Professional Documents
Culture Documents
ng
Ibong Nakatakas
Dekada
‘70
Ni lualhati bautista
SC13
Flores, Rena Sofia P.
Lorica, Jethro
Nale, Ivan
Ortua, Josh Ferdinand M.
Panis, Red
Picar, Ashley Xela
Roman, Juana Marie
Sta. Catalina, Raphael Angelo
I. BATAYANG KAALAMAN
Dekada ’70, ito ang pamagat ng nobelang nagbago at nagbukas sa isipan ng maraming
Filipino sa panahon kung saan ang kalayaan ay para bang hindi mahanap sa apat na sulok ng
bansang ito. Ang nobelang ito ay may pamagat na Dekada ’70 sapagkat sinasalamin nito ang
mga pangyayaring naganap sa panahon ng nasabing taon. Isa sa mga pangyayaring pinakita ay
ang tuluyang pagpapatupad ng Martial Law nang i-angkat ang writ of habeas corpus sa
pamumuno ng presidenteng Ferdinand Marcos. Kung saan nagbunga ito ng karahasan at
pagkamatay ng marami nating kapuwa Filipino nang kanilang ipinaglaban ang kanilang
paniniwala. Nakita rin na ang kabataan ang kadalasang nagsasagawa ng pag-aaklas nang
kanilang matutuhan ang mga karapatang pantaong dapat matamasa ng bawat mamamayan ng
bansa at ito ay nakita sa katauhan ni Jules isang mag-aaral na hindi nagtagal ay naging bahagi ng
komunista.
Ang nobelang Dekada ’70 ay naisulat ni Lualhati Bautista. Ipinanganak si Bautista noong
1945 at kilala bilang mahusay na kontemporanyong manunulat sa Filipinas. Nakatanggap din
siya ng parangal na Carlos Palanca Memorial Awaards for Literature para sa kaniyang mga
akda tulad ng Gapo, Dekada ’70 at Bata, Bata Paano ka Ginawa. Si Bautista ay hindi nagkaroon
ng pagkakataon magka-anak kung kaya’t kadalasan ang kaniyang mga akda ay tungkol sa mga
bata. Ayon sa pagkakasulat sa nobelang ito, makikita na mas binibigyang-diin ni Bautista
perspektibo ng isang tauhan at sa nobelang ito panauhan ni Amanda ang pinakita. Binigyan-diin
niya ang buhay ng isang kababaihan sa panahon na ito. Gayunpaman, pinakita niya rin ang iba’t
ibang perspektibo ng ibang tauhan sa kuwento. Sa nasabing nobela, nakatuon ang kuwento sa
pananaw ng Amanda, isang babae. Mula rito makikita kung paano isinusulong ni Lualhati
Baustista ang mga karapatan ng isang kababaihan. Pinakita niya ang kaniyang paniniwala na ang
mga babae ay kabilang din sa lipunan at may karapatan magkaroon ng kanilang sariling
pangalan.
Sanggunian: (tungkol sa may-akda) https://panitikan.ph/2014/06/05/lualhati-bautista/
II. BUOD
Sa panahon ng Martial Law, matinding hirap at pasakit ang naranasan ng mga Filipino sa
kamay ng gobyernong dapat ay nagbibigay ng pangangailangan ng mamamayan bagkus sila ay
ay nagbibingi-bingihan sa sigaw ng Filipino. Bunga ng pangyayaring ito ay ang pagkakaroon ng
pag-aalsa ng mga mag-aaral laban sa bulok na sistema ng pamahalaan upang makamit ang
ninanais na kalayaan. Ang mga pangyayaring ito ang nagpabagabag kay Amanda Bartolome na
isang ordinaryong asawa at ina sa limang anak. Ang kaniyang pamilya ay nabibilang sa
panggitang uri samantalang ang kaniyang asawa ay isang inhenyero. Ang panganay sa
magkakapatid ay si Jules na liberal kung mag-isip, sumunod si Isagani o mas kilalang Gani, si
Emmanuel na mas kilala sa Em, si Jason at ang bunso na si Bingo. Umiikot ang buhay ni
Amanda sa pagiging isang ordinaryong asawa at ina sa kaniyang pamilya na gumagawa ng iba’t
ibang tungkuling bahay at nangangalaga sa kaniyang minamahal. Palaging sinabi ni Julian, ang
kaniyang asawa, na “It’s a man’s world” na nagpapahiwatig ng sitwasyon ni Amanda sa panahon
na ito kung saan wala siyang nagagawa sa mga desisyon ng kaniyang asawa’t anak at hindi siya
pinapayagan magtrabaho sa kadahilanan na siya ay isang babae.
1971 nang suspendihin ng pangulo ang writ of habeas corpus at dito na rin nagsimula
sumali si Jules kasama ang kaniyang kaibigan na si Willy sa mga class boycott at sit-in na
tungkol sa pagtutol sa pagtaas ng tuition fee.Hindi nagtagal ay nakiisa na rin sina Jules at Willy
sa mga komunista at sa hindi inaasahan pangyayari a namatay si Willy. Mayo ng ’74 ay
nagpaalam si Jules na pupunta raw ito ng Bicol upang magbakasyon. Samantalang pagkatapos
magpakasal at manganak ang asawa na si Evelyn ay lumipad si Gani sa San Diego upang
magsanay para sa US Navy. Habang wala si Gani at Jules nagpatuloy magsulat si Em ng iba’t
ibang mga sulatin at habang tumatagal ay nagigising na rin siya sa katotohonang buhay at
nakakapagsulat tungkol sa mga anomalya sa gobyerno. Sa muling pagkikita Jules at ang
kaniyang ina na si Amanda ay pinagsabihan niya ito na linisin ang mga dokumentong maaaring
magpahamak sa kanilang pamilya kasama na rito ang mga sulatin ni Em at kung sakaling
magtanong ang mga opisyal at hanapin si Jules ay sabihin na ilang taon na itong umuuwi.
Nangyari nga ang kinakatakutan ngunit hindi nagtagal ay nahuli na rin si Jules. Pinagmalaki ni
Jules na sa kabila ng mga pasakit na kaniyang hinarap ay wala siyang nilaglag sa kaniyang mga
kagrupo. Habang nasa kulungan si Jules, nahuli si Jason at nakulong sa salang pagkakaroon ng
Marijuana. Nang puntahan ito ng mag-asawa ay nakalaya na pala. Ngunit natagpuan itong patay
sa isang basurahan, hubo’t hubad,labimpito ang saksak, tagos sa baga ang iba tuhog pati puso.
May natagpuan din na mga marka ng itinaling alambra sa pulso, talop halos ang siko tastas pati
hita’t, tuhog, basag pati bayag. Lubhang nagdalamhati ang buong pamilya sa nasabing
pangyayari. Nang dahil ditto nasabi ni Amanda ang lahat ng kaniyang reklamo sa kaniyang
asawa habang inamin ni Julian ang kaniyang mga pagkukulang at nagpaliwanag.
Sa huli’y kahit hiningi ni Amanda na makipaghiwalay sa kaniyang asawa ay pinili pa rin
nilang lumaban nang magkasama. Nakalaya rin si Jules mula sa pagkabilanggo ngunit muling
bumalik sa kilusan kasama ang kaniyang sariling pamilya samantalang si Jason ay namulat sa
isang mundong walang katahimikan at kaayusan pero nakapagtapos sa kolehiyo. Nagpatuloy ang
mga Pilipino na makipaglaban para sa kalayaan na hinihangad. Naging bukas ang isipan ni
Amanda sa kaisipan na kailanman hindi niya maaari ang kaniyang mga anak.Natutuhan niyang
lumaban sa kabila ng kahinaan at kahirapan at sa huli, siya ay nanindigan.
V. GAMIT NG WIKA
Ang wikang ginamit sa nobelang Dekada ’70 ay wikang Filipino. Nakasulat ito sa di-
pormal na kaayusan sapagkat may mga ginamit na balbal na salita sa nobela. Ang balbal na salita
ay isang wika na kung saan ginagamit ng partikular na grupo ng lipunan. Tinatawag din itong
salitang kalye o kanto. May mga salitang Ingles din na nabanggit na nagpahiwatig ng antas ng
buhay ng mga Bartolome.
b) Tauhan
Julian Bartolome Sr.
Inhenyero; apo ng isang haciendero sa isang lugar sa norte; may lahing-Kastila
“Every man should have something he’d die for. A man who has nothing he’d die for is not
fit to live.”
Amanda Bartolome
Tipikal na may-bahay ni Julian Bartolome Sr.; ina ng limang magkakapatid
“Mahirap maging ina, gusto kong sabihin. Masarap lang maging ina habang maliliit pa’ng
mga anak mo, habang wala pa silang sinasaktan sa’yo kundi kalingkingan ng paa mo na
natatapakan nila sa kasusunod at kapipilit magpakarga. Pero hintayin mo ang panahong
kasintaas mo na siya, ‘yong panahon ng pagkakaroon niya ng sariling isip at buhay, buhay
na hiwalay na sa’yo, at matitikman mo sa kamay niya ang mapapait na kamatayan.”
Isagani Bartolome
Pangalawa sa magkakapatid; maagang nagkaroon ng pamilya; asawa ni Evelyn; sumama sa US
Navy
“Tutal, balak ko naman, makaipon lang ng mga eighteen units sa college. Tapos, mag-
aaplay akong US Navy.”
Jason Bartolome
Pang-apat sa magkakapatid; namatay sa kuwento matapos mahuli at makulong dahil sa
pagkakaroon ng bawal na gamut
“Pero, Kuya, wala naman tayong maraming natututunan sa eskuwela, di ba? Pampasira
ang ng barkada ‘yon!”
VIII. BISA
Ang nobelang Dekada ’70 ay tunay na tumatak sa ating puso’t isipan sapagkat ang mga
pangyayari na naisulat sa akda ay nagpagkita sa mga pagsubok na ating hinarap bilang isang
bansa at pinakita rin nito kung gaano tayo katatag bilang isang Filipino.
Ang nobelang ito ay may layuning buksan ang bawat isipan ng mambabasa sa akda nang sa
gayon ay tunay niyang makita ang mga pangyayaring hindi lang sa libro makikita kung hindi
nakatatak na rin sa puso ng bawat nakaranas at nakakita. Makikita na ang layunin ng nobela ay
matagumpay na naisakatuparan sapagkat makikita na ang mga Filipino ngayon ay marunong ng
lumaban para sa kanilang mga karapatan at tuklasin ang mga nakatagong katotohanan. Unti-
unting nagiging bukas ang bawat mamamayan ng bansang ito sa realidad ng buhay. Kung kaya’t
sa tuwing darating ang panahon ng eleksiyon matinding pagsusuri ang ginagawa ng bawat
botante nang sa gayon ay hindi na maulit ang pagmamalupit ng isang lider na nanggigipit.
Lungkot, galit at takot ang maaaring idulot ng nobelang ito sa mga mambabasa. Lungkot
nang makita at malaman ang mga karahasan at paghihirap na naranasan ng ating mga kapuwa
Filipino. Galit naman sa tuwing ating maiisip kung paano walang awang pinatay ang mga tao
noon na ang tanging ginawa lamang ay ang ipaglaban ang kanilang paniniwala. Takot dahil hindi
pa rin nawawala sa ating isip ang posibilidad na maaari pa rin mangyari o maulit ang nakaraan
kung hindi tamang lider ang mahahalal.
Ang nobela na ito ay hindi lang nagbukas ng isipan ng karamihan kung hindi binago rin nito
ang mga pag-uugali o kaasalan natin mga Filipino. Nang ating malaman ang mga tunay na
nangyari sa nakaraan, natuto na tayong lumaban. Natuto na tayo ipahayag ang ating mga
nararamdaman at opinyon tungkol sa mga nangyayari sa ating bansa. Maraming kabataan ang
patuloy na nagsisiwalat ng katotohanan at walang takot na tumutuligsa sa kamalian na
matatagpuan sa bansang ginagalawan. Maaaring mangmang ang mga Filipino noon pero
masasabi kong hindi na ngayon.
IX. MUNGKAHI
Matagumpay na naipahayag o naipakita ang mga mararahas na pangyayari at kung
gaano kahirap ang buhay ng isang ordinaryong Filipino sa panahon ng Martial Law sa
pamamagitan ng kuwentong umikot.
Matagumpay nitong nagampanan ang layunin na buksan ang isipan ng mga Filipino
nang sa gayon ay matutunan nilang lumaban para sa kanilang sariling karapatan.
Matagumpay rin nitong pinakita ang sitwasyon ng kababaihan sa panahon ng dekada
’70 at kung gaano kahirap maging babae sa panahon na ito dahil na rin sa kawalan ng
boses sa lipunan.
Nagsilbing inspirasyon sa marami upang matutunan respetuhin ang mga kakayanan
ng isang babae.
Sa pamamagitan ng nobelang ito, naniniwala kami na naisulong ang mga karapatan
ng mga babae sa lipunan na ating ginagalawan.