You are on page 1of 2

MAIKLING KUWENTO

- isang uri ng akdang pampanitikang nasa anyong tuluyan.( Pagsasama-


sama ng mga salita sa karaniwang takbo ng pangungusap/ pagsusulat sa paraang
patalata)
- hinggil sa isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o
ilang tauhan at may iisang kakintalan o impresyon lamang.
- naglalahad ng isang natatangi at mahalagang pangyayari ng buhay ng isang
pangunahing tauhan. Ang pangunahing layunin nito ay aliwin o libangin ang
mambabasa sa pamamagitan ng isang makapangyarihang paglalahad ng isang
maselang pangyayari sa buhay ng protagonista ng kuwento.

ELEMENTO NG MAIKLING KUWENTO

a. Tauhan. Buhay at gumagalaw ang maikling kuwento sapagkat may tauhang


nagpapagalaw dito. Kumikilos sila ayon sa hinihingi ng sitwasyon at nagsasalita sa
isa't isa upang magkaunawaan.
b. Tagpuan. Nararapat bigyan ng mahalagang pansin ang ganapan o lugar na
pinangyarihan ng maikling kuwento sapagkat tumutulong ito sa pagbibigay-linaw
sa paksa, sa banghay, at sa tauhan.
c. Banghay. Balangkas o istruktura ng maikling kuwento ang banghay. Ito ang
pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari tungo sa pagbuo ng maikling kuwento.

1. Panimula - kung saan at paano nagsimula ang kwento.


- Pagpapakilala ng tauhan, paglalarawan ng tagpuan at pagpapakita ng
suliranin sa paraang masing.
2. Saglit na Kasiglahan – panandaliang pagtatagpo ng mga tauhan sa kwento.
3. Kasukdulan – dito na nangyayari ang problema sa kuwento.
4. Kakalasan – Ito ay tumutukoy sa parte kung saan unti-unti nang naaayos
ang problema.
5. Wakas – Ito ay tumutukoy kung paano nagwakas o natapos ang kwento.

d. Paksang-diwa/Tema. Ayon kay Ligaya Rubin (1995), nasa paligid lamang ang mga
paksa ng maikling kuwento. Ang mga ito'y nasa pang-araw-araw na karanasan ng
tao, nasa karanasan ng iba sa ikinukuwento nila, napakikinggan, at kinapupulutan
ng mga kaisipan.
e. Simbolo/Sagisag. Nagpapahiwatig ang mga ito ng kahulugan, mga nakakubling
kahulugan, at ang mga ito ay nagbibigay kabuluhan sa akda.
-paggamit ng mga bagay na may nakatagong kahulugan
Halimbawa: alon sa dagat – mga uri ng problema na maaaring magaan o
mabigat.
 PAGSUSULIT SA PANITIKANG PANLIPUNAN

PAGSUSULAT NG MAIKLING KUWENTO

MGA GABAY
1. Ito ay tatalakay sa isyung panlipunan –pangkalusugan

2. Ang kuwento ay iikot sa buhay ( karanasan/pakikibaka )ng inyong sariling pamilya


sa panahon ng pagkakaroon ng COVID-19. Gawan ng sariling pamagat.

3. Maging gabay ang mga elemento ng Maikling Kuwento at sundan ang


banghay/balangkas/istruktura sa paglalahad. ( May limang bahagi ito at mababasa
ang paliwanag sa unang pahina) ( Nangangahulugan din na hindi ito binubuo ng
iisang talata ( paragraph ) lamang.

4. Gawin sa loob ng isang oras

5. Isulat sa papel ( Yellow/White Paper ) at hwag kalimutang isulat ang pangalan,


kurso at taon.

6. Ipasa sa imelda1521@yahoo.com 0 quiniaimelda@gmail.com lamang.

You might also like