You are on page 1of 15

LANGAW SA ISANG

BASONG GATAS
Outlayn ng Lesson:
• Tungkol sa Awtor
• Mga Tauhan/Karakter
• Tagpuan
• Banghay
• Paksang Diwa
TUNGKOL SA AWTOR
AMADO HERNANDEZ
• 13 Setyembre 1903, Tondo, Maynila- Petsa at lugar kung saan siya
isinilang
• Juan Hernandez at Clara Vera- kanyang mga magulang
• Atang Dela Rama- Isang reyna ng sarswela at kundiman at ang
napangasawa ni Amado
• 1973- Hinirang siyang Pambansang Alagad ng Sining ng Panitikan
• Ka Amado- ang tawag sa kanya ng kanyang mga kaibigan at kapwa
manunulat
TUNGKOL SA AWTOR
AMADO HERNANDEZ
• Paksa ng kanyang mga akda- problemang panlipunan at mga
akdang makabayan
• Unang trabaho- Manunulat at editor bago ang Ikalawang
Digmaang Pandaigdig ng Newspaper Guild of the Philippines
sa pamunuan ng Congress Labor Organization (CLO).
• 1947- Naging pangulo siya ng CLO
• 1945 at 1947- Siya ay naging Konsehal ng Maynila
TUNGKOL SA AWTOR
AMADO HERNANDEZ
• Pag-aalsang Huk (Hukbong Mapagpalaya ng bayan)-
pinaghinalaan siyang komunista at kasapi sa Huk kaya siya ay
ikinulong.
• 1964- Siya ay napawalang-sala
• 24 Marso 1970- petsa ng kanyang pagkamatay
MGA TAUHAN SA KWENTO
• BANDONG- Ang pangunahing tauhan sa kwento na pilit
pinaglalaban ang kanilang karapatan
• ANA- Asawa ni Bandong na katuwang niya sa
pakikipaglaban sa kanilang karapatan, ginahasa at pinatay
ng mga tauhan ng pinuno ng korprasyon
• KAPATID NI ANA- Ang tinuluyan ng pamilya ni Bandong ng
sila ay mapalayas. Siya rin ang nag-alaga pansamantala
nang umalis si Bandong upang paghigantian si Ana.
MGA TAUHAN SA KWENTO
• PINUNO NG KORPORASYON- Nagbanta sa mag-asawa na
tumigil na sa kanilang pag-rarally
• KANANG KAMAY NG PINUNO NG KORPORASYON- Nag-
utos upang dakipin at patayin ang asawa ni Bandong
• TAUHAN NG KORPORASYON- Nakasaksi sa pagsaksak sa
kanilang pinuno
• PANGANAY NA ANAK NI BANDONG- Ang nag-sulat ng
libro patungkol sa kanyang ama
TAGPUAN
• Sa bahay/lupain nila Bandong at ng kanyang pamilya
• Sa bahay ng kapatid ni Ana
• Sa tapat ng Royal Lanes
• Talipapa
• Malaking bodega
• Bahay ng pinuno ng korporasyon
BANGHAY SA KWENTO
1. SIMULA:
• Nang marinig ni Bandong ang kampana ng simbahan,
nabuhayan siya ng loob upang ipaglaban ang kanilang
lupain mula sa namumuno ng kabesera.
BANGHAY SA KWENTO
2. SAGLIT NA KASIGLAHAN:
• Nagising ang mag-asawa at ginigiba na ng mga opisyal ng
kabesera ang kanilang bahay at pinutol rin ang anim na
matatandang puno ng mangga.
• Nang mapalayas ang pamilya ni Bandong sa kanilang tahanan,
nanirahan sila sa kapatid ni Ana
• Nagpasya silang mag-asawa na bumuo ng kanilang grupo. Sila
ay nag-rally sa harap ng Royal Lanes at nainis ang ma-ari nito at
binantaan silang tumigil na sa kanilang ginagawa.
BANGHAY SA KWENTO
3. KASUKDULAN:
• Habang namimili si Ana ng kanilang uulamin, dinakip
siya at ipinunta sa malaking bodega
• Hinalay siya ang anim na lalaki
• Pagkatapos ng tatlong araw, siya ay pinatay ng isa sa
mga humalay sa kanya
BANGHAY SA KWENTO
4. KAKALASAN:
• Nang malaman ni Bandong na namatay ang kaniyang
asawa, gumalaw siya upang ipaghiganti si Ana nang
di nalalaman ng kaniyang mga ka-grupo
• Sinaksak ni Bandong ang pinuno ng korporasyon
• Nakita ng mga tauhan ng korporasyon ang nangyari
at naging wanted si Bandong
BANGHAY SA KWENTO
5. WAKAS:
• Pinadakip ng kanang-kamay ng pinuno ng korporasyon ang
tatlong anak ni Bandong upang siya ay lumantad
• Nagpakita si Bandong at ito ay binitay sa salang pagpatay
• Isina-libro ng panganay na anak ni Bandong ang mga
nangyari sa kanyang Ama at nabuhayan ng loob ang mga
nakabasa upang ipaglaban rin ang kanilang karapatan
PAKSANG-DIWA
• Nais ipaalam ng manunulat ang estado ng buhay ng
mga mahihirap
• Ipinapamulat din nito na hind patas ang batas, na hindi
lahat ng mahihirap ay nabibigyan ng sapat na boses
upang ipaglaban ang kanilang karapatan
• Ang kwento ding ito ay isang pagpapa-alala sa mga
mambabasa na ang pakikipag-laban sa katarungan ay
nadadaan sa legal na pamamaraan
ANO ANG KAHULUGAN NG KWENTO?
• Ang Langaw sa isang basong gatas ay kinuha sa ideya na ang
langaw ay marurumi at walang patutunguhan. At ang gatas ay
ang mga makapangyarihan sa lipunan.
• Samakatuwid, ang kwentong ito ay nagpapakita na ang langaw,
o ang karakter na si Bandong ay naglalarawan sa mga
mahihirap na mamamayan sa lipunan.
• Ang langaw kapag nabasa ay hindi na makalilipad pa. Ang isang
basong gatas ay nagpapahiwatig na nalulunod ang mga
mahihirap sa kanilang kapangyarihan.

You might also like