You are on page 1of 5

It will be as you draft that you rise making one of the

worst mistakes you can make: you lead readers to think that
you're trying to pass off the work, of another writer as your
own.

— Kate C. Turabian
(2010)

Isang mahalagang pangangailangan sa pananaliksik ang maingat


na pagkilala sa pinagmulan ng mga hiniram na ideya, datos o
impormasyon. Ito ang dahilan kung bakit kailangang mabatid at magamit
ng sino mang mananaliksik ang iba't ibang paraan ng pagkilala sa mga
ginamit na hanguan sa pagsulat ng pamanahong papel. Ito ang
tinatawag na dokumentasyon.

A. KAHALAGAHAN AT TUNGKULIN
NG DOKUMENTASYON
Ang dokumentasyon ay gumaganap ng mahalagang tungkulin sa
isang papel-pampananaliksik. Bukod sa manipestasyon ito ng katapatan
ng isang mananaliksik, nagbibigay ito ng kredebilidad sa mga datos o
impormasyon na kanyang ginamit. Nagiging lubos na kapani-paniwala
ang mga datos o impormasyong iyon kung binabanggit ng mananaliksik
ang awtor o mga awtor (kadalasa'y awtoridad hinggil sa paksa ng
pananaliksik ng akdang kanyang pinaghanguan.
Lubhang mapanganib para sa isang mananaliksik ang pagbabale-
wala sa halaga at tungkulin ng dokumentasyon. Ang hindi pagkilala sa
pinagmulan ng mga hiram na ideya ay isang uri ng pagnanakaw ng
intelektuwal na pag-aari ng iba na sa larangan ng pananaliksik,
pamamahayag at literatura ay tinatawag na plagyarismo. Katulad ng
natalakay na, ang isang plagyarista ay maaaring patawan ng mga
kaparusahang naaayon sa polisiya ng paaralan at/o sang-ayon sa
Intellectual Property Law (Atienza, et al., 1996).

B. ESTILONG A.P.A.
Dati-rati, footnoting o paggamit ng talababa ang pinakagamiting
paraan ng dokumentasyon ng mga mananaliksik. Sa ngayon, mas pinipili
na ng marami ang paraang iminungkahi ng American Psychological
Association (A.P.A.) o ng Modem Language Association (M.L.A.), Ito ang
tinatawag na talang-parentetikal (parenthetical citation) na higit na simple
at madaling gawin kaysa footnote, bukod pa sa nagagawa nitong maging
tuloy-tuloy ang daloy ng teksto sa pagbabasa
Sa M.L.A., pangalan (apelyido) ng awtor at bilang ng pahina (ng akda
kung saan matatagpuan ang ideya, datos o impormasyong hiniram) ang
inilalagay sa loob ng parentesis. Samantala, iba naman ang sa A.P.A.
Narito ang mga pangkalahatang tuntunin sa paggamit ng dokumentasyon
sa estilong A.P.A.:
1.Kung nabanggit na ang pangalan ng awtor sa mismong teksto, taon na
lamang ng publikasyon ang isulat sa loob ng parentesis.

Ayon kay Nunan (1977), mahalaga ang pakikinig sa pag-aaral ng


dayuhang wika. Ngunit sa pag-aaral ng katutubong wika, binibigyan ng
higit na pansin sa mga paaralan ang paglinang sa kakayahan sa
pagbasa at pagsulat.

Kung si Nunan ay may mga ko-awtor (dalawa o higit pa),


kailangang may et al. matapos ang kanyang pangalan at kuwit na
naghihiwalay dito, bago ang taon ng publikasyon na nasa loob ng
parentesis.

Ayon kina Nunan, et al. (1977), mahalaga ang pakikinig sa pag-


aaral ng dayuhang wika. Ngunit sa pag-aaral ng katutubong wika,
binibigyan ng higit na pansin sa mga paaralan ang paglinang sa
kakayahan sa pagbasa at pagsulat.
2.Kung hindi nabanggit ang awtor sa mismong teksto, banggitin ito sa
hulihan ng pangungusap kasama ang taon ng publikasyon.
Paghiwalayin ang dalawang entris sa 100b ng parentesis sa
pamamagitan ng kuwit (,).

Ang lingua franca ay ang wikang ginagamit ng mga taong may iba't
ibang katutubong wika upang sila'y magkaunawaan (Wardaugh, 1986).

3.Kung dalawa ang awtor, banggitin ang apelyido ng dalawa at ang taon
ng publikasyon.

Inamin ng mga guro ng Oral Communication sa Estados Unidos na


ang isang tipikal na mag-aaral sa kolehiyo ay pinakukuha ng mga kurso
sa pagbasa, pagsulat at pagsasalita, ngunit iilan lamang ang
nagkakaroon ng pagkakataong kumuha ng kurso sa pakikinig (Seiler at
Beall 2002).
Inamin nina Seiler at Beall (2002), mga guro ng Oral
Communication sa Estados Unidos na ang isang tipikal na mag-aaral sa
kolehiyo ay pinakukuha ng mga kurso sa pagbasa, pagsulat at
pagsasalita, ngunit iilan lamang ang nagkakaroon ng pagkakataong
kumuha ng kurso sa pakikinig.

4.Kung tatlo o higit pa ang awtor at hindi nabanggit ang pangunahing


awtor sa mismong teksto, banggitin na lamang ang unang awtor sa loob
parentesis at sundan ng et al. bago ang taon ng publikasyon.

Sa pananaw na komunikatibo, ang apat na


kasanayang pangwika hindi pinaghihiwalay kundi nililinang
sa integratibong paraan (Bemales, et al., 2001).

5.Kung may babanggiting dalawa o higit pang awtor na pareho ang


apelyido banggitin ang inisyal ng mga awtor bago ang kani-kaniyang
apelyido at sundan ng taon ng publikasyon.

Ang pananaliksik...ay pangangalap ng mga datos sa masinop


kontroladone sitwasyon para sa layunin ng prediksyon at
eksplanasyon ( E. Trece at J. W. Trece, Jr., 1977).

Ayon kina T. Trece at J. W. Trece. Jr. (1977). ang pananaliksik ay


pangangalap ng mga datos sa masinop at kontroladong sitwasyon para
sa layunin ng prediksyon at eksplanasyon.

6.Kung pamagat lamang ang abeylabol na impormasyon, banggitin ang


pinaikling bersyon ng pamagat at sundan ng taon ng publikasyon.
Ipaloob ang pinaikling pamagat sa panipi o di kaya'y iitalisado ang tipo
ng font.

Ang mga mag-aaral ay may karapatang maglathala at mamahaJa ng


regular na publikasyon na sumasalamin ng responsableng
pamamahayag at ng misyon-bisyon ng Kolehiyo (CSB Student
Handbook, 1.996).
Ang mga mag-aaral ay may karapatang maglathala at mamahaJa ng
regular na publikasyon na sumasalamin ng responsableng
pamamahayag at ng misyon-bisyon ng Kolehiyo (“CSB Student
Handbook”, 1.996).

7.Kung ang babanggitin ay bahagi ng akdang may higit sa isang bolyum,


banggitin ang bilang ng bolyum kasunod ng pangalan ng awtor o mga
awtor, ngunit tutuldok (:) ang gamiting bantas upang paghiwalayin ang
unang entri sa taon ng publikasyon.

Nang sakupin ng Amerika ang Pilipinas, muling ipinahayag ni Mabini ang


kanyang paghimagsik. Isinulat niya ang El Liberal na isang panunuligsa
sa mga bagong mananakop (Bernales 4: 2002).

8.Kung may babanggiting dalawa o higit pang akda ng iisang awtor,


banggitin na lamang ang mga akda at paikliin hangga't maaari. Ipaloob
sa panipi o iitalisado ang mga pamagat.

Sa mga aklat ni Bernales (Sining ng Pakikipagtalastasan at


Mabisang Komunikasyon), tinukoy ang mga pangunahin at unibersal na
katangian ng wika.

Sa mga aklat ni Bernales ("Sining ng Pakikipagtalastasan" at


"Mabisang Komunikasyon"), tinukoy ang mga pangunahin at
unibersal na katangian ng wika.
9.Kung ang datos mula sa isang awtor ay nakuha mula sa akda ng ibang
awtor, dapat banggitin ang dalawa.

Tinukoy ni Halliday (1961; sa Bernales, et al., 2000) ang pitong


tungkulin ng wika.

May pitong tungkulin ang wika (Halliday, 1961; sa Bernales, et al.,


2000).

10.Kung ang datos o impormasyon ay hango sa internet, banggitin na


lamang ang link kung walang awtor. Kung batid ang awtor, banggitin din
ang awtor.
Ayon sa campus.muraystate.edu, pangunahin sa mga hakbang sa
pananaliksik ang pagtukoy sa suliranin.

Pangunahin sa mga hakbang sa pananaliksik ang pagtukoy sa


suliranin (campus.muraystate.edu).

Sa www.humankinetics.com, walo ay tinukoy na hakbang ni


Blankenship sa pagsasagawa ng pananaliksik

May walong tinukoy na hakbang sa pagsasagawa ng pananaliksik


(Blankenship, www.humankinetics.com).

Tandaang agad na inilalagay ang talang parentetikal pagkatapos ng


salita o ideyang hiniram at ito'y ipinoposisyon bago ang bantas sa loob o
katapusan ng pahayag maging iyon man ay tuldok tandang-pananong
(?), pandamdam (!), kuwit (,), tutuldok(:), tuldok-kuwit (;), tuldok-tuldok
(...) o panipi ("). Maliban sa tuntunin bilang 7, laging kuwit ang ginagamit
na bantas sa paghihiwalay ng mga entri sa loob ng parentesis.

You might also like