You are on page 1of 6

DE LA SALLE JOHN BOSCO COLLEGE

Mangagoy, Bislig City


COLLEGE OF COMPUTER STUDIES

Bilang ng Modyul 3
Diskripyon ng Pagpoproseso ng Impormasyon para sa Komunikasyon
Modyul
Bilang ng Oras APAT NA ORAS
Linggo 3
Petsa Sept 7-11,2020

Paksa:
1. Pagpili ng Batis( Sources) ng Impormasyon
2. Pagbabasa at Pananaliksik ng Impormasyon
Layunin:
1. Natukoy ang mga mapagkakatiwalaan ,makabuluhan at kapaki-pakinabang na sanggunian
ng pananaliksik.
2. Napalalim ang pagpapahalaga sa sariling paraan ng pagpapahayag ng mga Pilipino sa iba`t
ibang antas at larangan.

Introduksyon

Maituturing na komplikadong gawain ang pagpili ng angkop na


babasahin.Sa mga seminar-workshop ukol sa pagbasa ,karaniwan na ang
pagpapalitan ng kuro-kuro tungkol sa mga gamit na kraytirya sa pagpili ng
artikulo.Iilan sa mga kraytirya ay makikita sa kanilang talaan at iyo`y isang
magandang palatandaan para sa mga magandang pagbuo ng pananaliksik(
Adriano.et al.,2008)

TALAKAYAN

Pagpili ng Batis (Sources) ng Impormasyon

Bibliyograpiya
Isang listahan ng mga gamit na sanggunian sa pagsasaliksik.Ito`y nahahanay ayon sa kronolohikal
na pagkakasunod-sunod batay sa apelyido ng mga awtor( Abueg,et.al.2012)

ELMER A.TARIPE
Instructor
DE LA SALLE JOHN BOSCO COLLEGE
Mangagoy, Bislig City
COLLEGE OF COMPUTER STUDIES

Mga ilang Batis


Aklat
Cassette Tape
Pahayagan
Dokumento ng pamahalaan
Artikulo
Internet entry
Pananaliksik

Mga paghanguan ng Impormasyon

Ang Journal Online ay libreng online service na naglalaman ng mga journal sa U.P.Diliman na ang
Daluyan at Lagda.

DALUYAN
Isang Journal ng Wikang Filipino ay isang pambansang refereed journal na inilalathala kada taon.
Ang Daluyan ay monolingguwal sa Filipino at may layuning paunlarin ang pag-aaral at pananaliksik
tungkol sa wika, panitikan at kulturang Filipino at pagyamanin ang diskurso sa iba’t ibang disiplina sa
wikang Filipino. Bahagi ng programang Filipino bilang wika ng saliksik, ang Daluyan ay espasyo para sa
tuloy-tuloy na intelektuwalisasyon ng wikang Filipino.

Nagsimula bilang newsletter ng Sentro ng Wikang Filipino ng Sistemang UP sa mga unang taon
nito, 1995 nang baguhin ang anyo ng Daluyan mula 8.5 x 11 inches tungong 5.75 x 8.75 inches at tinawag
itong Daluyan: Journal ng SWF sa mga Talakayang Pangwika na inilalathala dalawang beses isang taon. Sa
unang isyu nito itinampok ang mga artikulo kaugnay ng gawaing pagsasalin.

Taong 2004 naging refereed journal ang Daluyan. Binago ang anyo kasabay ang mga mahalagang
pagbabago sa Journal. Pinararaan sa mahigpit na proseso ng pagre-referee ang lahat ng artikulo na
magiging bahagi ng Daluyan.

Taong 2012, sinimulan ng Daluyan ang paglipat mula print tungo sa online open access para sa
pag-abot sa mas malawak na mambabasa. At taong 2013, naging kabilang na ito sa accredited journal ng
Commission on Higher Education. Ginawa ring anwal ang paglalathala ng Daluyan sa taong ito.

ELMER A.TARIPE
Instructor
DE LA SALLE JOHN BOSCO COLLEGE
Mangagoy, Bislig City
COLLEGE OF COMPUTER STUDIES

Daloy
Isang journal na pangwika at pampanitikan ng Departamento ng mga Wika ng Pilipinas sa
Pamantasang De La Salle na taunang nililimbag.

HASAAN

Isang interdisplinaryong referred journal sa Filipino ng Unibersidad ng Santo Tomas na taunang


nililimbag

LAYAG
Isang opisyal na journal ng Departemento ng Sikolohiya ng Pamantasan ng De La Salle.
MALAY
Isang referred journal na multi-displinaryo sa Filipino-Pamanatasan ng De La Salle.

Pagbabasa at Pananaliksik ng Impormasyon

Mahabang panahon ang iginugol sa pananaliksik.Sa paghahanap ng


impormasyon sa mga paksang napili,tiniyak ito kung nakasasapat bas a
pangangailangan ng hinahanap sa pag-aaral.Gayundin,ang pagtatala at
organisasyon ng mga nabasang impormasyon sa pananaliksik.

Ilan sa mga mabisang tip sa pagtatala ng impormasyon ay ang mga sumusunod:


1. Isulat ang lahat ng impormasyong iyong kinakailangan at sipiin ang mga ito sa oras na makita
agad.Huwag maging ugali ang kapag nakikita ng isang impormasyon ay lalagpasan ito at sasabihin
sa sariling “babalikan lamang”.
2. Sumulat nang maayos upang mabasa.
3. Magdadaglat kung kinakailangan upang makatipid sa oras ngunit tiyaking mauunawaan ang mga
ito sa muling pagbasa.
4. Tiyaking buo ang mga impormasyon upang hindi magkaproblema sa pagsulat ng mga talababa at
bibliyograpiya.
5. Gawaing eksakto ang mga impormasyon upang madaling makakuha ng mga sipi o lagom na
magagamit sa konklusyon.
6. Sinupin ang iyong mga impormasyon.Magpokus lamang sa mga pangunahing ideya sa halip na
mga walang kabuluhang detalye.

ELMER A.TARIPE
Instructor
DE LA SALLE JOHN BOSCO COLLEGE
Mangagoy, Bislig City
COLLEGE OF COMPUTER STUDIES

7. Organisahin ang mga tala upang hindi malayo sa balangkas.


Ayon naman kina Cancino ,et al.(2012) , may ilang pamantayan sa paghahanap ng mga datos na
kinakailangan sa pananaliksik.

1. Sikaping makabago at napapanahon ang mga sangguniang gagamitin sa pananaliksik.


2. Dapat na may kaugnayan sa isasagawang pananaliksik ang mga kukuning sanggunian.
3. Kailangang may sapat na bilang ng mga sanggunian na makatutugon sa paksang pag-aaralan.

Mga Gawain

Pagtiyak sa Kaalaman

Gawain Blg.1: Bigyang kahulugan ang mga sumusunod na makabuluhang salita.

Pananaliksik

_________________________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________.

Gawain Blg.2.Talakayin ang gamit at halaga ng mga sumusunod na batis( sources) sa pangangalap
ng datos.

1. Aklat
Gamit :
Halaga :

2. Cassette Tape
Gamit :
Halaga :

ELMER A.TARIPE
Instructor
DE LA SALLE JOHN BOSCO COLLEGE
Mangagoy, Bislig City
COLLEGE OF COMPUTER STUDIES

Pagpapahalaga

Sagutin ang mga sumusunod na katanungan at pangatuwiran.Ilagay ang sagot sa kasunod na


patlang.

A. Ano ang dapat mga tandaan sa pagsulat ng bibliyograpiya?

_________________________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________________________

Pagsusuri

Pumili ng isang pag-aaral o artikulo at basahin.Gumawa ng sariling reaksyong papel at


lagyan ng bibliyograpiya.Isulat sa sagutang Papel

_________________________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________.

Rubrik sa pagtatasa ng isinulat na mga pahayag

Mayaman sa nasaliksik na impormasyon 20%


Malinaw ang pagtatalakay at paghahanay ng mga kaisipan 15%
Tama ang gamit ng bantas,baybay at kapitalisasyon 10%
Nakawiwiling basahin 5%
________________________
Kabuuan 50 %

41-50-Lubhang kasi-siya ang husay sa pagsulat


31-40-Kasi-siya ang husay sa pagsulat
16-30-Katamtaman ang husay sa pagsulat
0-15-Kailangan pang pagbutihin

ELMER A.TARIPE
Instructor
DE LA SALLE JOHN BOSCO COLLEGE
Mangagoy, Bislig City
COLLEGE OF COMPUTER STUDIES

Mga Sanggunian

Zafico,Marvin,M.et.al,Kontekswalisadong Komunikasyon sa Filipino,Jimczyville Publications,Malabon


City,2016
Maranan,H.Mario,Kontekswalisadong Komunikasyon sa Filipino,Mindshapers
Co.Inc,Intramuros,Manila,2018

ELMER A.TARIPE
Instructor

You might also like