You are on page 1of 18

Pagsusuri ng Tula

I. Panimula
a. Talambuhay
Ang may-akda :
Benilda S. Santos
> Si Benilda S. Santos ay premyadong makata, kritiko, at guro sa Filipino at Panitikan
ng Pililpinas. Isinilang siya sa Tarlac, ngunit ngayon ay naninirahan sa lungsod ng
Quezon, Metro Manila. Nakamit niya ang titulong Batsilyer sa Sining sa Ingles noong
1970 doon sa Assumption College; pagkaraan ay ang Masterado sa Sining sa Ateneo
de Manila University noong 1976; at hanggang makamit ang Doktorado sa Malikhaing
pagsulat at sa pagsusulong ng panitikan ng Filipino mula ng akademya hanggang iba
pang pook.
Mga Aklat:
* Pali-palitong Posporo (1991)
* Kuwadro Numero Uno (1997)
* Alipato: Mga Bago at Piling Tula (1999)

b. Uri ng Pagdulog

> Feminismo

Ang tulang Medusa ni Benilda S. Santos ay malalapatan ng teoryag


Feminismo sapagkat nagpapahiwatig ito ng pakikipaglaban ng isang babae sa kanyang buhay.
Sa Medusa, makikita na ang babaeng inilalarawan ay sinamantala at minaltrato at ito naman ay
nagresulta sa kaniyang pagkakaroon ng poot at galit sa mga lalaki. Sa ikalawang bahagi ng
tula, makikita naman na naghihiganti naman ang babae sa mga lalaki na naging marahas sa
kaniya. Ito ay nagpapatunay ng hindi pagkakapantay ng babae sa mga lalaki sa kadahilanang

ang mga lalaki ay mas makapangyarihan at may kakayahan sa lahat ng bagay. Ditoy
pinapakita ng may akda na anumang pasakit at pang-aabuso ang dinanas ng isang babae ay
kaya pa rin nitong bumangon, lumaban at ipakita sa marami na siyay dapat respetuhin.

II. Halimbawa ng Tula

MEDUSA
ni Benilda S. Santos
Siya na nakapantalon
at mainit ang hininga
inihiga ako sa gilid ng mundo
at tiningnan nang tiningnan
hanggang sa mangalisag
ang aking buhok
at sa tinding galit at takot
maging ahas ang bawat isa sa kanila
gutom na gutom
sa lasa ng laman
ng labing may pawis ng pagnanasa
hanggang sa madurog
ang aking puso
at sa di mapatid na sakit at pait
maging bato ito
malamig na malamig ang pintig
ngayong lupang latag na latag na
ang aking katawan
sa ilalaim ng malulupit mong talumpakan
ikaw naman ang aking titingnan nang titingnan
hanggang sa matuyo ka sa apoy ng aking mga mata
at sipsipin ng bawat ahas kong buhok
ang bawat patak ng dugo sainyong mga uga
at masimot ang kaliit-liitang kutob ng buhay
Namamangha ka sa liyab ng aking higanti?
Ay! Ikaw ang guro ko't hari at lalaki

III. Elemento ng Tula


a. Tema
> Sa tulang Medusa ay matutunghayan ang isang kalupitan ng mga kalalakihan
sa mga babae ngunit sa paglalahad ng tulang ito ay napatunayan na hindi pala
basta-basta natitinag ang mga kababaihan.
b. Sukat
> Ang tulang Medusa ay may malayang sukat
c. Tugma
> patinig at katinig
d. Saknong
> meron itong anim na saknong, sa unang saknong inilalarawan nito ang isang
lalaki na nagbigay pasakit sa isang babae, Sa ikalawang bahagi ng tula
makikita naman na naghihiganti naman ang babae sa mga lalaki na naging
marahas sa kaniya.
hanggang sa madurog
ang aking puso
at sa di-mapatid na sakit at pait
maging bato ito
malamig na malamig ang pintig
(Linya. 12-16)
Sa mga linyang ito ng tula, makikita ang pagtatanim ng lamig at poot
sa puso ng babae na nagmula sa kaniyang naranasan na sakit at pait, mula sa mga
nagmaltrato sa kaniya.

ikaw naman ang aking titignan nang titignan/hanggan sa matuyo ka/sa apoy ng
aking mata//Namamangha ka sa liyab ng aking higanti?/Ay! Ikaw ang hari kot
guro, Lalaki! (Linya. 20-22, 26-27) Sa mga linya naman na ito, makikita naman na
naging paghihiganti na tungo sa mga lalaki ang natanim na poot at galit sa puso ng
babae. Dito, makikita na ang paghihiganti ng babae, ay isa lamang resulta ng
masamang pakikitungo ng lalaki sa kaniya, sapagkat sinasabi rito na ang lalaki ang
nagturo sa babae na magkaroon ng ganito kainit na paghihiganti.

e. Talinghaga
1. mangalisag tumayo ang buhok

4. uga - indayon

2. mapatid maputol

5. kutob - paghuli

3. talumpakan - suelas ng sapatos

6. liyab - ningas

f. Simbolo

> Ang ahas na nasa ulo ni Medusa na naging buhok nito


ay nagsisimbolo ng katapangan at paghihimagsik sa mga taong inabuso ang
kanyang pagkababae. Sa pamamagitan ng kanyang katapangan ay naipapakita nito
sa karamihan na kaya niyang gumanti at ibalik sa kanya ang nawalang respeto at
karapatan.

III. Konklusyon

> Ang tulang Medusa na isinulat ni Benilda S. Santos ay isang panitikan na nagpapahayag
ng damdamin ng isang babae na nasasaktan at dumanas ng kalupitan mula sa lipunan at pangaabuso mula sa mga kalalakihan. Ayon sa aking pagsusuri ang tulang ito ay may malayang sukat
at tugma , itoy nagpapakita lang na ang may-akda ay ninais biyang ipahayag ang kanyang
damdamin na malaya at mauunawaan ng lahat. Nais nitong iparating sa lipunan na ang babae
ay may karapatan din sa lahat ng bagay ayon na rin sa toeryang nailapat dito, ang Feminismo na
tumutukoy sa prinsipyo o paniniwalang dapat maging pantay ang mga babae at mga lalaki sa
pagtamasa ng mga karapatang sosyal, ekonomiko, at politikal.

IV. Bibliyograpi
1. Internet
Grupong Kanan , Retorika: Kultura at Isyung Pangkasarian
Ang grupong kanan ay binubuo nina:
Willer Rubio
Glenn Calaguas
Angeline Espeso
Mitzy Soto
Mara Pinion
Samantha Morano
Dave Bautista
Catherine Moncayo

Larry Gameng
Sarah Faulve
Janice Dulay
Judcee Dijos
Jeremhae Agoncillo
Shara Perez
Celestina Lim
Jenice Orpeza

V. Appendites
Personal na Datos

Pangalan: Leslie Mae L. Dela Cruz


Kurso at Taon: A.B. Philippine Literature
Address: P-7 Limaha, Butuan City
Kaarawan: Oktubre 25, 1991
Edad: 22
Lugar ng kapanganakan: Wasian Rosario, Agusan del Sur
Kasarian: Babae
Estadong Sibil: Single
E-mail: hanuyk0039@yahoo.com
Mga Magulang:
Ina: Lydia L. Dela Cruz
Ama: Miguel T. Dela Cruz Jr.

Pagsusuri ng Dula
KAMAY NA BAKAL
Ni Pablo M. Cuasay
I.Panimula
Ang may-akda
Pablo M. Cuasay
Isa sa mga sikat na manunulat ng Pilipinas. Siyay isang dalubgurong
nahuhumaling sa pagsusulat ng mga aklat pampa-aralan at pambata. Bukod sa
dula, sumusulat din si PMC ngsanaysay, tula, alamat, lathalain at aiba pa.
Mga Nakamit :

Makalawang panalo sa timpalak ng Pamana, Inc.

Makalawa sa Palanca

Nagwagi sa Shakespeare-in-Pilipino contest, book writing contest ng UNESCO, PNC


Golden Jubilee (ukol sa pagsusulat ng mga kwentong pampaaralan) at Bonifacio
Centennial Contest.

A. Mga Tauhan
*Mang Tano ama ng magsasaka
*Mario anak na binata, nag-aaral ng pagka manananggol
*Lusing anak na dalaga
*Mang Putin kapitbahay ni Mang Tano
*Don Simon may ari ng lupang sinasakahan ni Mang Tano
*Claudio katiwala ni Don Simon
*Mang Justo isang pulis
*Delia anak ng mayamang Don

B. Tagpuan
> Sa loob ng isang bahay na maliit
C. Buod
> Sa isang maliit na bahay ay may magkapatid na nagngangalang Mario at Lusing, si Marioy
nagtataka sa kanilang ama na si Mang Tano na kung bakit lagi ng umiinom ang kanilang ama,
sinagot ito ni Lusing na kayat laging umiinom ito dahil ipinauutos ni Don Simon, ang may-ari ng
lupang sinasakahan ng kanilang ama na umalis na sila sa lupa sapagkat ang akala nitoy hindi
nila ito binoto sa pagka alkalde ngunit si Mang Tano ay hindi pumayag sapagkat ang lupang iyon
ay pagmamay-ari talaga ng kanyang yumaong ama. Isang araw may dumating na katiwala sa
bahay ng mag-aama, si Claudio, inutusan ito ni Don Simon na paalisin na sila ngunit ayaw pa
rin ni Mang Tano at ipaglalaban niya ang karapatang iyon. Pinagbigyan naman sila ni Don Simon
hanggang sa susunod na araw lamang ngunit araw pa naman yun ng kapaskuhan. Nang
dumating na ang araw na yun ay may pumunta na pulis sa bahay nina Mang Tano at sinabi ito
ulit na silay papaalisin na sa lupang iyon at nagmatigas pa rin ang mag-aama pagkat hindi
naman talaga iyon makatarungan kung kayat sinabi niya sa pulis na si Don Simon mismo ang
pupunta sa bahay nila upang magsabi na silay papaalisin na talaga. Maya-maya ay dumating na
tatlong lalaking sandatahan. Hinanap nila doon si Don Simon sa pag-aakalang doon nila ito
matatagpuan ngunit itinanggi sila ni Mang Tano. Inisip ng mag-aama na baka hindi taga roon
ang mga lalaki at silay inutusan lamang ng kung sino mang tao na may malaking galit kay Don
Simon na patayin ito. Hindi nga nagtagal ay dumating si Don Simon sa bahay ng mag-aama,may
kasama itong mga utusan at silang lahat ay armado. Galit na galit naman siMang Tano at dahil
sa nag-iinit na ang bagang nito ay hindi na niya napigilan ang sarili, kumuha ito ng itak at

ihahampas ito kay Don Simon ngunit napigilan siya ni Mario at pinaalis naman agad ni Lusing
ang Don. Sinamahan siya nito sa likod-bahay upang doon magdaan at sa kanyang katangahan ay
hindi inaasahan na siyay mamamatay. Si Don Simon aynahulog sa balon na palalagyan pa
lamang ni Mang Tano ng harang sa kapitbahay nilang si Mang Putin. Nang dumating siDelia, ang
anak ng Don ay hindi na niya naabutan ang ama ng buhay.

D. Sulyap sa suliranin
> Nag umpisa ang problema ng mag-aama ng silay papaalisin na sa lupain ni Don Simon
dahil napagbintangan sila na hindi bomoto sa Don bilang pagka Alkalde.
E. Saglit na kasiglahan
> Lumuwag ang pakiramdan ng mag-aama dahil akala nilay hindi na sila papaalisin sa
lupang kanilang kinalakhan at doon na rin manirahan habang-buhay.
F. Tunggalian
Tao laban sa tao ang pangunahing karakter ng dulang ito na si Mang Tano ay
ipinaglalaban ang karapatang para talaga sa kanya laban kay Don
Simon.
Tao laban sa Diyos ang nangyaring problema sa mag-aama ay hindi inaasahan na
mangyayari yun sa araw na pa naman ng kapaskuhan, araw ng
kapanganakan ng Panginoong Hesu Kristo kung kayat ikinasama iyon
ng kanilang loob.
Tao laban sa sarili Hindi napigilan ni Mang Tano na sugurin si Don Simon sa
pamamagitan ng kanyang itak at gusto niya talaga itong mapatay
kahit na siyay makukulong.

G. Kasukdulan
> Dumating si Don Simon sa bahay ng mag-aama at dooy nagkakagulo na sila hanggang
humantong sa kamatayan nitong si Don Simon.
H. Kakalasan
> Nang mahulog sa balon si Don Simon ay mawawala na ang gahaman at malupit nilang
amo.
I. Kalutasan
> Masosolusyonan lang ang problema ng mag-aama kapag mawala na sa landas nila sa Don
Simon at iyon ay natupad nang mahulog ito sa balon.
J. Uri ng Pagdulog sa Pagsusuri ng Dula
* Realismo Ang Dulang Kamay na Bakal ay maiuugnay sa realidad sapagkat ang
kwento ng mag-aama ay nangyayari pa rin sa kasalukuyan na dinanas ng mga
mahihirap lamang.
K. Mga Isyung Matatagpuan sa Dula
* Hindi pagkakapantay-pantay ng karapatan ng mga mahihirap at mayayaman.
* Agawan ng position sa pulitika na sanhi ng pagpapaalis nina Mang Tano.
L. Mga Epekto
* Epekto para sa indibidwal Dahil sa hindi pagkakapantay-pantay ng karapatan ng mahirap
at mayaman naging epekto nito sa indibidwal na magpursige na makamit ang karangyaan
upang hindi maapi ninuman.
* Epekto para sa lipunan Naging kasanayan na ng lipunan na kapag panahon ng eleksyon ay
nagbibigay ng mga bagay o salapi kapalit ng kanilang boto ngunit kung hindi naman ay
may parusang kapalit.

II. Resulta:
> Nagresulta ito ng pagiging gahaman ng mga tao sa pera upang makilala at purihin at para din
makamit ang karapatang ipinagkait sa mga taong naghihirap. Minsan naisip ng iba na ang pera
talaga ang may kapangyarihan upang maiahon sila sa kahirapan at maipag tanggol ang kanilang
sarili. Mahirap mang lutasin ngunit itoy nakasanayan na ng karamihan.

III. Konklusyon:
> Sa pagsusuri ng dulang Kamay na Bakal, napag-alaman na kahit anong gawin ng isang
taong mahirap lamang ay hindi niya makakamit ang karapatan pwera lang kung siyay may
kayamanan at pera. Itoy nauugnay rin sa totoong buhay sapagkat naranasan ito ng karamihan
at nangyayari din sa kasalukuyan. Nais man nitong ipahayag ng may-akda ngunit itoy
nakasanayan na talaga ng marami. Walang ibang magagawa kundi ang magsikap na lamang sa
buhay ngunit ipina-alala naman nito sa lahat na kahit nasa tuktok ka na ng mundo ay maging
mapagkumbaba ka pa rin sa kapwa pagkat ang lahat ay pantay sa pananaw ng Diyos.

Baril at Kaligtasan
Ni: Fernando L. Samonte
I.Panimula
Ang may-akda
Fernando L. Samonte

- Isang kuwentista, mandudula, mananaling-wika, patnugot, mananaysay, at dalubguro.


- Ipinanganak noong Setyembre 10, 1914 sa Maynila
- Pangatlo sa anim na anak ng mag-asawang Severo G. Samonte at Miguela P. Liang ng
Baliwag, Bulacan
- Naging kabiyak niya si Bb. Victoria C. Javier at may apat silang anak na sina Victor, Helen,
Fernando, Jr. at Ma. Susan.
Mga Nakamit:
-Makapito nang nagwagi sa Palanca.
-Unang gantimpala sa pagsasalin sa tagalog ng Othello na inilunsad ng PWU.
- Nagtapos ng ETC, BSE, AB, at MA.

A. Mga Tauhan
*Fausto Presong nakatakas sa bilangguan.
*Father Guerrero Kura paroko ng bayang balita sa kasamaan .
*Badong Dating juvenile delinquent na nagnanais magpakabuti.
*Bert Sekretang tumutugaygay kay Fausto.
*Pasyo Sekretang kasamahan ni Bert.

B. Tagpuan
> Sa loob ng Kumbento
C. Buod
>

May isang presong nakatakas na nagngangalang Fausto, si Fausto ay isang kilalang

kriminal na patong-patong ang kaso. May isang araw na siyay nakatakas sa kulungan. Gutom
na gutom siya noon at walang ibang malalapitan dahil siyay isang presong nakatakas kaya
patago siyang naghahanap ng makakain. Napapad siya sa kumbento at habang papunta doon
sina Father Guerero at Badong. silay nagkwentuhan at nagulat na lamang sila sa nakita.
Napakalisik ng mga mata ni Fausto na halos gusto na nitong kumain ng tao at dahil sa gutom na
siya ay napag diskitahan niya ang dalawa. Inutusan niya itong kumuha o bumili ng pagkain
habang tinitukan niya ang mga ito ng baril. Takot na takot naman sina Father Guerero at
Badong. May napansin si Badong sa ibaba at nang matitigan niya ito at ang taong kaharap na
may hawak na baril ay iisa lang pala! Nakita niya kasi ang isang diyaryo na ang front page ay si
Fausto at nakasulat doon na siyay isang preso na nakatakas at kung sinuman ang makakita ay
may pabuya na matatanggap kaya nang makita iyon ni Badong ay nanginig siya sa takot.
Nahalata naman iyon ni Fausto at hindi na lamang niya inutusan ang bata na bumili ng pagkain
sa labas sapagkat nangangamba siyang isusumbong siya nito sa mga pulis. Sinabihan na lamang
siya ni Father Guerero na yung ostiyas na lang ang kanyang kakainin tutal para rin namang
tinapay yun. Pumayag na sana si Fausto ngunit siyay nagdalawang isip nang sabihin sa kanya ni
Father Guerero na kailangan niya munang mangumpisal bago kainin ang nasabing ostiyas.
Naisip kasi ni Fausto na bakit niya pa kailangang mangumpisal na hindi naman niya kailangang
sabihin lahat sa pari ang kanyang iba pang nagawang mga kasalanan.
Nakulong noon si Fausto dahil pinatay niya ang isang stool pigeon na nagturo
sa kanyang ama na dumukot noon sa isang libro sa library. Kahit na alam ng ama ni Fausto na wala

siyang kasalanan sa nasabing krimen hinayaan na lamang nito ang sarili na makulong para sa
kapakanan ng anak. Ngunit sa dumukot noon sa isang libro sa library. Kahit na alam ng ama ni
Fausto na wala siyang kasalanan sa nasabing krimen hinayaan na lamang nito ang sarili na
makulong para sa kapakanan ng anak. Ngunit sa sa loob ng kulungan ay namatay ang ama ni
Fausto dahil sa kalupitan ng mga pulis.Inabuso nila nito ang pagka kriminal kaya wala na silang
pakialam kung mamatay man ito. Dahil sa nangyari ikinasama iyon ng loob ni Fausto at siyay
naghiganti, pinatay niya ang stool pigeon. Nagsisi si Fausto dahil namatay ang kanyang ama na
hindi man lang niya naamin na siya ang tunay na nagnakaw sa librong iyon. Nang ikinuwento
niya lahat ito kay Father Guerero, dito na siya naintindihan ng pari kung bakit naging ganun ang
kanyang buhay. Hindi nagtagal ay nakumbinsi rin ni Father Guerero si Fausto na mangumpisal.
Habang nangungumpisal si Fausto ay dumating naman ang dalawang sekretang naghahanap sa
kanya. Tinanong ng mga ito si Badong kung nakita ba niya si Fausto, tumanggi si Badong ngunit
nang lumabas si Father Guerero ay ito na mismo ang umamin. Sinabi niya sa mga pulis na si
Fausto aynangungumpisal pa at huwag muna nilang gambalain ngunit silay mapilit. Nang
lumabas naman si Fausto ay nagkakagulo na, nagkatutukan sila ng baril, inagaw ni Fausto ang
baril mula kay Bert at nang mabitawan ni Bert ang kanyang baril aykinuha ito ni Badong at
tinutok kay Fausto. Ang lahat ay nagtataka, doon inamin ni Badong na ang stool pigeon pala ay ang
kanyang ama.Pinayuhan naman siya ni Father Guerero na magpatawad na lamang at hayaan ng
palayain ang sakit at hapdi sa kanyang puso. Kaya sa huliy ang tatlo ay nagtungo sa altar at
doon nagdasal at nagpasalamat sa Diyos.

D. Sulyap sa suliranin
> naging suliranin sa dulang ito ang pagtakas ni Fausto sa bilangguan at siyay tinutugis ng
mga pulis.
E. Saglit na kasiglahan
> nang magkausap sina Fausto at Father Guerero ukol sa mga nagawa nitong kasalanan ay
nakahinga siya ng maluwag sapagkat merong taong nakakaintindi sa kanya.
F. Tunggalian
* Tao laban sa Diyos sa umpisa ay ayaw sana ni Fausto na gawin ang gusto ni Father
Guerero na mangumpisal subalit napagtanto niya na itoy mahalaga pala.
* Tao laban sa tao hinusgahan agad ng mga sekreta ang ama ni Fausto kung kayat
ikinasama niya
ito ng loob at nagresulta sa pagkitil ng buhay.
G. Kasukdulan
> Dumating ang dalawang sekretang naghahanap kay Fausto at dooy nalaman na ang stool
pigeon na pinatay niya ay ang ama ni Badong.
H. Kakalasan
> Nang malaman na ng lahat ang kaugnayan sa naganap na krimen ay pinayuhan sila ni
Father Guerero na magpatawad na lamang sa isat isa at magdasal na sanay matahimik
na rin ang kaluluwa ng namayapa.
I. Kalutasan
> Nagtungo na lamang ang tatlo sa altar at doon sila nagpasalamat s Diyos na sana
magkapatawaran na sila.

J. Uri ng Pagdulog sa Pagsusuri ng Dula


*Realismo ang Dulang Baril at Kaligtasan ay maihahambing sa realidad na siyang
nagaganap din sa kasalukuyan.
K. Mga Isyung matatagpuan sa Dula
*Krimen
*Paniniwala sa Diyos
*Dangal at Reputasyon

L. Mga Epekto
* Epekto para sa indibidwal Nawawalan ng Kumpyansa sa sarili.
* Epekto para sa lipunan Nagiging habit na ng mga makasalanan na makalimot sa Diyos
sapagkat yun na talaga ang tingin nila sa kanilang sarili.

II. Resulta:
Nagresulta ang ito ng pagkawalan ng paniniwala sa Diyos sapagkat ang tingin na
lamang ng iba sa kanilang sarili na kapag silay makasalanan ay hindi na pwedeng bawiin ang
kanilang dating buhay na nasira.

II. Konklusyon:
Sa pagsusuri ng dulang Baril at Kaligtasan ay naiintindihan ng magbabasa na hindi
lahat ng kriminal at makasalanang tao ay masama. Nagiging ganoon lang ang mga taong iyon
dahil na rin sa kanilang mapait na karanasan sa buhay sa makatuwid, walang taong
perpekto.

IV. Bibliyograpi:
1. Aklat
Isang Kalipunan ng mga nagwagi
sa Carlos Palanca Memorial
Awards Sangay ng Pilipino
ikalawang aklat, 1955-1960,
Salazar
V. Appendites:
Personal na Datos

Pangalan: Leslie Mae L. Dela Cruz

Estadong Sibil: Single

Kurso at Taon: A.B. Philippine Literature

E-mail: hanuyk0039@yahoo.com

Address: P-7 Limaha, Butuan City

Mga Magulang:

Kaarawan: Oktubre 25, 1991

Ina: Lydia L. Dela Cruz

Edad: 22

Ama: Miguel T. Dela Cruz Jr.

Lugar ng kapanganakan: Wasian Rosario, Agusan del Sur


Kasarian: Babae

Estadong Sibil: Single


E-mail: hanuyk0039@yahoo.com
Mga Magulang:
Ina: Lydia L. Dela Cruz
Ama: Miguel T. Dela Cruz Jr.

You might also like