You are on page 1of 4

PELAEZ, MARC LOUISE P.

BSME-1B SOSLIT

Pamagat ng Akda: Langaw sa Isang Basong Gatas

May-akda:

 AMADO VERA HERNANDEZ

 Isinilang noong ika-13 ng Septyembre, taong 1903 sa Sagrada Familia sa


Hagonoy, Bulacan subalit siya’y lumaki at namalagi sa bayan ng Tondo sa
Maynila.

 Nakapagtapos ng sekundarya sa Mataas na Paaralan ng Maynila samantalang


ginugol niya ang kolehiyo sa Amerikanong Paaralan ng Pakikipag-ugnayan
(American Correspondence School).

 Noong 1932, napangasawa niya ang aktres na si Atang de la Rama.

 Kinilala ang mag asawa bilang mga Pambansang Alagad ng Sining para sa
Panitikan at Tanghalan.

 Tinaguriang "Manunulat ng mga Manggagawa.”

 Naging guro sa Pamantasan ng Pilipinas.

 Kilala bilang makata ng Wikang Filipino dahil sa kanyang mga nagawang akda.

 Ipinakulong siya ni Elpidio Quirino dahil sa bintang na sedisyon at pagiging


mapanghimagsik.

 Namatay noong Marso 24, 1970 sa edad na animnapu't anim.

Mga Tauhan:

 Bandong – asawa ni Ana, pangunahing tauhan sa kwento

 Ana – asawa ni Bandong, isa sa mga pinuno ng grupo na nagrarally laban sa

korporasyon

 Pinuno ng korporasyon – nagpadukot at nagpapatay kay Ana

 Kanang kamay ng korporasyon – nagpadukot sa tatlong anak ni Bandong at nagpapatay

kay Bandong

 Panganay na anak ni Bandong – lumikha ng libro patungkol sa kanyang ama

 Anim na kalalakihan – ang humalay at pumatay kay Ana


Buod o Lagom ng Katha:

Nang marinig ni Bandong ang pagkalampag ng kampana ng simbahan, biglang

pumasok sa kanyang isipan ang nabasang El Filibusterismo ni Rizal na patungkol kay Kabisang

Tales at tila namulat sa katotohanan. Malaking pagbabago ang nangyari kay Bandong dahil sa

mga pangyayari sa kanyang buhay, mas matatag at matapang na ang Bandong na handang

kalabanin ang makapangyarihang kontrolado ang lahat. Ang Bandong na ito ay likha ng mga

sakim sa kapangyarihan. Subalit mas pinili parin niyang manahimik na lang para sa kapakanan

ng kaniyang pamilya kung sakaling makulong ito. Hanggang dumating ang araw na nagising na

lamang sila habang ginigiba ang kanilang tahanan, nawala ang kanilang mga alagang hayop at

pati na rin ang kanilang mga punongkahoy ay putol putol na rin. Naging masalimoot ang buhay

ni Bandong, walang naiharap na dokumento si Bandong na nagpapatunay na sa kanila ang

lupa kaya wala silang magawa kundi umalis na lang sa tahanang kaniyang nilakhan. Wala

silang mapuntahan, sumabay na lamang sila sa paroroonan ng kanilang paa habang tinatanaw

ang kanilang tahanan na paliit ng paliit. Tumuloy ang pamilya ni Bandong sa bahay ng kapatid

ni Ana at ng makaluwag luwag ay gumawa ng isang kilusang laban sa mga makapangyarihang

sumakop sa kanilang mga tahanan. Napalagi ang pag-rally ng grupo sa Royal Lanes (Private),

hanggang napuno ang nakaupo sa pinakamataas na posisyon at nagbantang gagamitan sila ng

dahas pag hindi pa tumigil. Hind nagpatinag si Ana at pinalakas ang loob ng asawa dahil

naniniwala siya na mapipilitan ang korporasyon na ibalik ang kanilang lupain kaya nagpatuloy

sila sa pagrarally. Isang araw nang magpunta si Ana sa talipapa ng may biglang dumakip sa

kanya at dinali sa isang malaking bodega at doon siya hinalay ng anim na kalalakihan at

tuluyang pinatay. Labis ang pag aalala ni Bandong sa pagkawala ng asawa nang biglang may

dumating na masamang balita na ang kanyang asawa ay natagpuang patay sa isang damuhan

malapit sa kanilang lugar. Sumabog sa galit si Bandong at tumakbo patungo sa damuhan na

puno ng hinagpis at pagdadalamhati. Nagpasya si Bandong ng kumilos para makamit ang


hustisya para sa kanyang asawa binantayan niya ang bawat kilos ng taong nasa likod ng

pagpatay, walang siyang sinayang na oras, hanggang dumating ang araw ng agad niya itong

sinaksak sa may tadyang at tumakbo papalayo subalit may nakakita sa kanyang ginawang

pananaksak. Naging wanted si Bandong na may nakapatong na malaking halaga sa kanyang

ulo. Nagtago ng nagtago si Bandong ngunit nagawa rin siyang palabasin ng kanang kamay ng

korporasyon ng pinadakip nito ang kanyang tatlong anak at pinalabas sa media, radio at dyaryo.

Ang dating nabubuhay lamang sa katahimikan ay tuluyan ng niyakap ang pananahimik.

Nabuhay ang kaniyang mga anak at ang panganay na nakapag aral ay naglimbag ng isang libro

tungkol sa buhay ng kanyang ama na sumikat sa buong bansa na nagbigay sa mga Pilipino ng

lakas ng loob na lumaban para sa kanilang karapatan at makamit ang buhay na inaasam asam.

Pagsusuri:

1. Panahong Kinabibilangan

a. Panahon noon hanggang ngayon.

2. Sariling Puna

a. Sa aking pagbabasa sa teksto, aking napuna na ang isyung kinahaharap

noon ay nananatili paring sa ating lipunan lalo na ng mga tao nasa laylayan

ng lipunan. Sapagkat ngayon wala paring boses sa lipunan ang mga

mahihirap tila ba’y pera lamang ang nagpapaikot sa mga karapatang pantao

sa ating bansa. Kung noon ay pilit na inaakusahan ang mga taong mahihirap

na walang kakayahan ipaglaban ang kanilang mga sarili sa kasalanang di

naman nila ginawa, ngayon ay ganun pa rin ang nangyayari,

mapagbintangan ka lang ay agad ka nilang papatayin. Samantala kapag ang

mga mayayaman ang naakusahang may sala tulad ng isang opisyal ng

gobyerno, bibigyan sila ng special treatment at minsan pinapalagpas na

lamang nila ito na para bang walang nangyari. Nakakalungkot mang isipin
subalit ito’y katotohanan lalo na sa ating bansa na ang hustisya ay para

lamang sa mayayaman.

3. Gintong Kaisipan/ Balyus na Nakapaloob sa Katha

a. Ang akdang ito ay kapupulutan ng lakas ng loob na ipaglaban ang ating

sariling karapatan. Pinapamulat din ng akdang ito ang mga tao na magising

sa katotohanan na kontrolado ng lahat ng may kapangyarihan ang sistema

ng isang lugar o minsan ma’y bansa. Tayo ay may karapatang makamtan

ang hustisya at mamuhay ng mapayapa.

4. Mga Mungkahi (kung mayroon upang lalong mapaganda at mapaunlad ang katha)

a. Para sa akin, sobrang ganda ng akdang ginawa ni Amado Hernandez dahil

naibigay niya ang totoong mensahe ng kwento at tinatalakay nito ang

napapanahong isyu. Subalit kung ako ang may akda ng maikling kwentong

ito, ipagpapatuloy ko ang labang sinimulan ng mag asawa sa pamamagitan

ng kanilang panganay na anak sapagkat kulang para sa akin yung ginawa ng

panganay na anak, isasaad ko sa kwento na nakapagtapos ng abogasya ang

panganay na anak na naging daan upang mapatalsik sa pwesto ang pinuno

ng korporasyon at maibigay ang hustisya sa kanyang mga magulang pati na

rin sa mga miyembro ng grupong pinamumunuan ng mag asawang Bandong

at Ana.

You might also like