You are on page 1of 14

KAHULUGAN AT ILANG

KONSIDERASYON SA
PAGBASA
SEMI
ANG PAGBASA AYON SA IBA’T
IBANG AWTOR
➢ Gray (1956) – Ang pagbasa ay sumasaklaw sa apat na proseso tulad ng pagkilala sa salita, pag-
unawa sa kahulugan ng salita, pagreak sa kahulugan ng salita sang-ayon sa nalalaman ng
bumabasa at pag-uugnay ng ideya sa kaligirang kaalaman ng bumabasa.
➢ Rubin (1983) – Ang pagbasa ay pagdadala at pagkuha sa kahulugan ng nakalimbag na pahina.
Ipinahihiwatig nito na dinadala ng mga mambabasa ang kanilang kaligirang kaalaman, karanasan
at emosyon sa kanilang binabasa
PAGBASA
➢ Koch, et al. (1982) – Ang pagbasa ay hindi lamang pagkilala sa mga simbolong nakalimbag
kundi pagkuha ng kahulugan ng nakalimbag na simbolo sa pamamagitan ng wastong pagunawa
at pagpapakahulugan sa mensahe at layunin ng sumulat.
➢ Anderson, et al. (1985) – Ang pagbasa ay proseso ng pagkokonstrak ng kahulugan mula sa mga
tekstong nakasulat. Isa itong komplikadong kasanayan na nangangailangan ng ilang
magkakaugnay na hanguan ng impormasyon.
KAHALAGAHAN NG PAGBASA
Ilan sa mga halaga ng pagbabasa ay ang sumusunod:
1.Nakapagdudulot ito ng kasiyahan at nakalulunas ng pagkabagot. 2.Pangunahin itong
kasangkapan sa pagtuklas ng kaalaman sa iba’t ibang larangan ng buhay.
3.Gumaganap ito ng mahalagang tungkulin sa ating araw-araw na buhay.
4.Nalalakbay natin ang mga lugar na hindi nararating, nakikilala ang mga taong yumao na o hindi
na nakikita.
5.Naiimpluwensiyahan nito ang ating saloobin at palagay hinggil sa iba’t ibang bagay at tao.
Nakatutulong ito sa paglutas ng ating mga suliranin at sa pagpapataas ng kalidad ng buhay ng
tao.
MGA TEKNIK NG PAGBASA
Kaswal – ang tawag sa “pampalipas oras” na pagbabasa ng isang taong may hinihintay upang
hindi mainip. Kaya hindi kailangan ang seryosong atensiyon sa bagay na binabasa.
▪ Komprehensibo – ito ang kabaligtaran ng kaswal na teknik ng pagbabasa. Binibigay rito ang
buong atensiyon ng pagbabasa. Buong ingat na sinusuri ang bawat detalye na nakapaloob sa
isang babasahin. Maaaring mapansin ang ganitong teknik sa mga mag-aaral o sa mga taong
gumagawa ng pagsusuri.
▪ Kritikal – masining ang ganitong teknik ng pagbabasa. Hindi lamang upang mabatid ang
kahulugan ng binabasa kundi upang maging mapanlikha at makatuklas ng panibagong katawagan
at maiugnay ito sa kapaligirang sosyal at kultural.
MGA TEKNIK NG PAGBASA
Pamuling-basa – habang muli’t muling binabasa ang isang babasahing materyal, may bagong
mahalagang bagay ang natutuklasan. Napakalawak ng naibibigay na antas ng interpretasyon nito
na hindi agad nakukuha sa paminsanang pagbabasa. Mahirap man itong mauunawaan o madali
dahil sa uri ng pananalita o paraan ng pagpapahayag sa unang pagbasa, may lalabas pa ring
mahalagang diwa, kaya hindi pagsasawaang muli’t muling babasahin. Sa pananaliksik, tinitiyak sa
pagbabasa ang kapaniwalaan sa mga inilahad na opinyon. Nagagawa ito sa paulitulit na pagbasa
at pagbusisi sa mga katibayan. (qtd. Arrogante, et al. 2007)
MGA TEKNIK SA PAGBASA
Basang-tala – pagbasa itong sinasabayan ng pagsulat. Kapag may nakikitang mahahalagang
kaisipan o konsepto, itinatala ito o kaya’y minamarkahan para sakaling kailangang muli ang
impormasyon, madali itong makita o makuha. Isang paraan ang pagtatala ng mga mahahalagang
impormasyon. Ang pagsasalungguhit ay nagpapakita ng mahalagang pangunahing punlo o
mapuwersa o mabigat na pahayag. (qtd. Arrogante, et al. 2007
HAKBANG AT ESTRATEHIYA SA
PAGBASA
MGA ESTRATEHIYA SA AKTIBONG
PAGBASA
Iminungkahi ni Applebee, et al. (2000) ang mga sumusunod na ispesipikong estratehiya sa
pagbasa. Bagama’t gamitin ang mga ito sa pagbabasa ng mga naratibong seleksiyon o mga
akdang literari, magagamit pa rin ang mga ito sa pagbabasa ng ibang uri ng seleksiyon. Kailangan
lang na mamonitor nang okasyonal kung gaano nakatutulong ang bawat estratehiya sa
pagbabasa nang sa gayon ay maaari itong mamodipay ayon sa pangangailangan ng isang
mambabasa.
ESTRATEHIYA
ESTRATEHIYA
PERFORMANCE TASK
Basahin at unawain ang nilalaman ng teksto:
Harassment Ni: Eros Atalia
Sagutin ang mga katanungan:

You might also like