You are on page 1of 4

Sa Dalampasigan

ni Teodoro A. Agoncillo

I.
O mumunting alon!
Buhat sa magalas na batong tuntungan,
Namamalas kitang tumatakbo-takbo’t sumasayaw-sayaw
Bago ka humalik sa dalampasigan.
Sa sinasayaw-sayaw, sa tinakbu-takbo ikaw ay kundimang
Namadmad sa labi ng isang kariktan!
Sa sinayaw-sayaw at hinalik-halik sa aking paanan,
Titik kang masigla ng luma ng talindaw.
O mumunting alon! Buhat sa magalas na aking tapakan,
Ikaw ay piraso’t nagkadurog-durog na sultanang buwan!

II
Buhat sa malayo,
Ikaw’y dambuhalang busilak ng bagwis,
Na kung ibuka mo’y parang niwawalat ang pinto ng langit,
Sa pananambulat ng iyong tilamsik
Ay nasaksihan ko ang pagkadurog-durog ng mga daigdig!
Habang sa malayo ikaw ay mabagsik,
Maamung-maamo, mayuming-mayumi ikaw kung lumapit!
Sa buhanging tuyo’t may kislap na init,
Marahang-mabining idinarampi mo ang wagas na halik!

III
Lumapit-lumayo
Ay pinapawi mo ang kayraming bakas
Na sa buhangina’y limbag na balita ng gabing lumipas,
Aywan kung ang mga magkatabing yapak
Ay pinawi mo rin sa bisa ng iyong pagliyag
Kung magkagayon man, nais kong isulat
Na “ibig ko na ring ako’y maging isang dagat na malawak;
Ako, sa ganito, ay magkakapalad
Maging kahalikan ng tuyong buhangin sa tabi ng dagat!
Sa ganya’y lagi nang mayroong kabulungan at kayakap-yakap!”

IV
At ang mga bulong
Sa aki’y di ingay kundi mga awit
Ng pag-aanasan at pagsusumpaan ng lupa at tubig!
At sa paanan ko kung aking mamasid
Ang paghahabulan ng along animo’y kumakabang dibdib
Ng isang dalagang bago pang ninibig
Nais kong mawala, matunaw at muling iluwal ng langit,
Nang di ko madama yaring tinitiis!
Sa aki’y di ingay ang naririnig ko- kundi mga tinig
Niring kaluluwang di man lumuluha’y may piping hinagpis!
GAPO
ni: Lualhati Bautista
Buod
Si Michael Taylor Jr. ay isang dalawangpung taong gulang na folk singer sa isang bar na nagngangalang
freedom pad. Anak siya sa labas ng isang amerikanong sundalo na hindi niya nakita man o nakilala. Malaki ang
galit niya sa mga amerikano dahil sa ginawa ng ama niyang pag-iwan sa kanyang ina at sa kanyang pagiging
anak sa labas na ginawang katatawanan ng iba. Lalo siyang nagalit nang masaksihan niya ang pag-aalipusta ng
mga sundalong amerikano sa mga kaibigan niya. Si Dolores, ang ina niyang nag-ampon dito at nakasama niya
sa paglaki. Si Magda ay isang masugid na tagahanga ng mga sundalong amerikano sa kabila ng mga pasakit na
dinanas niya ng dahil sa mga ito. Matalik na kaibigan ni Michael sina Modesto at Ali. Si Modesto ay isang
pilipinong manggagawa sa base militar. Api-apihan ito sa pinagtatrabahuan niya. Wala siyang kaibigang
amerikano roon maliban kay William Smith. Tinitiis niya na lamang ang kanyang trabaho dahil malaki ang
halagang kinikita niya rito. Si Ali naman ay isang baklang masalapi. At nagkarelasyon sila ni Modesto. Naging
kasintahan niya ang isang amerikanong sundalo na si Richard Halloway.

Isang araw, hindi na natiis ni Modesto ang pang-aapi sa kanya ng mga sundalong amerikano sa base militar.
Nakipagsagutan siya sa isang opisyal doon at nauwi ito sa suntukan. Lamang sana si Modesto nang pagtulungan
siya ng mga kasamahan ng sundalong puti. Sa kabila ng pagpipigil at pakikiusap ni William, napatay nila si
Modesto.

Si Ali naman ay ninakawan nina Richard at Ignacio at binugbog rin.

Si Magda ay nagkaroon ng panibagong kasintahang sundalo na nagngangalang Steve Taylor. Noong simula ay
napakabait ni Steve hanggang sa sa nabuntis siya nito. Makakatagpo na sana ni Michael ng isang kaibigan sa
sundalong kano nang matuklasan nilang mayroon itong babalikang pamilya sa Estados Unidos.

Nanumbalik ang mga alaala niya sa sinapit ng kanyang ina, pati nina Ali at Modesto sa nga amerikano. Naulit
na naman ang paglilinlang ng mga sundalong amerikano kay Magda. Hinampas ni Michael si Steve sa ulo gamit
ang kanyang gitara na ikinamatay ni Steve. Nakulong si Michael.

Sa huling bahagi ng istorya ay dinalaw ni Magda si Mike sa kulungan. Ipinagpaalam niya ang pagpapangalan
ng anak niya kay Mike. Ang bata ay magiging si Michael Taylor III. Naghawak ng mahigpit ang kanilang mga
kamay sa magkabilang panig ng rehas.
TITSER
ni: Liwayway A. Arceo

BUOD:
Ang nobelang Titser ni Liwayway Arceo ay sumesentro sa
buhay ng mag-asawang Amelita at Mauro na kapwa pinili ang
propesyon ng pagtuturo. Nakapokus ang naratibo sa mariing di-
pagsangayon ni Aling Rosa, ang ina ni Amelita, sa
pagsasamahan ng dalawa. Sapagkat ang kanyang apat na anak
ay nakapagtapos sa kolehiyo ng may "titulo," tutol si Aling
Rosa sa pagkuha ng kursong edukasyon ng kanyang bunso,
dala na rin ng kaisipang hindi titulong maituturing ang pagiging
"titser", bukod pa sa kakarampot na sweldong nakukuha ng anak. Gayunpaman, nakahanap ng pag-asa si Aling
Rosa sa katauhan ni Osmundo, isang binata mula sa pamilya ng mga asendero na sumusuyo kay Amelita.
Subalit nabigo muli si Aling Rosa sapagkat iba ang iniibig ng kanyang dalaga, at ito'y walang iba kung hindi si
Mauro, isang ring guro sa pampublikong paaralan.

Ang nobelang Titser ni Liwayway Arceo ay sumesentro sa buhay ng mag-asawang Amelita at Mauro na kapwa
pinili ang propesyon ng pagtuturo. Nakapokus ang naratibo sa mariing di-pagsangayon ni Aling Rosa, ang ina
ni Amelita, sa pagsasamahan ng dalawa. Sapagkat ang kanyang apat na anak ay nakapagtapos sa kolehiyo ng
may "titulo," tutol si Aling Rosa sa pagkuha ng kursong edukasyon ng kanyang bunso, dala na rin ng kaisipang
hindi titulong maituturing ang pagiging "titser", bukod pa sa kakarampot na sweldong nakukuha ng anak.
Gayunpaman, nakahanap ng pag-asa si Aling Rosa sa katauhan ni Osmundo, isang binata mula sa pamilya ng
mga asendero na sumusuyo kay Amelita. Subalit nabigo muli si Aling Rosa sapagkat iba ang iniibig ng kanyang
dalaga, at ito'y walang iba kung hindi si Mauro, isang ring guro sa pampublikong paaralan.

Nang malaman na ipapakasal siya ni Aling Rosa sa binatang si Osmundo, agad na nagkipagisang dibdib si
Amelita kay Mauro. Dahil sa pagkabigo, at dahil na rin sa poot sa bunsong anak, umalis si Aling Rosa sa
probinsya at nagbakasyon sa mga anak na nasa Maynila. Bagamat doon ay hindi siya inaaasikaso ng mga anak,
labis pa rin ang kanyang kaligayahan dahil sa asensong tinatamasa ng mga ito, at ikinakatwiran na lamang sa
sarili na talagang abala ang mga taong mauunlad ang buhay. Samantala, sa probinsya, nagdesisyon rin ang
binatang si Osmundo na umalis na sa nayon at magtungo sa Estados Unidos. Ngunit bago mangyari ito ay
gumawa siya ng maitim na plano laban sa mga bagong kasal. Inutusan niya ang isa sa mga katiwala na patayin
si Mauro. Subalit wala sa kaalaman ni Osmundo na hindi ito ginawa ng kanyang inutusan sapagkat ang anak
nito ay minsan ring pinagmalasakitan ng gurong si Mauro.

Nasa ikapitong buwan pa lamang ng pagdadalantao si Amelita nang ipinanganak ang kanilang anak na si
Rosalida. Dahil kulang sa buwan ang bata ay kailangan nitong manatili sa ospital. Nalaman ito ni Aling Rosa at
agad na binisita ang anak, sa kabila ng hinanakit. Kahit ganito ang sitwasyon, hindi pa rin tumitigil ang ina ni
Amelita sa pagsasaring ukol sa mahirap na pamumuhay ng mag-asawa. Ipinamumukha pa rin niya ang
matinding pagtutol sa manugang na si Mauro.

Lumipas ang ilang taon. Lumaki si Rosalida na isang mabait at matalinong bata. Isang araw ay nagbalik si
Osmundo sa probinsya, at nagkaroon ng malaking pagdiriwang para sa kanyang pagdating. Doon muling
nagkatagpo sina Mauro at Osmundo, subalit kinalimutan na ng dalawa ang nakaraan. Taliwas naman dito ang
nadaramang pangamba ni Amelita sa pagbabalik ng masugid na panliligaw. Nararamdaman nitong may plano
itong masama laban sa kanyang pamilya.

Hindi pa rin nawawala ang pag-ibig ni Osmundo kay Amelita, kahit na may asawa't anak pa ito. Nagkaroon ng
pagkakataong makilala niya si Rosalida, at naging magaan ang loob nito sa bata. Isang araw ay naisipang
ipasyal ni Osmundo si Rosalida sa kanyang hasyenda. Wala ito sa kaalaman nina Mauro at Amelita, at labis na
nag-alala ang mag-asawa. Buong akala nila'y si Rosalida ang paghihigantihan ni Osmundo ngunit di naglaon ay
nagbalik rin ang bata, ipinagmamalaki pa ang kabaitang ginawa ni Osmundo. Di nagtagal, napagkuro na rin ni
Osmundo na tuluyan ng tumira sa ibang bansa at kalimutan ang minamahal na si Amelita.

Nagkaroon ng malubhang karamdaman si Aling Rosa. Hinanap niya ang kanyang mga anak ngunit wala ni isa
mang dumating maliban kay Amelita na matiyagang nag-asikaso sa kanya. Pawang gamot at padalang pera
lamang ang ipinaabot ng apat na anak. At doon natauhan ang matanda sa kanyang pagkakamali.

You might also like