You are on page 1of 11

Ilan sa mga suliraning kinakaharap ng lipunan ay

ang mga sumusunod:


katiwalian
Pang aabuso sa kababaihan
drug abuse
kahirapan
pagtaas ng krimen
polusyon
pagtaas ng bilihin
child abuse
child labor
unemployment
panunuhol
kawalan ng disiplina
suliranin sa agrikultura
mga rebelde
out of school youth
Mga posibleng solusyon sa suliranin ng ating lipunan
Katiwalian
Mas higpitan ang batas sa mga taong gumagawa ng katiwalian sa
bansa upang magkaroon naman sila ng takot sa mga posibleng
parusa kung sakaling gagawa sila ng katiwalian sa ating bansa.
Pumili ng mapagkakatiwalaang mamumuno upang maka sigurado
na nasa mabuting kamay ang kaban ng bayan

Pang aabuso sa kababaihan


Magkaroon ng programa para sa mga kababaihan, programa na
mag mumulat sa kanila ng kanilang mga karapatan, programa na
magtatanggol sa kanila kung sila ay inaabuso.

Drug Abuse
Ma paigtingin pa ang batas para sa mga nagbebenta at gumagamit
ng ipinagbabawal na gamot, magkaroon ng mga programa na
naglalayong

papagbaguhin ang mga taong mahuhuli sa ganitong krimen


ipamulat sa kanila na sobrang laki ng epekto nito sa kanilang
kalusugan at pamumuhay.

Kahirapan
Turuan mas maging produktibo ang mga mamamayan, Para
naman sa mga mamamayan wag umasa na lamang sa
pamahalaan, tulungan din ang sarili upang umangat sa buhay
huwag aasa sa gobyerno lamang. Magtayo ng programa na
magtuturo sa mga tao ng mga paraan kung papaano kikita ng pera
sa pamamagitan ng ibat-ibang bagay. Pagtuturo ng pagnenegosyo
para sa may maliliit at malalaking puhunan.
Pagtaas ng krimen
Ang pagtaas ng krimen sa bansa ay kaugnay parin ng
ipinagbabawal na gamot, dahil sa bawal na gamot marami ang
gumagawa ng masama, kaya nga kung maari ay mas higpitan pa
ang batas ukol dito. Laging sa publiko

ang mga dapat gawin upang makaiwas sa masasamang loob


ibayong pag iingat ang kailangan.

Polusyon
Marapat lamang na higpitan ang batas ukol sa mga mahuhuli na
gumagawa ng ikasisira ng ating kalikasan, maglunsad ng mga
programa kung papaano nga ba wastong mapangangalagaan ang
ating inang kalikasan sapagkat dito nakasalalay ang ating
kinabukasan.

Pagtaas ng bilihin
Ang dahilan ng pagtaas ng bilihin ay ang kakulangan ng supply
ng mga produkto natin dahilan sa mga kalamidad na nangyari sa
ating bansa. Maging handa sana ang ating pamahalaan sa mga
kakapusang darating sa atin upang ang pagtaas ng bilihin ay di
gaanong maka epekto sa atin.
Child abuse
Paigtingin pa ang batas para sa pang aabuso ng ating mga
kabataan. magtayo ang pamahalaan ng mga tahanan na
kakalinga sa mga batang naabuso at pinabayaan ng kanilang
mga magulang.

Child Labor
Ang child labor ay kaugnay ng kahirapan, dahil sa hirap ng buhay
at kawalang intindi ng mga magulang ay napipilitang mag banat
ng buto ang ilan sa ating mga kabataan. Dapat may programa na
mag papamulat sa mga magulang ng karapatan ng mga
kabataan,dapat malaman nila na karapatan ng mga bata ang mag
aral, maglaro,pakainin. Hindi iyong pinagtatrabaho nila sa
murang edad pa lamang.

Unemployment
Dapat gumawa ng pamahalaan upang makaakit ng mga investors
na magtayo ng mga negosyo sa ating bansa para sa ganun ay
magkaroon ng aportunidad ang marami sa atin na magkaroon ng
trabaho at pagkakakitaan.

Panunuhol
Paigtingin ang batas at parusa sa mga taong mahuhuling
manunuhol o magpapasuhol.
Kawalan ng Desiplina
Dahil sa kawalan ng disiplina ng marami sa atin naparaming
suliranin ang idinulot nito, katulad nalang ng kawalan ng
disiplina sa pagtatapon ng basura,kawalan ng disiplina sa
pagsunod sa trapiko,kawalan ng disiplina sa pag huli ng mga
ipinagbabawal na isda sa dagat, gayun din ang kawalan ng
disiplina sa paghuli ng mga hayop sa gubat, dahil sa kawalan natin
ng disiplina lalong lumalala ang suliranin sa lipunan kaya sa
suliraning ito tanging tayo rin lang ang makakagawa ng
solusyon.
Suliranin sa Agrikultura
Maglaan ng malaking budget sa agrikultura ang pamahalaan,
dagdagang ang mga patubig sa mga lupang sakahan. Maglaan ng
mga programa sa mga magsasaka para sa pagtuklas ng mga
makabagong paraan sa paghahayupan,paghahalaman at iba pa.
Mga Rebelde
Isulong ang peace talk, mas mabuting masolusyonan ang mga
suliranin sa maayos na usapan upang magkaroon na ng
katahimikan.
Out of School Youth
Dapat palawakin pa ng pamahalaan ang programa ukol sa libreng
pag aaral ng mga kabataan, Gumawa ng mga programa na
naglalayong hikayating bumalik sa pag aaral ang mga batang
hindi pumapasok sa paaralan, hikayatin sila na mas makakamtan
ang magandang kinabukasan kung makapagtatapos ng pag aaral.
Ang mga sumusunod ay ang 10 halimbawa ng suliraning
pangkapaligiran:
1. Climate Change

Ito ay tumutukoy sa pagkakaroon ng kaibahan sa klima. Ang mga


dapat at tipikal na nangyayari sa panahon at klima ay naiiba at
madalas, ito ay lumalala. Halimbawa ay ang pagkakaroon ng
mainit na temperature sa buwan na dapat ay malamig.

2. Polusyon

Ang polusyon ay ang presensya sa kapaligiran kung saan ito ay


nagdudulot ng masamang epekto. Ang halimbawa nito ay polusyon
sa tubig, sa lupa, sa hangin at sa liwanag, na madalas ay dulot ng
lubos na paggamit ng mga tao sa kayamanan o kagamitan nang
hindi inaayos ang pagtapon nito.

3. Global Warming

Ang Global Warming ay ang pagtaas ng temperature ng mundo.


Kada isang daang taon ay napansin ng mga ekperto na tumataas
ang tipikal na temperature ng mundo. Kapag ito ay nagpatuloy sa
pagtaas, matutunaw ang mga yelo sa hilaga at timog na bahagi ng
mundo, tataas ang lebel ng tubig at maaring magkaroon ang mga
tao at hayop ng malalang sakit.
4. Problema sa solid waste

Ang problema sa solid waste ay dahil sa hindi wastong pagsasaayos


at pagtapon ng mga basura. Hindi nahihiwa-hiwalay ang mga
kagamitang pwede pang gamitin at ang mga basura ay nakahalo
sa isa't isa. Maaring magdulot ito ng sakit at pagkabaha.

5. Deforestation

Ang deforestation ay ang suliraning pangkalikasan kung saan


lumiliit ang bilang mga puno o kagubatan. Nangyayari ito dahil sa
hindi wastong pagputol ng mga puno at hindi rin napapalitan ang
mga napuputol na puno. Nasisira ang kagubatan at mula dito,
maaring magdulot ito ng pagkabaha at mawala ang tirahan ng
mga hayop.

6. Pagnipis ng Ozone Layer


Ang pagnipis ng Ozone Layer ay dahil sa labas na carbon dioxide sa
ating planeta. Kapag labis na naging manipis ang Ozone Layer,
lalong tataas ang temperature ng planeta, magiging mas mainit at
maaring magkaroon ng sakit ang mga tao at hayop at tumaas ang
lebel ng tubig.
7. Pagkawala ng Biodiversity
Ang kaganapang ito ay epekto ng mga naunang suliraning
pangkapaligiran. Dahil dito, maapektuhan rin ang ating mga
pagkain at tirahan ng mga hayop. Maaring mas maraming hayop
ang maging extinct o tuluyan nang mawala sa mundo.
8. Pagkasira ng Lupa
Ang pagkasira ng lupa ay maaring dulot ng kakulangan sa puno,
sa polusyon at iba pang mga suliraning pangkapaligiran. Dahil
dito, maapektuhan ang mga halaman at ang ecosystem.

9. Urbanisasyon
Ang urbanisasyon ay tumutukoy sa pagiging urbanidad ng isang
lugar mula sa pagiging rural. Dahil dito, lumalaki ang populasyon,
maaring lumaki din ang lugar na nasasakupan nito kung saan
maaring maapektuhan ang ating kapaligiran. Mas pipiliin ng iba
na tayuan ng mga gusali ang isang lugar kaysa sa ipreserba at
alagaan ang kapaligiran.

10. Kaingin System


Ang kaingin system o kaingin ay ang pagputol o pagsunong ng
mga puno at kagubatan. Ito ay may masamang epekto sa
kapaligiran dahil pinipigilan nito ang pagtubo at paglaki ng mga
puno at ang usok ng pagkasunog ay makakaapekto sa Ozone
Layer.
Napapanahong isyu tungkol sa Pilipinas ngayon
Korapsyon,polusyon,kakulangan sa mga pasilidad sa ibat ibang
sektor ng pamahalaan tulad sa edukasyon, sa mga ukol sa
pangkalusugan tulad ng ospital, health centers clinic, ang utang ng
pamahalaan sa ibang bansa, ang pagtaas ng mga bilihin at kung
tumataas nga ba ang ekonomiya ng bansa, ang
kahirapan,populasyon at higit sa lahat ang napapanahong pagpatay
ng isang nilalang. Ilan lamang ito sa napapanahong isyu tungkol
sa Pilipinas ngayon. Mga napapanahong isyu ngayon: Kahirapan.
Ang kahirapan ang isa sa mga mabibigat ng problema ng ating
bansa. Madalas nating sisihin ang maling pamamalakad ng mga
pinuno ng bansa, pero sila nga ba ang may kasalanan o tayong
mga Pilipino na tamad? Sabi nga nila, “Katamaran ay katumbas
ng Kahirapan”, tama sila, at tama rin naman ang mga taong
nagsasabing nasa gobyerno ang pagkakamali. Ang rason kung
bakit patuloy pa rin ang paghihirap ng ating bansa ay ang mga
sumusunod:
1. Ang dahilan ng kahirapan sa Pilipinas ay kakulangan ng
pagtutulungan.
2. Digmaan .
3. Pagmamalabis
4. Krisis
5. Maling pagtrato sa mga pulubi at mahihirap.
6. Ibang priority ng may hawak ng pera
7. Kakulangan sa pangangalaga sa kapakanan ng mga halaman
at hayop. 8. Pagtago ng pera ng ilan at hindi pinaiikot.
9. Nabalitang corruption.
10. Kakulangan ng disiplina ng mga tao .
Kung patuloy nating paiiralin ang ganoong mga pag-uugali, hindi
uunlad ang ating bansa. Walang mangyayari. Walang
makakamit na progreso ang Pilipinas. Ngunit ang naisip ko
lamang na solusyon sa kahirapan sa ating bansa ay pagkakaroon
ng DISIPLINA. Ang hirap lang kasi yung iba wala naman yata sa
bokabularyo nila ang salitang disiplina. Yun lang naman ang
kelangan natin talaga. Hindi naman magagawa ng iisang tao ang
pagbabago ng buong bansa. Tayong lahat ang dapat gumalaw para
magbago. Tigilan na rin natin siguro ang crab mentality. Imbes na
matuwa dahil may nararating ang iba, naiinggit pa ang iba. Imbes
na magsikap para sa sarili nila, naghihintay na may ibigay na
lang ang gobyerno sa kanila. Kaya walang nararating ang iba sa
atin. Disiplina nga ang kailangan. Karamihan sa atin, lahat na ng
pangit na nangyayari sa buhay nila, sa gobyerno nila sinisisi.
Hindi sila nakapag aral, gobyerno ang sisisihin, wala sila trabaho,
gobyerno nanaman ang may kasalanan. Wala silang makain,
gobyerno nanaman. Nakakapagtaka tuloy bakit may mga
indibibwal na nagmula din sa miserableng buhay, subalit sa
pagsisikap ay nakaahon. Disiplina nga ang kailangan. Kapag may
disiplina lahat ng magagandang kaugalian ay susunod na.
Matutong magsipag at magtiyaga ang isang tao. Hindi rin gagawa
ng mali. Hindi rin aasa lang sa bigay ng gobyerno at lalong hindi
nito sisisihin ang gobyerno. Pero ang tanong, paano matuturuan ng
disiplina ang taong wala nito? Kumilos na tayo hangga't may oras
pang natitira. Masosolusyunan natin ang kahirapan basta tayo ay
nagtutulungan. Kaya kung ako sayo, tulungan mo ang sarili mo
na magkaroon ng disiplina at maya-maya kapag talagang sa
tingin mong tiyak na mayroon ka ng disiplina, tumulong ka na sa
komunidad upang makagawa tayo ng mas maunlad at mabuting
bansa.

You might also like