You are on page 1of 16

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VI – Western Visayas
Schools Division of Passi City
PASSI NATIONAL HIGH SCHOOL
Senior High School Program
Passi City, Iloilo

SELF LEARNING MODULE FOR SENIOR HIGH SCHOOL LEARNERS

Grade Level: Grade 11

Core Subject: Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t IBang Teksto Tungo sa


Pananaliksik

Semester: Second Semester

LEARNING COMPETENCY:
Kwarter 4, Modyul 6 – Pagsasaayos ng Dokumentasyon at Pagbuo ng Pinal
na Draft

(Pagkatapos ng araling ito, inaasahang maisasagawa ng mga mag-aaral ang


sumusunod:

1. Naiisa-isa ang mga paraan at tamang proseso ng pagsulat ng isang pananaliksik sa


Filipino batay sa layunin, gamit, metodo, at etika ng pananaliksik. (F11PU – IVef – 91)

1.1 Natutukoy ang layunin, metodo at paraan sa pagsasaayos ng pinal na


dokumentasyon
1.2 Nagagamit ang estilong APA Format sa pagdudukumentasyon at sa pagbuo
ng pinal na draft
2. Nakabubuo ng isang maikling pananaliksik na napapanahon ang paksa (F11EP – IVij
– 38)
2.1 Nakasusunod sa pamantayan ng pagsulat ng masinop na pananaliksik.

1
Modyul 6 – Pagsasaayos ng Dokumentasyon at Pagbuo ng Pinal
na Draft

Baitang : 11 Markahan : Ikaapat na Markahan

Panahong Igugugol: Ikaanim na Linggo

Alamin

Pagkatapos ng araling ito, inaasahang maisasagawa ng mga mag-aaral ang


sumusunod:

1. Naiisa-isa ang mga paraan at tamang proseso ng pagsulat ng isang


pananaliksik sa Filipino batay sa layunin, gamit, metodo, at etika ng
pananaliksik. (F11PU – IVef – 91)

1.1 Natutukoy ang layunin, metodo at paraan sa pagsasaayos ng


pinal na dokumentasyon
1.2 Nagagamit ang estilong APA Format sa pagdudukumentasyon at
sa pagbuo ng pinal na draft

2. Nakabubuo ng isang maikling pananaliksik na napapanahon ang paksa


(F11EP – IVij – 38)
2.1 Nakasusunod sa pamantayan ng pagsulat ng masinop na
pananaliksik.

2
Subukin
u

3
Tuklasin

4
Suriin

ARALIN 1 - PAGSASAAYOS NG DOKUMENTASYON

Sa pangkalahatang terminolohiya, ang dokumentasyon ay


pangangalap at pagsasaayos ng mga materyal tulad ng mga teksto, bidyu,
aklat, magasin at iba pang ginamit sa isang akademikong sulatin
(Bernardino, et al., 2016).

Ayon sa AMA Online Education (2020), mahalaga ang pagsasagawa


ng dokumentasyon at may ilan itong tungkuling ginagampanan sa isang
pananaliksik:
• Ito ay nagbibigay ng kredibilidad sa mga datos o impormasyon na
nakalap ng mananaliksik;
• Ito ang nagbibigay ng kapani-paniwalang impresyon sa isang
pananaliksik lalo kung binabanggit dito ang mga awtor na pinaghanguan
ng mga datos,
• Ito ay ang nagsisilbing ebidensya o patunay na balido ang mga nailatag
na impormasyon sa isang pananaliksik
• Nakatutulong ang dokumentasyon upang makita ang partikular na
sanggunian upang maiwan ang plagiarism o plahiyo.

In-text Citation

Ang in-text na dokumentasyon ay makikita sa loob ng pagtalakay ng


pananaliksik. Sa pagkakataong gumamit ang mananaliksik ng ideyang
hinango sa iba, kailangang malaman ng mga mambabasa kung saan
nagsimula ang ideyang hiniram at saan nagtapos. Samakatuwid,
kailangang ipakilala ng mananaliksik ang pinaghanguan ng datos sa
pamamagitan ng pagbibigay ng apelyido at taon ng pagkalimbag ng aklat
na pinaghanguan sa dalawang pamamaraan, ang parentikal na
pamamaraan at ang paggamit ng kataga bilang signal (Bernales, et al.,
2012).

5
Uri ng In-text na Dokumentasyon sa paraang APA

1. Signal na kataga. Ginagamitan ito ng mga signal tulad ng Ayon


kay/kina/sa, Batay kay/kina/sa, Binigyang diin ni/nina/sa at iba pa. Ang
signal na kataga ay nasa unahan ng ideya makikita at tanging ang taon ng
pagkakalimbag ang nakapaloob sa panaklong. Kung dalawa ang awtor,
dapat gamitin ang at at hindi ampersand (&) bilang panghiwalay sa
dalawang awtor. Madalas na gamitin ito maliban na lamang sa mga
hanguang walang mga awtor.

Halimbawa:

Binigyang diin ni Santos (2008) na ang wika ay isang behikulo upang


magkaunawaan ang…

2. Talang Parentetikal- Ang talang parentetikal ay sa katapusan ng


ideya makikita at parehong nakapaloob sa panaklong ang apelyido ng
awtor at ang taon ng pagkaalimbag ng aklat. Kung dalawa ang awtor,
gamitin ang ampersand (&) bilang panghiwalay sa dalawang awtor.
Maaaring gamitin ang talang parentetikal sa iba’t ibang hanguan subalit
tanging sa parentetikal na pamamaraan lamang pwedeng maitala ang mga
hanguang walang awtor, gaya ng website o aklat na walang awtor.

Halimbawa:

Ang wika ay isang pangunahing behikulo upang magkaunawaan ang…


(Santos, 2008).

Maraming pamamaraan ang in-text na dokumentsayon, at ilan dito ay


nakadepende sa uri ng hanguan ng ideya. May mga pangkalahatang
pormat sa pagtatala ng in-text tulad ng mga sumusunod:

A. Isang awtor
Ayon kay Halliday (1973), may gamit na instrumental ang wika.
Tumutulong ito sa mga tao upang maisagawa ang mga bagay na
gusto niyang gawin.

6
May gamit na instrumental ang wika. Tumutulong ito sa mga tao
upang maisagawa ang mga bagay na gusto niyang gawin (Halliday,
1973).

B. Dalawang awtor

Batay sa pag-aaral na ginawa nina Carpenter at Readman (2006),


ang pisikal na kapansanan tulad ng kapansanan sa mga paa,
pagkabulag, pagkapipi at iba pa y isang malaking hadlang sa mga
aktibidades sa pang-araw-araw na pamumuhay ng mga ito.

Ang pisikal na kapansanan tulad ng kapansanan sa mga paa,


pagkabulag, pagkapipi at iba pa y isang malaking hadlang sa mga
aktibidades sa pang-arawaraw na pamumuhay ng mga ito (Carpenter
& Readman, 2006).

C. Tatlo hanggang limang awtor

Sa pananaliksik nina Oller, et al. (2007) ay nagmungkahi na ang mga


bilinguwal na mga mag-aaral ay maaaring magkaroon ng maliit na
leksyon sa bokabularyo kumpara sa mga hindi bilingguwal na siyang
dapat mas pagtutuunan sa pagtuturo ng bokabularyo.

Iminumungkahi na ang mga bilinguwal na mga mag-aaral ay


maaaring magkaroon ng maliit na leksyon sa bokabularyo kumpara
sa mga hindi bilingguwal na siyang dapat mas pagtutuunan sa
pagtuturo ng bokabularyo (Oller, et al., 2007).

D. Grupo o Institusyon

Ayon sa Komisyon sa Wikang Filipino (2009), ang muling pagrebisa


ng Ortograpiya ay ibinunsod ng di-ganap na pagtupad sa
Kautusang Pangkagawaran ng 1987.

Ang muling pagrebisa ng Ortograpiya ay ibinunsod ng di-ganap na


pagtupad sa Kautusang Pangkagawaran ng 1987 (Komisyon sa
Wikang Filipino, 2009). 7
E. Walang awtor

Sa pangkalahatan, sa bawat stick ng sigarilyo na nauubos ng mga


naninigarilyo ay labindalawang minuto ang nababawas sa buhay ng
mga ito (A Fistful of Risks, 1996, pp. 82).

Binigyang diin ni Gleason (1995, sa Bernales, 2009) na ang wika ay


isang masistemang balangkas na pinili at isinaayos sa paraang
arbitraryo upang magamit ng mga taong nasa iisang komunidad.

F. Di-direktang hanguan

Ang wika ay isang masistemang balangkas na pinili at isinaayos sa


paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong nasa iisang
komunidad (Gleason, 1995, sa Bernales, 2009).

G. Website na walang awtor o hanguang elektroniko

Ang AIDS ay isang seryosong karamdaman at isang nakamamatay


na sakit. Sa mahigit na 20 taon na nakalipas, ang mga
manggagamot sa Estados Unidos ang unang nakakilala ng
naturang sakit at kinakitaan ng unang kaso lalo na sa San
Francisco. Sa kasalukuyan, mayroong naitala na 42 milyong kaso
ng sakit na HIV AIDS sa buong mundo at mahigit na tatlong milyon
ang namamatay sa ganitong sakit sa bawat taon
(http://www.kidshealth.org).
Basahin ang mga sumusunod na pahayag at ibigay ang hinihinging
tamang sagot

8
GAWAIN 1:
Basahin ang mga sumusunod na pahayag at ibigay ang hinihinging tamang
sagot.
____________ 1. Makikita ito sa loob ng pagtalakay ng pananaliksik.
____________ 2. Ito ay makikita sa unahan ng impormasyon.
____________ 3. Ito ay in-text na dokumentasyon na ginagamitan ng
ampersand (&).
____________ 4. Ito ay makikita sa hulihan ng impormasyon.
____________ 5. Ito ay in-text na dokumentasyon na hindi ginagamitan
ng ampersand (&).
____________ 6. Ito ay nilalagay pagkatapos ng apelyido ng awtor.
____________ 7. Ito ang tanging paraan na pwedeng itala ang hanguan
na walang awtor.
____________ 8. Ano ang isusulat kung mahigit sa dalawa ang awtor?
____________ 9. Ito ay pangangalap at pagsasaayos ng mga materyal.
____________10. Ito ay nagbibigay ng kredibilidad sa mga datos o
impormasyon na nakalap.

ARALIN 2 - PAGBUO NG PINAL NA DRAFT

Sadyang napakahalaga sa isang sulating pananaliksik ang nilalaman o


ang ideyang pinaabot niyon sa mambabasa. Ngunit kasinghalaga niyon ang
matuto at masanay ang mananaliksik sa wasto at mabisang presentasyon
nito - ang wastong pormat, margin, indensiyon, at iba pa. Bahagi ito ng
disiplina ng isang mananaliksik. Sinasalamin kasi nito ang kanyang kultura
sa pananaliksik at sinop sa paggawa.

Isa sa pinakamainam na gagawin sa pagsulat ng teksto ay ang


pagpuna sa kakulangan at kahinaan ng isinulat. Sa bahaging ito nagaganap
ang pag-eedit at pagrerebisa ng draft o burador batay sa wastong
gramatika, bokabularyo at pagkakasunod- sunod ng mga ideya o lohika (
Bernales, et al., 2009). Maaaring ang pagbabago sa isinulat ay ang
nilalaman o istruktura ng papel (Magracia, et al., 2008).

9
Paraan upang madaling mabago, mapaunlad ang pinal na draft sa
papel pananaliksik
▪ Ang tuntunin sa gramatika sa paggamit ng malaking titik ay
kailangang istriktong masunod sa pagsulat ng pamanahong papel tulad ng
sa simula ng mga pangungusap, pangngalang pantangi, mga dinaglat na
titulo, mga titulong pantawag tulad Mang, Aling, Padre at iba pa. Ang
tanging ekspresyon sa mga tuntuning ito ay pamagat bilang at pamagat ng
bawat kabanata sa katawan ng pamanahong-papel na isinusulat ng buo sa
malalaking titik (all caps)
▪ Basahing mabuti ang papel pananaliksik.
▪ Mainam na iprint ang papel upang mas maging madali ang pag-edit
ng papel pananaliksik
▪ Tingnan din ang bahaging layout ukol sa ayos ng pahina, laki ng
font na gagamitin, spacing, ilustrasyon kung mayroon at iba pa

Organisasyon ng Papel

Matapos mong isaayos at suriin ang mga nakalap mong tala, ang
susunod mo namang gagawin ay kung paano mo i-o-organisa ang mga
kaisipang ito upang maisulong mo ang tesis ng iyongsulating pananaliksik.
sa pag-oorganisa ng papel, isinasaalang-alang ang tesis at ang mga datos
o impormasyong nasuri.

Mahalaga ang organisayon ng papel sa pagsulat ng pananaliksik


sapagkat ito ang susi upangmadaling maunawaan ang iyong papel, kaya
nararapat lamang na humanap ng paraan upangmahusay na mapagtagni-
tagni ang mga talang nakalap.Maaari mong gamitin ang alinman sa
sumusunod na mga prinsipyo sa pag-oorganisa ng papel:
▪ Kronolohikal– Ginagamit ang prinsipyong ito kung ang datos o
impormasyon ay ayon sa pagkakasunod-sunod ng pangyayari. Kung ang
iyong paksa ay naglalahad ng proseso o pangyayari o maging kasaysayan
Halimbawa: Ang political dynasty sa Pilipinas Ang ebolusyon ng telepono
▪ Heyograpikal o batay sa espasyo–Ginagamit ito kung ipakikita at
ipaliliwanag anglokasyon, lugar, o iba pang paggamit ng espasyo
Halimbawa: Ang mga Internet café sa paligid ng mga paaralan at
Pamantasan Ang sistema ng edukasyon sa kabihasnan
▪ Komparatibo – Ginagamit kapag nais ipaliwanag o ipakita ang
pagkakatulad at/o angpagkakaiba ng dalawang bagay, tao, prinsipyo o
10
kaisipan. Halimbawa: Ang paggamit ng e-book at ng tradisyonal na aklat
Ang mano-manong pagbilang ng boto at PCOS machine
▪ Sanhi/Bunga - Ginagamit kung nais bigyang-diin ang sanhi at bunga
ng isang paksang sinisiyasat. Halimbawa: Ang kahihinatnan ng mga mag-
aaral na nalululong sa Computer Games Ang dahilan ng maagang pag-
aasawa
▪ Pagsusuri – Ang prinsipyong ito ay ginagamit kung nais ipakita ang
paghihimay-himay ng isang buong kaisipan. Halimbawa: Ang katotohanan
sa likod ng modus na “tanim/laglag – bala”

Ang mga nabanggit ay isa ilan lamang sa mga prinsipyong ginagamit


sa organisasyon ng papel. Maaaring gumamit ng higit sa isang prinsipyo
upang madebelop ang iyong papel.

11
Isaisip

Ang lahat na hindi atin ay huwag nating angkinin. Malaking bagay


ang datos na nakalap dahil dito nakasalalay ang kredibilidad ng tekstong
gagawin. Ngunit ang hindi pagkilala sa may-ari ng impomasyon ay
maituturing na isang krimen.

Sa mundo ng pagsusulat, maraming kailangang isaalang-alang lalong


lalo na ang ating kredibilidad. Maaaring lahat ng mga pinaghirapan ay
mawawalan ng saysay.
Hindi lamang layunin sa pagsulat ng teksto ang matapos, layunin din
nito ang maiwasto ang pagkakamali. Bilang mag-aaral kapag gagawa tayo
ng proyekto lalo na kapag ito ay sulatin, nakakalimutan natin maglaan ng
panahon para ito ay basahin at iwasto. Ipapasa nalang natin ito kahit
maraming mali. Isang pangangailangan ang pagkakaroon ng panahon
upang makita ang kakulangan nang sa gayon ay hangga’t maaari ay error-
free ang gagawing sulatin.

Bilang paglalahat,
1. Ano ang magiging epekto kung hindi bibigyan ng pagkilala ang
mga impormasyon na nakuha ng manunulat?
2. Mayroon bang perpekto na sulatin?

Isagawa

Pumili lamang ng isang tanong sa ibaba at sagutin ito ayon sa


pamantayan o rubriks na makikita sa ibaba. Isulat sa isang pirasong papel
ang iyong sagot.

1. Isang halimbawa ba ng pagnanakaw ang hindi pagkilala sa


pinagmulan impormasyon? Bakit?

2. Paano nakakaapekto ang pagsasaayos ng dokumentasyon sa pagbuo


ng pinal na burador?
12
Pamantayan sa Pagbibigay ng Puntos

13
Tayahin

PANGWAKAS NA PAGTATAYA
Bago natin tapusin ang ating talakayan, magkakaroon muna tayo ng
pagrerepaso kung nadagdagan ba ang ating kaalaman tungkol sa paksa.
Hanapin sa loob ng parihaba ang sagot. Maaaring ulitin ang iyong sagot.

Taon Signal na Kataga

Talang Parentetikal et al.

Dokumentasyon

A. Panuto: Basahin ang mga sumusunod na pahayag at ibigay


ang hinihinging tamang sagot sa bawat pahayag.
____________1. Makikita ito sa loob ng pagtalakay ng
pananaliksik.
____________ 2. Ito ay makikita sa unahan ng
impormasyon. ____________ 3. Ito ay in-text na
dokumentasyon na ginagamitan ng ampersand (&).
____________ 4. Ito ay makikita sa hulihan ng
impormasyon. ____________ 5. Ito ay in-text na
dokumentasyon na hindi ginagamitan ng ampersand (&).
____________ 6. Ito ay nilalagay pagkatapos ng apelyido
ng awtor.
____________ 7. Ito ang tanging paraan na pwedeng itala
ang hanguan na walang awtor.
____________ 8. Ano ang isusulat kung mahigit sa dalawa
ang awtor?
____________ 9. Ito ay pangangalap at pagsasaayos ng
mga materyal.
____________ 10. Ito ay nagbibigay kredibilidad sa mga
datos o impormasyon na nakalap.
14
B. Oo at Hindi. Isagot ang Oo kung ito ay Signal na kataga o
Talang Parentetikal at Hindi kung hindi naman.

Signal na kataga
11. para kay
12. 2009
13. Bernales

Talang parentetikal
14. (Bernales, et al., 2009)
15. Bernales (et al., 2009)

15
Inihanda nina:

CAROL P. DEATRAS

LORLYN A. PALENCIA

YOLANDA P. RAMOS

KAREN D. ULGASAN
Pinansin ni:

MAE M. PRIAS
MT – II
Subject Group Head
Filipino Department - SHS

16

You might also like