You are on page 1of 19

PAGBABASA AT

PANANALIKSIK NG
IMPORMASYON
Ang pagbasa ay isang proseso ng pagbuo ng kahulugan mula
sa mga salita (Anderson, 1998).
Ayon naman kay Huffman (1998) ang pagbasa ay parang
pagtatanong na nakalimbag mula sa teksto at pagbabasa na
may pangunawa na nagiging dahilan upang ang mga tanong ay
masagot.
Samantala ang pananaliksik naman ay isang proseso sa
pagkuha ng mga impormasyon upang sa ganoon ay mas lalong
maintindihan ang bawat bagay.
MGA LAYUNIN SA PAGBASA:
1) Nagbabasa upang maaliw.
2) Tumuklas ng mga bagong kaalaman at maimbak ito.
3) Mabatid ang iba pang mga karanasan na kapupulutan ng aral.
4) Mapaglakbay ang diwa sa mga lugar na pinapangarap na marating.
5) Mapag-aralan ang mga kultura ng ibang lahi at mabatid ang
pagkakatulad at pagkakaiba sa kulturang kinagisnan.
Ayon kay William S. Gray (Ama ng Pagbasa):
1. Persepsyon - hakbang sa pagkilala sa mga nakalimbag na
simbulo at maging sa pagbigkas nang wasto sa mga simbulong
nababasa.
2. Komprehensyon - Pagproproseso ito ng mga impormasyon o
kaisipang ipinahahayag ng simbulong nakalimbag na binasa.
3. Asimilasyon - isinasama at iniuugnay ang kaalamang nabasa sa
mga dati nang kaalaman o karanasan.
4. Reaksyon - hinahatulan o pinagpapasyahan ang kawastuhan,
kahusayan at pagpapahalaga ng isang tekstong binasa.
Ang pagbasa ay mayroong apat (4) na
teorya.
1) Bottom-up
Ang teoryang bottom-up ay isang tradisyunal na pagbasa. Ito ay
bunga ng teoryang behaviorist na higit na nagbibigay pokus sa
kapaligiran at sa paglinang ng komprehension sa pagbasa.
2) Top-down
Ang teoryang ito ay nabuo bilang reaksyon sa naunang teorya. Ito ay
dahil napatunayang maraming dalubhasa na ang pag-unawa ay hindi
nagsisimula sa teksto kundi sa mambabasa tungo sa teksto.
• Teoryang Interaktib - Ayon sa teoryang ito, ang teksto ay
kumakatawan sa wika at kaisipan ng awtor at sa pag-unawa nito,
ang isang mambabasa ay gumagamit ng kanyang kaalaman sa
wika at mga sariling konsepto o kaisipan. Dito nagaganap ang
interaksyong awtor mambabasa at mambabasa-awtor.
• Teoryang Iskema - Bawat bagongimpormasyong nakukuhasa
pagbabasaay
naidaragdagsa dati nangiskima, ayon sa teoryang ito.
Samakatuwid, bago pa man basahin ngisangmambabasa ang
isangteksto, siyaay may taglay nangideyasa nilalaman ngteksto
mulasa kanyangiskimasa paksa.
Uri ng Pagbasa
Pagpapaunlad ng Pagbasa
Ito’y isang uri ng pagbasa na kung saan ang materyales ay preperado at
naglalayong umunlad ang kakayahan ng mambabasa. Ang talasalitaan at ang
mga kaayusan ng pangungusap ay kontrolado at sumusunod sa takdang
criterion para sa pagkasunod-sunod.

Iskiming
Ang mambabasa ay kailangang hanapin o tukuyin kung ang aklat o ang
materyales ay isinulat ng isang dalubhasa na sa tiyak at dapat makita kung ito
ba ay naglalaman ng impormasyon.
Overviewing
Ang mambabasa ay dapat tukuyin kung ano ang layunin at saklaw.
Survey
Ang mambabasa ay kailangan na kunin ang kabuuhan ng ideya ng
materyales.
Iskaning
Ito ay isang pamamaraan na kung saan ang mambabasa ay kailangan
hanapin ang mga impormasyon na kanyang gusting malaman.
Previewing
Ito ay nagbibigay ng kabuuan na paglalarawan. Kaswal Ito ay isang
uri ng pagbasa na kung saan ang mambabasa ay maingat na tinitingnan
ang bawat salita na ibinibigay.
Kaswal
Ito ay isang uri ng pagbasa na kung saan ang mambabasa ay
maingat na tinitingnan ang bawat salita na ibinibigay.
Pagtatala
Ang mambabasa ay tinatala ang mga salitang sa tingin niya
hindi niya maintindihan o napakahirap na salita.
Re-reading o Muling Pagbasa
Ito ay isang paraan na kung saan ang mambabasa ay inuulit
ang pagbasa upang sa ganoo’y ito ay mas lalong maintindihan.
Ngayon dumako naman tayo sa pananaliksik.
Ang pananaliksik ay isang proseso ng pangangalap ng mga
totoong impormasyon na humahantong sa kaalaman.
Isinasagawa ito sa pamamagitan ng paggamit ng kung ano ang
nalalaman o napagalaman na. Matatanggap ang karagdagang
kaalaman sa pamamagitan ng pagpapatunay ng mga panukala
(teorya) o mga pamamaraan (sistema), at sa pagsubok sa mas
mainam na pagpapaliwanag ng mga napapansin o
obserbasyon. Ang isang pananaliksik ay mag iba’t-ibang
katangain, ito ay ang pagiging:
Sistematiko
Empirical
Mapanuri
Obhetibo, lohikal at walang pagkiling orihinal na akda
Akyureyt na imbestigasyon
Matiyaga at hindi minamadali
Nangangailan ng tapang
Maingat napagtata at pag-uulat
PAGBUBUOD AT PAG-UUGNAY-
UGNAY NG IMPORMASYON
Ang pagbubuod ng impormasyon ay isang paraan ng
papapaikli ng anomang teksto o babasahin. Ito ay
paglalahad ng mga kaisipan at natutuhang
impormasyong nakuha sa tekstong binasa. Ito ay hindi
sulating orihinal o hindi kailangang maging sariling
akda. Wala kang isasamang sarili mong opinyon o
palagay tungkol sa paksa. Isinasaad dito kung ano ang
nasa teksto. Kailangang panatilihin ang mga binanggit
nakatotohanan o mga puntong binigyang-diin ng may-
akda (The Silent Learner, 2017).
Ito ay kinukuha lamang ang pinakamahalagang
kaisipan ng teksto. Kung maikling kuwento ang
binubuod o nilalagom, kailanganang pagkakasunod-
sunod ng mga pangyayari. Hindi dapat padampot-
dampot ang pagpapahayag ng mga bahagi.
Kailangang maging malinaw ang pagpapahayag.
Kung ang teksto naman ay isang ekspositori,
maaaring ilahad ang mga dahilan at katuwirang
ginamit upang maayos at mabisa ang paglalahad
(The Silent Learner, 2017).
IBA’T-IBANG PARAAN NG
PAGBUBUOD
Ang hawig ay tinatawag na paraphrase sa
Ingles. Galing ito sa salitang Griyego na
“parapahrasis”, na ibig sabihi'y "dagdag o ibang
paraan ng pagpapahayag."
Ang Lagom o Sinopsis ay isang pagpapaikli ng
mga pangunahing punto, kadalasan ng piksyon.
Karaniwang di lalampas ito sa dalawang pahina.
PAMANTAYAN SA PAGSULAT NG
BUOD
a. Basahing mabuti ang buong akda upang maunawaan ang
buong diwa nito.
b. Tukuyin ang pangungusap na nagpapahayag ng pangunahin
at pinakamahalagang kaisipan ng talata.
c. Isulat ang buod sa paraang madaling unawain.
d. Gumamit ng sariling pananalita.
e. Hindi dapat lumayo sa diwa at estilo ng orihinal na akda
KATANGIAN NG PAGBUBUOD
a. Tinutukoy agad ang pangunahing ideya o punto na kaugnay sa
paksa.
b. Hindi inuulit ang mga salita ng may akda at gumagamit tayo ng
sarili nating mga salita.
c. Ito ay pinaikling teksto.
Ang pag-uugnay ng impormasyon naman ay ginagawa upang
mas maintindihan ang tekstong nais ipahayag. Dito maaari tayong
maglagay ng sarili nating opinyon. Maari tayong magsadula dito
para mas malawakang maintindihan ang impormasyon na
ikinakalap.

You might also like