You are on page 1of 6

Kolehiyo ng De La Salle John Bosco College,

Mangagoy lungsod ng Bislig City

I.
 Uri ng Akda
- Nobela
 Pamagat
- “titser”
Ang kwentong ito ay tungkol sa magkasintahan na minamahal ang
kanilang propesyon at ito ay ang pagiging guro.
 May Akda
- Liwayway A. Arceo
Si Liwayway A. Arceo ay isang kilalang manunulat, editor at
scriptwriter para sa radyo. Ayon sa isang kritikong nag-aral ukol sa
panahon ng dekada kwarenta, feminista na ang turing kay
Liwayway Arceo. Ito ay bago pa man mauso ang katagang
feminista.
Si Arceo ang may-akda ng mga natatanging nobela gaya ng
Cabal de la Reina (1985) at Titser (1995). Ipinalimbag rin ang iba’t
ibang koleksyon ng maikling kwento gaya ng Ina, Maybahay, Anak
at iba pa, Mga Maria, Mga Eva, Ang Mag-anak na Cruz (1990), at
ang Mga Kuwento ng Pag-ibig (1997). Halos lahat ng kanyang mga
gawa ay inilimbag sa pamantasan ng Ateneo de Manila at
Unibersidad ng Pilipinas.
 Gantimpala na nawagi
Ilan sa mga natanggap niyang parangal ay ang Carlos Palanca
para sa Maikling Kwento sa Tagalog (1962); isang Gawad CCP para
sa Literatura na inihandog ng Cultural Center of the Philippines (1993);
isang Doctorate sa Humane Letters, honoris causa, mula sa University
of the Philippines (1991); ang Catholic Authors Award mula sa Asian
Catholic Publishers (1990), at angGawad Balagtas Life Achievement
Award para sa Fiction mula sa Unyon ng mga Manunulat sa Pilipinas
(Writers Union of the Philippines or UMPIL) noong 1998.
II.
 Tauhan

Antagonista:
Si Aling Rosa, dahil tutol sya sa pagmamahal ng dalawa. At siya
ay ina ni Amelita.

Protagonista:
Si Amelita ay isang dalagang ‘public school’ titser, bunso sa lima
na anak ni Aling Rosa. Umiibig kay Mauro. Nagpamalas ng
kakaibang katapangan sa pagpapahayag ng ibang desisyon sa
kabila ng ibang plano nanais ng ina para sa kanya. Ang
protagonista sa kuwento.

Si Mauro naman ay isa din ‘public school’ titser hindi man siya
mayaman pero minamahal parin siya ni Amelita. Mabait, at may
galang sa lahat ng tao. Siya ang inspirasyon ni Amelita noong
naging guro niya ito para pasukin ang mundo ng pagtuturo. Si
Mauro ay isang mabait na asawa at matulungin sa kapwa. Mas
priyoridad niya ang kanyang pamilya kaysa ibang bagay.
Protagonista sa kwento.

Mga ibang tauhan:


Si Mang Ambo ang asawa ni Aling Rosa. Maunawain na ama ni
Amelita na mas nakakaintindi kaysa sa kanyang ina.

Si Osmundo ay isang makisig na binata, nagmula sa isang


mayaman at respitadong pamilya. Umiibig sya kay Amelita ngunit
ayaw sa kanya ni Amelita dahil siya ay arogante at maka-mundo.

Aling Idad – Ang ina ni Mauro na bukas loob na tinanggap si


Amelita at itinuring para ring isang tunay na anak.

 Tagpuan
- Isang pamayanan sa kanayunan ng Pilipinas
 Simula
- Sa buhay ng mag-asawang Amelita at Mauro na kapwa pinili ang
propesyon ng pagtuturo. Nakapokus ang naratibo sa mariing di-
pagsangayon ni Aling Rosa, ang ina ni Amelita, sa pagsasamahan
ng dalawa. Sapagkat ang kanyang apat na anak ay nakapagtapos
sa kolehiyo ng may “titulo,” tutol si Aling Rosa sa pagkuha ng
kursong edukasyon ng kanyang bunso, dala na rin ng kaisipang
hindi titulong maituturing ang pagiging “titser”, bukod pa sa
kakarampot na sweldong nakukuha ng anak.
 Tungalian
- tao laban sa tao dahil nakapokus ang tunggalian sa may akda na
kung saan tutol ang ina ni Amelita sa pagmamahalan nila ni Mauro
at pati na din sa kursong pinili ni Amelita.
 Kasukdulan
- Tatawagin si Amelita upang kausapin ng mga magulang.
Magsisimula ang kumprontasyon sa pagitan ni Aling Rosa at ng
anak.
- Makikita rito na ipinipilit ng ina ang kanyang kagustuhan kahit na
napagpasyahan na ng anak ang nais gawin sa buhay. Na kung
saan pinipilit sya na magpakasal kay Osmondo, ngunit si Amelita
ay mayroong inibig na at ito ay si Mauro.
 Wakas
- Nagkaroon ng malubhang karamdaman si Aling Rosa. Hinanap
niya ang kanyang mga anak ngunit wala ni isa mang dumating
maliban kay Amelita na matiyagang nag-asikaso sa kanya.
Pawang gamot at padalang pera lamang ang ipinaabot ng apat na
anak. At doon natauhan ang matanda sa kanyang pagkakamali.

III.
 Teoryang Humanismo
- Ang pokus ng teoryang humanismo ay ang tao. Naniniwala ang
mga humanista na ang tao ang sukatan ng lahat ng bagay kung
kaya't mahalagang maipagkaloob sa kanya ang kalayaan sa
pagpapahayag ng saloobin at kalayaan sa pagpapasya. Gaya ng
ipinahahayag ni Protagoras, "Ang tao ang sentro ng daigdig, ang
sukatan ng lahat ng bagay at ang panginoon ng kanyang
kapalaran."

- Ninanais ng tao na sa kanyang pakikiraan sa daigdig na ito ay may


bakas siyang maiiwan upang ang kanyang buhay ay magkaroon
ng kabuluhan at malinaw na pagkilala sa isang di maikukubling
kasaysayan.
 Papatunay na ito ay teoryang humanismo
-“Subalit nabigo muli si Aling Rosa sapagkat iba ang iniibig ng
kanyang dalaga, at ito’y walang iba kung hindi si Mauro, isang ring
guro sa pampublikong paaralan.”
Napapaunlad ang teoryang humanismo dahil higit na mas pinili ni
Amelita ang pagiging guro at hindi niya inalintana ang kaniyang ina at
mas pinaninidigan niya ang kanyang mga desisyon na kung saan
magbibigay sa kanya ng kasiyahan.

 Simbolismo

- “Titulo” dagil ito ay sumisimbolo sa propeson na ating makikita sa


may akdang binasa

IV.
 Reflection
Ang kwentong ito ay isang Huamnismo sapagkat mas binibigyang diin
ng pangunahing tauhan na sundin ang desisyon niya para mas
mapaunlad pa ang kanyang sarili . Mas binibigyan pansin sa nobela g
ito ang kakayahan ng isang tao na mangatwiran at mas palaganapin
pa ang kanyang pagiging tao. At ang kwentong Titser ay nagbibigay
ng mensahi na dapat ay kung ano man ang mga desisyon na ating
gagawin sa ating sarili sisiguraduhin natin na ito ay makapagbibigay
saya sa atin kahit na maging maganda o masama man ang
kinalabasan nito. Gamitin natin ating mga likas na kakayahan at
talento upang mas mapaunlad pa ating mga sarili.
V.

Titser

(Ni Liwayway Arceo)

Ang nobelang Titser ni Liwayway Arceo ay sumesentro sa buhay ng mag-asawang


Amelita at Mauro na kapwa pinili ang propesyon ng pagtuturo. Nakapokus ang naratibo
sa mariing di-pagsangayon ni Aling Rosa, ang ina ni Amelita, sa pagsasamahan ng
dalawa. Sapagkat ang kanyang apat na anak ay nakapagtapos sa kolehiyo ng may
“titulo,” tutol si Aling Rosa sa pagkuha ng kursong edukasyon ng kanyang bunso, dala
na rin ng kaisipang hindi titulong maituturing ang pagiging “titser”, bukod pa sa
kakarampot na sweldong nakukuha ng anak. Gayunpaman, nakahanap ng pag-asa si
Aling Rosa sa katauhan ni Osmundo, isang binata mula sa pamilya ng mga haciendero
na sumusuyo kay Amelita. Subalit nabigo muli si Aling Rosa sapagkat iba ang iniibig ng
kanyang dalaga, at ito’y walang iba kung hindi si Mauro, isang ring guro sa
pampublikong paaralan.

Nang malaman na ipapakasal siya ni Aling Rosa sa binatang si Osmundo, agad na


nagkipagisang dibdib si Amelita kay Mauro. Dahil sa pagkabigo, at dahil na rin sa poot
sa bunsong anak, umalis si Aling Rosa sa probinsya at nagbakasyon sa mga anak na
nasa Maynila. Bagamat doon ay hindi siya inaaasikaso ng mga anak, labis pa rin ang
kanyang kaligayahan dahil sa asensong tinatamasa ng mga ito, at ikinakatwiran na
lamang sa sarili na talagang abala ang mga taong mauunlad ang buhay. Samantala, sa
probinsya, nagdesisyon rin ang binatang si Osmundo na umalis na sa nayon at
magtungo sa Estados Unidos. Ngunit bago mangyari ito ay gumawa siya ng maitim na
plano laban sa mga bagong kasal. Inutusan niya ang isa sa mga katiwala na patayin si
Mauro. Subalit wala sa kaalaman ni Osmundo na hindi ito ginawa ng kanyang inutusan
sapagkat ang anak nito ay minsan ring pinagmalasakitan ng gurong si Mauro

Nasa ikapitong buwan pa lamang ng pagdadalantao si Amelita nang ipinanganak ang


kanilang anak na si Rosalida. Dahil kulang sa buwan ang bata ay kailangan nitong
manatili sa ospital. Nalaman ito ni Aling Rosa at agad na binisita ang anak, sa kabila ng
hinanakit. Kahit ganito ang sitwasyon, hindi pa rin tumitigil ang ina ni Amelita sa
pagsasaring ukol sa mahirap na pamumuhay ng mag-asawa. Ipinamumukha pa rin niya
ang matinding pagtutol sa manugang na si Mauro.

Lumipas ang ilang taon. Lumaki si Rosalida na isang mabait at matalinong bata. Isang
araw ay nagbalik si Osmundo sa probinsya, at nagkaroon ng malaking pagdiriwang
para sa kanyang pagdating. Doon muling nagkatagpo sina Mauro at Osmundo, subalit
kinalimutan na ng dalawa ang nakaraan. Taliwas naman dito ang nadaramang
pangamba ni Amelita sa pagbabalik ng masugid na panliligaw. Nararamdaman nitong
may plano itong masama laban sa kanyang pamilya.
Hindi pa rin nawawala ang pag-ibig ni Osmundo kay Amelita, kahit na may asawa’t
anak pa ito. Nagkaroon ng pagkakataong makilala niya si Rosalida, at naging magaan
ang loob nito sa bata. Isang araw ay naisipang ipasyal ni Osmundo si Rosalida sa
kanyang hasyenda. Wala ito sa kaalaman nina Mauro at Amelita, at labis na nag-alala
ang mag-asawa. Buong akala nila’y si Rosalida ang paghihigantihan ni Osmundo ngunit
di naglaon ay nagbalik rin ang bata, ipinagmamalaki pa ang kabaitang ginawa ni
Osmundo. Di nagtagal, napagkuro na rin ni Osmundo na tuluyan ng tumira sa ibang
bansa at kalimutan ang minamahal na si Amelita.

Nagkaroon ng malubhang karamdaman si Aling Rosa. Hinanap niya ang kanyang mga
anak ngunit wala ni isa mang dumating maliban kay Amelita na matiyagang nag-
asikaso sa kanya. Pawang gamot at padalang pera lamang ang ipinaabot ng apat na
anak. At doon natauhan ang matanda sa kanyang pagkakamali.

You might also like