You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

OCCIDENTAL MINDORO STATE COLLEGE


Sablayan, Occidental Mindoro 5104
Website: www.omsc.edu.ph Email address: omsc_9747@yahoo.com
Tele/Fax: (043) 457-0231

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

Pangalan:JAYPE DALIT

Madaling Araw
Íñigo Ed Regalado

A. Buod ng Nobela (sariling katha)


Ang kuwento ng nobelang Madaling Araw ay pumapatungkol sa magkasintahang Mauro at
Luisa. Hindi gusto ng mga magulang ni Luisa si Mauro dahil tamad at umaasa lang sa magulang
ito. Madalang sila magkita kaya pasekreto silang nag–usap na pupumunta sila ng karnabal .
Kasama nila si. G. Antonio Delgado, Nieves, Nendeng, Carding, Sision, Roman, Mariano, at
Pendoy. Lingid sa kanilang kaalaman ay nakita pala sila ni Carding. Agad naman itong nalaman
ni Aling Minang at pinagalitan si Luisa, pinagbawalan siyang lumabas ng bahay.Dahil kay
Nieves nagkaroon sila ni Mauro ng komunikasyon, sa pagbibigayan ng sulat. Nagkita sila ni
Mauro sa ilalim ng puno ng ilang – ilang nag usap sila at sinabi nila mahal nila ang isa’t isa. Nag
karoon ng sayawan sa bahay lipunan at lahat ay nagsasayawan maliban kay Luisa malungkot pa
rin siya. Nag uuwian na ang lahat at naiwan si Nieves at Daniel sa kusina. Si G. Delgado ay nag
papaalam sa mga bisita, bigla siyang kinabahan at hinanap niya si Nieves. Nakita niya si Nieves
at Daniel sa kusina may ginagawang emoral. May malaking pagdiriwang sa bayan
Ipinagdiriwang nilang ang nalalapit na kasal nina Daniel at Nieves ,Roman at Sision. Hindi
nakapunta si Mauro dahil susunduin nila ni Kabisang Leonang si Ines galing sa ibang bayan
dahil nag aaral ito. May kumakalat na tsismis na ang babaeng nakatira kila Kabisang Leon ay
kalaguyo daw ni Mauro. Pero ang totoo ang babaeng iyo ay si Ines at pamangkin siya ni
Kabisang Leon . May dumating din na malungkot na balita ka Mauro na magpapakasal daw si
Luisa kay Pendoy para daw mabayaran ang utang ni Mang Marcos. Nagkita si Luisa at Mauro
para pag-usapanang balitang ito.Tinanong ni Mauro kung talaga bang may utang si Mang
Marcos kay Pendoy at inamin naman ni Luisa. Kaya ang akala ni Mauro ay totoo rin na
nagpapakasal si Luisa kay Pendoy, sinabi niya kay Luisa na iiwan niya na ito. Nagmamakaawa si
Luisa pero hindi niya ito pinakinggan. Si Mang Marcos naman ay makukulong dahil sa kanyang
utang kay Pendoy. Nag–uusap si Luisa at Nendeng kinuwento ni Luisa ang nangyaring
pagaaway nila ni Mauro, si Nendeng naman ay umamin kay Luisa na ginahasa siya ni Mang
Marcos. Nagulat si Luisa sa kanyang nalaman at niyakap niya si Nendeng. Ibinenta ni Mang
Marcos si Nendeng sa bahay namumuhunan sa halagang tatlong daang piso. Si Daniel naman ay
nakatanggap ngsulat na nagsasabing hindi siya naniniwala sa una pero ng natanggap niya ang
sumunod na sulat ay sumunod siya kay Mauro sa bayan nito.Ilang araw na ang nakakalipas ng
umalis si Daniel at Mauro sa kanilang bayan. Dahil sa malaking problema si Aling Minang
tiyahin ni Luisa ay nabaliw. Pagkatapos makulong ni Mang Marcos ay tuluyan ng nabaliw si
Aling Minang. Si Galit na ang kumupkop sa kanila mula nung nawalan na sila ng bahay. Si
Luisa ay buntis at humihina na ang kanyang katawan mula nung umalis si Mauro. Habang
patuoy naman na nalulungkot si Nieves sa pag–alis ni Daniel. Nakita niya ang iniwang sulat ni
Daniel mula noon ay lalo na siyang nalungkot. Maraming tao ang nalulungkot sanangyari kila
Mauro, Luisa, Nieves, at Daniel maliban sa isa si Pendoy. Habang nag – uusap si Mauro,Daniel,
at Impong Emo ay nabanggit ni Mauro at Daniel na kailangan na nilang umuwi nakatanggap
silang sulat mula kay galit na nagsasabing si Pendoy ang may kasalanan ng lahat. Namatay si
Nieves sa panganganak. Umuwi na si Mauro at Daniel sa kanilang bayan, nalaman ni Daniel na
wala na si Nieves. Si Galit naman ay naghahantay sa bahay ni Kabesang Leon upang siya ay
patayin. Nagawa niya ang kaniyang balak na patayin si Kabisang Leon. Kinabukasan nakita ni
Mauro ang malamig na bangkay ng amain ngunit si Luisa pa rin ang kanyang hanap. Nakita niya
si Luisa na nahihirapan, humingi siya ng tawad rito at simula noon ay bumalik rin ang lakas
Luisa. Ang wakas ng nobelang ito ay nakakalungkot ngunit nag kaayos naman sina Mauro at
Luisa. At kung namatay si Nieves may bagong buhay naman ang pumalit.
B. Pagpapakilala ng mga tauhan
1. Luisa Gatmaitan – ang magandang nobya ni Mauro at anak ni Mang Marcos. Mahusay siyang
manahi.
2. Mauro Kabiling – ang nobyo ni Luisa, wala na siyang magulang. Anak–anakan ni Kabisang
Leon.
3. Juan Galit – mayaman; nang umibig sa isang babae napabayaan niya ang kanyang pag aaral.
Namatay rin ang kanyang mga magulang.
4. Daniel Magsarili – kaibigan ni Mauro kasama niyang pumunta sa ibang bayan. Kasintahan
siyani Nieves at pangulo ng samahang Madaling Araw.
5. Nieves Delgado – Kasintahan ni Daniel, iniibig din siya ni Pendoy. Anak ni Antonio Delgado.
6. Mang Marcos – ang tatay ni Luisa. Mahigpit siya sa kaniyang mga anak lalo na kay Luisa.
7. Roman de Dios – kaibigan rin siya ni Mauro. Asawa ni Sision. Miyembro ng samahang
Madaling Araw.
8. Pedro Pinlak – umiibig siya kay Nieves. Nag patulong siya kay Daniel na suyuin si Nieves.
Siyarin ang pinagkakautangan ni Mang Marcos.
9. Aling Minang – ang nanaynanayan ni Luisa. Ayaw na ayaw niya kay Mauro dahil umaasa
lang daw ito sa pera ng kanyang ama
10. Kabisang Leon – ang amain ni Mauro. Siya ang nag alaga kay Mauro sa umpisa pa lang.
Gusto niyang iahon ang mga manggagawang Filipino.
11. Ricardo “Carding” – ang bunsong kapatid ni Luisa. Isinumbong niya kay Aling Minang na
nagkitasi Mauro at Luisa.
12. Ines – nung una pinsan lang siya ni Mauro ang totoo ay anak siya ni Kabisang Leon. Gusto
siyang Ipakasal ni Kabisang Leon kay Mauro.
13. Sision – Asawa ni Roman. Anak ni Aling Kamila. Miyembro rin siya ng Madaling Araw.

C. Teoryang Pampanitikan na kinabibilangan


Ang Madaling Araw ay teoryang romantiko at sosyo-politikal na akda. Bilang romantikong
nobela, isinalaysay nito ang pagmamahalan ng dalawang pangunahing tauhan, sina Mauro at
Luisa, ng iba pang mahahalagang tauhan tulad nina Daniel at Nieves na anak ng isang mayaman.
Katulad ng karaniwang romantikong kuwento, ang pag-iibigan ay masalimuot at puno ng
probema at hadlang. Tutol ang mga magulang ni Luisa, sina Mang Marcos at Aling Minang, kay
Mauro sapagkat nakikita siya bilang isang taong walang ambisyon at patutunguhan dahil sa
kanyang pagiging isang artista ng sining. Tutol naman ang tumatayong magulang ni Mauro, si
Kabisang Leon, kay Luisa sapagkat balak niyang ipakasal ang binata kay Ines, isang
kolehiyala.Bilang sosyo-politikal na nobela, kasabay nitong inilalarawan ang panlipunan, pang-
ekonomiya at pampulitikal na sitwasyon sa Katagalugan noong panahong iyon. Isinasalaysay
nito ang mga usapin at pangyayari tungkol sa paggawa, pagbabago ng lipunan, kawalang
katarungan, karahasan at pamamahalang Amerikano sa bansa.
D. Mensahe
Ang mensahe ng nobelang ito ay hindi tayo laging nasa mahirap na sitwasyon dahil tayo ay
sinusubok lang ng mundong ito.Sa sandaling ating malampasan ang mga problemang ito ay
masaya at maginhawang buhay naman ang ating matatamo.Kaya huwag papanghinaan ng loob
sa mga panahong nahihirapan,pahinga muna tapos laban ulit hanggang magtagumpay.Ang
titulong Madaling Araw ay isang metaporya na ang hatinggabi ay masungit kaya ang madaling
araw ay ang pagsisimula ng umaga na matiwasay at payapa. Kumbaga, para itong transisyon
mula sa buhay na masalimuot tungo sa masaya at matiwasay na estado.

E. Pumili ng isang sitwasyon mula sa akda na maaaring iugnay sa anumang suliranin ng


ating lalawigan.
Marami ring iba’t-ibang isyu ng lipunan ang tinalakay sa nobelang ito. Isyu noong panahon nila
na isyu pa rin hanggang ngayon tulad ng pagtangkilik sa produktong banyaga.Maiuugnay ko ito
sa ating mga magsasaka sa ating lalawigan na mas gusto natin ang mga produkto na inaangkat ng
ating pamahalaan sa ibang bansa.Dahil sa mas mura ang mga ito nawawalan ng halaga ang mga
pananim ng ating mga magsasaka.Magtatanim ng mga pananim ang ating mga magsasaka at sa
panahong malapit ng umani ang ating gobyerno naman ay aangkat ng mga produktong banyaga
sa paraang ito ay bababa ang halaga ng mga pananim ng magsasaka hanggang sila ay malugi at
walang kitain.Nakalulungkot pero ito ang realidad sa ating lugar.

You might also like