You are on page 1of 25

Ang SOSLIT ay isang kurso sa pag-aaral at paglikha

ng panitikang Filipino na nakatuon sa kabuluhang


panlipunan ng mga tekstong literari sa iba’t ibang
bahagi ng kasaysayan ng bansang Pilipinas.
Kahulugan ng Panitikan

 Ang panitikan ay ang


kahit anong nasusulat na
gawa ng tao. Kabilang na
dito ang mga libro,
nobela, tula at iba pang
komposisyong mayroong
halaga sa lipunan.
Sinasaklaw nito ang mga isyung panlipunan na tina
lakay ng mga akdang Filipino tulad ng kahirapan,
malawak na agwat ng mayayaman at mahirap, reporm
sa lupa, globalisasyon, pagsasamantala sa mga
manggagawa, karapatang pantao, isyung pangkasarian
sitwasyon ng mga pangkat minorya at/o marhinalisado
at iba pa.
 Ang panitikan ay maituturing
ding sining na nabuo sa
pamamagitan ng grupo ng
mga salita. Ngayon, kabilang
na din dito ang nabibigkas na
mga akda (oral literature).
Dalawang Anyo ng Panitikan

1. Prosa o Tuluyan
-Ito ay uri ng panitikan na naglalaman
ng mga pangungusap at mga talata.

-Wala itong sinusunod na bilang ng


bigkas at walang sinusunod na
tugmaan sa dulo ng mga salita.
a. Nobela – Isang mahabang
salaysay na nahahati sa mga
kabanata.

-Ito ay naglalaman ng
madaming tauhan at maaring
maganap ang mga pangyayari
sa iba’t-ibang tagpuan.

-Ang nobela ay maaring maging


piksyon o di-piksyon.
b. Maikling kwento – Isang
maikling akda na naglalaman
ng kakaunting tauhan kompara
sa nobela. Ito ay may iisa
lamang na banghay. 
Elemento ng Maikling Kwento

1. Tauhan
2. Tagpuan
3. Banghay
4. Kaisipan
5. Suliranin
6. Tunggalian
7. Paksang-diwa
Elemento ng Maikling Kwento

1. Tauhan – Ito ay tumutukoy sa mga panauhin sa kwento.

2. Tagpuan – Ito ay tumutukoy kung saan at kailan naganap ang kwento.

3. Banghay – Ito ay tumutukoy sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa


kwento. Mayroong limang(5) bahagi ang banghay:

 Panimula – Kung saan at paano nagsimula ang kwento.

 Saglit na Kasiglahan – Ito ay ang panandaliang pagtatagpo ng mga tauhan


sa kwento.

 Kasukdulan – Dito na nangyayari ang problema sa kwento.


Elemento ng Maikling Kwento
 Kakalasan – Ito ay tumutukoy sa parte kung saan
unti-unti nang naaayos ang problema.
 Wakas – Ito ay tumutukoy kung paano nagwakas
o natapos ang kwento

4. Kaisipan – Ito ay ang mensahe ng maikling kwento sa


mambabasa.

5. Suliranin – Ito ay tumutukoy sa problemang


ikinakaharap ng tauhan sa kwento.
Elemento ng Maikling Kwento

6. Tunggalian – Ito ay maaaring tao laban sa tao, tao


laban sa sarili, tao laban sa lipunan, o tao laban sa
kalikasan.

7. Paksang Diwa – Ito ay ang pinaka-kaluluwa ng


kwento.
c. Dula – Akdang itinatanghal
sa tanghalan.

-Tinatawag na mandudula o
dramaturgo ang mga dalubhasa
na sumusulat ng iskrip ng isang
dula.
d. Alamat – Ang alamat ay kwento tungkol sa
pinagmulan ng isang bagay.
e. Pabula – Ito ay isang uri ng panitikan na kung saan hayop
ang gumaganap bilang tauhan. Ito ay nagbibigay ng
magandang aral lalo na sa mga bata.
f. Anekdota – Ang anekdota ay isang maikling akda na
naglalaman ng nakawiwiling pangyayari sa buhay ng tao.
g. Sanaysay – Ito ay isang
maikling sulatin na nagpapahayag
ng opinyon ng manunulat tungkol
sa isang paksa.

h. Talambuhay (Biography) –
Sulatin na tumatalakay sa buhay
ng isang tao.

i. Balita – Ito ay tala ng mga


kaganapan na nagaganap sa
lipunan at kapaligiran.

You might also like