You are on page 1of 9

KLASTER NG WIKA, HUMANIDADES, AT AGHAM PANLIPUNAN

FILIPINO KLASTER
TAONG PANURUAN 2020 - 2021

Pagbasa at Pagsusuri ng
Iba’t ibang Teksto Tungo
sa Pananaliksik
FIL02
Kursong Awtkam 6

Inihanda nina:
Inst. Jastine S. Bandojo at Inst. Wilrose Cipriano

PANGALAN: _________________________________ GURO: __________________________


TAON AT PANGKAT: _______________________ ISKEDYUL: ________________________

FIL01 | CORE SUBJECT | CO4


FIL01 | Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino

BULETIN NG KURSONG AWTKAM


Layunin:
Layunin ng awtkam bilang 6 na matutunan ng mga mag-aaral ang tamang
pagdodokumentasyon ng mga sanggunian na kanilang ginamit para sa kanilang pananaliksik,
ang bagong edisyon ng APA, at pagsasapinal ng kanilang papel pampananaliksik.
Mga Paksang-Aralin:
Aralin 1: Pagsulat ng Dokumentasyon
Aralin 2: Mga Pagbabago para sa Ika-7 edisyon ng APA.
Aralin 3: Pagsasapinal ng Papel Pampananaliksik
Aralin 4: Proofreading at editing ng papel.
Mga Pagtataya:
Performance Task: Pinal na papel ng Pananaliksik.
Written Work: Mahabang Pagsusulit (CO4-CO5)

I. Pagsulat ng Dokumentasyon
Mahalaga ang dokumentasyon upang maipakita ang katapatan ng mga mananaliksik at
maging katanggap-tanggap ang mga datos ginamit. Mapanganip para sa isang mananaliksik ang
pagbabale-wala sa halaga at tungkulin ng dokumentasyon dahil maaari itong humantong sa
tinatawag na plagyarismo (plagiarism) na maaaring patawan ng kaparusahang naaayon sa
polisiya ng paaralan at/o Intellectul Property Law.

Ang pagdodokumentasyon ay paraan ng pagkilala sa pinagmulan ng mga hiram na


ideya mula sa iba’t ibang sanggunian na ginamit ng isang manunulat sa kanyang sulatin.
Maaari itong nasa sistemang talababa (footnoting) o ang mas gamitin sa kasalukuyan na
sistemang parentetikal-sanggunian (parentethical citation).

1.1. Sistemang Talababa


Ang talababa o footnote ay matatagpuan sa ibabang bahagi ng pahina at literal na
nangangahulugang mga “tala sa ibaba”. Nakasulat dito ang mga sanggunian, komento, at iba
pang impormasyong binabanggit sa loob ng teksto. Sa nilalaman ng sulatin, gumagamit ng
numero na nasa anyong superscript sa dulo ng pahayag upang maging batayan ng talababa.

FIL01 | CORE SUBJECT | CO4 2


FIL01 | Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino

Mga Halimbawa
1. Ibid - pinaikli ito na salitang Latin na Ibidem na nangangahulugang “sa kaparehong
sanggunian o pinagkunan.” Ginagamit ang ibid kapag magkasunod na babanggitin
ang sanggunian sa talababa. Kaya sa halip na isulat muli ang sanggunian at may-akda
ay ilalagay na lamang ang ibid at ang pahina kung saan makikita ang bahaging
tinutukoy.

1 Torres-Yu, R. at Tolentino, R. (2001) Tungo sa Panibagong Pagbabalangkas ng


Pambansang Panitikan. Nasa Philippine Humanities Review, Tomo 5, 155-157
2 Ibid, p.160
3 Ibid

2.
Op.cit. - Ito ay mula sa pinaikling salitang Latin na opera citato na nangangahulugang “sa
binanggit na sanggunian”. Ginagamit ito kapag inulit ang nabanggit na naunang
sanggunian ngunit matatagpuan ang impormasyon sa ibang pahina, at napagitnaan
ng ibang sanggunian sa listahan ng mga talababa. Isinasama ang pangalan ng may-
akda upang maging palatandaan kung aling sanggunian ang muling binabanggit at
makaiwas sa kalituhan kapag mas marami ang nakalista sa talababa.

1 Cabalfin, E. (2001). Nasyunalismo at Arkitektura: Postkolonyal na Paglinang sa


Arkitekturang Filipino. Nasa Bulawan 3, 38.
2 Torres-Yu, R. at Tolentino, R. (2001) Tungo sa Panibagong Pagbabalangkas ng
Pambansang Panitikan. Nasa Philippine Humanities Review, Tomo 5, 155-157
3 Cabalfin, op.cit.,163cc

3. Loc.cit - Ito ay mula sa pinaikling salitang Latin na loco citato o “sa binanggit na
lugar”. Tulad ng Op.cit, may pumapagitnang ibang sanggunian sa dalawang talababa
na galing sa magkaparehong sanggunian at pahina. Ginagamit ito sa halip na isulat
muli ang naunang aklat na may paarehong pahina.

1 Torres-Yu, R. at Tolentino, R. (2001) Tungo sa Panibagong Pagbabalangkas ng


Pambansang Panitikan. Nasa Philippine Humanities Review, Tomo 5, 155-157
2 Cabalfin, E. (2001). Nasyunalismo at Arkitektura: Postkolonyal na Paglinang sa
Arkitekturang Filipino. Nasa Bulawan 3, 38.
3 Torres-Yu, loc.cit

FIL01 | CORE SUBJECT | CO4 3


FIL01 | Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino

1.2. Sistemang Parentetikal-Sanggunian


Ginagamit ang ganitong pagkilala kung binabanggit sa loob ng teksto ang
pinaghanguan ng ideya. Ito ang pinakasimpleng paraan. Ito ay may dalawang estilo:
 MLA (Modern Language Association)- inilalagay ang apelyido ng awtor at
bilang ng pahina—kung saan matatagpuan ang ideya, datos o impormasyong
hiniram, sa loob ng parentesis.
 APA (American Psychological Association)- nasa ibaba ang mga sumusunod na
tuntunin sa paggamit ng dokumentasyong ito.

1. Kung nabanggit na ang awtor sa mismong teksto, taon na lamang ng publikasyon ang
isusulat sa loob ng parentesis.
2. K u n g
Ayon kay Nunan (1977), mahalaga ang pakikinig sa pag-aaral ng dayuhang wika.
Ngunit sap ag-aaral ng katutubong wika, binibigyan ng higit na pansin sa mga paaralan ang
paglinang sa kakayahan sa pagbasa at pagsulat.

dalawa ang awtor, banggitin ang apelyido ng dalawa at taon ng publikasyon.


3.
Inaamin ng mga guro ng Oral Communication sa Estados Unidos na ang isang tipikal
na mag-aaral sa kolehiyo ay pinagkukuha ng mga kurso sa pagbasa, pagsulat at pagsasalita,
ngunit iilan lamang ang nagkakaroon ng pagkakataong kumuha ng kurso sa pakikinig (Seiler
at Beall, 2002)

Inaamin nina Seiler at Beall (2002), mga guro ng Oral Communication sa Estados
Unidos, na ang isang tipikal na mag-aaral sa kolehiyo ay pinagkukuha ng mga kurso sa
pagbasa, pagsulat at pagsasalita, ngunit iilan lamang ang nagkakaroon ng pagkakataong
kumuha ng kurso sa pakikinig (Seiler at Beall, 2002)

Kung tatlo o higit pa ang awtor at hindi nabanggit ang pangunahing awtor sa mismong
teksto, banggitin na lamang ang unang awtor sa loon ng parentesis at sundan ng et. al.
bago ang taon ng publikasyon.
4.
Sa pananaw na komunikatibo, ang apat na kasanayang pangwika ay hindi
pnaghihiwalay kundi nililinang sa integratibong paraan (Bernales, et. al., 2001).

Kung may babanggiting dalawang o higit pang awtor na pareho ng apelyido, bangitin ang
inisyal ng mga awtor bago ang kani-kaniyang apelyido at sundan ng taon ng publikasyon.

Ang pananaliksik… ay pangangalap ng mga datos sa masinop at kontroladong


sitwasyonpara sa layunin ng prediksyon at eksplanasyon (E. Trece at J.W. Trece, Jr., 1997)
FIL01 | CORE SUBJECT | CO4 4
FIL01 | Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino

5. Kung pamagat lamang ang binanggit, banggitin lamang ang pinaikling bersyon nito at
sundan ng taon ng publikasyon. Ipaloob ang pnaikling pamagat sa panipi (“ ”) o kaya
naman ay iitalisado and font.

6.
Ang mga mag-aaral ay may karapatang maglathala at mamahala ng regular na
publikasyon na sumasalamin ng responsableng pamamahayag at misyon-bisyon ng Kolehiyo
(“CSB Student Handbook”,
Ang mga 1996).
mag-aaral ay may karapatang maglathala at mamahala ng regular na
publikasyon na sumasalamin ng responsableng pamamahayag at misyon-bisyon ng Kolehiyo
(CSB Student Handbook, 1996).

Kung ang babanggitin ay bahagi ng akdang may higit sa isang bolyum, banggitin ang bilang

Nang sakupin ng Amerika ang Pilipinas, muling ipinahayag ni Mabini ang kanyang
paghihimagsik. Isinulat niya ang El Liberal na isang panunuligsa sa mga bagong mananakop
(Bernales 4: 2002)

ng bolyum kasunod ng pangalan ng awtor o mga awtor, ngunit tutuldok (:) ang gamiting
bantas upag paghiwalayin ang unang entri ng publikasyon.

7. Kung ang datos mula sa isang awtor ay nakuha mula sa akda ng ibang awtor dapat
banggitin ang dalawa.
8.
Tinutukoy ni Halliday (1961; sa Bernales, et. al., 2000) ang pitong tungkulin ng wika.

May pitong tungkulin ang wika (Halliday, 1961; sa Bernales, et. al., 2000).

Kung ang datos o impormasyon ay hango sa internet, banggitin na lamang ang link kung
walang awtor. Kung batid ang awtor, banggitin din ang awtor.

Ayos sa campus.muraystate.edu, pangunahin sa mga hakbang sa pananaliksik ang


pagtukoy sa suliranin.

May walong tinutukoy na hakbang sa pagsasagawa ng pananaliksik (Blankenship,


www.humankinetics.com).

Tandaan agad na inilalagay ang talang parentetikal pagkatapos ng salita o ideyang


hiniram at ito’y ipinoposisyon bago ang bantas sa loob o katapusan ng pahayag MALIBAN sa
tuntunin 6.

FIL01 | CORE SUBJECT | CO4 5


FIL01 | Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino

II. Mga Pagbabagong naganap sa Ika-7 Edisyon ng APA.


Noong ika-1 ng 2019, naglabas ang American Psychological Association (APA) ng
bagong edisyon ng mga tuntunin sa pagdodokumentasyon (Scribbr, wp). Narito ang ilan sa
mga pagbabagong naganap sa edisyon na ito:

1. Ang lugar na pinaglilimbagan (publisher) ay hindi na isinasama.


✗ Covey, S. R. (2013). The 7 habits of highly effective people: Powerful lessons in personal
change. New York, NY: Simon & Schuster.
✓ Covey, S. R. (2013). The 7 habits of highly effective people: Powerful lessons in personal
change. Simon & Schuster.
2. Mas pinaikling In-text citations.
✗ (Taylor, Kotler, Johnson, & Parker, 2018)
✓ (Taylor et al., 2018)

3. Dalawanpo (20) na awtor ang pwedeng isama sa reperensya.


✗ Miller, T. C., Brown, M. J., Wilson, G. L., Evans, B. B., Kelly, R. S., Turner, S. T., … Nelson,
T. P. (2018).
✓ Miller, T. C., Brown, M. J., Wilson, G. L., Evans, B. B., Kelly, R. S., Turner, S. T., Lewis, F.,
Lee, L. H., Cox, G., Harris, H. L., Martin, P., Gonzalez, W. L., Hughes, W., Carter, D.,
Campbell, C., Baker, A. B., Flores, T., Gray, W. E., Green, G., … Nelson, T. P. (2018).

4. Ang DOIs ay isinusulat na bilang URL.


✗ doi: 10.1080/02626667.2018.1560449
✓ https://doi.org/10.1080/02626667.2018.1560449

5. Inilalagay na ang pangalan ng web page sa reperensya.


✗ Walker, A. (2019, November 14). Germany avoids recession but growth remains weak.
Retrieved from https://www.bbc.com/news/business-50419127
✓ Walker, A. (2019, November 14). Germany avoids recession but growth remains weak.
BBC News. https://www.bbc.com/news/business-50419127

6. Mas maraming fonts na pagpipilian.

✓ Times New Roman (12 pt)


✓ Arial (11pt)
✓ Georgia (11pt)

✓ Calibri (11pt)

FIL01 | CORE SUBJECT | CO4 6


FIL01 | Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino

✓ Lucida Sans Unicode (10pt)

7. Ebooks
✗ Brück, M. (2009). Women in early British and Irish astronomy: Stars and satellites [Kindle
version]. doi: 10.1007/978-90-481-2473-2
✓ Brück, M. (2009). Women in early British and Irish astronomy: Stars and satellites.
Springer Nature. https:/doi.org/10.1007/978-90-481-2473-2

8. Iniiwasan ang paggamit ng mga labels o mga katawagan.


✗ The poor
✓ People living in poverty
✗ Transsexuals
✓ Transgender people

9. Hindi na lamang ang awtor, editor, at tagapagsalin (translator) ang inilalagay. Inilalagay
ang gampanin ng kontribyutor sa parenthesis kasunod ng kanilang pangalan.

10. Maging mas tiyak sa mga pagtukoy.


✗ Over-65s
✓ People aged 65 to 75
✗ Asian participants
✓ Vietnamese, Cambodian, and Thai participants

11. Inialis na ang Running Heads.

FIL01 | CORE SUBJECT | CO4 7


FIL01 | Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino

12. Bagong istilo ng Headings

III. Pagsasapinal ng Papel Pampananaliksik

IV. Proofreading at Pag-edit ng Papel

PAGTATAYA

Written Work 6: MAHABANG PAGSUSULIT

FIL01 | CORE SUBJECT | CO4 8


FIL01 | Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino

PANUTO: Ang mahabang pagsusulit ay sasagutan sa Blackboard-QUIZZES. Ito ay may 50 aytem


na may 2 puntos bawat isa para sa kabuoang 100 puntos. Ang mga aralin ay na nakapaloob dito
ay mula sa Kursong Awtkam 4 hanggang Kursong Awtkam 6.
Performance Task: PAGSASAPINAL NG PAPEL PAMPANANALIKSIK.

Mga Sanggunian

Bernales, R., Cordeno, M., Soriano, J., Abenilla, G., Conti, T., at Gonzales, A. (2016). Pagbasa
at pagsulat tungo sa pananaliksik. Mutya Publishing House, Inc.

Scribbr (WP), APA manual 7th edition: The most notable changes. https://www.scribbr
.com/apa-style/apa-seventh-edition-changes/

FIL01 | CORE SUBJECT | CO4 9

You might also like