You are on page 1of 9

I.

Talambuhay ni Liwayway Arceo


Ipinanganak si Liwayway Arceo noong Enero 30, 1920 sa Tondo, Manila.
Sina Gregorio Arceo at Amada Ablaza ang kanyang mga magulang. Meron
siyang kapatid na manunulat na si Jesus Arceo. Manunulat rin ang napangasawa
ni Liwayway, si Manuel Principe Bautista. Nagkaroon sila ng anim na anak:
Florante, Isagani, Cecilia, Fleride, Ibarra at Jayrizal
Madaming sinulat na nobela si Liwayway Arceo ngunit ang mga kilala sa
mga ginawa niya ay Titser (1995), Canal de la Reina (1985), Ina, Maybahay,
Anak at iba pa (1998), Mga Maria, Mga Eva (1995), Ang Mag-anak na Cruz
(1990,),Uhaw ang Tigang na Lupa at Iba pang Katha (1968). Siya rin ay sumulat
ng mga iskrip sa radyo at telebisyon at nagsalin pa ng pitong akda.
Ang Uhaw ang Tigang na Lupa ay nagsilbing simula sa kanyang karera sa
panulatan. Ito ay kinilalang Pangalawang Pinakamahusay na maikling katha ng
1943. Iisinalin ito sa Inggles at Niponggo at nalathala sa New York City, U.S.A. at
Tokyo, Japan. Nakilala rin ang kanyang Banyaga (Unang Gantimpalang Palanca,
1962), na isinalin sa Inggles, Ruso at Bulgaro.
Kabilang sa mga Gawad na ipinagkaloob kay Arceo ay ang Best Radio
Drama 1982; Gawad ng Pagkilala bilang manunulat na feminista mula sa
Kapisanan ng mga Propesor sa Pilipino; Catholic Mass Media Award, Best Book
in Pilipino at unang Life Achievement Award sa Katha mula sa Unyon ng mga
Manunulat sa Pilipinas
Katulad ng bida sa Titser, hindi rin gusto ng nanay ni Liwayway ang
kanyang piniling propesyon. Maari ring pagbatayan ang mga karanasan ng mga
guro na malapit sa kanya kung bakit ginawa niya ang akda. Ibig niyang maangat
ang pagtingin sa mga guro.
Namatay si Liwayway noong Disyembre 3, 1999
II. Buod ng nobela
Si Amelita ang bunso sa limang anak nila Aling Rosa at Mang Ambo. At
tanging siya na lang ang naninirahan sa probinsya sapagkat lahat ng kanyang
mga kapatid ay lumuwas na ng Maynila. Lahat itoy may titulo at namumuhay na
nang masagana. Ito ang laging isinusumbat ni Aling Rosa kay Amelita. Galit na
galit siya sa anak niya dahil mababa daw ang karerang ipinasok nito, ang
pagiging guro. Maliit ang sahod at wala pang titulo.
At dahil wala nang magagawa si Aling Rosa sa pagiging guro ni Amelita,
gusto niya itong ipakasal kay Osmundo, isang mayamang binata. Si Amelita
naman ay may mahal nang iba. Iyon ay si Mauro, na kapwa guro niya.

At para maiwasan ni Amelita na makasal kay Osmundo, nagpanggap


itong buntis at si Mauro ang itinuro niyang ama. Dahil dito, ipinakasal agad sila ni
Mang Ambo. Umalis si Osmundo sa nayon at si Aling Rosa namay lumuwas ng
Maynila sa sobrang galit.
Pagkalipas ng ilang buwan, bumalik si Osmundo at si Aling Rosa sa
nayon. Tinangkang patayin ni Osmundo si Mauro ngunit nabigo dahil ang
inutusan niyang si Enteng ay hindi magawa sapagkat marami na ang natulong sa
kanya ni Mauro upang gawan niya ng masama.
Sa kabilang banda, pitong buwan pa lamang na buntis si Amelita ay
manganganak na siya. Tinulungan siya ni Aling Idad (ina ni Mauro) at ni Mang
Ambo. Dinala ang sanggol sa ospital dahil ito ay nasa kritikial na sitwasyon. Sa
kabutihang palad, nabuhay ang sanggol na ipinangalang Lida. Lumaki itong
masunurin at matalino.
Makalipas ang ilang taon, nagbago na si Osmundo at natutunan na
niyang tanggapin na hindi sila magiging ni Amelita. Nakatulong sa kanya nang
lubos ang mga payo ni Cesar sa kanya. Tinulungan pa nga niya sila Amelita
nang magkasakit si Lida. Ang hindi pa rin nagbabago ay si Aling Rosa.
Mababa pa rin ang tingin niya kela Amelita at Mauro. Ngunit nang
magkasakit siya, ang pamilya lang ni Amelita ang nag-alaga sakanya. Ang
kanyang mga anak na mayayaman ay nagpapadala lang ng mga pera at gamot
ngunit hindi naman pumupunta doon sa probinsya para damayan ang ina.
Natanto ni Aling Rosa na lagi na lang siyang dinadaan sa pera at nawala na ang
pagmamahal sa kanya ng mga anak niyang mayayaman. Dahil sa pangyayaring
iyon, nagbago ang pagtingin at pakikitungo niya kay Amelita at sa pamilya nito.
III. Mga Tauhan ng Akda
Amelita bunsong anak nila Aling Rosa at Mang Ambo. Sa magkakapatid, siya
lang ang hindi marangya ang buhay dahil sa karerang pinili niya (pagiging guro)
at sa hindi namang mayaman na asawa (Mauro). Lagi siyang kinukumpara ng
nanay niya sa iba pa niyang kapatid at kinukutya. Kahit ganoon, pinaninindigan
pa rin niya ang kanyang mga desisyon sa buhay. Isa siyang matulunging guro;
tinutulungan niya ang kanyang mahihirap na estudyante para makatuloy sa pagaaral.
Aling Rosa asawa ni Mang Ambo; may limang anak: Norberto, Jose, Lourdes,
Felisa at Amelita. Sa lahat, si Amelita ang pinaka ayaw niya dahil ito lang ang
tumutol sa mga kagustuhan niya (kurso at mapapangasawa). Kinukutya niya ang
kahirapan nila Amelita ngunit sa huli ay nagbago siya dahil natanto niya na sa
magkakapatid ay si Amelita lang ang tanging nandoon lagi para sa kanya.

Mauro kabiyak ni Amelita at kapwa guro sa eskwelahang pinapasukan ng


asawa. Naging estudyante niya si Amelita sa mga unang taon niya ng pagtuturo.
Nang tumanda si Amelita ay natutunan niya itong mahalin. Kahit hindi siya gusto
ng ina ni Amelita ay pinipilit pa rin niyang panindigan ang pag-ibig niya sa dalaga.
Siya ang nagpapa-aral sa kanyang mga kapatid. Kapareho ng asawa,
tinutulungan rin niya ang mga estudyante niyang kapos na makapag-aral.
Osmundo Isang mayamang binata sa nayon nila. Naipangako sa kanya ni
Aling Rosa na mapapangasawa niya si Amelita ngunit hindi naman natupad.
Pinagtangkahan niya ng masama si Mauro dahil sa kanyang bigong pag-ibig
ngunit sa huli ay nagbago at nagsimula nang maging mabait na kaibigan kela
Amelita.
Mang Ambo Maunawaing ama ni Amelita. Kahit wala nang pakialam ang
kanyang asawa sa mga suliranin ni Amelita nandoon pa rin siya upang tulungan
at gabayan ang anak.
Lida anak nila Amelita at Mauro. Isang matalino at masunuring bata. Siya ay
maunawain at magalang sa mga nakatatanda sa kanya. Pinalaki siya nang
maayos dahil natuto itong asikasuhin ang sarili sa murang edad, di tulad ni Letty
na laking mayaman. Nagkaroon rin ito ng malubhang sakit ngunit gumaling
naman agad dahi sa tulong ng mga kamag-anak at Osmundo.
Aling Idad maunawaing ina ni Mauro. Malaki ang tinulong sa buhay ng magasawa (Amelita at Mauro) lalo na sa panganganak ni Amelita at pag-alaga kay
Lida.
Cesar ang anak ng kusinera ni Osmundo. Si Osmundo ang nagpaaral dito
hanggang maging manananggol. Si Cesar ang nagbigay ng payo kay Osmundo
na pakawalan na si Amelita.
Enteng Ang inutusan ni Osmundong patayin si Mauro. Malaki ang utang na
loob nito kay Osmundo dahil kung wala ito ay mabubulok si Enteng sa kulungan.
Hindi naman niya magawan ng masama si Mauro dahil ito namay tumulong sa
pagpapa-aral sa kanyang anak.
Felisa Ang anak na tinuluyan ni Aling Rosa nang itoy lumuwas ng Maynila.
Tulad ng ibang kapatid, si Felisa ay abala sa pagpapayaman at lumalayo na ang
loob sa magulang at pinanggalingan.
Peping at Dado Ang mga kapatid ni Mauro na pinapa-aral niya. Sila rin ay
tumulong sa pag-aalaga kay Lida.
Lety apo nila Aling Rosa at Mang Ambo kay Norberto. Palalong bata na
ininsulto ang damit ni Lida isang araw.

Mister Batac kamag-anak ni Osmundo na nag-alok ng trabaho sa Maynila kela


Mauro at Amelita.
IV. Pagsusuri sa mga Kabanata
Kabanata 2: Hilig
Limang Mahahalagang Pangyayari
o Inamin ni Amelita na hindi na niya pwedeng paasahin si Osmundo dahil
meron na siyang iba
o Sa sobrang galit ay sinampal ni Aling Rosa si Amelita.
o Sinabi ni Amelita na si Mauro iyon. Pinagkukutya naman ni Aling Rosa si
Mauro. Isang hamak na titser lang daw at walang mapapala si Amelita
roon.
o Hininto ni Mang Ambo ang sagutan at pinabalik si Amelita sa kanyang
kwarto. Si Amelita namay inalala ang una nilang pagkikita ni Mauro, kung
paano naging inspirasyon si Mauro sa pagpapasya niyang maging guro.
o Tinawag ni Aling Rosa si Amelita at sinabing dumating na si Osmundo.
Magagandang Katangian
Kahit niyugyog at sinampal na ni Aling Rosa sa sobrang galit ay hindi nagawang
gantihan ni Amelita ang ina. At may paggalang parin ang mga sagot ni Amelita sa
ina niya. Ang magandang katangian din dito ay ang pag-aalala ni Aling Rosa na
baka maghirap sa buhay si Amelita kapag hindi ito sumunod sa kanya.
Sakit / Isyung Panlipunan
Pagkokontrol ng magulang sa mga desisyon ng anak. Kahit ang hangad ng
magulang ay makabubuti sa anak, kailangan pa rin hayaan ng magulang na
matutong tumayo sa sariling paa ang mga anak. Isa pang sakit ay ang
mababang tingin sa mga guro noon. Karamihan ay bobo ang tingin sa mga guro
kung kayat dismayadong dismayado si Aling Rosa dahil baka madungisan daw
ang kanilang pangalan dahil sa propesyon ng anak.
Matalinhagang Pahayag / Kaisipan
Hindi maaari yan Amelita! Kamatayan lang ang makahahadlang para hindi
mangyari ang kagustuhan kong si Osmundo ang mapangasawa mo (Aling
Rosa) - Determinadong determinado si Aling Rosa na ipakasal si Amelita kay
Osmundo at gusto niya talaga itong matupad.
Tumututol ang kanyang puso sa sinasabi ng ina at Nadama niya ang paguulol ng kanyang naghihimagsik na damdamin - Hindi na matiis ni Amelita

ang pagkokontrol ng kanyang ina sa buhay niya. Hindi siya kailanman magiging
maligaya sa mga plano sa kanya ng kanyang ina.
May nakita siya na mga kislap sa mata nito na hindi niya nakita noon
Kung dati ay estudyanteng naaaliw lang sa kanya ang tingin ni Mauro kay
Amelita, ngayon ay ganap na na dalaga. Nangyari ito nang magkita silang
dalawa sa unibersidad, kolehiyo na si Amelita.
Pag-uugnay sa Kasalukuyan
Kahit hindi na mababa ang tingin ngayon sa mga guro ay mababa pa rin ang
sweldo nila. Kung mapapansin, hindi marangya ang mga buhay ng mga titser sa
mga pampublikong paaralan kaysa sa mga nasa pribadong paaralan, tulad nila
Mauro. Mas mahirap para sa akin ang trabaho ng mga gurong tulad nila Mauro
dahil mahirap na nga sila, mahirap rin ang kanilang tinuturuan.
Kabanata 3: Pasiya
Limang Mahahalagang Pangyayari
o Hinihintay ni Osmundo na lumabas sa kwarto si Amelita. At nang lumabas
nga ito, ay matamlay na matamlay at nagpapahiwatig na hindi
makakasama dahil may sakit ito. Naunawaan naman ito ni Osmundo at
umalis.
o Napahiya si Aling Rosa kay Osmundo. Sinabi niya kay Mang Ambo na
nagdadahilan lang si Amelita at swerteng swerte siya na pinili siya ni
Osmundo dahil lahat ng babae sa nayon ay hinihiling na mapangasawa si
Osmundo.
o Sinabi ni Mang Ambo na mayabang naman daw si Osmundo at hindi siya
gusto ni Amelita kaya hayaan na lang daw.
o Mahinang mahina si Amelita ngunit nagturo parin ito kinabukasan.
Inutusan niya na dalhin ng isang estudyante ang sulat niya para kay
Mauro.
o Nag-usap si Amelita at Mauro. Sinabi ni Amelita na kailangan na nilang
magpakasal dahil may plano na ang kanyang ina na ipakasal siya kay
Osmundo.
Magagandang Katangian
Ipinagtanggol ni Mang Ambo si Amelita at sinabing hayaan na dahil hindi naman
talaga gusto ni Amelita si Osmundo. Nauunawaan ni Mang Abno na hindi
magiging masaya si Amelita sa piling ni Osmundo. Ang isa pang magandang
katangian sa kabanata ay ang dedikasyon sa pagtuturo ni Amelita. Sa kabila ng
mga emosyonal na suliranin, hindi pa rin nalimutan ni Amelita ang tungkulin niya
bilang guro

Sakit / Isyung Panlipunan


Pag-iisip ni Aling Rosa na ang karapatdapat lang na pangasawahin ni Amelita ay
yung maykaya at may pinag-aralan. Sa hirap na ng buhay sa Pilipinas ay hindi
na iniisip ang kabutihang loob ng isang tao kundi ang kakayahang mabuhay
nang masagana.
Matalinhagang Pahayag / Kaisipan
Kahit kausapin mo nang lihim at isa-isa ang lahat ng dalaga rito sa tin ay
malalaman mong nagsisipagdasal na sana ay sila na ang tapunun ng tingin
ni Osmundo (Aling Rosa) Sinasabi ni Aling Rosa na pinapangarap ng lahat
ng babae sa nayon nila na mapangasawa si Osmundo kung kayat napaka
swerte ni Amelita na siya ang napili nito.
Pag-uugnay sa Kasalukuyan
Praktikal parin ang mga tao hanggang ngayon. Marami ang nagpapakasal
lamang kapag handa na silang dalawa na magtaguyod ng isang pamilya. Nasira
nga lang ang plano nila Mauro dahil sa nanay ni Amelita at kay Osmundo.
Kabanata 5: Ganti
Limang Mahahalagang Pangyayari
o Nagulat si Mauro na nandoon sa bahay nila si Amelita. Sinabi ni Amelita
na ayaw pa niyang umuwi. Nagbihis si Mauro ng panlakad at sinamahan
pauwi si Amelita
o Tinanong ni Amelita kung ano ang balak ni Mauro at sumagot naman ito
na ipapanaog na niya siya. Nangangamba si Amelita kung ano ang
gagawing pagtrato ni Aling Rosa kay Mauro ngunit sinabi ni Mauro na
tatanggapin niya kahit ano alang-alang sa kanya
o Binati ni Mauro si Aling Rosa ngunit hindi ito sumagot. Sinabi ni Mauro sa
magulang ni Amelita na magpapakasal na sila
o Pinag-usapan nila ang kasal. Sinabi ni Mauro na hindi marangyang
celebrasyon ang habol nila. At sagot naman ni Aling Rosa ay hindi naman
talaga makakayanan ng pamilya ni Mauro ang marangyang kasalan.
o Nang umalis na si Mauro, sinabi ni Aling Rosa kay Mang Ambo na hindi
siya maloloko at pagkakain nilay itatakda na niya ang kasal nila Amelita at
Osmundo
Magagandang Katangian
Ang pagiging maginoo ni Mauro sa pagpapaalam sa magulang ni Amelita. At ang
pagiging magalang parin niya sa kabila ng mga panlalait sa kanya ni Aling Rosa.

Isa pang magandang katangian ay ang pagbibigay galang sa bisita ni Mang


Ambo. Sinalubong niya ito at inasikaso. Ang pagiging determinado, matapang at
hindi kaagad sumusuko na ugali ni Mauro ay maituturing din na magandang
katangian.
Sakit / Isyung Panlipunan
Ang pagsusukat ng kakayahang pinansyal ng isang tao. Ang pagiging makasarili
ni Aling Rosa at hindi man lang iniintindi ang totoong magpapaligaya ng anak.
Siya ang nagpasya sa isang desisyong makapagbabago ng malaki sa buhay ng
anak.
Matalinhagang Pahayag / Kaisipan
Hinihitay ni Amelita na basagin ni Mauro ang katahimikan, ngunit nakasusi
ang mga labi nito Nang mga sandaling iyan ay hindi pa alam ni Amelita kung
ano ang tunay na balak ni Mauro sa pagbibihis ng panlakad at paghahatid sa
kanya sa bahay
Nadama ni Amelita na hindi niya mayayanig ang damdamin ni Mauro
Natanto ni Amelita na hindi na niya mababago ang pasya ni Mauro na ipanaog
na siya noong gabing din na iyon.
Nabanaagan niya ang apoy na nag-aalimpuyo sa mga mata nito Nakikita ni
Amelita na galit na galit ang kanyang ina at mukhang magiging mapait ang
pagtanggap nito sa kanila ni Mauro
Pag-uugnay sa Kasalukuyan
Hanggang ngayon ay pinupuntahan pa rin ng mga lalaki ang mga magulang ng
babae bago ito pakasalan. Ito ay tanda ng respeto (ng lalaki/babae sa magulang
ng mapapangasawa) at ang basbas namay parang lisensya sa pagpapakasal.
Kabanata 7: Lalang
Limang Mahahalagang Pangyayari
o Sinabi ni Amelita sa kanyang mga magulang na buntis siya at ang ama ay
si Mauro. Napa-iyak sa galit si Aling Rosa.
o Humingi ng tawad si Amelita sa ina ngunit hindi ito tinanggap.
o Dumating sa bahay nila Aling Rosa si Osmundo. Pinaliwanag ni Aling
Rosa na buntis kay Mauro si Amelita. Hindi naniwala si Osmundo at
sinabing pakana lang daw iyon ni Amelita para hindi sila makasal.
o Pinuntahan ni Mang Ambo si Mauro at sinabing kailangan na nilang
magpakasal ni Amelita. Pinakausapan niya si Mauro na wag biguin si
Amelita.

o Nagalit si Aling Rosa sa ginawa ni Mang Ambo at sinabing wala siyang


gagastusin sa gagawing kasal. At sa sobrang galit ay tinakwil ni Aling
Rosa si Amelita bilang anak at nagdesisyon itong lumayas sa bahay.
Magagandang Katangian
Ang paghingi ng tawad ni Amelita sa mga magulang niya. Ang pagaalala ni Mang
Ambo sa anak sa pamamagitan ng pagpapakiusap niya kay Mauro na mahalin si
Amelita. Nalungkot man siya sa balitang buntis si Amelita, ay inintindi pa rin niya
ang kapakanan ng anak.
Sakit / Isyung Panlipunan
Ang masyadong kayabangan o pagmamataas sa sarili (pride). Hindi
matanggap ni Aling Rosa na talo siya kung kayat mas pinili na lang niyang
lumayas kaysa tanggapin na lang ang mga pangyayari.
Matalinhagang Pahayag / Kaisipan
Hindi na ako dalaga inang (Amelita) Ang ibig sabihin nitoy nagdadalangtao na si Amelita
Pag-uugnay sa Kasalukuyan
Sa kasalukuyan, ganoon rin ang mga nagiging reaksyon ng mga magulang pag
nalalaman na nabuntis sa hindi tamang oras ang kanilang mga anak. Buti pa sa
kalagayan ni Amelita ay may trabaho na siya. Ngunit karamihan ngayon ay
estudyante pa lang ay nabubuntis na. Mas nagiging liberal na ang mga kabataan
ngayon. Sa nobela nga ay hindi naman talaga totoo.
Kabanata 10: Banta ng Panganib
Limang Mahahalagang Pangyayari
o Iniabot ni Mauro ang sweldo niya kay Amelita. Tumanggi si Amelita ngunit
pinilit pa rin ni Mauro dahil ganoon daw talaga ang mag-asawa.
o Nabanggit nilang dalawa na kulang ang sahod nila dahil tumutulong sila
sa mga kapos na estudyante. Nag-usap sila tungkol sa kasiyahang
nadudulot ng pagtuturo.
o May natanggap na sulat si Mauro mula kay Mister Batac. Nangamba si
Amelita dahil alam niyang kamag-anak ni Osmundo si Mister Batac.
o Inalok ni Mister Batac ng trabaho sa Maynila ang mag-asawa ngunit
tumanggi si Mauro dahil sa nayon daw sila talaga kailangan.
o Pagdating ni Amelita sa bahay ay nakita niyang andun din si Osmundo.

Magagandang Katangian
Ang pagkakaroon ng respeto at tiwala sa mag-asawa. Tiwala sila sa isat isa na
hahawakan nila ng mabuti ang mga pera nila at na hindi sila mag-aaway tungkol
sa pera. Umamin rin silang dalawa sa mga napupuntahan ng kanilang sahod.
Hindi rin ipinagwawalang bahala ni Amelita si Aling Idad kung kayat bibigyan
niya ito ng pera galing sa sahod nilang mag-asawa. At ang pagmamalasakit sa
kapwa kahit hindi kadugo. Iniisip ang iba (mga estudyante sa nayon) kaysa sa
sariling kaginhawaan (oportunidad sa Maynila).
Sakit / Isyung Panlipunan
Tulad nga ng sabi ni Amelita, nagagalit daw ang nanay niya tuwing malalaman
na bawas ang sahod niya dahil ipinang-aabono sa mga kapos na estudyante.
Ang ugaling ito ay ang pag-iisip lamang sa sarili habang ang iba ay hirap na
hirap na. Tulad rin sa pagpipilit ni Mister Batac na palipatin sila Mauro sa
Maynila. Kung lilipat sila Mauro, paano na ang mga batang umaasa sa kanila?
Mas gusto ng Diyos ang pagtulong mo sa kapwa kaysa sa kaginhawaan mo.
Matalinhagang Pahayag / Kaisipan
Natanim sa isip ko ang mga sinabi mo non . . . ang mga kasiyahang
nakukuha mo sa pagtuturo . . . (Amelita) Hindi nakalimutan ni Amelita ang
sinabi noon ni Mauro sa kanya at iyon pa ang naging dahilan kung bakit nag
titser si Amelita.
Pag-uugnay sa Kasalukuyan
Hanggang ngayon ay may mga tumutulong pa rin na mga guro (kahit mahirap na
sila) sa kanilang mga estudyanteng kapos. Ngunit may mga nang-aabuso rin.
May mga ibang guro na hindi kumpleto ang binibigay na rasyon ng bigas (galing
sa gobyerno) sa mga estudyante nito.

You might also like