You are on page 1of 6

North Eastern Mindanao State University

Tandag City
Telefax No. 086-214-4221
Website: www.sdssu.edu.ph

Pangalan: ELFEULYN T. TORINO

PAGSUSURI NG NOBELA NA “TITSER”


ni: Liwayway A. Arceo

PAMAGAT : TITSER
AWTOR: Liwayway A. Arceo Bautista

Si Liwayway Arceo Bautista ay itinuturing na isa sa mga pinakamahusay na


kuwentistang babae. Palagiang manunulat siya sa magasing Tagalog na Liwayway.
Maybahay siya ni Manuel Prinsipe Bautista, isa ring manunulat at makata sa wikang
Tagalog.
Noong 1962 ay nanalo siya ng Palanca Award sa kanyang
kuwentong Banyaga. Ang kanyang Uhaw ang Tigang na Lupa ay nagkamit din ng
pangalawang gantimpala sa Palanca Memorial Awards for Literature at nagkaroon
din ng palanca award ang kwentong "Canal dela Reina".

URI NG PANITIKAN:
Nobela, isang serye mula sa magasing Liwayway noong 1950's. Ang Titser ay
isang nobela. Mahabang kathang pampanitikan na naglalahad ng mga pangyayari
na pinaghahabi sa isang mahusay na pagbabalangkas na ang pinakapangunahing
sangkap ay ang pagkakalabas ng hangarin ng bayani sa dako at ng hangarin ng
katunggali sa kabila -isang makasining na pagsasalaysay ng maraming
pangyayaring magkasunod at magkakaugnay. Ang mga pangyayaring ito ay may
kanya-kanyang tungkuling ginagampanan sa pagbuo ng isang matibay at kawili-
wiling balangkas na siyang pinakabuod ng nobela -binubuong mga kabanata -
maraming tauhan at pangyayari -kinasasangkutan ng dalawa o higit pang mga
tauhan.

WIKA: Pilipino
TAON NG PAGLATHALA: 1995
TAGAPAGLIMBAG: Ateneo de Manila University Press
PROTAGONISTA: Amelita Martinez at Mauro
LUGAR/TAGPUAN: Isang pamayanan sa kanayunan ng Pilipinas
TEMA:
Ang tema o paksa ng nobelang pinamagatang “Titser” ay tungkol sa
paninindigan at pagpapasiya, maging kung paano ito pinanghahawakan: panahon
lamang ang hahatol sa atin,maging ano man ang ating larangan at ang pakikialam
North Eastern Mindanao State University
Tandag City
Telefax No. 086-214-4221
Website: www.sdssu.edu.ph

ng ina o ng magulang sa pag-aasawa at propesyon ng anak, pag-iibigan ng


dalawang guro sa kabila ng kahirapan.

TEORYANG PAMPANITIKAN
1. Teoryang Humanismo
Ipinapakita ang tao bilang sentro ng mundo. Binibigyang-tuon ang kalakasan at
mabubuting katangian ng tao. Binibigyang pansin din ang mga saloobin at ang
magagandang damdaming taglay ng isang tauhan. Si Amelita ay isang magandang
halimbawa, may paninindigan sapagkat sinunod niya ang sarili niyang desisyon at
matulungin dahil inaabonohan niya ang matrikula ng ilang mag-aaral niya.
2. Teoryang Romantisismo
Pag-iibigan nina Mauro at Amelita ikinigalit ng ina ni Amelita sapagkat parehas sila
ng propesyon. Walang patutunguhan ang kanilang pag-iibigan sapagkat hindi sila
magiging maunlad at tunay na liligaya. Nagkaroon sila ng isang babaeng anak na
minahal nila nang lubos at mas tumindi ang pagmamahalan ng mag-asawa nang
dumating si Osmundo. Pinatunayan nila na hindi magiging hadlang si Osmundo sa
kanilang matatag na pagmamahalan at pag-iibigan.
3. Teoryang Realismo
Tumatalakay sa realidad ng buhay. May kaugnayan sa mga katotohanang
nagaganap sa lipunang ginagalawan ng isang indibidwal. Sa nobela, ang pagiging
isang guro ay hindi isang madaling propesyon. Hirap ang dinaranas ni Amelita at ni
Mauro sa pamilya ni Amelita, siya ay nahihirapang sundin ang kagustuhan ng
kanyang ina. Nangibabaw ang katotohanang hindi salahat ng bagay ay
nagkakasundo ang magulang at ang kanyang anak. Nangingibabaw pa rin ang
kaligayahan laban sa kapighatiang dulot ng katotohanan.
MGA TAUHAN O KARAKTER SA MAY AKDA
Aling Rosa
 - ina nila Norberto, Jose, Lourdes, Felisa at Amelita. Isang ordinaryong ilaw ng
tahanan na mataas ang pangarap para sa kanyang mga anak. Ngunit dahilan sa
mga matatayog na pangarap na ito, ay magagawa niyang maging mapagmataas at
manghamak ng propesyon.
Mang Ambo
 - isang tahimik at maunawaing haligi ng tahanan, isa rin siyang mabait na asawa
kay aling rosa at ama sa kanilang mga anak.
Amelita
North Eastern Mindanao State University
Tandag City
Telefax No. 086-214-4221
Website: www.sdssu.edu.ph

 - ang protagonista sa nobela, bunso sa limang magkakapatid, isang mabait at


magandang guro sa pampublikong paaralan sa haiskul sa kanilang nayon, larawan
siya ng isang babaeng may sariling pagpapasya at matapang na paninindigan.
 
Mauro
 - isang guro ng pampublikong paaralan sa haiskul sa kanilang nayon, ang lalaking
iniibig ni amelita, may sariling paninidigan at pagpapasya, bagama’t hinahamak ang
kanilang propesyon ay hindi parin ito nagsisisi sa napiling larangan, dahilan sa likas
at tunay ang hilig nito sa pagtuturo.
Aling Idad
 -isang maunawain at maalalahaning ina nila Peping, Dado at Mauro, bagama’t
anak-dalita ang kanilang pamilya, hindi parin ito naging hadlang upang sila ay
sumaya.
Rosalida/ lida
 - panganay na anak nila mauro at amelita, isang pantas at bibong bata.
Lety
 - siya ang batang pinalaki sa layaw ng mga magulang at paboritong apo ni aling
rosa. Kung ikukumpara kay Lida, maituturing na higit na nakakaangat si Lety sa
material na bagay, subalit taglay naman ni Lida ang pinakamahalagang bagay na
nagbubuklod sa kanilang pamilya.
Osmundo Olivarez
 - manliligaw ni Amelita, isang mayamang binata, taga pagmana ng lahat ng
kayamanan ng kanilang pamilya, kompromiso ni Aling Rosa para sa kanyang anak
na si Amelita,isang magandang lalaki at sikat sa kanilang bayan, ngunit siya ay
arogante, makamundo at maykayabangan.
Norberto Martinez
 - kapatid nila Amelita na isang inhinyero.
Jose Martinez
 - dikong nila Amelita na isang abogado.
Lourdes Martinez
 - kapatid nila Amelita na isang parmasiyutika.
Felisa Martinez-Castro
 - ditseng nila Amelita na isang doktora.
North Eastern Mindanao State University
Tandag City
Telefax No. 086-214-4221
Website: www.sdssu.edu.ph

Peping
 - kapatid ni mauro.
Dado
 - bunsong kapatid ni Enteng at Mauro.
Nena
 - kaibigan ni Amelita.
Enteng
 - dating nakakulong sa bilibid na tinulungan ni Osmundo na makalaya, inutusan siya
niOsmundo na patayin si Mauro, subalit hindi niya ito nagawa, dahil utang niya sa
kabaitan niMauro ang pagpapa-aral sa anak.
Aling Tinay
 - matagal nang kusinera ni Osmundo, at itinuturing na din siyang pamilya
ngmayamang binata.
Cesar
- anak ni Aling Tinay, at pinag-aral ni Osmundo hanggang maging manananggol.
Mister Batac
 - isang punong guro na ang maybahay ay kamag-anak ni Osmundo.
Doktora cruz
 - isang mahusay na doktora sa kanilang nayon.
Bien castro
 - isang doktor na napangasawa ni Felisa.
Estela Martinez
 - isang abogada tulad ng kanyang kabiyak na si Jose.
Mariana Martinez
 - isang propesora at ang maybahay ni Norberto.
Poleng
 - kanayon nina Mauro at Amelita.
Bastian
 - engkargado ni Osmundo.
VII. TAGPUAN O PANAHON
North Eastern Mindanao State University
Tandag City
Telefax No. 086-214-4221
Website: www.sdssu.edu.ph

Nayon
 - Ito ang pangunahing tagpuan sa nobela Dito makikita ang tahanan nina Amelita at
Mauro sa may sangandaan Karamihan sa mga pangyayari ay naganap dito
Matatanaw ang bukidsa mismong sangandaanNarito rin ang lugar kung saan
nagtatrabaho sina Amelita at Mauro.

BUOD
Ang nobelang Titser ni Liwayway Arceo ay sumesentro sa buhay ng mag-asawang
Amelita at Mauro na kapwa pinili ang propesyon ng pagtuturo. Nakapokus ang
naratibo sa mariing di- pagsangayon ni Aling Rosa, ang ina ni Amelita, sa
pagsasamahan ng dalawa. Sapagkat ang kanyang apat na anak ay nakapagtapos
sa kolehiyo ng may "titulo," tutol si Aling Rosa sa pagkuha ng kursong edukasyon ng
kanyang bunso, dala na rin ng kaisipang hindi titulong maituturing ang pagiging
"titser", bukod pa sa kakarampot na sweldong nakukuha ng anak.Gayunpaman,
nakahanap ng pag-asa si Aling Rosa sa katauhan ni Osmundo, isang binata mula sa
pamilya ng mga haciendero na sumusuyo kay Amelita. Subalit nabigo muli si Aling
Rosa sapagkat iba ang iniibig ng kanyang dalaga, at ito'y walang iba kung hindi si
Mauro, isa ring guro sa pampublikong paaralan.
 Nang malaman na ipapakasal siya ni Aling Rosa sa binatang si Osmundo, agad na
nagkipag-isang dibdib si Amelita kay Mauro. Dahil sa pagkabigo, at dahil na rin sa
poot sa bunsong anak, umalis si Aling Rosa sa probinsya at nagbakasyon sa mga
anak na nasa Maynila. Bagamat doon ay hindi siya inaaasikaso ng mga anak, labis
pa rin ang kanyang kaligayahan dahil sa asensong tinatamasa ng mga ito,
at ikinakatwiran na lamang sa sarili na talagang abala ang mga taong mauunlad ang
buhay. Samantala, sa probinsya, nagdesisyon rin ang binatang si Osmundo na
umalis na sa nayon at magtungo sa Estados Unidos. Ngunit bago mangyari ito ay
gumawa siya ng maitim na plano laban sa mga bagong kasal. Inutusan niya ang isa
sa mga katiwala na patayin si Mauro. Subalit wala sa kaalaman ni Osmundo na hindi
ito ginawa ng kanyang inutusan sapagkat ang anak nito ay minsan ring
pinagmalasakitan ng gurong si Mauro. 
Nasa ikapitong buwan pa lamang ng pagdadalantao si Amelita nang ipinanganak
ang kanilang anak na si Rosalida. Dahil kulang sa buwan ang bata ay kailangan
nitong manatili sa ospital. Nalaman ito ni Aling Rosa at agad na binisita ang anak, sa
kabila ng hinanakit. Kahit ganito ang sitwasyon, hindi pa rin tumitigil ang ina  ni
Amelita sa pagsasaring ukol sa mahirap na pamumuhay ng mag-asawa.
Ipinamumukha pa rin niya ang matinding pagtutol sa manugang nasi Mauro.
North Eastern Mindanao State University
Tandag City
Telefax No. 086-214-4221
Website: www.sdssu.edu.ph

Lumipas ang ilang taon. Lumaki si Rosalida na isang mabait at matalinong


bata. Isang araw ay nagbalik si Osmundo sa probinsya, at nagkaroon ng malaking
pagdiriwang para sa kanyang pagdating. Doon muling nagkatagpo sina Mauro at
Osmundo, subalit kinalimutan na ng dalawa ang nakaraan. Taliwas naman dito ang
nadaramang pangamba ni Amelita sa pagbabalik ng masugid na panliligaw.
Nararamdaman nitong may plano itong masama laban sa kanyang pamilya.
Hindi pa rin nawawala ang pag-ibig ni Osmundo kay Amelita, kahit na may asawa't
anak pa ito. Nagkaroon ng pagkakataong makilala niya si Rosalida, at naging
magaan ang loob nito sa bata. Isang araw ay naisipang ipasyal ni Osmundo si
Rosalida sa kanyang hasyenda. Wala ito sa kaalaman nina Mauro at Amelita, at
labis na nag-alala ang mag-asawa. Buong akala nila'y si Rosalida ang
paghihigantihan ni Osmundo ngunit di naglaon ay nagbalik rin ang bata,
ipinagmamalaki pa ang kabaitang ginawa ni Osmundo. Di nagtagal, napagkuro na
rin ni Osmundo na tuluyan ng tumira sa ibang bansa at kalimutan ang minamahal na
si Amelita. 
Nagkaroon ng malubhang karamdaman si Aling Rosa. Hinanap niya ang kanyang
mga anak ngunit wala ni isa mang dumating maliban kay Amelita na matiyagang
nag-asikaso sa kanya. Pawang gamot at padalang pera lamang ang ipinaabot ng
apat na anak. At doon natauhan ang matanda sa kanyang pagkakamali.

You might also like