali o


pakikipagsapalaran ng pangunahing tauhan laban sa mga suliraning kakaharapin, na
minsan ay sa sarili, sa kapwa, o sa kalikasan. Samantalang ang kasukdulan ang
pinakamadulang bahagi kung saan makakamtan ng pangunahing tauhan ang katuparan o
kasawian ng kanyang ipinaglalaban.

3. Wakas

Ang wakas ay binubuo ng kakalasan at katapusan. Ang kakalasan ang bahaging


nagpapakita ng unti-unting pagbaba ng takbo ng kwento mula sa maigting na pangyayari
sa kasukdulan, at ang katapusan ang bahaging kababasahan ng magiging resolusyon ng
kwento. Maaring masaya o malungkot, pagkatalo o pagkapanalo.

Gayunpaman, may mga kwento na hindi laging winawakasan sa pamamagitan ng


dalawang huling nabanggit na mga sangkap. Kung minsan, hinahayaan ng may-akda na
mabitin ang wakas ng kwento para hayaan ang mambabasa na humatol o magpasya
kung ano sa palagay nito ang maaring kahinatnan ng kwento.

1. Panimula-
2. Saglit na
Dito
6. Kakalasan- Kasiglaan-
nakasalalay Naglalahad ng
Ito ang tulay sa ang kawilihan panandaliang
wakas ng ng mga pagtatagpo ng mga
kwento. mambabasa
tauhang masasangkot
sa suliranin.

5. Kasukdulan- 3. Suliranin- Ito ang


nakakamtan ng problemang
pangunahing tauhan haharapin o
ang katuparan o Mga kinahaharap ng
kasawian ng kanyang Elemento ng tauhan o mga tauhan
ipinaglalaban. Maikling sa kwento.
Kuwento

4. Tunggalian
7. Wakas Tao laban sa tao
Ito ang resolusyon Tao laban sa sarili
o ang kahihinatnan Tao laban sa lipunan
ng kwento. 6. Kakalasan- Ito ang
tulay sa wakas ng Tao laban sa kapaligiran
kwento. o kalikasan

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 10 7


Ang tunay na pag-ibig ng tunay at tapat
SURIIN
na umiibig ay handang isakripisyo ang
pansariling kaligayahan alang-alang sa
kasiyahan ng taong minamahal. Ngayon ay
basahin at unawain mo ang kuwento sa ibaba
upang sa gayo’y maunawaan kung paano
maisasabuhay ang mahalagang tema o
kaisipang nakapaloob sa akda.

____________________________________________________________

Aginaldo ng mga Mago


O. Henry
Maikling Kuwento – United States of America
Salin sa Filipino ni Rufino Alejandro
Maikling Kuwento mula sa United States of America

Piso at walampu’t pitong sentimos. Iyan lang. At ang animnapung sentimos nito ay
barya. Makaitlong bilangin ni Della. Piso at walumpu’t pitong sentimos.

At kinabukasan noon ay Pasko.Talagang wala nang dapat gawin kundi sumalagmak sa


munting gusgusing sopa at magpalahaw. Kaya’t iyon nga ang ginawa ni Della.

Tinapos ni Della ang kaniyang pag-iyak at hinarap ang kaniyang mga pisngi. Siya’y
nagpulbos. Tumayo siya sa tabi ng bintana at matamlay na pinagmasdan ang isang
abuhing pusang nanunulay
sa isang abuhing bakod sa abuhing likod bahay.

Kinabukasan noon ay araw ng Pasko at ang pera niya’y wala kundi piso at walumpu’t
pitong sentimos lamang para ipambili ng pang-aginaldo kay Jim. Kung ilang buwan
siyang nagtabi ng pera-pera at ito ang kaniyang natipon. Gaano ba naman ang itatagal ng
kitang dalawampung piso isang linggo! Naging malaki ang kaniyang mga gastos kaysa
kaniyang inaasahan. Laging gayon ang nangyayari. Piso at walumpu’t pitong sentimos
lamang na pambili ng aginaldo para kay Jim. Sa kaniyang Jim. Maraming oras ang
ginugol niya sa pag-iisip ng isang magandang pang-aginaldo kay Jim. Isang pang-
aginaldong maganda, pambihira at yari sa pilak – yaong maaari nang sabihing karapat-
dapat ariin ni Jim.

Kagyat siyang pumihit at nilisan ang bintana at humarap sa salamin. Nagniningning ang
kaniyang mga mata, datapwa’t dalawampung segundong nawalan ng kulay ang
kaniyang pisngi. Maliksi niyang inilugay nang puspusan ang kaniyang buhok.

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 10 8


Ang mag-asawang James at Della Dillingham Young ay may dalawang ari-ariang
ipinagmamalaki nila nang labis. Ang isa’y gintong relos ni Jim na minana niya sa
kaniyang ama at sa ama ng kaniyang ama. Ang isa pa ay ang buhok ni Della.At ngayo’y
nakalugay ang magandang buhok ni Della, alon-alon at kumikislap na parang buhos ng
kayumangging tubig sa isang talon. Abot hanggang sa ibaba ng kaniyang tuhod at
mistulang pananamit na niya. At pagkatapos ay maliksing pinusod niyang muli na
nangangatog pa ang kaniyang mga kamay. Minsan siyang natigilan samantalang
dalawang patak na luha ang tumulo sa gasgas na pulang karpet sa sahig.

Isinuot ang kaniyang lumang dyaket na kulay kape: isinuot ang kaniyang lumang
sombrerong kulay-kape rin. Umalembong ang kaniyang saya at nagkikinang ang
kaniyang mga mata nang siya’y humagibis na papalabas sa pintuan, manaog at lumabas
sa lansangan.

Sa tapat ng hinintuan niya ay may karatulang ganito ang mababasa: “Mme. Sofronie.
Lahat ng Uri ng Kagamitang Yari sa Buhok.” Patakbong pumanhik si Della sa unang
hagdanan at saka naghinto upang bigyang-panahon ang kaniyang paghingal.

“Gusto ba ninyong bilhin ang aking buhok?” ang tanong ni Della.“Bumibili ako ng
buhok,” sabi ng Madame. “Alisin mo ‘yang sombrero mo’t nang makita ko ang hitsura
niyan.” ni Della ang alon-alon niyang buhok.

“Beinte pesos.” Ang wika ng Madame, habang iniaangat ng sanay na kamay ang
makapal na buhok.
“Bayaran n’yo ako agad,” ang wika ni Della.

O, at ang sumunod na dalawang oras ay masayang nagdaan. Hindi pala. Sa loob ng


dalawang oras na sumunod ay walang ginawa si Della kundi ang halughugin ang mga
tindahan sa paghahanap ng maipang-aaginaldo kay Jim.

Sa wakas ay nakakita siya. Talagang bagay na bagay kay Jim. Parang ipinasadya.
Walang ibang tindahang mayroon noon. Isang magandang kadenang platino, na ang
disenyo ay simpleng-simple ngunit nakaaakit. Sa tingin lamang ay talagang
makikilalang mamahalin. At sadyang karapat-dapat sa relos. Pagkakitang-pagkakita niya
sa kadenang iyon ay sumaksak agad sa loob niya ang bagay na iyon
kay Jim. Katulad na katulad nito – mahinhin at mahalaga. Dalawampu’t isang piso ang
ipinabayad nila roon sa kaniya at nagmamadali siyang umuwi, dala ang dalawampu’t
pitong sentimos na natitira. Kapag nakabit na ang kadenang iyon sa kaniyang relos ay
pihong madalas na titingnan ni Jim ang oras sa harap ng kaniyang mga kaibigan.

Bagaman sadyang maganda ang relos, palihim kung ito’y dukutin ni Jim upang tingnan
ang oras dahil sa lumang katad na nakakabit.

Nang dumating ng bahay si Della, minabuti niya ang gumawa ng kaunting pag-iingat.
Kinuha niya ang kaniyang pangulot at pinainit ang kalan at kinumpuni ang kasiraang
nilikha ng pag-ibig na pinalubha pa ng kagandahang loob.

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 10 9


Nang alas-siyete na’y handa na ang kape at ang pagpriprituhan ng karne.Si Jim ay hindi
kailan ginagabi ng dating. Kinuyom ni Della ang kadena sa kaniyang palad at naupo sa
sulok ng mesang malapit sa pintong laging dinaraanan ni Jim.

Narinig niya ang mga yabag ni Jim sa unang hagdanan, at siya’y namutlang sandali.
Ugali na niya ang magdasal nang kaunti patungkol sa mumunting bagay na nangyayari
sa araw-araw at ngayo’y bumulong siya ng ganito, “O Poong Diyos, marapatin Mo pong
sabihin niya na ako’y maganda pa rin.”

Bumukas ang pinto at pumasok si Jim at pagkatapos ay isinara uli iyon. Parang
nangayayat siya at ang mukha niya’y walang bakas ng kagalakan. Kawawa naman!

Dadalawampu’t dalawang taon lamang siya at nag-iintindi na dahil sa kaniyang


pamilya! Kailangan niya ang isang bagong damit na pang-ibabaw at wala pa rin siyang
guwantes.

Pumasok si Jim at walang katinag-tinag. Ang mga mata niya’y nakapako kay Della at
ang tingin niya’y nakapagpangilabot sa babae. Hindi naman galit, ni pagtataka, ni
pagpipintas, ni hilakbot, ni ang alin man sa mga simbuyong pinaghahandaan na ni Della.
Basta’t nakatitig si Jim sa kaniya na ang mga mata’y nagpapahayag ng isang
damdaming hindi mahulaan.

Maingat na bumaba si Della mula sa mesang kaniyang kinauupuan at lumapit kay Jim.

“Jim, mahal ko,” ang wika niya, “huwag mo sana akong masdan nang papaganyan.
Ipinaputol ko ang aking buhok at ipinagbili sapagkat hindi na ako makatatagal pa
hanggang sa isang Pasko kung hindi kita mabibigyan ng isang aginaldo. Ito nama’y
hahaba uli – huwag ka sanang magagalit ha, ha? Talagang kinailangang gawin ko iyon.
Malakas namang humaba ang aking buhok. Hala, sabihin mong Maligayang Pasko, Jim
at tayo’y magsaya. Hindi mo nalalaman kung gaano kaganda ang aginaldong binili ko
para sa iyo.”

“Pinutol mo ang iyong buhok?” ang tanong ni Jim na parang naghihirap ng pagsasalita.
“Ipinaputol ko at ipinagbili,” ang wika ni Della. “Hindi ba gusto mo rin ako kahit na
putol ang aking buhok?” Dinukot ni Jim ang isang balutan sa kaniyang bulsa at inihagis
sa mesa.

“Huwag ka sanang magkakamali tungkol sa akin, Della,” ang wika. “Sa palagay ko’y
walang makababawas sa aking pagkagusto sa aking giliw dahil sa buhok o sa pabango, o
ano pa man. Datapwat kung bubuksan mo ang pakete ay mauunawaan mo kung bakit
ako nagkagayon noong bagong dating ako.”

Ang balutan ay pinunit ng mapuputi at magagandang daliri. At isang malakas na tili ng


galak, at pagkatapos ay – isang hagulgol na sinasabayan ng pagdaloy ng masaganang
luha.

Pagkat ang dala ni Jim para sa kaniya ay mga suklay – isang huwego ng mga suklay na
malaon nang inaasam-asam ni Della mula nang ang mga iyon ay makita niya sa isang

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 10 10


bintana ng tindahan sa Broadway. Idinaiti niya ang mga yaon sa kaniyang dibdib, at sa
wakas ay naitaas niya ang kaniyang paninging hilam sa luha ang winika, “Malakas
humaba ang buhok ko, Jim.”

At si Della’y lumuksong animo’y isang pusang napaso, at ang sabi, “Oh! Oh!” Hindi pa
nakikita ni Jim ang magandang aginaldo sa kaniya. Iniabot iyon ni Della sabay
pagbubukas ng kaniyang palad. Ang mahalagang metal ay kinang na gaya ng apoy ng
kaniyang kaluluwa.

“Hindi ba maganda, Jim? Hinalughog ko ang buong bayan para lamang makita ko iyan.
Pihong matitingnan mo na ngayon ang oras kahit makasandaang beses maghapon. Akina
ang relos mo. Tingnan ko lamang kung gaano kaganda kung maikabit na ang kadena.”

Sa halip ng ibigay ang hinihingi, si Jim ay nagpatihiga sa sopa at iniunan ang kaniyang
ulo sa kaniyang mga palad, at saka ngumiti.

Dell, itabi muna natin ang ating mga pang-aginaldo at itago natin ng ilang araw. Sayang
na gamitin agad ngayon ang mga iyon. Ang relos ay ipinagbili ko para maibili ng mga
suklay para sa iyo. Mabuti pa’y prituhin mo na ang karne.”

Gaya ng alam na ninyo, ang mga Mago ay mga taong marurunong – napakarurunong –
at sila ay nagdala ng mga alay sa Sanggol sa sabsaban. Sila ang may imbento ng
pagbibigay ng mga aginaldo kung Pasko. Palibhasa’y marurunong, pihong ang kanilang
mga alay sa Sanggol ay may magagandang kahulugan, marahil ay yaong maaaring
ipakipagpalitan kung sakaling magkakapareho. At dito’y pinag-inutan kong isalaysay sa
inyo ang simpleng kasaysayan ng dalawang hangal na bata na nakatira sa isang abang
tahanan, na buong talinong nagsakripisyo para sa isa’t isa kahit na mawala ang lalong
mahalagang ari-ariang ipinagmamalaki ng kanilang tahanan.

Ngunit parang huling paalala sa marurunong ng ating kapanahunan, dapat sabihin dito
na sa lahat ng nagbigay ng aginaldo, ang dalawang ito ay siyang pinakamarunong. Sa
lahat ng nagbigay at tumanggap ng aginaldo, sila ang pinakamarunong. Sila ang
pinakamarunong sa lahat ng dako. Sila ang mga Mago.

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 10 11


PAGYAMANIN Naunawaan mo ba ang kuwento?
Ngayon, sagutin ang mga kasunod na
:
pagsubok.

_____________________________________________________________

GAWAIN 1: KAMBAL SALITA

Panuto: Itala sa loob ng kahon ang mga salitang magkakatulad at magkakaugnay ng


kahulugan. Pagkatapos, gamitin sa pagbuo ng makabuluhang pangungusap. Isulat ang
sagot sa sagutang papel.

1 2 3 4

5 6 7 8

sumagalpak hagulgol walang katinag-tinag

humagibis hilam silakbo

lumandi simbuyo tangis

umalembong panlalabo tumulin

kulabo lagablab halughugin

lumuklok halukayin malakas na iyak

halungkatin humarurot napaupo

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 10 12


1. _______________________________________________________
_______________________________________________________
2. _______________________________________________________
_______________________________________________________
3. _______________________________________________________
_______________________________________________________
4. _______________________________________________________
_______________________________________________________
5. _______________________________________________________
_______________________________________________________
6. _______________________________________________________
_______________________________________________________
7. _______________________________________________________
_______________________________________________________
8. _______________________________________________________
_______________________________________________________

GAWAIN 2: PAG-UNAWA SA AKDA

1. Ilarawan ang mga katangian ng dalawang tauhan sa kuwento. Paano nila


ipinamalas ang masidhing pagmamahal sa isa’t isa.
_______________________________________________________
_______________________________________________________

2. Dala ng kahirapan kaya naging suliranin nina Jim at Della ang paghahanda ng
pamasko sa isa’t isa. Sa iyong palagay, makatuwiran ba ang ginawa nilang
paraan upang malutas ang kanilang suliranin? Pangatuwiranan.
_______________________________________________________
_______________________________________________________

3. Naging mapanghamon ba sa iyong isipan ang wakas ng kuwento? Patunayan ang


sagot.
_______________________________________________________
_______________________________________________________

4. Ano ang makabuluhang kahulugan ng pagbibigayan ng regalo sa Pasko ang


ipinakita sa maikling kuwento? Patunayan.
_______________________________________________________
_______________________________________________________

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 10 13


5. Sa iyong palagay, maisasakripisyo mo ba ang mga bagay na mahalaga sa iyo
mapaligaya mo lamang ang iyong mahal?
_______________________________________________________
_______________________________________________________

6. Bakit pinamagatang Aginaldo ng mga Mago ang akda?


_______________________________________________________
_______________________________________________________

7. Anong mahalagang mensahe/kaisipan ang ibinibigay ng akda? Magbigay ng


tiyak na mga halimbawa kung papaano mo ito isasabuhay. Gamitin ang
dayagram sa pagsagot.

_______________________________________________________
_______________________________________________________

8. Gumuhit ng isang bagay na sumisimbolo sa pagmamahalan nina Jim at Della.


_______________________________________________________
_______________________________________________________

Naunawaan mo ba? Ngayon ay iyong isagawa ang sumusunod na


pagsasanay upang mahasa pa ang iyong kaalaman.

GAWAIN 3: MAGSANAY KA!

Panuto: Tukuyin ang mga makatotohanang at hindi makatotohanang pangyayari sa


kuwento at iugnay sa pandaigdigang pangyayari. Isulat ang iyong sagot sa sagutang
papel.

MAKATOTOHANANG PANGYAYARI

AGINALDO NG
MGA MAGO
HINDI MAKATOTOHANANG PANGYAYARI

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 10 14


Gayong alam mo na ang maikling
ISAISIP
kuwentong Aginaldo ng mga Mago, inaasahan
: na ang kaalamang natutuhan ay magagamit mo
: upang masagot ang mga sumusunod na gawain.

_____________________________________________________________

GAWAIN 4: SURIIN MO

Panuto: Suriin ang diyalogo sa ibaba at ipaliwanag kung paano nakatulong sa


pagpapalutang sa kasiningan ng akda.

“Pinaputol mo ang iyong buhok?”

“Jim mahal ko, huwag mo sana akong masdan nang paganyan ipinaputol
ko ang aking buhok at ipinagbili sapagkat hindi na ako makatatagal pa hanggang
sa isang pasko kung hindi kita bibigyan ng isang aginaldo”

__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 10 15


Napagtagumpayan mong sagutin ang mga
ISAGAWA
pagsubok. Ngayon naman, ay masusubukan ang
: iyong kasanayan sa pagsulat.
:

_____________________________________________________________

GAWAIN 5: LUMIKHA KA!

Panuto: Gayong nakuha mo na ang nais ipabatid ng Aginaldo ng mga Mago, ngayon
naman ay isulat at bumuo ka ng isang plano upang sorpresahin ang iyong
minamahal.

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 10 16


MAGALING! Nasagot mo lahat ang mga
TAYAHIN
gawaing naibigay. Ngayon, masusubok muli ang
: iyong kakayahan sa pagsulat.
:

_____________________________________________________________

GAWAIN 6: ISULAT MO

Panuto: Tukuyin kung ano ang itinuturing mong pinakamahalagang bagay sa iyong
buhay. Kaya mo ba itong mawala sa iyo para sa isang minamahal sa buhay? Bakit?

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 10 17


Upang mas lalo mong mapaghusayan
KARAGDAGANG
ang iyong natutuhan gawin ang panghuling
GAWAIN
pagsasanay. Binabati kita at natapos mo ang
: buong modyul na ito.
:

Panuto: Dahil sa pandemiyang kinakaharap ng bansa at ng buong mundo, marami sa


atin ang lubhang naapektuhan. Ngnit may mga taong sadyang nagbigay ng tulong sa
kapuwa. Ngayon, gumawa ng isang maikling kuwento batay sa mga nabasa, napanood o
napakinggan sa gitna nitong pandemya na nagsasalaysay ng pagsasakripisyo.

Pamantayan sa pagmamarka:

A. Maayos na Pagkakasunod ...........................................20 %


- pamamaraan at estilo
B. Pagkamalikhain ...........................................................20%
- kaakit-akit na pagsisimula at wakas
C. Malinaw .....................................................................30%
D. Tema ...........................................................................30%
100%

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 10 18


19 Filipino 10 Self-Learning Module MELC-Aligned WBLS-OBE
Paunang Pagtataya
(Magkakaiba ang maaring isagot ng mga mag-aaral)
Gawain 1-4
(Magkakaiba ang maaring isagot ng mga mag-aaral)
Karagdagang Gawain
(Magkakaiba ang maaring isagot ng mga mag-aaral)
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian:

 Ambat, Vilma C., et.al, 2015. Filipino Modyul para sa Mag-aaral,


Department of Education, 5th Floor Mabini Bldg., DepEd Complex,
Meralco Avenue Pasig City, Philippines 1600

 https://www.teachpinas.com/k-12-most-essential-learning-competencies-
melc/

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 10 20


For inquiries or feedback, please write or call:
Department of Education-Schools Division of Laoag City
Curriculum Implementation Division (CID)
Brgy. 23 San Matias, Laoag City 2900
Contact Number: (077)771-3678
Email Address:laoagcity@deped.gov.ph

You might also like