You are on page 1of 18

ARALIN 1

BATAYANG
KAALAMAN SA
MAPANURING
PAGBASA
Tinalakay sa aklat ni Sicat et. al (2016)
na“Huwag kang magbasa, gaya ng
mga bata, upang libangin ang sarili, o
gaya ng mga matatayog ang
pangarap, upang matuto. Magbasa ka
upang mabuhay”, ito ay winika ni Gustave
Flaubert, isang manunulat na siyang
nagpaunlad ng reyalismong pampanitikan sa
Pransiya at sumikat sa kanyang akda na
Madame Bovary (1857).
KAHULUGA
N NG
PAGBASA
Ayon kay Anderson et al.(1985), sa aklat na
Becoming a Nation na sinipi naman sa aklat ni
Sicat et al.(2016),na ang pagbasa ay isang
proseso ng pagbuo ng kahulugan mula sa mga
nakasulat na teksto. Ito ay isang kompleks na
kasanayan na nangangailangan ng
koordinasyon ng iba’t ibang magkakaugnay na
pinagmumulan ng impormasyon.
Tiniyak nina Wixson et.al (1987) sa artikulong “New
Directions in Statewide Reading Assessment” na
nailathala sa pahayagang The Reading Teacher, na sinipi
rin sa aklat ni Sicat et al.(2016), na ang mga
pinanggalingan ng mga kaisipan sa pagbasa, at tinutukoy
nila ito bilang proseso ng pagbuo ng kahulugan sa
pamamagitan ng interaksiyon ng
1.) imbak o umiiral nang kaalaman ng mambabasa,
2.) impormasyong ibinibigay ng tekstong binabasa
3.) konteksto ng kalagayan o sitwasyon sa pagbabasa.
Sinabi rin na ang pagbasa ay isang makrong
kasanayan na kognitibong hakbang ng pagtukoy
sa kaisipan ng bawat simbolo upang makahango
at makakuha ng kaalaman.
Intensibo at Ektensibong Pagbasa

Ayon sa aklat ni Sicat et.al (2016), nahahati sa dalawang


pangkalahatang kategorya ang mapanuring pagbasa: intensibo at
ekstensibo.
Tinutukoy rin ng may-akda na ang intensibong pagbasa ay
kinapapalooban ng malalimang pagsusuri sa paghahanap ng
kahulugan. Ito ay may kinalaman sa masinsinan at malalim na
pagbabasa ng isang tiyak na teksto. Bilang paghahanda sa pagbuo ng
pamanahong papel upang makakalap ng sapat at makabuluhang
impormasyon.
Habang ang ekstensibong pagbasa
naman ay may layuning makuha ang
pinakaesensiya at kahulugan ng binasa.
Ito ay may kinalaman sa pagbasa ng
masaklaw at maramihang materyales.
Nagbabasa ng iba’t ibang akda bilang
libangan at pampalipas oras.
Scanning at Skimming na Pagbasa
Ang scanning at skimming ay madalas na
tinatawag na uri ng pagbasa ngunit
maaari rin itong ikategorya bilang
kakayahan sa pagbasa. Ayon kay
Brown(1994) sa aklat ni Sicat et al.(2016),
ang dalawang ito ang pinakamahalagang
estratehiya sa ekstensibong pagbasa.
Ayon sa nasabing may akda na ang
scanning ay mabilisang pagbasa ng
isang teksto na ang pokus ay upang
hanapin ang ispesipikong
impormasyon na itinakda bago
magbasa. Kinapapalooban ito ng bilis
at talas ng mata sa paghahanap
hanggang sa makita ng mambabasa
ang tiyak na kinakailangang
impormasyon.
Samantalang ang skimming naman ay
mabilisang pagbasa na ang layunin ay
upang alamin ang kahulugan ng
kabuoang teksto, kung paano inorganisa
ang mga ideya o kabuoang diskurso ng
teksto at kung ano ang pananaw at
layunin ng manunulat.
ANTAS NG PAGBASA
Sa aklat ni Adler at Doren(1973)na tinalakay naman sa
aklat ni Sicat et.al(2016), sinasabi rito na may apat na
antas ng pagbasa. Ito ay primaryang antas (elementary),
mapagsiyasat na antas (inspectional),
analitikal na antas (analytical),at
sintopikal na antas na binubuo ng isang hakbang-
hakbang na proseso.
Primarya.
Ito ay antas ng pagbasa na tumutukoy
sa tiyak na datos at ispesipikong
impormasyon gaya ng petsa, setting o
lugar at mga tauhan sa isang teksto.
Mapagsiyasat.
Sa antas na ito,nauunawaan na ang
mambabasa ang kabuoang teksto at
nagbibigay ng mga hinuha o impresyon
tungkol dito. Nagbibigay ng mabilisan
ngunit makabuluhang paunang rebyu sa
isang teksto nang mas malalim.
Analitikal.
Ginagamit ang mapanuri o kritikal na pag-iisip
upang malalimang maunawaan ang kahulugan
ng teksto at ang layunin o pananaw ng
manunulat. Bahagi ng antas na ito ang pagtatasa
sa katumpakan, kaangkupan, at kung
katotohanan o opinyon ang nilalaman ng teksto.
Sintopikal.
Tumutukoy ito sa pagsusuri na
kinapapalooban ng paghahambing sa iba’t
ibang teksto at akda na kadalasang
magkakaugnay.Nakabubuo ng sariling
perspektiba o pananaw sa isang tiyak na
paksa.
MARAMING
SALAMAT!

You might also like