You are on page 1of 15

TITSER

TITSER

ni Liwayway A. Arceo

Pamagat: Titser
Awtor: Liwayway A. Arceo
Uri ng Panitikan: Nobela, isang serye mula sa magasing Liwayway noong 1950's
Wika: Pilipino
Taon ng Paglalathala: 1995
Tagapaglimbag: Ateneo de Manila University Press
Protagonista: Amelita Martinez at Mauro
Lugar: Isang pamayanan sa kanayunan ng Pilipinas
Punto de bista: Ikatlong Persona
Tema: Pakikialam ng ina sa pag-aasawa at propesyon ng anak, pag-iibigan ng dalawang guro sa kabila ng
kahirapan.

BUOD:

Ang nobelang Titser ni Liwayway Arceo ay sumesentro sa buhay ng mag-asawang Amelita at Mauro na
kapwa pinili ang propesyon ng pagtuturo. Nakapokus ang naratibo sa mariing di-pagsangayon ni Aling
Rosa, ang ina ni Amelita, sa pagsasamahan ng dalawa. Sapagkat ang kanyang apat na anak ay
nakapagtapos sa kolehiyo ng may "titulo," tutol si Aling Rosa sa pagkuha ng kursong edukasyon ng kanyang
bunso, dala na rin ng kaisipang hindi titulong maituturing ang pagiging "titser", bukod pa sa kakarampot
na sweldong nakukuha ng anak. Gayunpaman, nakahanap ng pag-asa si Aling Rosa sa katauhan ni
Osmundo, isang binata mula sa pamilya ng mga haciendero na sumusuyo kay Amelita. Subalit nabigo muli
si Aling Rosa sapagkat iba ang iniibig ng kanyang dalaga, at ito'y walang iba kung hindi si Mauro, isang ring
guro sa pampublikong paaralan.
Nang malaman na ipapakasal siya ni Aling Rosa sa binatang si Osmundo, agad na nagkipagisang dibdib si
Amelita kay Mauro. Dahil sa pagkabigo, at dahil na rin sa poot sa bunsong anak, umalis si Aling Rosa sa
probinsya at nagbakasyon sa mga anak na nasa Maynila. Bagamat doon ay hindi siya inaaasikaso ng mga
anak, labis pa rin ang kanyang kaligayahan dahil sa asensong tinatamasa ng mga ito, at ikinakatwiran na
lamang sa sarili na talagang abala ang mga taong mauunlad ang buhay. Samantala, sa probinsya,
nagdesisyon rin ang binatang si Osmundo na umalis na sa nayon at magtungo sa Estados Unidos. Ngunit
bago mangyari ito ay gumawa siya ng maitim na plano laban sa mga bagong kasal. Inutusan niya ang isa
sa mga katiwala na patayin si Mauro. Subalit wala sa kaalaman ni Osmundo na hindi ito ginawa ng kanyang
inutusan sapagkat ang anak nito ay minsan ring pinagmalasakitan ng gurong si Mauro.

Nasa ikapitong buwan pa lamang ng pagdadalantao si Amelita nang ipinanganak ang kanilang anak na si
Rosalida. Dahil kulang sa buwan ang bata ay kailangan nitong manatili sa ospital. Nalaman ito ni Aling Rosa
at agad na binisita ang anak, sa kabila ng hinanakit. Kahit ganito ang sitwasyon, hindi pa rin tumitigil ang
ina ni Amelita sa pagsasaring ukol sa mahirap na pamumuhay ng mag-asawa. Ipinamumukha pa rin niya
ang matinding pagtutol sa manugang na si Mauro.

Lumipas ang ilang taon. Lumaki si Rosalida na isang mabait at matalinong bata. Isang araw ay nagbalik si
Osmundo sa probinsya, at nagkaroon ng malaking pagdiriwang para sa kanyang pagdating. Doon muling
nagkatagpo sina Mauro at Osmundo, subalit kinalimutan na ng dalawa ang nakaraan. Taliwas naman dito
ang nadaramang pangamba ni Amelita sa pagbabalik ng masugid na panliligaw. Nararamdaman nitong
may plano itong masama laban sa kanyang pamilya.

Hindi pa rin nawawala ang pag-ibig ni Osmundo kay Amelita, kahit na may asawa't anak pa ito. Nagkaroon
ng pagkakataong makilala niya si Rosalida, at naging magaan ang loob nito sa bata. Isang araw ay naisipang
ipasyal ni Osmundo si Rosalida sa kanyang hasyenda. Wala ito sa kaalaman nina Mauro at Amelita, at labis
na nag-alala ang mag-asawa. Buong akala nila'y si Rosalida ang paghihigantihan ni Osmundo ngunit di
naglaon ay nagbalik rin ang bata, ipinagmamalaki pa ang kabaitang ginawa ni Osmundo. Di nagtagal,
napagkuro na rin ni Osmundo na tuluyan ng tumira sa ibang bansa at kalimutan ang minamahal na si
Amelita.

Nagkaroon ng malubhang karamdaman si Aling Rosa. Hinanap niya ang kanyang mga anak ngunit wala ni
isa mang dumating maliban kay Amelita na matiyagang nag-asikaso sa kanya. Pawang gamot at padalang
pera lamang ang ipinaabot ng apat na anak. At doon natauhan ang matanda sa kanyang pagkakamali.

~~~~~~

MGA TAUHAN:
Si Aling Rosa ay ang ina ni Amelita. Ang antagonista sa kuwento.

Si Amelita ay isang dalagang 'public school' titser, bunso sa lima na anak ni Aling Rosa. Umiibig kay Mauro.
Nagpamalas ng kakaibang katapangan sa pagpapahayag ng ibang desisyon sa kabila ng ibang plano nanais
ng ina para sa kanya. Ang protagonista sa kuwento.

Si Mang Ambo ang asawa ni Aling Rosa. Maunawain na ama ni Amelita na mas nakakaintindi kaysa sa
kanyang ina.

Si Osmundo ay isang makisig na binata, nagmula sa isang mayaman at respitadong pamilya. Umiibig sya
kay Amelita ngunit ayaw sa kanya ni Amelita dahil siya ay arogante at maka-mundo.

Si Mauro naman ay isa din 'public school' titser hindi man siya mayaman pero minamahal parin siya ni
Amelita. Mabait, at may galang sa lahat ng tao. Siya ang inspirasyon ni Amelita noong naging guro niya ito
para pasukin ang mundo ng pagtuturo. Si Mauro ay isang mabait na asawa at matulungin sa kapwa. Mas
priyoridad niya ang kanyang pamilya kaysa ibang bagay. Protagonista sa kwento.

Aling Idad –

Ang ina ni Mauro na bukas loob na tinanggap si Amelita at itinuring para ring isang tunay na anak.

Rosalida (Lida) –

Ang matalino at mapagmahal na anak nina Mauro at Amelita.Pinagmulan ng pangalan niya ang kanyang
dalawang lola na sina Ida atRosa habang ang “L” naman ay hinuha kay Amelita.
SULIRANIN:

Tutol ang ina ni Amelita na si Aling Rosa sa pag kuha ni Amelita ng kursong edukasyon at ayaw rin ni Aling
Rosa kay Mauro dahil si Mauro ay isa lang daw na tagapagturo sa paaralan na kakaramput lang ang
isinisweldo at nais rin ipakasal ni Aling Rosa ang kanyang anak na si Amelita kay Osmundo.

REAKSYON:

Malinaw na ipinakita ng nobela ang agam-agam na kinakaharap ng bawat guro. Ano ang dapat piliin, ang
makapaglingkod sa pamayanan kapalit ng isang mahirap na pamumuhay, o ang makatikim ng karangyaan
kapalit ng pagtalikod sa propesyong nais na tahakin? Ang karakter ni Aling Rosa ang nagsilbing tagapag-
tibay sa agam-agam na ito. Siya ang nagpamukha kay Amelita at Mauro ng magiging kapalit ng pagiging
ideal na mag-asawa: ang paghihikahos sa aspetong pinansyal, ang pagiging "Sampu, sampera."

Ang nobela ni Arceo, bagama't halos animnapung taon na ang nakaraan mula sa pagkakalathala nito, ay
maliwanag pa ring sumasalamin sa kalagayan ng mga titser sa kasalukuyang panahon. Sila ang nagsisilbing
tagapaghubog ng kaisipan ng susunod na henerasyon, ngunit sila'y binibigyan lamang na maliit na
pahalaga. Isang patunay nito ang laganap pa ring paggigiit ng mga guro para sa mas mataas na sahod, na
kung pagbigyan man ng pansin ng gobyerno'y di pa rin sapat para sa trabahong kanilang ginagawa.

Marahil luma na sa atin ang kasabihang, "kung ayaw mong maghirap, huwag kang magtitser." At ang
kalumaan nito siguro ang naging dahilan kung bakit tinatanggap na lamang natin itong isang masakit na
katotohanan na walang solusyon. "Ang pagtuturo'y isang bokasyon, hindi propesyon," wika nga. Ang
kaisipang ito na rin marahil ang dahilan kung bakit pinipili ng ibang mga guro sa kasalukuyan ang
magtrabaho sa ibang bansa kaysa sa sariling bayan: una'y nagagawa nila ang gusto nilang gawin, at
ikalawa'y nagagawa nila ito ng may natatanggap na pagpapahalaga at pribilehiyo. Sa lipunang ito,marahil
kailangan na nating buwagin ang kaisipang kailangang magsakripisyo ng mga guro. Marahil kailangan na
nating bigyan ng mataas na pagtingin at kabayaran ang pagsisilbing ginagawa ng mga titser ng lipunan.
Sila ang tagapaghulma ng mga susunod na "tituladong" mamamayang tinitingala ni Aling Rosa. Sila ang
gagawa ng mga bagong "Dr.", "Atty.", "Engr.", "PhD" at iba pa.
*Ano ang teoryang humanismo?

Ang pokus ng teoryang humanismo ay ang tao. Naniniwala ang mga humanista na ang tao ang sukatan ng
lahat ng bagay kung kaya't mahalagang maipagkaloob sa kanya ang kalayaan sa pagpapahayag ng saloobin
at kalayaan sa pagpapasya. Gaya ng ipinahahayag ni Protagoras, "Ang tao ang sentro ng daigdig, ang
sukatan ng lahat ng bagay at ang panginoon ng kanyang kapalaran."

Ninanais ng tao na sa kanyang pakikiraan sa daigdig na ito ay may bakas siyang maiiwan upang ang
kanyang buhay ay magkaroon ng kabuluhan at malinaw na pagkilala sa isang di maikukubling kasaysayan.

Katotohanan kaysa kagandahan ang mababakas sa teoryang ito. Kahit sino, ano mang bagay at lipunan ay
dapat makatotohanan ang paglalarawan o paglalahad. Nagpapahayag din ito ng pagtanggap sa
katotohanan o realidad.
Ang Noble ni Edgardo M. Reyes
Nauukol ang pamagat sa takbo ng istorya. At ito nga ang kasaysayan ni Ding

na naglalaro sa pag-big ng ibat ibang babae na nagdaan sa kanyang buhay, magmula

sa kanyang ninang, kinakapatid, naging asawa, at mga naging nobya.

MAG-AKDA

Si Edgardo M. Reyes ay si Edgar Reyes na tuwing Martes ay


sumusulat ng kolum sa Balita na Kangkungan sa editorial-opinion
pages. Kamakailan ay napilit ko siyang magsulat sa section na ito
(nakabakasyon sa kasalukuyan dahil may sinusulat na [mga] libro).

Sa academe o mga nag-aaral ng literatura, siya ang isa sa


limang kabataang manunulat na naglabas ng Mga Agos sa Disyerto
(1964) -- ang apat pa ay sina Efren Abueg, Dominador Mirasol,
Rogelio Ordoñez, at Rogelio Sicat. Ang koleksiyon ng kanilang 25
maiikling kuwento ay kinikilala ng literary critics bilang isa sa
pinakamahuhusay na aklat na humubog sa bagong panulatang
Pilipino.

Si Edgardo M. Reyes ang sumulat ng Sa Mga Kuko ng Liwanag


na itinuturing na “canon” o standard ng modernong nobelang Pilipino,
isa sa pangunahing required reading sa mga kolehiyo’t unibersidad,
isinalin sa iba’t ibang wika ng iba’t ibang bansa, at ginawang pelikula
ni Lino Brocka (Maynila, Sa Mga Kuko ng Liwanag).

Bukod sa pagiging direktor ng pelikula, isa sa napakaraming


script niya ang nagbigay kay Sharon Cuneta ng kauna-unahan nitong
blockbuster hit (P.S. I Love You).

Kinamulatan ko ang pagbabasa sa mga akda ni Edgardo M.


Reyes, sa Liwayway noong una at kinalaunan ay sa mga aklat. Sa
aming unang pagkikita sa eleksiyon ng National Press Club noong
1989 (kaga-graduate ko sa Ateneo de Naga at kapapasok lang bilang
proofreader/staff writer ng Liwayway), nakatabi ko siya sa inuman ng
beer (blowout ni Tata Celo Lagmay, nanalong presidente ng NPC), at
‘di ko alam kung saan nanggaling ang lakas ng loob ko nang sabihin
ko sa kanya na “kasalanan” niya ang pagkakapasok ko sa literatura.

TAUHAN

Ding – ang pangunahing tauhan na nagkukwento sa kanyang buhay

Joey – ang partner ni Ding na may ari ng isang art shop sa quiapo

Carmen – ang ninang ni Ding

Dee – ang pinakamamahal ni Ding

Victoria – ang kaibigan ni Ding, ina ni Teng


Teng – ang batang iniwan kay Ding

PAKSA

Ang paksa sa nobela ay ang paglalaro sa baga ni Ding, and pangunahing

tauhan, o ang pagkakaroon niya ng malay sa sekswalidad sa murang edad. At ang

kanyang sakit, na hindi nya binanggit sa nobela subalit malalaman mong naging sakit

ang kanyang pagiging aktibo sa sekswal sa nobelang ito.

BUOD

Nagumpisa ang lahat sa murang edad na 4 ay may pakiramdam na si Ding sa

kamunduhan o sekswalidad. Ang kanyang Ninang Carmen ang kanyang unang

pinagnasaan,

Maraming naranasan si Ding kahit pa sya ay bata pa, nalaman na niya kung

paano gagamitin ang kanyang ari. At dahil ang bahy nila ay paupahan ng mga

estudyanteng medicine at Nursing ay namulat sya sa mga kalaswaan.

Nag ampon ang ninang Carmen niya ng isang batang babae, ang pangalan nito

ay Dee. Naging kalaro sya ni Ding at tinuruan ni Ding ng maraming bagay. Subalit
ng sila ay nagkakaedad na ay tinuruan naman ni Ding ng kamunduhan si Dee at ang

pag-ibig.

Inilayo si Dee ng Ninang Carmen nya at pinagaral sa Baguio samantalang si

Ding naman ay patuloy na nag-aral ng High School habang nagtatrabaho bilang isang

artist o pintor sa isang artshop sa quiapo.

Kumikita na si Ding ng Pera at ninais niyang wag ng ipagpatuloy ang kanyang

pagkokolehiyo sapagkat alam nyang kikita pa rin sya ng pera kahit hindi na siya nag-

aaral.

Pinuntahan ni Ding si Dee sa Baguio at ipinagpatuloy nila ang kanilang

relasyon. Si Dee ay second year high school na at sya at fourth year. Kahit malayo

ay nakuha ni Ding si Dee sa kanilang pag-ibig. Nagsusulatan at nagtatawagan at

minsang pinuntahan ni Ding si Dee ay nakuha nya ang pagka birhen nito.

Natuklasan ng mga kasambahay ni Dee ang tungkol kay Ding at pinadala si

Dee ng kanyang ninang Carmen sa America para mag-aral. Hindi iyon nakahadlang

sa pagiibigan nila at patuloy silang nagsusulatan.

Samantala si Ding naman ay may nakilalang may ari ng isang sikat na art shop

sa Makati. Kinuha ang serbisyo nya at natuklasan nya na mas malaki ang kikitain
nya kung dito na sya magtatrabaho imbes na kay Joey. Subalit ayaw naman niyang

iwanan si Joey ng ganun nlng at piangsabay niya ang trabaho niya sa 2 kampo.

Si Victoria, ang may ari ng shop na bagong pinapasukan ni Ding ay isang

mestisa, maganda at sexy kaya di din maiwasan ni Ding ang gustuhing makuha si

Victoria. Subalit itoy mailap at wala syang ibang alam dito kundi ito ay isang

negosyante at amo nya.

Lumaki ang kita ni Ding subalit lumaki rin ang kanyang gastos. Umalis na sya

kay Joey sa maliit nitong art shop at nagkalabuan sila nito. May nakilala si Ding, isa

sa kanilang kliyente ni Victoria na isang Matrona. Binilhan sya nito ng Tornado isang

saksakyan at ito ay kanyang pinagsilbihan sa kama. Ngunit ng nagkaroon sya ng

ideya na wala sa kanya ang rehistro ng sasakyan ay pinagsawaan muna nya ito at

saka nya isinoli at tinapos na nya ang ugnayan nila ni Lydia ang matrona.

Natuklasan naman nya na may itinatagong sekreto si Vitoria. Mayroon pala

itong anak na nasa Baguio. At dito nagumpisang magulo ang mundo ni Ding sa

pagtulong sa mag ina na hindi nya alam kung ano ang tinatakasan. Maliit pa nuon

si Teng mga 6 na taon ng kinuha ni Ding ang bata at iniluwas ng Maynila. Nagkita

sila rito ni Victoria at ipinakiusap na itago ang kanyang anak. Pagkalipas ng ilang

buwan at di pa nagpapakita si Victoria ay tumawag na si Ding sa kanilang

shop. Nagpakamatay pala si Victoria.


Naiwan si Teng sa kanyang kalinga iniuwi nya ito sa kanila at itinuring na

anak. Saka naman nakilala ni Ding si Emy. Naging mag on sila nito at kahit mahiyain

si Emy ay nakuha nya ito at nagkaroon ng Shotgun wedding. Pinakasal sina Emy at

Ding ng ama ni Emy dahil sa kasinungalingang buntis ito.

Nalaman ni Ding na si Emy ay ni rape ng kanyang kuya at muntik na itong

maulit nung nagsasama na sila ni Ding subalit nasaksak ito ni Emy. Umamin ito na

hindi sya bunti at nagpatuloy si Ding sa kanyang buhay kahit pa inuuwian nya si Emy

ay magkaiba sila ng kwarto.

Isang araw ay nagising sya sa sakit at nakita nya na hinihiwa ni Emy ang

kanyang ari. Nasaktan nya ito ay umalis sya upang ipagamot ang kanyang sugat na

muntik ng maputol ni Emy.

Naging normal na ulit ang buhay nya kahit patago tago, wala na syang asawa

at isang araw ay biglang dumating si Dee. Sabi nga ng ninang nya nagwala ito ng

matanggap ang sulat nya na sya ay nag-asawa na.

Ngayong nakita nya ulit si Dee naisip nya na mabubuong muli ang kanilang

pagmamahalan kalimutan ang nakaraan at magsimulang muli, subalit mali sya ng

akala. Mahal pa din sya ni Dee at naglaro sila habang ito ay nandito subalit kasal na

ito at babalik na rin ng Amerika.


At ng siya ay nangailangan ulit ng tulong ng nawala na si Dee at si Teng na

nag-asawa na sa edad 12 ay bumalik sya sa kanyang ninang. At nakatalik naman

nya ang kanyang ninang. At sinabi sa kanya ng siya ay paalis na wala na syang

babalikan pa dahil nakuha na nya ang gusto nya sa kanyang ninang.

URI NG NOBELA

Ang nobela ay isang pasalaysay at hindi maganda ang pagtatapos nito dahil

walang patutunguhan ang pangunahing tauhan ng kwento.

Ang nobelang ito ay nagsasalaylay sa buhay ni Ding at sa kaniyang walang

sawang pakikipaglaro sa baga.

NILALAMAN

Panlipunan – ang ginagalawang lipunan ni Ding sa nobela ay

Kulturang pilipino – ang unang kultura na nakita ko rito ay ang relasyon ng

magkaka maag anak at ang pagiging inaanak sa kanyang ninang at vice versa.

IMPLIKASYON

Panlipunan
Makikita rito na maraming buhay ng mga kababaihan ang nasira ni

Ding. Magmula sa mga waitress na kanyang pinaibig, sa kanyang kinakapatid, sa

kanyang ninang at sa isang singer sa clubs maging ang kanyang boss.

Makikita rito ang ibat ibang tao at kanilang ibat ibang katangian lalo sa sa

pakikipagkumpetensya sa larangan ng pagibig.

Pangkabuhayan

Nalaman ko na magandang business ang talento ni Ding, ang pagpipinta kahit

pa uso na ngayon ang kompyuter ay marami pa rin ang tumatangkilik sa mga pintor.

Pansarili

Nalaman ko rito na hindi lang pala sa panahon ngayon ang mayroong

karanasan tulad ni Ding. Noon pa pala nangyayari na ang mga kababaihan ay

naabuso ng kanyang kapwa Pilipino at ng lalaking kanilang minamahal. At naisip ko

sa kwentong ito ni Ding na sya ay may sakit at nais nyang ang lahat ng babaing

dumaan sa kanya ay kanyang matitikman sa pamamamagitan ng pakikipag talik sa

mga ito.

MATALINHAGANG PAHAYAG
LARO SA BAGA

Mahilig si Ding na maglaro sa baga kung kayat siya ay wala ng direktang

patutunguhan at wala ng babalikan pa sa kanyang mga nakaraang mahal sa buhay.

Dahil sa paglalaro ni ding sa pag-ibig nawala sa kanya ang kanyang

pinakamamahal na si Dee, ang kanyang Ninang na minsan na nyang inangkin, ang

inangkin niyang anak na nag-asawa ng maaga at higit sa lahat ang kanyang sariling

wisyo.

REKOMENDASYON

Itong nobelang ito ay nirerekomenda kong basahin ng mga taong nasa hustong

gulang na. sapagkat may mga maseselang eksena sa loob ng nobela na nararapat

lamang mabasa ng isang taong may hustong pagiiisip tungkol sa mga pangyayari sa

loob ng nobela.

Maganda ang nobelang ito at madaming mapupulot ritong aral lalo na sa

larangan ng pagiging makatao at sa pag-ibig na tunay at dakila.


ANG SARAP BASAHIN NG NOBELANG ITO NAKAKATUWA AT KAKAIBANG BIDA ANG
NANDRITO LARAWAN NG ISANG MAPAGLARONG FILIPINO NA LUMAKI SA MALISYA

You might also like