You are on page 1of 21

NOLI ME TÁNGERE

Ni José Protasio Rizal Mercado y Alonso Realonda

Pangkat III
Nilalaman
Limang kondisyon ng lipunan
noong panahon na isinulat ang
nobelang Noli me Tangere
Kung nangyayari ba ito sa
kasalukuyan at kung naipapakita
rin ba ito sa mismong akda
5 kondisyon sa lipunan
noong panahon na isinulat
ang Noli me Tangere
Marami ang mga tiwaling opisyal
Pang-aabuso sa mga kababaihan
Ang diskriminasyon sa mga lahi
Kawalan ng karapatan para sa mga
kababaihan
Ang pagkakait ng mga karapatang
pantao sa mga pilipino
Kondisyon Isa

Marami ang
mga tiwaling
opisyal
Magmula noon, mayroon nang nagmamalupit sa
kanilang kinauukulang pwesto sa lipunan na kung saan
sila ay naging malupit sa kanilang nasasakupan o kung
minsan ay tinatrato ang mga mamamayan sa isang lugar
na mga manggagawa lamang. Halos bihira na lang ito
kung ating mapapansin dahil mayroon nang
pagkakapantay-pantay sa lipunan at ang mga lider kung
tawagin ay siyang tapat sa kanilang mga mamamayan at
handa silang paglingkuran tulad ngayon na kung saan
sila ay kumikilos para sa sariling lipunan na kanilang
nasasakupan. Tulad na lamang ng mga balitang pulis na
gumagamit ng dahas at mga namumuno na
nangungurakot. Makikita na ang karamihan lalo na ang
mga mahihirap at mga hindi nabigyan ng pagkakataon na
makapag-aral ang nawawalan ng kalayaan sa sarili nilang
bayan dahil sa mga namumuno sa lipunan.
Sa kabanata 1 ay binanggit NG nagsasaliksik na ang pagdating ni
Ibarra ay itinaon ni Rizal sa pag-uwi ni Gregorio Sancianco noong
Oktubre 1882. Si Sancianco ay isa sa mga inaresto dahilan sa
naganap na “rebelyon” sa Santa Maria de Tayug, Pangasinan
noong Mayo 1884. Sa mga nasabing panahon ay halos
pinasimulan pa lamang ni Rizal ang Noli. Ilan sa mga naaresto na
kasama ni Sancianco ay sina Felipe Buencamino,, Antonio
Crisostomo at ang tatlo ay nakagapos na dinala sa kapitolyo ng
Pangasinan. Ilan pa sa mga kasama rito ay si Juaquin Luna de San
Pedro (ama ng magkapatid na Juan at Antonio) , Bartolome
Espiritu at Juaquin Sebastian. Ang dalawa ay ibinitin at hinagupit
upang makakuha ang mga may kapangyarihan ng konfesyon. Si
Sebastian ay ay tumanggap ng pagkakasala sa bintang sa
pamamagitan ng pagpaparusa, ngunit ang kaniyang pag-amin ay
hinaluan nito ng pagpapatawa sa pamamagitan ng pagsasabit sa
mga Espanyol, kabilang na ang arsobispo. Corpuz, Roots of the
Filipino Nation, v2: 112-113).
Kondisyon Dalawa

Pang-aabuso
sa mga
kababaihan
Maraming parte sa nobela na isinulat ni Rizal, ang iba’t ibang
halimbawa ng pang-aabuso na nararanasan ng mga
kababaihan sa kamay ng kanilang mga asawa noong panahon
na iyon. Isang halimbawa nito ay si Sisa. Siya ay biktima ng
pananakit mula sa kanyang asawa na walang ginawa kundi
magsugal at mag pagala-gala sa lansangan. Ito rin ay tamad at
iresponsableng asawa at tatay sa mga anak nito. Ngunit sa
kasalukuyang panahon ay masasabi pa rin natin na ang mga
kababaihan ay inaabuso parin,tulad ng mayroon pa ring balita
sa ngayon ng mga pari na nang-aabuso o panghahalay sa
kababaihan. Marami din ang mga asawang babae na
minamaltrato ng kani-kanilang asawa, sila yung mga babaeng
tinatago ang kanilang mga pasa at ngumingiti na lamang. At
huli marami pa rin ang mga babaeng nagiging bayaran ng
sapilitan dahil sa kahirapan ng buhay, sila ay binubugaw ng
mga mapang-abusong tao at pinagkakakitaan ang kanilang
katawan.
Makikita ang diskriminasyon ng ang Kastilang prayle na si Padre Damaso ay tutol sa
pag-iisang dibdib ng anak niyang si Maria Clara at sa napupusuan nitong mestizo na
si Crisostomo Ibarra. Gumawa ang prayle ng paraan upang pilit na mahiwalay si
Crisostomo sa anak. Ayaw niyang ipakasal ang anak dito sapagkat gusto nito ang
magandang buhay para kay Maria sa pamamagitan ng pagpapakasal sa Kastila na
hindi niya nakikita sakanyang iniibig. Dumating na sa puntong sinira ang kasunduan
ng dalawa upang hindi matuloy ang kasal. Si Crisostomo ay nabilanggo dahil sa
pagbibintang at dito ay napagkasunduan ng prayle na iplano ang kasal ni Maria sa
ibang lalaki.

Crisostomo Ibarra Padre Damaso Maria Clara


Kondisyon Tatlo

Ang
diskriminasyon
sa mga lahi
Ang kondisyon ng lipunan noong isinulat ang Noli Me
Tangere ay diskriminasyon na kung saan minamaliit ng
mga mananakop na Espanyol ang lahing Pilipino.
Nakaranas ang lipunan ng maling sistema na kung saan
pinagmamalabisan ang mga karapatan ng mga Pilipino at
kawalan ng pagkakapantay-pantay sa ibang lahi. Isa pa
ay walang sapat na edukasyon ang mga tao sapagkat
tinutulan ito ng mga mananakop at sumiklab ang iba’t
ibang rebelyon o pag-aalsa na naglalayong makawala
mula sa pagkaka-alipin ng mga dayuhang mananakop sa
bansa. Mga alipin na kung tawagin ay Indiyo o mga
walang pinag-aralan at kawalan ng karapatang
makihalubilo sa mga Kastila.
Isa sa ipinakita ng pang-aabuso sa kababaihan sa nobela ay noong
napagdesisyunan ni Padre Damaso na ipagkasunduang ipakasal si
Maria Clara sa pinsan ni Don Tribucio na si Don Alfonso Linares de
Españada. Tunggali man ang kagustuhan ni Maria Clara sa pasya ng
kanyang ama, naging tapat ito sa pag-amin kay Ibarra na
ipagpapatuloy nito ang pagpapakasal kay Don Linares para lamang
sa kapakanan ng kanyang ina at ng dangal nito. Gayunpaman, ang
pag-ibig ni Maria Clara ay nanatiling naka-ukol lamang kay Ibarra.
Para naman sa susunod pang kondisyon narito si Christine upang
ipagpatuloy.

Crisostomo Ibarra Padre Damaso Maria Clara


Kondisyon Apat
Kawalan ng
karapatan para
sa mga
kababaihan
Sa nobela, ang mga kababaihan ay sumasailalim sa mga
kalalakihan sa aspetong sosyal at sikolohikal na kung saan
sila ay parang halos itinuturing na mga bilanggo sa loob ng
tahanan dahil sila ay para sa tahanan lamang. Sa panahon
ngayon, mapapansin na mayroong malaking pagbabago sa
pamamalakad ng ating lipunan, ang mga kababaihan ay
hindi na katulad ng noon na kung saan ilan lamang ang
pwede nilang gawin o limitado lamang ang kanilang trabaho
at sumasailalim sila sa kapangyarihan ng mga kalalakihan.
Ngayon, ang ilang babae ay kaya nang pantayan ang mga
trabaho ng ilang mga kalalakihan at kaya na rin nilang
magtrabaho ng malaya at gawin ang kung ano man ang
kanilang ninanais sa lipunan.
Kung ating ikukumpara, masasabi na ang kababaihan ay
walang sapat na karapatan dahil ang iba ay kabilang sa
mababang sektor ng pamumuhay. Ngunit kahit na ganito
ang kanilang kinatatayuan ay mayroon pa rin silang mga
bagay na kinagagalingan gaya ni Andeng na kinakapatid ni
Maria Clara na kung saan siya ay mahusay sa pagluluto at
si Kapitana Maria na isang makabayan at handang ibuwis
ang buhay para sa bansang sinilangan ngunit hindi lahat
ng kababaihan ay tulad nila gaya ni Donya Consolacion na
kung saan siya ay malupit at masama ang ugali at si Donya
Victorina de los Reyes de Espadaña na nagpapanggap na
Kastila.
Kondisyon Lima
Ang pagkakait
ng mga
karapatang
pantao sa mga
Pilipino.
Walang-wala ang mahina kung ang indibidwal ay may
labis na kapangyarihan, hahantong at hahantong ito sa
pang-aabuso at pananamantala. Masasabi kong umiiral
pa rin ang pagkakait sa karapatang pantao hanggang sa
kasalukuyang panahon, sapagkat mayroon pa ring mga
tao na hindi nakakaranas na makamit ang hustisya na
nararapat para sa kanila. Tulad na lang ngayon na kapag
nagkasala ang isang indibidwal na mayaman ay hindi ito
nakukulong. Ito ay sa kadahilanang siya ay nasa mataas
na larangan. Atin itong masosolusyunan sa
pamamagitan nang hindi pagsasawalang bahala sa mga
tao na humihingi ng tulong upang makamit ang hustisya
para sa kanila at ang pagsasalita o paglaban para sa
dignidad at karapatan na mayroon sila. Magkaroon
tayong lahat nang kaayusan at kapayapaan. Itrato ang
bawat isa ng may pagmamahal at pagkakapantay-
pantay.
Maituturing na pagsamsam o pagkakait ng
karapatang pantao ang naging kahihinatnan ng ama
ni Crisostomo Ibarra na si Don Rafael Ibara matapos
itong mamatay sa bilangguan, at 'di kalaunan ay
pinatapon sa lawa ang puntod nito ni Padre Damaso at
ng kanyang mga alipin na kulang-palad na selputurero
bunsod ng animo'y malakas daw ang ulan. Araw pa
man din ng mga patay o Undas ang sandaling iyon,
ngunit lubos na nilapastangan at ginarapal ang
karapatang mamahinga nang matiwasay ng nasabing
yumaong indibidwal na si Don Ibarra. Ngunit dahil sa
ayaw ni Crisostomo Ibarra ng anu-ano pa mang
kaguluhan, ay tinangka niya na lamang na ibaon sa
lupa ang mga nangyari at ipinagpatuloy ang paggawa
ng mga mabubuti at napakainam na adhikain.
Pangkat 3

Aaron Lumba Amiyah Esquillo Cedrick Bernabe Chloe Urayanza

Jay Matibag Jessica Gega Christine Daroni


Pangkat 3

Kate Inocencio Kim Agapay Mark Manansala Merrygrace Azucena

Rinoa Doyo Khen Montenegro Shaine Bañadera


Salamat sa
Pakikinig!

You might also like