You are on page 1of 11

MGA

NAPAPANAHONG
ISYUNG LOKAL AT
INTERNASYUNAL
A. IBA’T IBANG ISYUNG
PANLIPUNAN SA PILIPINAS
1. Pang-aabuso sa Kapangyarihan

Mahalaga ang kapangyarihan upang ganap na magampanan


ng isang lider ang tungkulin na inaasahan sa kanya ng mga
tao sa kanyang kapaligiran. Kung wala ito, walang
pwersang makapagbibigay ng pangil para sa mabuting
pagtanggap ng lipunan sa maayos na implimentasyon ng
isang tungkulin. Ang kapangyarihan ay maaaring ipatupad
sa dalawang kaparaanan, ministerial na pagpapatupad at
diskresyunal na pagpapatupad.
(Tandaan: Walang tao sa Pilipinas
o sa ibang bansa man na labis-
labis ang kapangyarihan. Mayroon
itong limitasyon at hangganan)
2. Pandaraya sa Halalan

Ipinagkakatiwala ng taong bayan sa mga pulitiko ang


kinabukasan ng bawat mamamayan sa pamamagitan
ng kanyang boto sa pambansa at lokal na halalan. Ang
bawat balota ay sumisimbolo ng pag-asa sa
pagkakaroon ng magandang bansa at pananalig na ang
suportang kanilang ibinibigay sa pamamagitan nito ay
makabuluhan at kailanman ay hindi pagsisihan.
3. Sistemang Padrino o Palakasan

Isa ito sa di mamatay-matay na isyu na hanggang ngayon ay


laganap pa rin sa iba’t ibang ahensiya o institusyon. Ang
mga nakaluklok sa kapangyarihan ang karaniwang nagiging
saksing bulag at bingi sa hustisya na dapat ibigay sa taong
bayan mapagbigyan lamang ang mga taong
pinagkakautangan ng loob na palasak sa pampubliko at
pampribadong sektor na nagkakaroon ng posisyon sa
pinakamadaling paraan sa basbas ng nasa kapangyarihan.
4. Rebolusyong Pangkalikasan
◦ Isa sa mga napapanahong isyu ang pakikipagsapalaran ng tao sa hamon ng kalikasan na
mahirap labanan kahit gamit pa ang makabagong kasangkapan o teknolohiya.

◦ Sa Pilipinas, hindi malilimutan ang bagyong naminsala sa mga bayan ng Tacloban, Leyte at
karatig isla na kilala sa tawag na Bagyong Yolanda. Maraming namatay, nawalan ng mahal sa
buhay, nawalan ng tirahan, hindi maayos na tubig, kawalan ng kuryente at gayundin ang
kalusugan ng nakararami ay naapektuhan ngunit hindi maitatawa na sa kabila ng mga pinsalang
dulot ng kalikasan ay kakabit nito ang responsibilidad ng mga taong gumagamit nito- ang
◦Kalikasan.
Narito ang iba’t ibang isyung may kinalaman sa
kalikasan.

a) Tamang Pagtatapon ng Basura


b) Pagbabago ng Klima (Climate Change)
c) Pagkaubos ng Likas na Yaman
5. Konsepto ng Kahirapan

Isa sa mga sakit ng lipunan ang kahirapan na


hindi nalulunasan sa kasalukuyan na
inilalarawan sa kawalan ng pag-aaring materyal
na maaari gamitin upang magkaroon ng maayos
na pamumuhay.
6. Usaping Pangkalusugan (a) Malnutrisyon

◦ Ang malnutrisyon ay isa sa mga kinakaharap na problema ng bbansa bunsod na rin


ng kahirapan at kawalan ng wastong pagkain. Dagdag pa rito ang kawalan ng sapat na
kaalaman ngbtao sa kahalagahan ng nutrisyon sa pang-araw-araw na pamumuhay.

◦ Kagutuman at malnutrisyon ang pinakababahalang banta sa kalusugang pandaigdig


samantalang malnutrisyon naman ang may pinakamalaking ambag sa kamatayan ng mga
bata na makikita sa kalahati ng lahat ng kaso batay sa ulat ng World Health Organization
(The
◦Starvelings, 2011).

You might also like