You are on page 1of 4

IKAAPAT NA MARKAHAN UNANG ARALIN GRADE 6

PAGLALARAWAN SA SABJEK

Ito ay naghahangad na ihanda ang mga mag-aaral na maging lohikal at kritikal sa


pagsusuri sa wika bilang instrumento sa pagpapalawak ng kaalaman at pagpapaunlad ng mga
natutuhan. Pinapaloob din sa mga mag-aaral ang wastong kasanayan at kaisipan sa mga
mahahalagang konsepto at paraan sa mabisang pagtuturo sa Wikang Filipino.

PAGLALARAWAN SA PAKSA

Ito ay naglalayong makadudulot ng magandang bagay sa mga mag-aaral hinggil sa hilig


at interes nito, maraming bentahe na makukuha rito. Ito ay ang tuwid na instrumento upang
makuha at makilala ng lubusan ang mga ideya, kaipisan at damdamin ng isang tao sa mga
sagisag o titik na nakalimbag sa mga pahina upang mabigkas ito sa pamamagitan ng pagsasalita.
Mahalaga ang ang pagbasa sa buhay ng bawat mag-aaral sapagkat ito ang nagsisilbing
pangunahing kasangkapan sa pagtuklas ng karunungan at kasiyahan.

MGA LAYUNIN

1. Nakikilala ang mga paraan sa pagbasa.


2. Natatalakay ang iba’t ibang paraan ng pagbasa at ang mga estratehiya.
3. Nakapagdidisenyo ng informative poster na nagbabahagi ng natutunansa kwentong
binasa sa pamamagitan ng Canva.

PALAWAKIN NATIN

 Pagbasa

Ang pagbabasa ay isang proseso ng pagtanggap at pag-interpreta ng mga impormasyong


nakakoda sa anyo ng wika sa pamamagitan ng limbag na midyum. Ito din ay isang proseso sa
pag-unawa sa mga mensaheng nais ibahagi ng may akda sa babasa ng kanyang isinulat.

 Layunin ng pagbasa

Bawat isa sa atin ay may kani-kaniyang layunin kung bakit nagbabasa. Sa pangkalahatan,
nagbabasa tayo upang makakuha ng mga impormasyon, mapalawak ang ating mga kaalaman, at
mag-aliw.

 Kahalagahan ng pagbasa

1. Nakapagpapalawak ng pananaw at paniniwala sa buhay.

2. Nakapagpapatatag sa tao na harapin ang mga di-inaasahang suliranin sa pang araw-araw.

3. Nakapagpapataas ng uri ng panlasa sa mga babasahin.

4. Nagbibigay ng impormasyon na nagiging daan sa kabatiran at karununggan.

 Mga Teknik ng pagbasa

1. Iskaning- Mabilis na Teknik ito ng pagbasa na ang pokus ng mambabasa ay makuha


lamang ang mga espesipikong impormasyon.

2. Iskiming- Gaya ng iskaning, ang iskiming ay mabilis na teknik din ng pagbasa, subalit
pangkalahatang impormasyon naman ang ating hinahanap.

1|Page/ MICHAEL NEGROS


IKAAPAT NA MARKAHAN UNANG ARALIN GRADE 6

3. Kaswal- Ang teknik na ito ay tinatayang pang – ubos oras lamang ng pagbasa. Sa
madaling sabi, wala kang tiyak na layunin at intensyon kaugnay sa iyong binabasa.

4. Komprehensibo- Tumutukoy sa pagkuha ng lahat ng detalye maging ito man ay maliit o


malalaking detalye.

 Mga estratehiya sa pagtuturo ng pagbasa

1. Paghahanda- Pagpili ng teksto, pag-uugnay sa karanasan, paghahawan ng mga balakid at


pagbibigay ng layon sa pagbasa

2. Pagbasang pabigkas- Pinatnubayang pagbasa at pag-iisip at malayang pagbasa.

3. Pagtugon- Pagsulat sa mga log at pagtatalakayan.

4. Pagpapalawak- Muling pagbasa upang gumawa ng pag-uugnay, palalimin ang


interpretasyon at suriin ang kahusayan ng awtor.

5. Ekstensyon- Pagbubuo ng mga proyektong tulad ng drama, pagguhit, paglikha ng awit


bilang pagpapalalim ng interpretasyon.

SUBUKIN PA NATIN

PANUTO: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag. Piliin at isulat sa inyong
sagutan papel ang letra na inyong sagot.

1. Ito ay isang proseso ng aktibong pakikipag-ugnayan o interaskyon sa nakalimbag na mga


titik.
a. Pagbabasa
b. Paglalaro
c. Pagsasagot
d. Pagsusulat

2. Ito ay isang mabilis na Teknik ng pagbasa na pokus ng mga mambabasa ay makuha


lamang ang mga espesipikong impormasyon.

a. Iskaning
b. Iskiming
c. Kaswal
d. Komprehensibo

3. Ito ay teknik na tinatanyang pang-ubos oras lamang ng pagbasa.


a. Kaswal
b. Muling basa
c. Pribyuwing
d. Replektib

4. Ito ay ang pagsulat sa log at pagtatalakayan ang ginagawa para magawa ang istratehiyang
ito.
a. Ekstensyon

2|Page/ MICHAEL NEGROS


IKAAPAT NA MARKAHAN UNANG ARALIN GRADE 6

b. Paghahanda
c. Pagpapalawak
d. Pagtugon

5. Ito ay ang pagpili ng teksto, pang-uugnay sa karanasan at pagbibigay ng layon ang


ginagawa para magawa ang instratehiyang ito.
a. Pagbasa
b. Paghahanda
c. Pagpapalawak
d. Pagtugon

MADALI LANG `YAN

PANUTO: Basahin at unawain ang kwento ni Fanny Garcia na “Isang daang damit” at gumawa
ng Informative Poster sa pamamagitan ng Canva.com, ang nilalaman dapat ng poster ay ang mga
natutunan mo sa kwento at ilalagay rin ang iba’t ibang estratehiya at teknik ng pagbasa na iyong
natutuhan sa talakayan. (10pts)

ISANG DAANG DAMIT ni FANNY GARCIA

May isang batang babaeng mahirap. Nag-aaral siya at kapansin-pansin ang kanyang
pagiging walang imik sa klase at madalas nanakaupo lamang siya sa isang sulok. Siya ay
madalas na tinutukso ngkanyang mga kaklase sapagkat pabalik-balik lamang ang kanyang
damitat kung oras na ng kainan ay nakikita nilang ang kanyang baon aykapiraso lamang ng
tinapay na madalas pang walang palaman.Sa tuwing siya ay umuuwi sa kanilang bahay ay
sinasabi niya sakanyang ina ang kanyang dinaranas. Totoong naawa ang kanyang ina sakanyang
kalagayan. Sinasabi na lamang nito sa batang babae na ibibilina lamang siya ng bagong damit at
masarap na baon kung makakakuhana ng trabaho ang kanyang ama.Dumating ang araw na
naintindihan na niya ang kalagayan ngkanilang pamilya. Hindi na niya sinasabi sa kanyang ina
ang kanyangnararanasang panunukso mula sa kanyang mga kaklase at natuto nasiyang sarilinin
ang kanyang nararamdaman.Isang araw ay hindi na nagtiis ng bata ang panunukso ng
kanyangmga kaklase at natuto na siyang lumaban. Sinabi niya sa kanila na siyaay may sandaang
damit sa kanilang bahay. Hindi naniwala ang kanyangmga kaklase. Upang mapaniwala sila,
inisa-isa niya ang mga disenyo ngbawat damit niya at dahil ditto ay naniwala na sila sa
kanya.Dulot nito, natanggap na siya ng kanyang mga kaklase. Nagingkaibigan na siya ng mga
ito. Naging palasalita na siya at hindi na siyamahiyain. Minsan nga ay binabahagian pa siya ng
mga ito ng kanilangmasarap na baon.Subalit, isang araw ay hindi nagawang pumasok sa klase
ngbatang babae. Nang lumipas ang isang lingo ng kanyang pagliban aynagpasiya ang kanyang
mga kaklase na dalawin siya sa kanilang bahay.Nang nakarating sila ay nadatnan nila ang isang
paytat na babae atnakita nila ang isang bahay na tagpi-tagpi lamang, luma at salat sa marangyang
kagamitan. Sa isang sulok ay natagpuan nila ang batangbabae na nakahiga at may sakit pala.Sa
tabi ng papag ay nakita nila ang napakaraming papel nanakapaskil sa dingding. Nakita nila ang
mga larawang tulad ng binanggitng batang babae. Totoong naroroon ang sandaang damit na ni
minsan ayhindi pa nila nasilayan. Sandaang damit na pawang drawing lamang.

RUBRIKS:

Napakahusay Naipapakita at naipapaliwanag nang maayos ang ugnayan ng


(8-10) lahat ng konsepto sa ginawang poster.
Mahusay Naipapakita at naipapaliwanag nang maayos ang ugnayan sa
(6-7) ginawang poster na may 1-3 pagkakamali sa gramatika at
konseptong nilagay.
Di-gaanong Mahusay Naipapakita at naipapaliwanag ang ugnayan sa ginawang poster
(4-5) na may 4-6 pagkakamali sa gramatika at konseptong nilagay.

3|Page/ MICHAEL NEGROS


IKAAPAT NA MARKAHAN UNANG ARALIN GRADE 6

Nangangailangan ng tulong Naipapakita ang ugnayan sa ginawang poster na may mahigit 7


(0-3) pagkakamali sa gramatika at konseptong nilagay.

4|Page/ MICHAEL NEGROS

You might also like