You are on page 1of 2

Kahirapan sa Pilipinas

Ito ang isa sa mga problema ng ating bansa na hanggang ngayon ay hindi parin
masolusyonan, at lubos na dapat bigyan pansin ang ganitong problema at
hanapin ang mga salik kung bakit ganito ang sitwasyon ng Pilipinas

Sanhi sa Kahirapan

Isa na sa mga kontribyutor ng kahirapan ay ang mismong gobyerno natin dahil


kung hindi man korap ay walang planong resolbahan ang ganitong problema
dahil halos kalahati ng populasyon ng Pilipinas ay mahihirap at nasa 11 milyon
na pamilya ang kabilang sa kahirapan. Malaking bagay ito dahil isa tayo sa mga
“third world countries” (bansa na hindi gaanong maunlad o progresibong ekonomiya) dito
sa mundo, at mahirap umasenso ang bansang katulad ng Pilipinas

Epekto ng kahirapan sa kabataan

Ang kahirapan na ating nararanasan ay nagdudulot ng masamang epekto sa


atin lalong-lalo na sa mga kabataan. Ang iba sa kanila’y hindi na nakapag-aaral
sapagkat wala na silang pera pangmatrikula. Ang iba naman ay nagtatrabaho
na kahit bata pa lamang sila. Nagiging kawawa ang mga ito dahil imbis na sa
eskwelahan at papel at ballpen ang hawak, sampaguita at sa lansangan sila.
Malaking epekto ang ibinibigay nito pag dating sa kabataan at maaaring
tumagal sa pag asenso ang ating bansa kung ang nakakaranas ng gamitong
problema ay halos mga kabataan. Napakaraming problema ang naidudulot
nito lalong-lalo na sa mga kabataan pa man din na ang kabataan ang pag-asa
ng bayan . Paano pa tayo aasa sa mga bata kung sila mismo ay hindi nakapag-
aral.

Maaring Solusyon

Ang tanging solusyon nalang ng ating bansa para dito ay nagsisimula sa


kabataan, dapat iimprove ang systema ng education ng ating bansa at
karamihan sa mga mahihirap ay di nakapagtapos ng pag aaral. Napakalaking
bagay ng edukasyon para umasenso ang bansa kaya dapat bigyan pansin ito ng
ating gobyerno at hanggat sa maaari ay mabawasan ang kahirapan sa pilipinas.

You might also like