You are on page 1of 7

Subject: FILIPINO 7 Teaching Guide

Essential Topic: WIKA AT PANITIKAN

Mga Akdang Pampanitikan: Salamin ng Mindanao


Aralin 4: “Si Somezen sa Alongan at si Anak” sinaliksik ni Sandro B. Abad
ARALIN
Elemento ng Maikling Kwento
Retorikal na Pang-ugnay

Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga akdang pampanitikan ng Mindanao


PAMANTAYANG PANGNILALAMAN
Naisasagawa ng mag-aaral ang isang makatotohanang proyektong panturismo
PAMANTAYAN SA PAGGANAP
F7PN-If-g-4 Naisasalaysay ang buod ng mga pangyayari sa kuwentong napakinggan
F7PT-Id-e-4 Natutukoy at naipapaliwanag ang kawastuhan/kamalian ng pangungusap batay sa kahulugan ng
isang tiyak na salita
KOMPETENSI F7PS-Id-e-4 Naisasalaysay nang maayos at wasto ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari
F7WG-If-g-4 Nagagamit nang wasto ang mga retorikal na pang-ugnay na ginamit sa akda (kung, kapag, sakali
at iba pa)
F7PU-If-g-4 Naisusulat ang buod ng binasang kuwento nang maayos at may kaisahan ang mga pangungusap
Matapos ang aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Natutukoy ang kahulugan at katangian ng maikling kwento
LAYUNIN 2. Nagagamit nang wasto ang mga retorikal na pang-ugnay
3. Nasusuri ang dokyu-film o freeze story

Katapatan
MAHALAGANG PAG-UUGALI Kawanggawa
INILAANG ORAS 4 sesyon (240 minuto)

Balangkas ng Aralin:
1. INTRODUKSYON : (5 minuto)
2. MOTIBASYON : (5 minuto)
3. PAGTATALAKAY : (120 minuto)
4. PAGSASANAY : (25 minuto)
5. PAGPAPALALIM : (60 minuto)
6. EBALWASYON : (25 minuto)
Subject: FILIPINO 7 Teaching Guide
Essential Topic: WIKA AT PANITIKAN

MATERIALS Aklat, laptop, marker at mga larawan

RESOURCES Kalinangan Batayan at Sanayang Aklat sa Wika at Panitikan


Aida M. Guimarie (May-akda)
Mercedes DL. Tulaylay (May-akda)

PANGANGAILANGAN NG
PAMAMARAAN
MGA MAG-AARAL

1. INTRODUKSYON (5 minuto)
Matapos ang aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. Natutukoy ang kahulugan at katangian ng maikling kwento


2. Nagagamit nang wasto ang mga retorikal na pang-ugnay
3. Nasusuri ang dokyu-film o freeze story

Teacher Tips:
MAIKLING KWENTO
Ang maikling kwento ay isang masining na anyo ng panitikan na naglalaman ng isang maiksing salaysay
tungkol sa isang mahalagang pangyayari na kinabibilangan ng isa o ilang tauhan. Nag-iiwan ito ng isang
kakintalan sa isip ng mga mambabasa. Teacher Tips:
Si Deogracias A. Rosario ang tinuturing na “Ama ng Maikling Kwentong Tagalog.
Kahit ano ay maaring paksain ng kwentista o manunulat ng maikling kwento. Maaaring hango ito sa mga
pangyayari sa totoong buhay at maari ding ito’y patungkol sa kababalaghan at mga bagay na hindi maipaliwanag
ng kaalaman.
Ayon kay Edgar Allan Poe, “ang maikling kwento ay isang akdang pampanitikang likha ng guniguni at Teacher Tips:
salagimsim na salig sa buhay na aktuwal na naganap o maaaring maganap.” Noong panahon ng mga Amerikano,
tinawag din na “dagli” ang maikling kwento at ginagawa itong libangan ng mga sundalo.
Subject: FILIPINO 7 Teaching Guide
Essential Topic: WIKA AT PANITIKAN

2. MOTIBASYON (5 minuto) Iguhit mo, sasagutin ko!


Panuto: Isulat sa loob ang kahon na nakapalibot sa bilog ang sarili mong konsepto ng pamilya.

Teacher Tips:

Teacher Tips:

Teacher Tips:

3. PAGTATALAKAY/PAGLALAHAD (120 minuto Una at Ikalawang araw)

MGA ELEMENTO NG MAIKLING KWENTO


Mayroong labing-isang elemento ang maikling kwento. Ito ay ang mga sumusunod:

1. Panimula
Dito nakasalalay ang kawilihan ng mga mambabasa. Dito rin kadalasang pinapakilala ang iba sa mga tauhan ng kwento.
2. Saglit na Kasiglahan
Naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot sa suliranin.
3. Suliranin
Ito ang problemang haharapin o kinahaharap ng tauhan o mga tauhan sa kwento.
4. Tunggalian
Ang tunggalian ay may apat na uri:
 Tao laban sa tao
 Tao laban sa sarili
 Tao laban sa lipunan
 Tao laban sa kapaligiran o kalikasan
5. Kasukdulan Sa kasukdulan nakakamtan ng pangunahing tauhan ang katuparan o kasawian ng kanyang ipinaglalaban.
6. Kakalasan Ito ang tulay sa wakas ng kwento.
Subject: FILIPINO 7 Teaching Guide
Essential Topic: WIKA AT PANITIKAN

7. Wakas Ito ang resolusyon o ang kahihinatnan ng kwento.


8. Tagpuan Dito nakasaad ang lugar na pinangyarihan ng mga aksyon o mga insidente. Kasama din dito ang panahon
kung kailan naganap ang kwento.
9. Paksang Diwa Ito ang pinaka-kaluluwa ng maikling kwento.
10. Kaisipan Ito naman ang mensahe ng kwento.
11. Banghay Ito ay ang mga pangyayari sa kwento.

MGA BAHAGI NG MAIKLING KWENTO


Ang maikling kwento ay may tatlong bahagi. Ito ay ang Simula, Gitna at Wakas.

1. Simula
Kabilang sa simula ang mga tauhan, tagpuan, at suliranin. Sa mga tauhan nalalaman kung sinu-sino ang
magsisiganap sa kwento at kung ano ang papel na gaganapan ng bawat isa. Maaaring bida, kontrabida o
suportang tauhan. Sa tagpuan nakasaad ang lugar na pinangyarihan ng mga aksyon o mga insidente kasama na
dito ang panahon kung kailan naganap ang kwento. At ang bahagi ng suliranin ang siyang kababasahan ng
problemang haharapin ng pangunahing tauhan.
2. Gitna
Ang gitna ay binubuo ng saglit na kasiglahan, tunggalian, at kasukdulan. Ang saglit na kasiglahan ang
naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot sa suliranin. Ang tunggalian naman ang
bahaging kababasahan ng pakikitunggali o pakikipagsapalaran ng pangunahing tauhan laban sa mga suliraning
kakaharapin, na minsan ay sa sarili, sa kapwa, o sa kalikasan. Samantalang ang kasukdulan ang pinakamadulang
bahagi kung saan makakamtan ng pangunahing tauhan ang katuparan o kasawian ng kanyang ipinaglalaban.
3. Wakas
Ang wakas ay binubuo ng kakalasan at katapusan. Ang kakalasan ang bahaging nagpapakita ng unti-unting
pagbaba ng takbo ng kwento mula sa maigting na pangyayari sa kasukdulan, at ang katapusan ang bahaging
kababasahan ng magiging resolusyon ng kwento. Maaring masaya o malungkot, pagkatalo o pagkapanalo.
Gayunpaman, may mga kwento na hindi laging winawakasan sa pamamagitan ng dalawang huling nabanggit na
mga sangkap. Kung minsan, hinahayaan ng may-akda na mabitin ang wakas ng kwento para hayaan ang
mambabasa na humatol o magpasya kung ano sa palagay nito ang maaring kahinatnan ng kwento.

MGA URI NG MAIKLING KWENTO


Subject: FILIPINO 7 Teaching Guide
Essential Topic: WIKA AT PANITIKAN

May sampung uri ng maikling kwento. Ito ay ang mga sumusunod:


1. Kwento ng Tauhan
Inilalarawan dito ang mga pangyayaring pangkaugalian ng mga tauhang nagsisiganap upang mabigyan ng kabuuan ang
pag-unawa sa kanila ng isang mambabasa.
2. Kwento ng Katutubong Kulay
Binibigyang diin dito ang kapaligiran at mga pananamit ng mga tauhan, ang uri ng kanilang pamumuhay, at hanapbuhay
ng mga tao sa nasabing lugar.
3. Kwentong Bayan
Inilalahad dito ang mga kwentong pinag-uusapan sa kasalukuyan ng buong bayan.
4. Kwento ng Kababalaghan
Dito pinag-uusapan ang mga salaysaying hindi kapanipaniwala.
5. Kwento ng Katatakutan
Naglalaman naman ito ng mga pangyayaring kasindak-sindak.
6. Kwento ng Madulang Pangyayari
Binibigyang diin ang kapanapanabik at mahahalagang pangyayari na nakapagpapaiba o nakapagbago sa tauhan.
7. Kwento ng Sikolohiko
Ito ang uri ng maikling kuwentong bihirang isulat sapagkat may kahirapan ang paglalarawan ng kaisipan. Ipinadarama dito
sa mga mambabasa ang damdamin ng isang tao sa harap ng isang pangyayari at kalagayan.
8. Kwento ng Pakikipagsapalaran
Nasa balangkas ng pangyayari ang interes ng kwento ng pakikipagsapalaran.
9. Kwento ng Katatawanan
Ito ay nagbibigay-aliw at nagpapasaya sa mambabasa.
10. Kwento ng Pag-ibig
Ito naman ay tungkol sa pag-iibigan ng dalawang tao.
(Pagtatalakay ng Maikling Kwento mula sa aklat)

4. PAGSASANAY (25 minuto)


Gawain 1: Panuto Sagutin ang mga tanong sa buong pangungusap.

1. Paano pinalaki ng mga magulang si Potri Bonso?


2. Bakit iba ang pakikitungo ng pamilya kay Anak? Makatuwiran bai to? Ipaliwanag?
3. Bakit nawasak ang pagsasama bilang mag-asawa nina anak at Somezen sa Alongan?
4. Paano muling nagkita sina Anak at Somezen sa Alongan?
Subject: FILIPINO 7 Teaching Guide
Essential Topic: WIKA AT PANITIKAN

Gawain 2: Panuto: Ibigay ang kasingkahulugan ng mga sumusunod na salita.


1. Alalay
2. Napadpad
3. Nagpalaboy-laboy
4. Sinisiraan
5. Magbagong-buhay
5. PAGPAPALALIM (60 minuto) Panuto Ilahad ang pagkasunod-sunod ng mga pangyayari o
buod ng maikling kuwentong binasa gamit ang grapikong pantulong at isalaysay ito sa paraang
pasalita.

PANIMULA

SUSUNOD

KASUKDULAN

WAKAS
Subject: FILIPINO 7 Teaching Guide
Essential Topic: WIKA AT PANITIKAN

6. EBALWASYON (25 minuto) Quiz III: A. Bumuo ng mga pangungusap na ginamitan ng mga
retorikal na pang-ugnay batay sa ibigay na paksa sa bawat bilang.

1. Pagtrato ng mga magulang kay Anak

Pangungusap:

2. Paglayas ni Somezen

Pangungusap:

3. Pagkikita ni Ina at Kabayan kay Anak

Pangungusap:

B. Magbigay ng sariling repleksiyon sa katapos na aralin. Isulat ito sa grapikong pantulong.

-Magbigay ka ng isang tanong na bahagyang naguguluhan ka at kailangan mo ng mas malinaw sa


kasagutan.

-Magtala ka ng tatlong bagay na naaalala mo sa tinalakay na aralin.

-Magbigay ka ng dalawang halimbawa ng iyong natutuhan sa katatapos na aralin.

You might also like