You are on page 1of 21

Ano ang nais mong

maging sa hinagarap?
TITSER
GRADE 9

NI: LIWAYWAY ARCEO


LIWAYWAY
ARCEO
TALAMBUHAY
• Si Liwayway A. Arceo (1920-1999) ay isang
eksperto sa pagiging isang mangangatha, nobelista,
mananaysay at tagasalin-wika.
• Isa din siya sa mga tanyag at batikang editor sa
bansa.
• Isang feminista
MGA PARANGAL
• Uhaw ang Tigang na Lupa ng 2nd Pinakamahuasay na Maikling Katha (1943) • Carlos
Palanca for Short Story in Filipino (1962)
• Best Radio Drama (1982) para sa Francisco, ang Huling Kristiyano)
• Gawad ng Pagkilala bilang manunulat na feminista(1987) mula sa Kapisanan ng mga
Propesor sa Pilipino
• Doctor of Human Letters, Honoris Causia (1991) na nagmula sa U.P. at Gawad CCP sa
Sining para sa Literatura
• Catholic Mass Media Awards sa Pinakamahusay na Aklat sa Pilipinas
• Unang Life Achievement Award sa Katha (1988) mula sa Unyon ng Manunulat sa
Pilipinas
• Catholic Author Award (1990), mula sa Asian Catholic Publisher
• National Centennial Commission award (1999)
MGA AKDANG NAGING
PELIKULA
• Ang Among Tunay (1956) Topo Topo (1957) at Lumapit,
Lumayo ang Umaga (1975) na pinagbidahan ni Elizabeth
Oropesa at nanalo sa FAMAS ng Best Actress Award noong 1976
dahil sa kanyang pagganap sa pelikula.
• Pumanaw noong December 6, 1999
• Ibinurol sa Loyola Memorial Chapel sa Guadalupe, Makati
• Sa kanyang pagpanaw ay nagbigay parangal sa kanya ang mga
manunulat sa Pilipinas.
MGA TAUHAN
TAUHAN
 Si Aling Rosa ay ang ina ni Amelita
 Si Amelita ay isang dalagang “public school” titser,
bunso sa limang anak ni Aling Rosa. Umiibig kay Mauro.
Nagpamalas ng ibang katapangan sa pagpapahayag ng
ibang desisyon sa kabila ng mga planong ninanais ng
kanyang ina para sa kanya.
 Si Mang Ambo ang asawa ni Aling Rosa.
TAUHAN
 Si Osmundo ay isang makisig na binata, nagmula sa
isang mayaman at respeto na pamilya. Umiibig siya kay
Amelita ngunit ayaw ni Amelita sa kanya dahil siya ay
arogante at maka-mundo.
TAUHAN
 Si Mauro naman ay isa din “public school” titser, hindi
man siya mayaman pero minamahal parin siya ni
Amelita. Mabait, at may galang sa lahat ng tao. Siya ang
inspirasyon ni Amelita noong nagging guro niya ito para
pasukin ang ang mundo ng pagtuturo.
TAUHAN

 Si Aling Idad ay ang ina ni Mauro na bukas loob na


tinatanggap si Amelita at itinuturing na para ring isang
anak.
 Rosalida (Lida)- Ang matalino at mapagmahal na anak
nina Mauro at Amelita.
BUOD
• Bilang isang guro, ang napiling karera ni Amelita, ito ay ikinasama ng
loob ni Aling Rosa.
• Isa pang tinutulan ni Aling Rosa ay ang pagmamahalan ng kanyang
anak at si Mauro, isa ring titser.
• Dahil sa kanyang matinding pagtutol, binalak niyang ipakasal si
Amelita kay Osmundo, dati rin niyang manliligaw; ngunit, dahil hindi
niya tunay na iniibig si Osmundo, nagpakasal sila ni Mauro at umalis.
• Umalis si Osmundo papuntang Estados Unidos… ngunit bago siya
umalis inutusan niya ang kanyang katulong upang patayin si Mauro.
Ngunit, alam ng katulong na isang mabait na tao si Mauro kaya hindi
niya ito pinatay
• Dumating ang panahon na nabuntis si Amelita, ngunit makikita parin
kay Aling Rosa ang kanyang galit para sa mag-ina. Pinangalanan niya
itong, Rosalida
• Isang araw, bumalik naman si Osmundo galing ibang bansa.
Nagkaroon ng magarang selebrasyon. Noon din ay muling
nagtagpo si Mauro, Osmundo at Amelita. Dito rin nakilala
ni Osmundo si Rosalida at sila ay nagiging malapit sa isa’t-
isa, ngunit tutol si Mauro at Amelita dahil sa tingin nila
may masamang balak si Osmundo sa kanilang pamilya.
Ngunit sa dulo, bumalik na rin si Osmundo sa Estados
Unidos.
• Samantala, nagkasakit naman si Aling Rosa. Walang anak
niya ang nag-alaga sa kanya kung hindi si Amelita. •
Magmula noon, napag-isip isip ni Aling Rosa na mali ang
kanyang mga panghuhusga kay Amelita at sa wakas ay
tinanggap na niya ang propesyon at pamilya ni Amelita ng
buong buo.
SAKIT NG LIPUNAN
Pangmamaliit sa kursong maliit ang kita

• Isa nang sakit ng lipunan ang tumingala sa mga taong may


mga matataas na posisyon sa kanikanilang trabaho at
ibalewala ang mga taong nagtatrabaho sa mga mababang
posisyon kahit marangal ang kanilang pagtatrabaho.
PAG-UUGNAY SA
KASALUKUYAN
ARAL
• Makikita natin sa ating lipunan ngayon ang pagkakaroon ng
panghuhusga para sa may mga mababang trabaho. Ngayon mas
importante na sa mga nagtatrabaho kung gaano kalaki ang iyong
sweldo kesa sa kung saan ka masayang magtrabaho. • Naging isang
sakit na sa lipunan na mas tumingala tayo sa isang taong sobrang taas
ng posisyon sa isang maunlad na kumpanya at ibalewala ang mga
nagtatrabaho ng may mababang sweldo. Ngayon, nagiging isang
kumpetisyon na ang paghahanap ng trabaho at iisa lamang ang kanilang
hangad: yumaman.
MARAMING SALAMAT. 

You might also like