You are on page 1of 1

Napapanahung Isyu Ngayon: Overpopulation

Overpopulation. Ito ang isa sa mga mabibigat na problema na kinakaharap ng ating bansa kahit noon pa,
ngunit ito rin ang isa sa mga daang-daang problema ng ating lipunan na isinasantabi ng mga
mamamayan at hindi binibigyan pansin ng marami. Ngunit dahil sa kakulangan natin na bigyan ito ng
atensyon, malaki na ang nagawa nitong pinsala sa ating buhay tulad na lamang ng paglaganap ng
kahirapan. Kung kaya’t paano natin masosolusyonan at mapipigilan ang problemang ito kung hindi
naman ito napagtutuonan ng pansin?

Sa tuwing nakakarinig tayo ng balita tungkol sa kahirapan ang una nating sinisisi sa problemang ito ay
ang pamahalaan. Wala tayong ibang masisi kundi ang pamahalaan dahil alam natin sa sarili natin na wala
tayong ginawa para masugpuan ito. Kaya bago tayo magturo ng isisisi, tignan muna natin ang dahilan sa
mga pangyayaring ito. Kasalanan nga ba ito ng pamahalaan, o bunga ng ating pagiging mga maksarili at
iresponsable na mga indibidwal?

Ang lumulobong populasyon natin at kakulangan sa disiplina ang isa sa mga pangunahing dahilan ng
kahirapan. Mayroon ring ibang mga dahlilan na nagdudulot nito tulad ng kakulangan sa pagbibigay ng
impormasyon o kaalaman sa mga tao at kakulangan sa pagtalaga ng mga programang pampubliko tulad
ng Family Planning. Bunga nito, maraming mamayan ang kumkalam ang sikmura at nagkaksakit. Dahil
rin sa overpopulation, ay hindi na nagkakaroon ng sapat na mapgkukunan ng pangangailangan kaya’t
kung minsan ay umaabot na ito sa punto ng pang-aabuso sa ating kapaligiran na nagdudulot ng paunti-
unti nitong pagkaubos at pagkasira. Marami ring mga Pilipino ang hindi naipagpapatuloy o
nakapagtatapos ng kanilang pag-aaral dahil sa kakulangan sa pinansyal na pangangailangan. Kaya’t ang
iba ay napipilitang magtrabaho sa murang edad pa lamang samantalang ang iba ay naudyok na gumawa
ng masasamang bagay para mabuhay. Ito ang masakit na katotohan ng buhay na kailangan nating
harapin. Dahil dito, nahihirapan tayong iahon ang lugmok na ekonomiya ng Pilipinas.
Kaya’t naglunsad ng mga programa at batas ang pamahalaan para ito ay masugpuan, gaya nalang ng
RH BILL, ito ay isang batas na nagsasaad ng mga kondisyon gaya ng, pagpapalaganap ng paggamit ng
contraceptives at iba pang paraan upang mapigilan ang pagbilis ng paglaki ng ating populasyon.Marami
ang tumututol dito, lalo na ang mga taong simbahan, sapagkat ang mga kondisyon daw na isinasaad nito
ay taliwas na sa turo ng simbahan at pumipigil ng buhay. Pero sa huli, ang solusyon lang naman sa
problemang ito ay “responsible parenthood” at disiplina sa sarili.

Kaya’t habang may oras pa, simulan na natin likhain ang tunay na pagbabago na dapat natin umpisahin
sa ating mga sarili.

Sana’y nagsilbing “eye opener” o isang bagay na makapagpapagising sa ating mga isipan ang blog ko
ukol sa bagay na ito. Salamat sa inilaan niyong oras paara basahin ito.

You might also like