You are on page 1of 7

DE LA SALLE JOHN BOSCO COLLEGE

Mangagoy, Bislig City


COLLEGE OF BUSINESS MANAGEMENT

Bilang ng Modyul 5
Diskripyon ng Filipino Bilang Larangan at Filipino sa Iba`t Ibang Larangan
Modyul
Bilang ng Oras APAT NA ORAS
Linggo 5
Petsa September 14-18,2020

Paksa:
1. Pagsulat
Kahulugan
Katangin
Kahalagahan
Layunin:
1. Natutukoy ang kahulugan ng pagsulat
2. Nakakagawa ng isang sanaysay batay sa pagsulat

Introduksyon

Sa kursong komposisyon o malikhaing pagsulat,kalimitang mga ideya at


personal na karanasan ang isinusulat ng mga estudyante.Subalit sa ibang
kurso,madalas na nagbibigay ang mga estudyante ng mga reaksyon sa sinulat
ng iba.Halimbawa nito ay ang mga takdang aralin sa kasaysayan gaya ng
pagtalakay sa dokumentong pangkasaysayan o di naman kaya ang pagsulat ng
book report;sa mga klaseng sosyolohika naman,pwdeng kang magkumpara ng
dalawang artikulo mula sa mga dyornal na pampropesyonal. Dahil sa pagsusulat,napapanatiling buhay
ang kultura at hindi nababaon sa limot ang kasaysayan ng isang bansa.Ang nasulat na tala ay mababasa
ng salinlahi kaya`t malalaman nila ang pinagdaanan ng kanilang bansa.
TALAKAYAN

Pagsulat
Ang pagsulat ay pagsasalin sa papel o sa anumang kasangkapang maaaring magamit na
mapagsasalinan ng mga nabuong salita, simbolo at ilustrasyon ng isang tao o mga tao sa layuning
maipahayag ang nasa kanyang kaisipan (Sauco, et al., 1998).
Ang pag-iisip at pagsusulat ay kakambal ng utak,gayundin naman,ang kalidad ng pagsulat
matatamo kung walang kalidad.( Kellog)
Ang pagsulat ang bumubuhay at humuhubog sa kaganapan ng ating ng ating pagiging tao.
( William Strunk)

ELMER A.TARIPE
Instructor
DE LA SALLE JOHN BOSCO COLLEGE
Mangagoy, Bislig City
COLLEGE OF BUSINESS MANAGEMENT

Kahalagahan ng Pagsulat

1. Kahalagahang Panterapyutika
Ang taong may kahinaan sa pagsasalita ay mahilig sumulat para
mailabas lamang ang nasa kalooban may babasa man o wala. Gumagaan ang
kanilang pakiramdam pagkatapos makapagsulat. Para bang naibsan sila ng
isang mabigat na dalahin.

2. Kahalagahang Pansosyal
Sumusulat ang mga tao dahil may namamagitang katahimikan o mga bagay na siyang nagpapalayo
sa isang relasyon ngunit likas ng tao ang magkarelasyon. Kung nasasaktan ka at hindi mo masasabi nang
tuwiran ang iyong nadarama, isulat mo lang iyon. Madali ang ugnayan sa pamamagitan ng pagsulat. Ang
isang mamamayang sosyal ay sandatang panulat ang ginagamit para maipadama ang kanyang saloobin
tungkol sa mga pangyayari sa kanyang kapaligiran.

3. Kahalagahang Pang-ekonomiya
Ang tao’y sumusulat dahil kailangan para siya’y mabuhay, sa madaling salita ito’y nagiging
kanyang hanapbuhay. Pang-araw-araw na gawain niya ang pagsusulat at ang paghahanap ng mga
dapat isulat, lalo na kapag may hinahabol na deadline.

4. Kahalagahang Pangkasaysayan
Ang panulat ay mahalaga sa pagreserba ng ating kasaysayang pambansa at ang mga naisasatitik ay
nagsisilbing dokumento para sa mga sumusunod na henerasyon.

Katangian ng Pagsulat

1. Pormal
Ang mga ganitong uri ng sulatin ay pormal at hindi ginagamitan ng
mga impormal o balbal na pananalita. Maliban na lamang kung ang
naturang uri ng pananalita ay bahagi ng isang pag-aaral.
2. Obhetibo
Ang layunin ng akademikong pagsulat ay pataasin ang antas ng
kaalaman ng mga mag-aaral sa pagbasa at pagsulat sa iba’t
ibang disiplina o larang. Binibigyang-diin dito ang
impormasyong gustong ibigay at ang argumento sa mga ideya
na sumusuporta sa paksa (Alejo et al 2005).

ELMER A.TARIPE
Instructor
DE LA SALLE JOHN BOSCO COLLEGE
Mangagoy, Bislig City
COLLEGE OF BUSINESS MANAGEMENT

3. May Paninindigan
Ang akademikong pagsulat ay kailangang may paninindigan sapagkat ang nilalaman nito ay pag-
aaral o mahalagang impormasyon na dapat idinudulog at dinepensahan, ipinalillwanag at
binibigyang-katwiran ang mahahalagang layunin, at inilalahad ang kahalagahan ng pag-aaral.
Mahalaga rin ang paninindigan dahil ang mismong daloy ng mga pangungusap, pangangatwiran, at
layunin ay depende sa isinasaad ng paninindigan ng manunulat.
4. May Pananagutan
Mahalagang matutuhan ang pagkilala sa mga sangguniang pinaghanguan ng mga impormasyon.
Ang pangongopya ng impormasyon o ideya ng ibang manunulat o plagiarism ay isang kasalanang
may takdang kaparusahan sa ilalim ng ating batas.
5. May Kalinawan
Ang sulating akademiko ay may paninindigang sinusundan upang patunguhan kung kaya dapat na
maging malinaw ang pagsulat ng mga impormasyon at ang pagpapahayag sa pagsulat ay direktibo
at sistematiko.

Proseso ng Pagsulat
1. Prewriting/ Paksa
Lahat ng pagpaplanong aktibiti,pangangalap ng impormasyon,pag-
iisip ng mga ideya,pagtukoy ng istratehiya ng pagsulat at pag-
oorganisa ng mga materyales bago sumusulat ng burador ay
nakapaloob sa yugtong ito.
2. Unang Burador
Ang iyong ideya ay kailangan maisalin sa bersyong preliminari ng
iyong dokumento na maari mong irebyas nang paulit-ulit depende
kung gaano mo kinakailangan.
3. Revising
Ito ay proseso ng pagbabasang muli sa burador nang makailang ulit para sa layuning pagpapabuti
at paghubog ng dokumento.Maaaring sinusuri ng isang manunulat dito ang istraktura at lohikal ng
presentasyon.Maaring rin magbawas o nagdaragdag ng mga ideya at pinapalitan ang mga ideya.
4. Editing
Ito ang pagwawasto ng mga posibleng pagkakamali sa pagpili ng mga salita,ispeling,gramar,gamit
at pagbabantas.
5. Pinal na Anyo
Ito ay walang ng mali at maaring ng ilimbag.Binibigyang na atensyon ang kalinisan , tamang
palugit sa mga talataan at tamang pagma-margin.

ELMER A.TARIPE
Instructor
DE LA SALLE JOHN BOSCO COLLEGE
Mangagoy, Bislig City
COLLEGE OF BUSINESS MANAGEMENT

Mga Bahagi ng Teksto

Ang isang teksto o sulatin ay binubuo ng tatlong pangunahing bahagi: (A) introduksiyon o
panimula, (B) gitna o katawan, at (C) wakas o kongklusyon.

1. Introduksiyon

Ang introduksiyon ang pinakamukha ng sulatin. Kailangan itong maging kaakit-akit upang
maganyak ang mambabasang basahin ang buong katha. Ito ay maaaring pangungusap o talata. Ito ay
dapat ibagay sa haba ng katha. Ito’y dapat maging malinaw, maintindihan, makaapekto at mabisa dahil
maaasahan ang atensyong ibibigay ng mambabasa.

Mahalaga ang pagsisimula sa pagsulat ng makabuluhang komposisyon. Nakasalalay dito ang


pagtatagumpay ng isang sumusulat ng komposisyon na maakay ang kanyang mambabasa upang tuluyang
basahin ang akda. Ang haba ay ibagay sa haba ng komposisyon. Kung maikli lamang ang komposisyon,
ang isang talataan o maging isang pangungusap ay sapat nang introduksiyon.

2. Katawan
Sa pagsulat ng bahaging ito,matatagpuan ang wastong paglalahad ng mga detalye at
kaisipang nais ipahayag sa akda.Mahalagang magkaroon ng ugnayan at kaisahan ang mga
kaisipiang ipinahahayag upang hindi mailto ang mambabasa dahil ito ang pinakamalaking bahagi
ng teksto.
Tatlong hakbang para maisagawa ang panggitnang bahagi ng sulatin.
a. Pagpili ng organisasyon
b. Pagbabalangkas ng nilalaman
c. Paghahanda sa trasisyon ng talataan

3. Wakas
Dapat isaalang-alang ng manunulat ang pagsulat ng bahaging ito upang makapag-iwan ng isang
kakintalan sa isip ng mambabasa na maaaring buod sa paksang tinalakay o mag-iwan ng isang
makabuluhang pag-iisip at repleksisyon.

Kailangan at mahalaga ang pagsulat sa isang komunikasyon.Hindi lamang sa pagsasalita


naipapahiwatig ng isang tao ang kanyang saloobin at mga bagay na nais niyang ipabatid kundi sa
pamamagitan din ng pagsulat.Lalawak an gating kaalaman sa tulong ng mga nakasulat ng mga
impormasyon at kaalamang makukuha natin sa aklat at iba`t ibang pang uri ng mga babasahin.Walang
pagsulong sa daigdig kung hindi natutung sumulat ang tao.Ang mga natuklasan ng syensya ay hindi

ELMER A.TARIPE
Instructor
DE LA SALLE JOHN BOSCO COLLEGE
Mangagoy, Bislig City
COLLEGE OF BUSINESS MANAGEMENT

nawala sapagkat nakatala.Patuloy na sumasabay ang tao sa pag-inog at pagsulong ng mundo sa


pamamagitan ng pagsulat.

Mga Gawain

Pagtiyak sa Kaalaman
Ilahad ang mga hakbang sa pagsulat at mga bahagi ng teksto.Pagkatapos,ipaliwanag ang mahalagang
ugnayan nito bilang proseso ng pagbuo ng isang komposisyon.

Mga Proseso ng Pagsulat Mga Bahagi ng Teksto

Mahalagang Ugnayan

ELMER A.TARIPE
Instructor
DE LA SALLE JOHN BOSCO COLLEGE
Mangagoy, Bislig City
COLLEGE OF BUSINESS MANAGEMENT

Pagpapahalaga

Gawain: Nakakasulat ng isang sanaysay.

Pumili ng isang pinakamasayang pangyayari sa inyong buhay ngayon taon.Sumulat ng maikling


sanaysay hinggil ditto.Sundin ang tinalakay na proseso ng pagsulat at bahagi ng isang teksto.
Sa pagsusulat ng isang sanaysay kailangang masunod ang bahagi ng teksto.

_________________________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________.

Rubrik sa pagtatasa ng isinulat na mga pahayag

Mayaman sa nasaliksik na impormasyon 20%


Malinaw ang pagtatalakay at paghahanay ng mga kaisipan 15%
Tama ang gamit ng bantas,baybay at kapitalisasyon 10%
Nakawiwiling basahin 5%
________________________
Kabuuan 50 %

41-50-Lubhang kasi-siya ang husay sa pagsulat


31-40-Kasi-siya ang husay sa pagsulat
16-30-Katamtaman ang husay sa pagsulat
0-15-Kailangan pang pagbutihin

Mga Sanggunian

Zafico,Marvin,M.et.al,Kontekswalisadong Komunikasyon sa Filipino,Jimczyville Publications,Malabon


City,2016
Maranan,H.Mario,Kontekswalisadong Komunikasyon sa Filipino,Mindshapers
Co.Inc,Intramuros,Manila,2018

ELMER A.TARIPE
Instructor
DE LA SALLE JOHN BOSCO COLLEGE
Mangagoy, Bislig City
COLLEGE OF BUSINESS MANAGEMENT

ELMER A.TARIPE
Instructor

You might also like